Chapter 36
Damien was irritated because Alyssa did not sleep in their room. Alyssa does not want his explanation for the second time. Doon ito natulog sa isa sa mga guest room nila at ang dalaga mismo ang nagbukas noon nang sinubukan niyang kandaduhan lahat ng guest room sa buong Mansyon upang bumalik lang sa kuwarto nila ang dalaga.
Isang linggo na siya nitong hindi kinikibo o kinakausap at halos napapanisan na silang dalawa ng mga laway nila dahil sa tuwing magpapaliwanag ang binata ay ayaw itong pakinggan ng dalaga.
She already knows the reason why he is upset but that's not a valid reason to snapped at her or to someone else. Ang rason ng dalaga kung marahil baril ang nahawakan ng binata at bigla nalang itong nainis dahil pumasok.
Babarilin ba agad nito? Paano kung siya talaga yon may magagawa baa ng rason ni Damien? Ang tanong na iyon ang siyang nagpatahimik kay Damien nang mga ilang araw dahil ang sinasabi ni Alyssa ay malaki ang punto.
He will never forgive himself if he ever shoots his girl with his gun. Ballpen pa nga lang ang tumama sa noo nito abot-abot na sa langit ang konsensya niya. Paano pa kaya pag bala ng baril ang tumama dito baka hindi lang niya mapatawad ang sarili niya baka siya pa mismo ang kumitil sa sarili niyang buhay.
Binago ni Alyssa ang binata. Binago niya na maging reasonable itong tao at hindi nalang basta-basta gagawa ng desisyon na hindi tinitignan o pinag-iisipan. Now, he is just looking at her while she paints outside.
Inikutan pa siya ng mata ni Alyssa nang hindi siya pumayag noong una dahil mapanganib pero nang sinabi niyang siya ang magbabantay para makalabas lang ang dalaga ay hindi nalang ito nagreklamo pa.
What's the use of reacting when she knows it's reasonable. Kaya heto, tanging panonood lang sa dalaga ang nagagawa niya dahil hindi siya makalapit dito. Binigyan na siya ng dalaga nang panahon para magpaliwanag pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya kinakausap nito at hinahayaan niya lang ito.
This is his punishment, and it is consuming not only his sexual life but also his time with Alyssa. "Oh' damn dove, you are really hard to please these past days." Bulong niya sa sarili. He's planning something for both Alyssa and himself, but he can't pull it off, especially with his woman like this..
'Damien, you're a chicken; all you have to do is apologize again and ask her to dress up beautifully, and you and her are on your way!' Parang baliw ang binata na kinakausap ang sarili at nababahag ang buntot sa paglapit sa kanyang Alysaa.
Ganito ba talaga ang nagagawa ng mga minamahal nilang babae sa kanila? They appeared to be a willing puppy ready to obey their Master's command. Damien will gladly obey Alyssa's orders and even kneel in front of her just to make his girl happy. Kahit na utusan pa siya ng dalaga na halikan ang mga paa nito ay gagawin niya.
That's how much he cares about Alyssa. Even though he is the Boss, he is willing to be her slave. Sa labas ng silid nila ay siya ang masusunod ngunit kapag silang dalawa lang o ang problema ay silang dalawa lang ang involved.
The Boss vibes is not welcome in this matter. Gaya nalang nito, hindi na naapply ang pagiging Boss niya sa bagay na ito dahil ang problema ay ang ugali na niya mismo. His dove is an angel, which is why he feels so guilty when he looks at her face right now.
Ang maamo nitong mukha ay mababasa ang inis na kahit na pagpipinta nito ay apektado. Ilang papel na rin ang nilukot nito dahil sa inis sa kanya sa mga papel nabubuhos ang lahat.
Napakatalentado ng kanyang Alyssa pagdating sa pagguhit at hindi niya nais na maapektuhan ito dahil sa problema nilang dalawa o mas tamang sabihin dahil sa ginawa niya. Damien's works are all pending kung hindi lang nagboluntaryo si Leon na gawin muna ang trabaho niya habang inaamo ang dalaga.
Mahirap pala talagang galitin ang maamong tupa, nagiging tigre pala ang mga ito kapag ginagalit. Damien scrutinized his dove from head to toe. He will not let this day pass without being on good terms with his dove.
Tama na ang panonood at pagtingin lang dito, hindi na niya kaya. Hindi na niya kaya lalo pa at frustrated din ito. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuang sa likod ng dalaga at dali-daling hinila ito.
"Hey, what are you doing?!" Sigaw nito at pilit na inaalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa pulsuhan nito. He didn't answer her. Dinala niya ito sa garahe at isinakay sa isa sa mga sasakyan niya.
Tinignan lamang sila ng mga tauhan ng lalaki. "I'm in the middle of my work! Ibalik mo ako doon!" Reklamo nito pero hindi niya pa din inimik ito. Ayaw niyang sagutin ang dalaga. Alam ng binata na dahil sa ginawa niya ay iniisip ng ni Alyssa na hindi niya mahal ito.
May kasabihan kasi na 'kapag mahal mo ang tao kahit na presensiya nito ay malalaman mo' kaya marahil malalim itong nag-iisip nitong mga nakaraang araw. Ang kasabihan na iyon ay hindi totoo, hindi naman sa presensiya nalalaman yon nasa tibok ng kanyang puso at nasa isipan niya dapat ito.
"I'm angry and confused," bigla nitong sabi na nilingon niya sandali at ibinalik ang atensyon sa daan. Bumuntonghininga ang binata. "I know." He answered shortly. Alam niya, galit ito sa ginawa niya at nagtataka ito sa ikinilos niya.
"And, I am sorry for that." He sincerely said. Sinulyapan niya ang dalaga at tumango lang ito ngunit naroon pa din ang pagduda. "I know you are doubting my love again for you," sabi din niya. Alyssa then turned to face him. Her gaze was buried into his face.
"I love you. I will say it one hundred million times if you asked me too. Papatunayan ko sayo na mahal kita hanggang sa huling hininga ng buhay ko," ani ng binata habang seryosong nakatingin sa daan.
Natahimik ang dalaga at napaayos ng upo. Alam niyang nagsasabi ng totoo ang binata pero hindi niya lang maiwasan talaga lalo pa at pakiramdam niya ay kailangan lang siya ng binata kapag kailangan lang siya nito at kapag hindi ay hindi siya nito hahanapin at pupuntahan.
She remained silent, preferring to learn how Damien will demonstrate his actions and love. Tahimik lang siya hanggang makarating sila sa isang gusali at inihinto ni Damien roon ang sasakyan.
Binuksan ni Damien ang sasakyan at pinalabas siya. She looked at Damien as if he had grown two heads. Basang-basa niya kung anong building ito at hindi siya maaring magkamali sa pagkakabasa roon dahil kahit na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral hindi naman hadlong iyon. Matalino siya at madaling matuto.
They've entered at the building. May mga tao sa loob at abala ang mga ito. Dire-diretso ang pagpasok nila na siyang ipinagtataka niya. Pumasok sila sa isang pintuan na mas lalong ikinalaki ng mata ni Alyssa.
They've entered without knocking. At nang makapasok sila ay mas lalong kinabahan ang dalaga. She doesn't want to make assumptions, but she pretended. She was shocked for the three people who were inside waiting.
Karlos, Jask and Leon are there and they are waiting for them. Pormado pa ang tatlo at mukhang pinaghandaan pa ito. Pakiramdam niya tuloy ay underdressed siya at hindi bagay sa pinuntahan nila. Nakasuot lang siya ng simpleng puting bestida, si Damien ay putting long sleeve at slacks lang samantalang ang tatlo ay nakacoat and tie pa. "What are you doing here?" She asked. The three pointed at Damien.
"It was his order, and we can't refuse him." Leon responded by rolling his eyes. "Let's get this done so we can get back to work." Jask insisted vehemently. "Ano bang gagawin niyo dito?" Tanong niya.
Napangisi lang ang tatlo na napatingin sa kaliwa nila na may matandang nakatayo at tila nag-aantay na mapansin ito. "We are ready judge. Please, make it short." Sabi ni Damien na tila nagmamadali at na hinila siya papunta sa harapan nito.
"Atat lang." Hindi na lumingon pa ang dalaga kung sino ang nagsabi nito. Iisang tao lang naman ang mahilig magside-comment. Tumango ang judge na parang naiintindihan si Damien, kilala ata nito ito.
"Do you take Alyssa Nicole Paderes as your lawfully married wife, Damien Axel Ambrose?" Nanlaki ang mata ni Alyssa sa tinanong nito at talagang short ang ginawa ng judge na ito na nagpagulat sa kanya.
"Teka, teka, what is this?" She asked, startlingly. Leon laughed behind her back. She was aware of it. The judge first looked at her and then at Damien. "Talaga bang pakakasal sa'yo ang babaeng ito, Mr. Ambrose. Hindi ba siya napipilitan?" Tanong nito kay Damien.
The three didn't hold back their laughed anymore. Tawang-tawa na ito na siyang ikinasama ng tingin ni Damien sa kanila nang lumingon ito. Hinarap ni Damien ang dalaga at hinawakan ang kamay nito.
"Please understand that this is my way of demonstrating to you that my love for you is unconditional. Marry me today and allow me to hold your hand forever." Nakikiusap na sabi nito. Tumingin siya sa mga mata ng binata at naroon ang kasiguraduhan samantalang siya ay nagdadalawang-isip dahil baka nadadala lang ang binata sa bugso ng damdamin nito.
"Ngayon lang ako naging ganito kasigurado sa buong buhay ko, Alyssa.In this matter, I have no reservations. You are my forever, so please forgive me for making decisions on your behalf and for what I did last week. I adore you, my dove, and this is my way of removing those doubts in your heart so that you can marry this unworthy man to be your husband."
Damien kneeled this time to ask her to marry him. Damien's word removed all of Alyssa's concerns. Alyssa was overjoyed and satisfied after hearing those words.
Hindi na siya makakahanap pa ng ganitong lalaki na inihahandog ang buong buhay niya pati ang paghingi ng tawad sa kanya nang nakaluhod.
Alyssa smiled at Damien, tears welling up in her eyes. She turned to face the judge and said. "Let's get this started, judge, so I can be with my husband until the day he dies."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top