Chapter 12


Sa tuwing nakikita ni Alyssa ang pagkain na inihahanda sa kanya ay hindi niya ito magalaw-galaw at sa tuwing susubukan niya namang kumain ng kaunting ulam at kanin sa kutsara ay pinipilit ng dalaga na isuka iyon sa takot na tumaba siya.

Pipilitin niya ang sarili na isuka ang kaunting pagkain gayong hindi naman iyon maapektuhan ang timbang niya. She's still underweight and malnourished but she didn't saw it. Hindi pa din nila sinusukuan si Alyssa lalo pa at tubig lang ang kinukunsumo nito.

Inuunti-unti nila ang pagpapakain sa kanya mula sa light at heavy meals pero parang wala pa rin itong kuwenta kahit na iniba nila ang diet ng dalaga. Ang inaantay nalang nila ngayon ay ang diagnose nito Doctor Harvey at ni Karlos na pupuntahan ang dalaga bukas upang ito mismo ang kumausap dito.

Hindi malalaman kung ano ang tunay na kalagayan ng dalaga hangga't hindi nalalaman kung ano ang sakit nito o kung may sakit ba talaga ito. Alyssa is hiding from everyone's attention.
She hides in one of comfort room.

Doon siya sa C. R. na walang gumagamit at doon ay isinusuka niya ang ilang subong kinain niya kahit na tubig na lang ang isinusuka nito. Iniisip ng dalaga na kahit kaunti lang 'yon, ilang kilo ang madadagdag noon sa timbang niya.

Nagtago ang dalaga kung saan kahit na ang mainit na mga mata ni Damien ay hindi siya mapapansin. Mainit ang dugo sa kanya ng may-ari ng bahay na ito baka mapalayas siya nang wala sa oras, wala pa namang balita sa kanyang mga magulang.

Naupo ang dalaga sa bowl ng C.R. matapos nitong hilamusan ang sarili at magmumog mula sa pagsusuka nito. Oatmeal, saging at gatas na nga lang ang agahan niya ay hindi niya pa ito matunaw-tunaw sa kanyang tiyan. She fears to gain weight.

Nakadagdag pa sa trauma nito ang panunuya at insulto ng mga kalalakihan sa Casa sa loob ng limang taon na siyang mas lalong nagpalala sa trauma ni Alyssa. She bowed her head and sighed deeply. She's measuring her breathing.

Ang gulung-gulo ng mukha at ayos ni Alyssa. Ang kanyang buhok na nasa mukha ay nabasa ng tubig. Napagod siya sa pagpilit sa sarili na isuka ang mga kinain niya. Ganito palagi ang senaryo kapag kumakain siya, hindi niya mapigilan iyon.

'Lord, bakit nangyayari ito sa akin?' She asked. Dati, alam na alam ni Alyssa na maganang-magana siya sa pagkain noon hindi pa siya nakikidnap. She eats healthy food.

Wala siyang problema sa bagay na iyon pero ngayon tila isa na naman itong malaking dakog sa buhay ng dalaga.

Tinignan ni Alyssa ang pulsuhan habang hinahawakan ang mga linyang nasa kanyang pulsuhan. Ang iba ay bago, ang iba naman ay kakagaling lang ngunit sinusugatang muli ng dalaga. This is her way of taking the pain away and it's by being numb.

Kahit papano kung manhid na ang katawan niya sa sakit. Sanay na siya at wala na itong magiging epekto sa kanya. Tanging mga matatalim na salita nalang mula sa ibang tao ang magiging kutsilyo na itatarak sa likod ng dalaga.

Kahit saan man siya magpunta ngayon, madadala at madadala niya ang mga nangyari sa kanya na maaring magdulot ng hindi maganda sa kanyang hinaharap. "Hindi na naman ako umaasa." Bulong niya sa sarili. Hindi na siya umaasa, hindi na siya umaasang magiging maganda pa ang kinabukasan niya dahil nasira na ito.

Nasira na ito noong nakaraang limang taon. Sa kuwartong inookyupa ni Alyssa, lahat ng bagay roon na nagpapakita sa kanyang repleksyon ay kanyang tinakpan. Pamamaraan niya ito upang hindi makita at pandirihan ang sarili.

Para sa kanya dahil mataba siya, panget na rin siya. Kahit na ang salamin kung nasaan siya ngayon ay hindi niya matignan-tignan. Isang malaking unos pang-sarili ang nangyayari sa dalaga.

Nakatakas nga ngunit iilang tao lang ang maharap-harap niya dahil sa insekyuridad sa sarili. Hindi sinadya ng dalaga na magkaganito pero dahil doon nahihirapan siyang pakisamahan ang iba. Piling mga tao lang ang nakakalapit sa kanya at ang ilang iyon ay sina Jask, Leon, Doctor Harvey at Carmela lang.

Wala siyang mukhang maihaharap sa ibang tao lalong-lalo na kay Damien. She didn't even know why she's affected so much with Damien's attention. Hindi rin alam ng dalaga kung bakit nasasaktan siya kapag iniiwasan siya ng binata o ang samaan siya ng tingin nito.

Nais niyang tignan siya ng binata nang hindi naiinis o nagagalit, alam niyang hinahangaan niya ang binata ngunit dapat lamang na itago ang pagtatanging ito lalo pa at pinaglihi sa sama ng loob si Damien.

Isa o dalawang beses niya lang nakita ang binata ngunit ang mukha nito ay memoryadong-memoryado na ni Alyssa. 'Don't think of him, Alys.' Aniya sa sarili at minartilyo pa ang ulo gamit ang kamao nito. 'He's not interested with someone like you.' Dagdag niya pa sa sarili.

Walang tiwala ang dalaga sa sarili kaya nga minsan siya na mismo ang nang-iinsulto sa kanyang sarili. Hindi niya maipagkakailang nais niyang makita ang mukha ni Damien muli hindi niya maintindihan ang sarili gayong ang lamig-lamig ng binata sa kanya ngunit ito pa din ang hanap-hanap niya.

Tanga na nga ba siya o bulag para hangaan ang isang taong hindi nga siya masulyap-sulyapan. Marahil ay ganoon lang talaga ang paghanga sa isang tao, ayawan ka man niya ay gugustuhin mo pa din siya.

Wala namang inaasahan si Alyssa na kabayaran sa paghanga niya dahil hindi mangyayari iyon. Si Damien ang pinag-uusapan dito, si Damien na malamig, masungit at mainitin ang ulo.

Tumayo ang dalaga mula sa kanyang pagkakaupo at dahan-dahang tumayo upang lumabas na ng C.R. ngunit pagkalabas na pagkalabas niya ay siya namang harang sa kanya ng taong kanyang kinatatakutan at hinahangaan.

Napasinghap si Alyssa nang bumangga siya sa matitipunong dibdib ni Damien. Agaran siyang umatras at humingi ng tawad upang hindi magalit ang binata. "I'm sorry. I'm sorry." Ilang pagyuko ang ginawa ni Alyssa baka isipin na naman ng binata ay wala siyang modo.

Pinatuloy na nga siya sa tahanan nito hindi pa siya marunong rumespeto. She didn't hear him said something. Pigil-hininga ang ginawa ni Alyssa at hindi niya tinignan ito sa mukha, tanda niya kasi ang sinabi nito noon. Ilang sandali pa ang katahimikang iyon baka nagpaalam si Alyssa kay Damien.

"I'm sorry again, Sir. Babalik na ako ng kuwarto ko." Napalunok na wika ni Alyssa. Ang laki ng pagitan ng awkwardness nila at hindi ito kayang tagalan ni Alyssa lalo pa at ramdam niya ang matiim na pagtitig ni Damien sa kanya.

When she was about to leave, Damien stop her. Hinigit nito ang kanyang pulsuhan at binalya siya sa pader. Nakaharap siya sa binata habang ang likod niya ay nakalapat sa pader at ang dalawang pulsuhan ay mahigpit na hawak ni Damien.

"Looked at me." He said gritting his teeth. Alyssa's eyes were close. Natatakot siya sa ginagawa ng binata sa kanya. Natatakot siya na ang hinahangaang lalaki ay katulad ng mga nanakit sa kanya.

Umiling si Alyssa at mas lalong ipinikit ang mga mata. Naubos na yata ang maikling pasensya ni Damien. "I said looked at me!" He shouted that's why the girl's eyes snapped open. Naghinang ang mga mata nilang dalawa.

Alyssa's eyes went to Damien's lips. Matagal na naging ganoon ang sitwasyon kung sana'y dinig lang nilang dalawa ang puso ng isa't-isa maaring mabawasan ang tensyon sa pagitan nila.

Damien's heartbeats were fast and rapid, but his thoughts were elsewhere. Tila ilang araw na pananatili ni Alyssa rito ay napalitan na agad ang nilalaman ng puso nito noon at tanging ang kilos na lamang ng binata ang pumipigil sa sarili nito dahil maging ang hypothalamus ni Damien ay si Alyssa ang nilalaman.

Alyssa wanted to say something but instead her mouth did the thing she will surely regret. Mapusok na hinalikan ni Alyssa ang labi ni Damien na siyang ikinagulat niya mismo hindi niya alam kung saan nanggaling ang ginawa niyang yon. Hindi agad naka-react si Damien nang lumapat sa kanyang labi ang labi ni Alyssa.

Damien kissed her deeply, and when she was about to grab his hair, he stopped her. Itinulak niya ang dalaga at binitiwan ang mga pulsuhan nito. He remembered his dead fiancée once more, and with that, he put an end to the most exciting event in his life.

Ang kasiyahan na naramdaman niya kanina bago naalala ang namayapang kasintahan ay pinalitan niya ng mabagsik na anyo. "B*tch! Don't do that again! I will rather kiss the cow than to your disgusting lips." Ani ng binata pagkatapos ay tinignan pa ng nakakadiri ang dalaga bago umalis.

Naiwan si Alyssa na gulat at hindi makapaniwala. Hinawakan nito ang labi ngunit naroon ang pandididiring sinabi ng binata. Naniwala siya sa sinabi nito, naniwala siyang nakakadiri ang labi niya. Tama nga ang iniisip niya kanina. Damien is verbally abusing the person who is occupying nearly half of his heart.

Hindi yata naisip ng binata na sa ginagawa niya ay mas lalo niya lamang ibinabaon sa yurak ang wasak nang puso ng dalaga. The broken girl seems wouldn't fixed anymore. Imbis na maayos ang dalaga tila sa pagdating ng bagong pag-ibig ay mas masasaktan siya.

This time, love will surely broke Alyssa's entire system. Hindi nakahulma ang dalaga at natulala sa nangyari ngunit nang makabawi ay napakagat siya ng labi upang pigilan ang pag-iyak.

Napahawak siya sa kanyang pusong kanina ay tumitibok sa binata ngayon ay lumuluha dahil din sa binata. Ang binata yata ang kaisa-isang taong may kakahayahan na pasiyahin at paiyakin ang dalaga.

She left the hallway with a broken heart. Bumalik siya ng silid at pumasok sa banyo. Kinuha niya ang isang bagay na nagpapawala ng kanyang sakit. Bumalik siya sa kama at kinuha ang kanyang drawing pad na ibinigay ni Jask sa kanya.

Naupo ang dalaga sa ibaba ng kama habang nasa tabi ang drawing pad. Alyssa wiped away her tears, but they didn't stop flowing. She rests her wrist on her lap as the woman begins her session of numbing herself from any pain.

Slowly, she cut herself. Hindi tumigil ang dalaga hanggang hindi tuluyang nawawala ang sakit habang paulit-ulit na binabalikan sa utak ang sinabi ni Damien sa kanya kanina. Everything was messed for Alyssa. No one could fix a girl's broken heart.

Kinuha ni Alyssa sapamamagitan ng kanyang mga daliri ang kanyang dugo at gumuhit sa drawing pad gamit ang sarili nitong dugo. Walang may alam sa nangyayari at walang may alam na ang guhit ng dalaga ay galing mismo sa kanyang dugo.

Walang may alam na sa pananatili niya dito ay mas lalo lang masasaktan ang dalaga mas lalo lang mabibigyan ito ng dahilan upang kusang ilibing ang sarili dahil paghangang alam niyang hindi mapapalitan ngunit siya'y nasasaktan.

"Cry all you want, Alys; this could end soon."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top