Chapter 10
Leon and Jask ran to where the girl's voice is. Si Damien na walang planong lapitan ay napasunod din sa kanila kahit labag pa sa loob niya. Ang buo niyang katawan ay itinutulak kung nasaan ang sigaw ng dalaga.
Aligaga naman ang mga tauhan ni Damien na nagbabantay sa pintuan kanina, hindi sila mapakali dahil sa sigaw at pag-iyak ng dalaga gayong agad din naman nilang ibinaba ang mga baril dahil lamang sa nagulat sila kanina.
Humahangos na nakarating sina Jask at Leon roon. Napatingin sila sa dalaga na patuloy na bumubulong sa sarili. Hilam ito ng mga luha at kitang-kita ang takot nito.
"We saw this before Leon," bulong ni Jask na siyang narinig naman ni Damien.
Napaayos nang tayo ang binata habang tinitignan ang dalaga pero ang mga tenga ay nasa pag-uusap ng dalawa. "Post-traumatic disorder, that's what it is. Our bosses' wives experience it back then," Leon answered pertaining to Alyona, Erin and Heronisa.
Ang mga babaeng yon ay nakaranas ng ganitong-ganito noon. They saw it before and they saw it now. But this one, looks severe and really scared. Ayaw nitong magpalit sa iba at sigaw lamang ito nang sigaw.
Damien watched the girl as he heard her screams of agony. Napapikit sandali ang binata at pinigilan ang sarili na lumapit. He was holding his legs tightly to stop it from moving and went to the girl. He's gritting his teeth and acting as if he doesn't care about the problem.
Ngunit, tila yata sinusubok siya ng pagkakataon dahil nang sinubukan ni Jask at Leon na aluin ang babae ay mas lalo lamang itong natakot at napaatras.
"Hey, we will not gonna hurt you." Mahinahong turan ni Jask. Nangunot ng noo si Damien, akala niya ba ay matitigas at matatapang ang mga ibinigay na tulong sa kanya ng mga kapatid Bakit tila yata malambot ang mga damdamin nila dahil lang sa isang babae?
"We promise not to hurt you." Dagdag pa ni Leon na nakataas pa ng dalawang kamay. Alyssa simply stared at them. She felt strange, especially since she was the only female in a room full of men. Mas lalo lang nakakatakot kapag iisipin niya pa iyon.
Ang nasa isipan ni Alyssa ngayon ay ang isang kaisipan na ang lahat ng lalaki ay katulad ni Rocco at ng mga kasamahan niya. They were the same as Rocco and his group. "Don't!" Napasigaw ulit ang dalaga nang sinubukang muli ng dalawa na lumapit.
Napahawak siya sa kamay niya na nanlalamig habang tinitignan ang mga lalaking nasa harapan niya. Natigil ang mga mata niya sa lalaking nasa likod ng dalawa na sumusubok na lapitan siya.
She saw how deep his eyes while looking at her. Ang mga mata nitong tila nanunuot sa kanyang kalamnan at kaluluwa. Naglalaban ang mga titig nila at mukhang si Damien ang matatalo dahil umiwas agad ito sa mga mata ng dalaga.
'Beautiful.' Alyssa muttered to herself. She's afraid, but that doesn't stop her from admiring the beauty in front of her. Sa gandang lalaki nito at tindig, siguradong-sigurado si Alyssa na may lahi ito.
Sadyang hindi maalis-alis ni Alyssa ang mga mata sa lalaki. Mula ulo hanggang paa ay walang maipipintas rito maliban na lamang sa mga mata nitong tila pinapatay ang kung sinuman. Napalunok ang dalaga dahil tila nabas ng binata kung ano ang iniisip niya.
Ang mga mata nito na umiwas kanina ay muling matiim siyang tinitigan. Damien is wearing his usual suit and tie so, was his men. Alyssa admired the man's prominent looks. Kung itatabi siya dito magmumukha siyang alalay nito at malamang ang tangkad niya ay walang-wala sa lalaking ito.
Namula ang mukha ng dalaga nang makitang nakatitig pa din ang lalaki sa kanya. Nawala naman itong bigla nang magtiim-bagang ang lalaki at tila galit sa kanya. Napayuko si Alyssa, hindi niya kilala ang mga taong ito kaya malamang ang bastos naman niya para tignan at suriin ito mula ulo hanggang paa.
Hingal na pumasok naman ang Doktor na kanina pa naghahanap sa kanya. "Oh! I'm sorry, Mister Ambrose -" Itinaas ni Damien ang kamay at pinatigil ito. "Shut-up." Maikli at mainit na ulo nitong turan.
Akmang magsasalita pa si Leon nang patigilin siya ni Damien. "Is that how you treat the people who helped you?" Baling nito sa dalaga. Walang emosyon ang tono ng boses ni Damien na siyang ikinatalon sa gulat ni Alyssa.
She even hugged herself because she felt the coldness in it. She bites her lips and bows her head. "I -I am so -sorry, ta -takot lang ako." Mahinang turan ni Alyssa, hindi nila alam kung anong pinagdaanan niya kaya ganito siya katakot na magising sa isang lugar na hindi siya pamilyar.
"Your apologies will have no effect. We assisted, then you made enough of a mess here! This is why I don't like having strangers in my home!" Sigaw ni Damien na siya namang ikinagulat ng mga tauhan niya at nila Jask at Leon dahil maliit na bagay lang naman ang nangyayari at hindi nila alam kung ano ang pinaghuhugutan nito gayong nakakaawa naman ang babae.
Hindi nila kilala o alam ang nangyari dito para sigawa ng ganito. "Ambrose -Don't stop me, Leon! You don't have the rights here!" Putol nito agad sa agarang pagpigil sana ni Leon sa kanya.
Lugmok na lugmok ang dalaga, hindi kasi nito naiintindihan kung anong hirap at kawalanghiyaan ang ginawa ng mga lahi ni Adan sa kanya kaya hindi nito alam kung gaano siya katakot. She hides herself at her own palm and cried.
Kung sana lang ay alam niya kung nasaan ang mga magulang ngayon, hindi na siya magiging ganito pa ka-mesirable pagkatapos niyang makatakas ni hindi nga niya alam kung nasaan siya ngayon.
Ang alamin pa kaya kung saan na ang mga magulang niya? She knows she is stranger here and she's thankful to them because they helped her. Ngunit, hindi naman sana sa ganitong paraan. Hindi naman sana siya kailangang sigawan para lang ipasok sa kukote niya na malaki ang utang na loob niya sa mga ito.
"If you are okay now, you can leave no one's gonna stop you!" Sigaw pa nito at dinuro ang dalaga. Binabawi na niya ang sinabi niya kanina, hindi na siya humahanga sa lalaking nasa harapan niya. He is bad. He is definitely bad in treating her this way.
Napaawang ang bibig ng dalaga, hindi niya alam kung nagbibiro ito o talagang wala itong puso. Alam naman nitong hindi siya makalakad ng maayos o kahit nga alalayan ang sarili niya ay nahihirapan siya.
"P -Please, I am so -No, just leave! I don't need strangers here!" Unti-unting nawala ang imahinasyon ni Alyssa kanina sa binata. He is devil's representative. Hindi bagay sa mukha nito ang ugali nitong demonyo.
Laglag ang balikat ni Alyssa. She tried to stand but she failed. Sinubukan niyang muli tumayo at sa pagkakataong ito ay nagtagumpay siya. Nanginginig ang paa niya at nakikita ito ni Damien ngunit ang binata at malamig lang siyang tinignan. Alyssa saw in his eyes that he cares but why does he pretends not to?
Tinignan niya ang binata sa mata na siyang lihim na ikinagulat ni Damien dahil magmula noon ay wala nang taong nakakasalubong pa sa matatalim niyang mata.
"I'm sorry for what I did earlier. Malaki ang utang na loob ko sa inyo kaya nagpapasalamat ako roon at humihingi ako ng tawad sa nangyari kanina." She said even though she can't stand properly.
"Ilagay mo ang posisyon mo sa sarili ko tapos nagising ka at napunta dito pagkatapos ay tutukan ka ng mga baril sa ulo? Hindi ka kaya matakot gayong sa loob ng limang taon ng buhay ko ay halos hindi ko masikmura ang naranasan ko?" Dagdag ni Alyssa na hindi inalis ang mga mata kay Damien.
"Pasensya na ulit sa nangyari at salamat sa pagpapatuloy at pagtulong sa akin." Pagtatapos ni Alyssa at inihakbang ang mga paa hindi pa man nakakadalawang hakbang ang dalaga ay bumulagta na ito sa sahig na ikinasinghap ng lahat.
Napalapit agad si Leon at Jask sa dalaga. The Doctor abruptly went to her and checked her pulse. "She's alive but she's tired. Hindi pa niya nababawi ang lakas niya at sa tingin ko ay hindi pa siya makakalakad ng maayos sa loob nang isang buwan," paliwanag ng Doktor.
"What she said awhile ago was true. Himalang nakaligtas ang babaeng ito sa mga sugat at bali sa katawan niya. She's underweight and malnourished. She requires proper health care, which I am providing for her. Just this once, Boss, let this girl heal before you send her away." Maging ang Doktor ay nakiusap na kay Damien.
The Doctor doesn't have a daughter. Lahat ng mga anak nito ay lalaki kaya nakakasiguro siyang kagigiliwan ito ng kanyang asawa habang ginagamot niya ito.
"Just this one, Ambrose, let her stay here and if we finished our work here. Isasama namin siya at kami na mismo ang tutulong sa kanya sa mga susunod na gagawin niya." si Jask ang nagsalita.
Sigurado si Jask sa ginagawa niya at alam niyang ito ang tama. Ang asawa niya pa mismo ang magtutulak sa kanya na tulungan ang dalaga. "We will handle her, she won't be bother to you. Gaya ng sabi ni Jask, pagkatapos ng trabaho namin dito sa'yo. Kami na ang tutulungan sa kanya." Leon heard what the girl said awhile ago.
The girl requires protection. Damien glared at them angrily. He didn't have a choice because, as much as he wants the girl to leave, he can't because of them. Ngayon, kailangan niya tuloy na pigilan ang sarili para hindi mas lalong maguluhan ang kanyang isipan.
Ilang araw pa ngang narito ito natataranta na siya. Paano pa kaya pag-araw-araw niya itong nakikita? Marahil, hindi lang ang isipan niya ang maguguluhan dahil maging ang puso at sistema niya magkaganoon din.
Wala siyang magawa kundi ang makisama nalang kahit pa nanganganib ang damdamin niya at simpatya para sa namayapang nobya. Tumalikod ang binata pero nagsalita muna siya bago umalis at bumalik nang kanyang opisina.
"Fine! Don't let her get in my way, or you'll all be blamed!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top