Chapter 27
Masakit ang ulo ni Erin nang bumangon siya sa kama. Napaungol siya ng tumama ang sinag ng araw sa kanyang mukha dahil roon ay mabilis siyang naglakad papuntang banyo. Sapo-sapo ang ulo at nakapikit na pumasok siya sa kanyang banyo at agad na nagtoothbrush.
Napaharap siya sa salamin habang nagsisipilyo ngunit natigilan siya nang makita na ang suot niya kahapon ay suot niya pa rin hanggang ngayon. Nanlaki ang mata nang ma-realized kung ano ang nangyari sa kanya.
"What the hell happened to me?!" Aniya sa sarili at sinuri ang katawan kung mayroon bang galos o kahit na anong palatandaan na may nangyari sa kanya. She sighed with relief when she discovered that nothing had happened to her except for yesterday.
Ang natatandaan niya ay pauwi na siya ng bahay nila nang... nang... napakagat ng labi ng dalaga muntik na naman pala siyang mapahamak kagabi dahil sa pagiging matigas ng ulo niya. Dali-dali siyang nagmumog at pinahidan ang bibig hindi.
"Goodness, ano bang ginagawa ko sa sarili ko bukod doon sa nangyari sa akin wala na akong matandaan pagkatapos noon," aniya sa sarili at hinubad ang mga damit. Isa talaga siyang walking disaster at prone accident.
Ano bang kamalas-malasan meron siya at lahat nalang yata ay tinapon na sa kanya. Bubuksan na sana ni Erin ang shower ng madaanan ng kanyang mata ang tato na nasa puson niya. Napalunok siya ng makita iyon at iniwasan ang bagay na 'yon.
She asked for help in removing this thing, but a tattoo artist told her that the ink used in it was very special and that it couldn't be easily erased unless she burned it.
Ang tanong kaya' kaya niyang burahin 'yon gamit ang baga ng apoy gayong ni gasgas ay ayaw na niyang maramdaman ito ngayon? Pinabayaan niya nalang ito pero hindi niya pinapansin ang bagay na iyon na nasa puson niya.
Yes, the letters are perfect, but they bring back painful memories for her. Mabilis siyang naligo at dali-daling nagbihis. She'll inquire of her friends as to how she ended up on her bed. She was genuinely curious.
Ilang beses na itong nangyari at para siyang naengkanto sa tuwing gigising sa umago. Only to find-out that she was supposed to be kidnapped that night. Nang matapos ay patakbo siyang bumaba papuntang kusina nila ngunit nasa pintuan palang siya ng kusina ay natigilan siya at namanhid ang buong katawan niya.
"No, hindi ako papayag. She will hate me more if you'll do this," ani ng pamilyar na baritonong boses.
Napalunok siya ng laway, kinuyom niya ang kanyang kamao dahil alam niyang siya ang tinutukoy nila, siya ang pinag-uusapan. "Wala tayong ibang paraan, hindi siya pwedeng magtagal dito. You know how much she is in danger, Kuya. Lahat yata ng mga lalaking nakakasalubong niya palagi nalang siyang pinagtatangkaan. Maswerte nalang siya at palagi kang nakasunod sa kanya." Parang may nakabarang malaking bagay sa lalamunan ni Erin nang marinig ang sagot ni Danica sa kapatid nito.
She knows! Alam nitong palaging sumusunod ang kapatid niyo sa kanya! Kaya pala magmula pa noong lumipat sila dito ay kahit kailan hindi mapakali si Danica hanggang ngayon pala ay parang nasa poder pa rin sila ng kapatid nito.
Napatawa siya ng pagak, tinatawanan niya ang sarili niya. Bakit nga ba nagtataka pa siya gayong sabi noon ng lalaking ito na kailanman ay hindi siya makakalis sa poder nito?
She was a fool to believe that all those months she's free. Hindi naman pala, nakasunod pa rin pala sa kanya ang nakaraan niya. "Sa ayaw at gusto niya Kuya, kailangan mong gawin 'yon. I know how much Erin is important to you kung may mangyayari pa ulit na ganito sa kanya malamang hindi lang kami ni Abby ang mababaliw sa kaba baka ikaw sosobra pa." Nakinig muna si Erin hindi na muna siya nakialam kahit pa siya ang mga pinag-uusapan ng mga ito.
"I agree with, Danica, hindi lang ito katulad noon. This is the worst that what happened to her." Napapikit ng mata ang dalaga habang nakasandal sa dingding at pilit na pinoproseso ang bagay na pinagtatalunan nila pati si Abby ay nais siyang ibalik sa poder ni Alejandro.
Before anyone could say something, umeksena na ang dalaga pero hindi niya tinignan si Alejandro hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikita ang mukha ng binata, hindi niya pa alam na ang first love niya at ang taong sumira ng buhay niya ay iisa.
"Ang gandang pambungad ito ng umaga, pinag-uusapan ako nang hindi ko alam?" Hindi mapigilan ni Erin na hindi maging sarkastiko na siyang ikinabigla ng tatlo.
Napahawak pa si Danica sa dibdib niya samantalang si Abby Grace ay nanlaki ang mga mata. Patay silang dalawa, pinagkakatiwalaan pa naman sila ni Erin pero heto at tila binibenta nila ang dalaga.
Namutla ang dalawang babae, si Alejandro naman ay napaiwas sa dalaga alam niya kasing ayaw siyang makita nito. Nakikita niya naman habang umiiwas si Erin na masagi ang direksyon niya.
"Can someone explain to me what he is doing here?" Napalunok muna si Erin bago matapos ang tanong niya sa mga kaibigan.
Nagkatinginan ang dalawa, hindi nakakatakot si Erin kapag nagagalit pero ang ginagawa nito ang nakakatakot hindi ka nito kikibuin hanggang hindi ka natuto.
"A –Ano..." Nauutal na sagot ni Abby at siniko si Danica para magsalita ngunit walang masabi ang dalawa hanggang siya nalang ang bumutung-hininga at nagsalita.
"I'm not going there again. Never!" Matatag niyang saad sa dalawa. In the back of her mind, she is screaming for the self - image of his tormentor.
Nais niyang malaman kung ano ang itsura nito pero pinipigilan niya dahil natatakot siya at kinakabahan baka magpanic attack siya dito dahilan lang doon. Sa sinabi niya ay nawala ang pagkabigla ng mga kaibigan at sumeryoso ang mga ito.
"You will, Erin! Marami kang stalkers hindi mo ba alam 'yon?! Gabi-gabi ka nalang kung atekihin nila kaya sinasabihan kita noon na umuwi nang maaga pero mukhang hindi din effective 'yon dahil kahit saan pwede ka nilang kunin." Abby and Danica loves her so much as for them, Erin is their sister.
Hindi lang kay Erin paulit-ulit na humihingi ng tawad si Alejandro dahil maging sa dalawa ay humingi din ito ng tawad.
"Then, ang naiisip niyong paraan ay bumalik ako sa kanya? Sa kanya na halos patayin na ako? Sa kanya na sumira ng buhay ko?! Nababaliw naba kayo?" She shouted angrily. She pointed at Alejandro's direction. Dahil sa galit niya ay napatingin siya dito nang matignan niya ang mukha ni Alejandro. Her jawdropped, she was shocked.
Napilpilan ang dalaga, hindi niya maigalaw ang bibig dahil sa nasa harapan niya ang taong minsan ay iniisip niya noong pinagsasamantalahan siya ng kapatid ni Danica.
Anong ginagawa niya dito? Bakit nandito siya? Nagpabalik-balik ang tingin niya sa mga kaibigan at sa lalaki. Then, she realized kung sino ito.
Gusto niyang sumigaw ng sumigaw dahil sa natuklasan. The person she loves is the same person who abus*d and tortured her. Unti-unting pumasok sa kanyang isipan ang katotohanang ito nga ang lalaking yon. She remembered it all, how naïve of her! He is Alejandro Lucas De Rossi for Christ's sake!
Siya din ang taong winasak ang puso niya at kung hindi dahil sa pag-ibig na yon hindi niya piniling umuwi ng Pilipinas at hindi sana namatay ang mga magulang niya. "H –How, did this all happened?" Nanghihina niyang bulong sa sarili. Kinakapos siya ng hangin dahil sa nalaman, napahawak ang dalaga sa upuan at naupo dito nang muntik na siyang mabuwal dahil sa mga nalaman niya.
Madiing kinagat ni Erin ang labi ganito ang pakiramdam ng nagulat na natatakot para kang nagising sa isang malalim na pagkakatulog tapos dinagdagan pa nang bangungot at realisasyon sa mga nangyayari sa buhay niya.
"E –Erin..." Abby called her.
Wala ang dalaga sa kanyang sarili dahil pinproseso pa ng isipan nito ang nangyayari. Alejandro wanted to console her, but he doesn't want her to be afraid. "Was this some kind of punishment?" Bulong niya sa sarili habang tinatanong ang Maylikha sa nangyayari sa kanya tila pinaglaruan siya ng tadhana.
Nakikita ni Alejandro kung gaano kahirap si Erin na malaman ang lahat ngunit wala siyang magawa para sa dalaga palagi nalang.
"Erin, I know you already know the truth but hindi natin pwedeng ipagsawalang-bahala ang nangyayari sa'yo. My brother can explain what's going on, but please don't shut him up," Danica begged again, but Erin was taken aback.
Sarili lang nito ang pinakikinggang nito ngayon at wala ng iba. Bigla na lang tumayo si Erin sa pagkakaupo at lalabas na sana ng kusina ng hilahin siya ng pamilyar ng mga kamay. Erin's body stiffened. Naramdaman ni Alejandro ang takot niya kaya dali-dali niyang binitiwan ang kamay ng dalaga upang hindi ito magalit sa kanya.
"Please hear me out... Please accept my heartfelt apologies..." Alejandro begged and almost kneeled. Erin didn't want to look him in the eyes again. He was and still is her first love, but she can't deny that she was terrified of what he did to her.
Nag-init ang ulo ni Erin doon bigla kung lahat ay madadaan sa sorry sana pala hindi na ginawa ang mga batas. "Sorry?! Kung lahat ay madadaan sa sorry puwes kaya mo bang burahin ang mga peklat na ito sa katawa ko?!" Sigaw ng dalaga sabay inilalay ang kanyang bestida at ipinakita ang mga peklat niya sa katawan.
"Kung lahat ng ginawa mo sa akin ay madadaan sa iisang sorry puwes ibalik mo ako sa dating ako! Sa dating ako na walang takot at pangamba sa ibang tao!" Puno nang paghihinagpis na turan ni Erin sa binata na napayuko dahil sa pagkapahiya at konsensya.
Alam niyang wala siyang maibabalik ni isa man doon pero ginagawa niya ang lahat para patunayan dito na nagsisi siya at buong pagkatao niya ay iaalay niya sa dalaga.
Sinubukan ni Alejandro na hawakan ang dalaga sa kamay ngunit ilang mag-asawang sampal ang natamo nito sa dalaga. Pinabayaan niya ito, tinanggap niya ang suntok, sipa, at sampal mula sa dalaga.
Alam niyang kulang pa ito hindi tumigil si Erin hangga't hindi siya napagod. Napaupo ang dalaga sa sahig habang hilam ang mga luha. Lumuhod si Alejandro sa harapan niya. Parehas silang umiiyak.
Naglakas loob ang dalaga na tignan ang binata sa mga mata. "K –Kaya mo ba ako pinakawalan dahil nalaman mo na ako at ang makulit na dalaga noon ay iisa?" Tanong ni Erin sa kanya. Umiling si Alejandro bilang sagot sa kanya.
"I released you because I wanted you to be happy and because –" Alejandro responded, but this does not guarantee Erin's willingness. Hindi na siya pinatapos ni Erin sa sabihin niya. The young lady scoffed and laughed bitterly. She slapped Alejandro repeatedly, left and right.
Nag-echong muli ang lakas ng pagkakasampal ni Erin sa apat na sulok ng buong kusina. "Hindi pa 'yan sapat sa ginawa mo," dagdag pa ng dalaga at muli sinampal ang binata bago nagtatakbong paalis ng bahay si Erin.
Masakit ang sampal ngunit wala lang 'yon kay Alejandro dahil mas masakit na makita ang taong minamahal mo na may muhi sa kanyang mga mata. Hindi ininda ni Alejandro ang sakit at dali-daling lumabas upang sundan ang dalaga.
Kahit na anong mangyari delikado pa rin ngayon at hindi pwedeng lumabas na mag-isa ang dalaga kahit pa nakabantay ang mga bodyguard nito sa kanya.
"F*ck, Alejandro! Where did she go?" Mura niya sa sarili nang hindi makita sa kahit na anong direksyon si Erin. He called his men and asked where Erin went. Itinuro siya ng mga ito sa kaliwang daan.
Tumakbo ang binata habang iniisip na sana ay ayos lang ang dalaga na sana walang nangyari dito dahil sa tuwing iiwanan niya ang dalaga kahit na isang minuto may nangyayari dito.
Tumakbo lang siya hanggang sa makita ang dalaga na napaupo sa tabi ng daan habang umiiyak at sinisigawan ang sarili. Erin's heart is healing, as is his. Ngunit, hindi maayos ang dalawang pusong sirang-sira na kung hindi nila aayusin ito sa mga paraang alam nila.
"Bakit siya pa? Bakit siya pa ang gumawa sa akin nito? Bakit ba nila pinapahirapan ang loob ko?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top