Wakas

A/N: Sorry didn't proofread this one. Please po, pasensya na sa errors. Hindi ako magaling magsulat despite sa may nag-follow sa 'kin. I am just writing because  I love it.

Wakas

"Mommy, welcome home!" Grazer said and went to her mom to give her a welcome hug.

Nanatili lang ako sa gilid ng pinakamamahal ko. Ang aking kamay ay nasa kanyang maliit na bewang habang binabati namin ang lahat sa mansyon ng magulang ko. Tanging ngiti lang ang iginawad ni Mommy sa amin at hindi na nagsalita pa. Maybe she realized that I won't marry anyone else... Maybe she realized that I am more happy being with my woman, and with our daughter.

At kahit hindi man niya ma-realize, wala na rin siyang magagawa. I want to be with her. I want to hug her and kiss her. Ayokong mawalay siya sa 'kin muli. Hindi dapat ako magiging masaya lang. Natatakot ako na baka mawalay siya sa 'kin muli.

Nakakatakot ang dalawang taon...

Binitiwan ko si Honey at hinayaan siyang makipag-usap kay Dina at sa anak ko. I was smiling the whole time while looking at her.

"Son, are you alright?" my Dad asked. "I know you are not fine, so stop that creepy smile, son."

Napawi ang ngiti ko. "Creepy? What are you talking about, Dad?"

Inilingan ako ni Daddy at tinapik ang balikat ko. "I know what you did to that boy named, Shaun." Niliitan niya ako ng mata. "Some photos of him went viral, walking naked."

I smirked. "Well, he deserves it."

That fucking Shaun stole my wife. Ginupit at pinakulay pa niya ang buhok ng asawa ko. Akala ko ba mayaman ang potanginang iyon? Bakit sinangla niya ang singsing ng asawa ko? Pota talaga, eh!

"You should have cut his dick, son, so you will be satisfied."

"Nah!" Inilingan ko si Dad. "I am not a criminal."

"But love is a crime," aniya. "That's your motto before, right?"

Sinamaan ko ng tingin si Dad. "It was just a joke! I will not going to let myself go to jail just for that fucking coward loser!"

I may not be a criminal, but I was the worst person before. Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang ginawa ko. Hindi lang kay Honey kundi pati na rin kay Khadijah.

I loved her. I really do. Siguro ay nadala lang ako sa inggit at inis ko kay Brent noon kaya hindi ko siya masyado sineryoso noong una.

"Simula nang magka-jowa ka, tol! Hindi ko na nakita si Honey. Nasaan ba 'yon? Liligawan ko, pare!" sambit sa akin ng ka-blockmate ko.

Tumayo ako. "Why are you always asking about her?" Tiningnan ko siya ng matalim. "May gusto ka ba sa kanya?"

Ngumisi siya sa 'kin. "Malamang! Hindi ba obvious! Sa sobrang ganda ba naman ng babaeng iyon, siguro pati ikaw ay titigasan din—"

Hindi niya natapos ang kanyang walang kwentang pagsasalita dahil sumalubong na sa kanyang mukha ang kamao ko. Humandusay siya sa sahig at halos basagin ko na ang mukha niya dahil sa sobrang inis at galit ko.

Hindi ko alam pero kapag may magtatangka mang mangligaw kay Honey ay binubugbog ko kaya walang lumalapit sa kanya. Hindi na kami madalas magkita dahil may girlfriend na ako at sa sobrang hinhin at ganda ay na-in love ako. Hindi ako marunong sa ganitong bagay at unang beses kong magkaroon ng relasyon ng seryoso. And my parents likes her, especially my mom.

"Phoebe, what are you doing in here?" gulat na gulat ko na tanong nang makita ko siyang sinusundan ako sa isang bar.

She was wearing a maong short and black crop top. Sobrang kapal ng kanyang make-up at halos lantad na ang kanyang buong katawan. Bago pa man ako makapagsalita ay sinugod na niya ako ng halik.

"I love you, Greg! Please, hiwalayan mo na ang boring mong girlfriend. Hindi ka mapapaligaya no'n sa kama," sambit ni Phoebe nang humiwalay siya sa kanyang paghalik sa akin at saka humagikhik. "I can bring you to heaven."

Marahas ko siyang tinulak. Sa pinanggagawa ko ngayon, sunog na ang kaluluwa ko sa impyerno. She was so creepy and yet my mom also likes her. Hindi ko akalain na may stalker ako na maganda pero hindi ko siya type. Masyado siyang creepy para sa isang katulad kong gwapo.

"Umalis ka na, Phoebe, nakatikim ka na. Hindi pa naman ako mananapak ng babae," pagbabanta ko sa kanya.

Ngumisi lang siya sa 'kin at humalukipkip. "By the way, nakita ko na naman ang Honey na 'yon. May kasama siyang matanda...Ibebenta niya ba ang sarili niya? Kawawa naman kasi, nakulong ang auntie niya. Ang galing talaga ng Mommy mo—"

"What did you say, you fucking bitch?" galit kong tanong sabay hawak sa kanyang magkabilang balikat. "Saan mo nakita si Honey?"

Nakita ko ang takot sa mata ni Phoebe pero napalitan lang ito ng isang matamis na ngisi nang may napagtanto. Hinaplos niya ang aking braso at tiningnan ako.

"Ang gwapo mo magalit, Gregory. Mas lalo akong naganahan sa 'yo... At may girlfriend ka na 'di ba?" Her voice become seductive. "Hindi ka na dapat magwawala na parang tigre kapag tungkol kay Honey..."

Marahas ko siyang tinulak kaya napaupo siya sa sofa. How could she? Ibebenta niya ang sarili niya? Gano'n na ba siya kadesperada para ilabas ang tiya niya?

This is so fucking hell. Makakapatay ako, Honey! Shit! Kinuyom ko ang kamao ko.

I was so mad when I saw her. Gusto kong bugbugin ang pagmumukha ng lalaking iyon hanggang sa maubusan ng hininga. How could she? Wala na ba siyang paki sa sarili niya?

I know I have a girlfriend and I love her. At alam ko na balang araw ay ikakasal ako sa kanya, pero hindi ko hahayaan ang babaeng ito na basta-basta na lang ibibigay ang sarili. Ano? Mapupunta na lang sa wala ang lahat ng sinapak ko para sa kanya? She will end up being a slut?

So I threatened her, I manipulated her, and I fucked her. Kung ibibigay man lang niya sa iba ang sarili niya, sa akin niya na lang ibigay hanggang sa ikasal ako. I am a jerk and I am not a good person.

"H-Hindi mo b-ba siya hahabulin?" naiiyak na sambit ni Honey matapos ko siyang pakawalan sa posas niya.

Nahuli kami ni Khadijah sa mismong condo ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong mag-explain sa kanya. Mahal na mahal ko ang babaeng iyon at para akong nasampal ng katotohahan nang tinanong niya ako kung bakit ko nagawa iyon sa kanya.

"T-Tsaka mo lang ma-realize k-kung gaano sila ka-importante k-kapag wala na sila, Gregory," umiiyak na sambit ni Honey habang unti-unting pinulot ang kanyang damit sa sahig. "Sana hindi na kita makita...Sising-sisi ako sa pinanggagawa ko... Hindi ko akalain na magiging ganito kababang babae ako..."

Naikuyom ko ang kamao ko.

"Nagsisisi ako na tumapak ako sa bahay niyo noon pa man... Sising-sisi ako... Hindi ko akalain na nagbago ka na, Gregory," si Honey sabay kuha sa bag niya. "Sana masaya ka na sa pinanggagawa mo..."

Iyon ang huling narinig ko sa kanya bago niya ako iniwan mag-isa. I never saw her again until the day of my wedding day, again. Gulat na gulat ako nang makita ko siya na malaki ang tiyan. Pinigilan niya ang kasal namin ni Khadijah at sinigaw sa buong simbahan na ako ang ama ng dinadala niya.

Hindi ako makapagsalita at mas lalong hindi ko siya nahabol. My mom slapped me, my Dad was disappointed in me.

"Hindi ko akalain na pumatol ka sa isang low class!" sigaw ni Mommy at halos sipain na ako. "Kilala kita, anak! Sigurado akong nagsisinungaling lang ang babaeng iyon! Hindi mo 'yon anak!"

Kinuyom ko ang kamao ko at napaisip.

"That's enough Crizanta! Magpahinga ka na!" maotoridad na sambit ni Daddy at sinenyasan ang ibang kasambahay na alalayan si Mommy na galit na galit pa rin sa akin.

Kinuyom ko muli ang kamao ko. Ano naman itong pinanggagawa mo, Honey? Ako ba talaga ang ama ng anak mo? Kung ako man, kukunin ko ang anak ko.

"Gregory, why can't you kiss me? Your mom said that you'll gonna ask me for dinner," mahinhing sambit ni Phoebe at ngumuso.

"Hindi ka ba marunong magluto?" biglaang tanong ko. "Kung gutom na gutom ka, cook your own food. Or ask my mom out, since she likes you a lot!"

Tumayo ako at inilagay sa bulsa ang kamay ko. "Don't bother me again. I don't like you, Phoebe. I will never..."

Umawang ang labi ko nang bigla niya akong niyakap sa likuran. "Greg, please! I love you so much... Please, love me!"

Marahas kong kinuha ang kamay niya sa bewang ko at marahas na inilayo sa akin. Wala akong panahon para sa ganito. Ang tanging gusto ko lang gawin ay ang mahanap si Honey at kunin ang anak ko sa kanya.

And it took five years...

"Mommy!" umiiyak na sambit ng anak ko habang pinagtatapon sa akin ang mga unan na nasa kama.

I tried to calm her down pero iyak pa rin siya nang iyak. My mom tried to calm her down pero napalo lang siya ng unan. My mom accepted my daughter as her grandchild. Wala siyang sinabing masama tungkol sa batang dala ko at masaya siya para sa 'kin. But she want me to settle down with Phoebe.

"What do you want, baby?" kalmado kong tanong nang hindi na siya umiiyak. Nasa sulok lang siya habang yakap-yakap ang isang stuff toy.

She looks exactly like me. Hindi nga lang sa mata pero carbon copy ko siya. Mata lang ang nakuha niya kay Honey.

"I want my mommy! She will be sad! She will cry again!" sambit ng anak ko at sinamaan ako ng tingin. "You are bad! I won't forgive you if something bad happens to my mommy!"

Nagsimula na naman siyang umiyak kaya nataranta ako. Hindi ko alam kung paano magpatahan ng bata. This is new to me and I am not a good father. Wala akong alam kasi wala naman akong experience.

Fuck!

Humarap muli ako sa anak ko. "I will give you a lot of toys! Just don't cry, eh? What do you want? You want me to kidnap your mommy? What do you want?"

"I want Mommy!" umiiyak na sambit niya.

Huminga ako nang malalim. "Alright, I will bring your Mommy. But first, you need to call me Daddy..."

Umawang ang labi niya. "You are my Daddy?"

Tumahan na siya sa kanyang pag-iyak at kuryosong tiningnan ako.

"You are my Daddy?" sigaw niya at nanlaki ang mata ko nang tumayo siya sa kama at pinalo ako gamit ang malambot na unan. "Bring my mommy back! I want my mommy back!"

Halos dalawang araw akong nabugbog dahil sa unang pinapalo niya sa 'kin. Ang sabi niya ay kapag hindi niya raw makita ang Mommy niya ay hindi niya raw ako tatawagin na Daddy.

"Tsk. Bakit ka pa nagtataka? Mana sa 'yo ang anak mo, Gregory," si Dad sabay inom sa kanyang tsaa. "Ganiyan na ganiyang ugali mo noong bata ka pa. Nananapak ka ng kasambahay..."

"Shit! I have to go back to Australia!" I said to myself.

"Ibalik mo ang batang iyan, Gregory. Marami ka pang dapat ayusin sa kompanya! Kung makakuha ka sa bata parang marunong kang mag-alaga!" sermon ni Daddy sa akin nang makita niyang umiiyak na naman ang anak ko.

Napasapo na lang ako sa noo ko.

"Dad, I just don't want to marry Phoebe, okay?" pag-amin ko. "But I am not using my daughter for that! You know I love kids, right? I just don't know how to handle them."

Inilingan lang ako ni Daddy at tumalikod na sa 'kin. Naikuyom ko tuloy ang kamao ko at napatingin sa anak ko na umiiyak pa rin.

"Daddy, I want to see Mommy!" iyak niya.

And then I realized na mali ang ginawa ko. She needs her mom more than anything else. Bigla akong na-guilty na pinaiyak ko ang anak ko ng ilang araw. Kailangan kong bumalik sa Australia at kunin si Honey. Wala talaga akong plano sa kanya dahil wala naman akong naramdaman para sa kanya but my daughter will cry again.

But seeing her again makes me angry, not because of what she did five years ago, but because she is so fucking beautiful. Naikuyom ko ang kamao ko.

"Son, you have to marry Phoebe. Alam ko na matatanggap niya naman si Grazer," ani ni Mommy sa 'kin at sabay beso kay Phoebe na bumisita sa mansion na may dalang cake.

"Tita, I want to see his daughter!" excited na sambit ni Phoebe sabay baling sa 'kin. "I am willing to be the mother of your child, Gregory."

Pumalakpak naman si Mommy sa tuwa. She really like Phoebe. Sila na lang sana magpakasal.

"No!" Umiling ako. "Mom, I already said that I don't want to marry her!"

Nakita ko na nasaktan si Phoebe sa sinabi ko, pero wala akong pakialam. Kung kailangan niyang masaktan para ma-realize niya na wala siyang tsansa sa 'kin ay sasaktan ko siya nang paulit-ulit. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan niya sa 'kin. Kung dahil guwapo ako, then, she should back out. Hindi guwapo ang ugali ko.

Nagulat ako nang biglang lumapit si Mommy sa 'kin at sinampal ako sa harap ni Phoebe. Nakita ko na napatakip si Phoebe sa kanyang bibig sa gulat.

"Ano? Sinusuway mo na ako ngayon?" sigaw ni Mommy. "Bakit? Sino ang gusto mong pakasalan? Ang pokpok na babaeng iyon? Matatanggap ko pa ang anak niyo, pero ang babaeng iyon, hindi ko matatanggap!"

Tumayo ako. Nakita ko na nagulat si Mommy sa pagtayo ko.

"Huwag mong tanggapin!" mariin kong sambit. "I am tired of you, Mom! Palagi mo na lang kinokontrol ang buhay ko. Why can't you just leave me alone? Paano kung siya nga ang gusto kong pakasalan?"

Nanlaki ang mata niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Umiling siya nang paulit-ulit. "Alam ko naman na hindi mangyayari iyon, anak. Hindi ka papatol sa mga low class. You are better than this, anak!"

Hinawakan ko ang kamay niya na nasa balikat ko at malamig siyang tiningnan.

"Please don't control my life anymore. Hindi ko pakakasalan ang babaeng iyan kahit anong mangyari," malamig kong sambit at ibinaba ko ang kamay niya na nasa balikat ko. "I should go, they are waiting for me."

"Son!" protesta ni Mommy pero hindi ko siya pinakinggan.

Kung sa iba man ako maikasal, mas mabuti pang maging masamang lalaki ako. I will use her again. I will use her just to avoid that fucking marriage. Pero I failed...

I failed to use her because I fell in love.

Hindi ko akalain na titibok nang mabilis ang puso ko sa kanya. I want to hug her and kiss her everyday. I want to be with her. Para akong mababaliw kapag wala siya sa tabi ko. Muntik ko nang makalimutan na may trabaho ako. I just... I just wanted to be with her.

Hindi ako ganito dati. Siguro dahil nakarma na ako. Hindi ako naging ganito kabaliw. Hindi ako naging ganito ka-effort. I started to feel like I want her for the rest of my life. I started to see a future with her and our daughter.

Nang mahulog ako ng husto, alam kong wala na akong maaatrasan. Kung ayaw ni Mommy sa kanya, ay wala akong pakialam. Kung kailangan naming magpakalayo, gagawin ko basta akin lang siya habang buhay. Minsan ko na rin naisip na buntisin siya para hindi na siya makakalayo pa, pero hindi naman ako gano'n kasama para gawin iyon sa kanya.

I want to make things right. I want to marry her. I want to be with her. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Mga bagay na hindi ko nagawa noon sa dating kasintahan ko ay sa kanya ko nagawa.

We ended up marrying each other. We ended up living in the same roof, sleeping in the same bed, and eating in the same table. I was so happy. I was dedicated to my work because of her. Ang saya ko na taga-uwi ko, may asawang hahalik at yayakap sa 'kin. Ang sarap sa pakiramdam na may mag-aalaga sa 'yo at iparamdam sa 'yo kung gaano ka ka-importante sa kanya.

"You are waiting for me," bulong ko nang mapansin ko na nakatulog na siya sa sofa. I stared at her for a second and kissed her forehead. Tipid akong ngumiti at binuhat siya para mailipat sa kwarto namin. "I'm sorry for that, baby..."

Nang mailapag ko siya sa kama ay saglit ko siyang tiningnan bago ko lagyan ng kumot ang kanyang katawan. Hinubad ko ang aking damit at nagtungo na sa banyo.

I was happy. Wala na akong maihihiling pa bukod sa maging masaya kaming pamilya. Ibang-iba talaga kapag may asawa't anak ka na. Nagiging matinong tao ka na, may purpose na ang bawat hininga mo. One day, you will marry me in front of the altar.

Hindi ko hahayaan na mawala ang ngiti sa labi mo. Hindi ko hahayaan na may manakit sa 'yo.

When I married her, hindi na ako kinausap ni Mommy, pero that's okay, at least hindi na niya pinagsabihan ng masama ang asawa ko. She became quiet at wala na akong naririnig mula sa kanya.

"Son, umuwi ka nga ng maaga. Palagi ka na lang umuuwi ng sobrang gabi. You should at least take good care of yourself! Don't make your wife and daughter worry, son!" si Mommy sa kabilang linya. Tumawag kasi siya matapos kong makausap si Honey sa phone.

Tinapos ko ang mga pipirmahan para may oras na kami ng asawa at anak ko.

"Mom, my wife knows already and this is the last day," ani ko habang nasa lamesa ang phone ko. Nagpatuloy ako sa pagbabasa at pagpipirma. "Plano kong magbakasyon kasama ang asawa at anak ko, kaya inasikaso ko na ang kompanya para wala nang problema. I will take a leave for month."

"Ewan ko sa 'yo, anak! Just...just finish your work and go home!" si Mommy bago binaba ang linya.

Napangiti na lang ako at napatingin sa orasan. Maaga pa naman pero nag-alala ako dahil baka hindi pa kumain ang asawa ko. Naghintay pa naman iyon sa 'kin.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya akala ko ay secretary ko iyon.

"Mauna ka nang umuwi—"

Naibaba ko ang ballpen na dala ko nang makita ko si Phoebe. Kumunot ang noo ko at nagbaba ng tingin sa kanyang suot.

"Greg," mahinhing sambit niya sabay kagat sa kanyang ibabang labi. "Thank God, you're here!"

Kumunot ang noo ko. "What are you doing here?"

Umawang ang labi ko nang bigla niyang hinubad ang kanyang jacket sa harap ako at lumantad sa akin ang lingerie niyang kulay pula.

"Greg...I know you want me..."

"What the fuck!" Napatayo ako sa sobrang iritado. "Get out!"

Napaatras ako nang nagmamadali siyang lumapit sa 'kin at bigla akong niyakap. Umusbong ang inis sa akin kaya naitulak ko siya.

"Greg, ako dapat ang pinakasalan mo!" naiiyak na sambit niya at akmang hahalikan ako ngunit lumayo ako sa kanya.

"What the fuck are you thinking? Get the fuck out of here, now!" Naging kulog ang boses ko sa sobrang inis at galit.

"B-But...I love you, Greg! Ikaw lang ang lalaking minahal ko. Pero bakit...bakit hindi mo ako nakikita? Bakit?" lumuluha niyang sambit at lumuhod pa sa harapan ko. "G-Gawin mo ang kung ano ang gusto mong gawin sa 'kin, mahalin mo lang ako, Greg!"

Naikuyom ko ang kamao ko at sa sobrang galit ko ay naitulak ko siya. Napahandusay siya sa sahig dahil sa ginawa ko. Inayos ko ang neck tie ko at malamig siyang nilingon.

"I am still your boss, Phoebe. Kung ayaw mong mapatalsik sa kompanya ko, lumayo ka sa 'kin. Alam mo naman na hindi ako mananakit ng babae, 'di ba?" tanong ko sa kanya. "Pero baka ngayon pagsisisihan mong nabuhay ka pa sa mundong ito."

"G-Greg!' Nakita ko ang takot sa kanyang mukha.

"How dare you touch me! You are not fucking allowed to touch me, woman! I am fucking married and I don't fucking care about you!" sigaw ko. "Kung ayaw mong mas magalit pa ako sa 'yo, at hanggang babae pa ang tingin ko sa 'yo, lumayas ka sa harap ko."

"G-Greg—"

"Shut the fuck up and get out!" galit na sigaw ko sabay turo sa pinto.

Napatalon siya sa gulat at nagmamadaling pinulot ang jacket niya. Muntik pa siyang madapa sa pagmamadali niya. Inis akon naupo sa swivel chair ko at sinapo ang noo ko. Bakit nga ba nagustuhan ni Mommy ang babaeng iyon? Wala namang kagusto-gusto roon.

Tinapos ko na ang gawain ko at gabing-gabi na ako nakalabas ng building. Masaya ako na natapos ko na ang gawain ko dahil simula bukas ay makakasama ko na ang asawa ko. Napangiti ako nang tiningnan ko ang picture na s-in-end niya sa 'kin. Ang niluto niyang sinigang.

Napangiti na lang ako at binuksan ang pintuan ng kotse ko. I need to go. I need to see her and hug her. But when I got home...

"S-Sir!" si Dina habang umiiyak. Karga-karga niya ang anak ko at nakita ko na lang ang dugo sa may pintuan.

Ano'ng nangyari? Nasaan ang mga bodyguard dito? Bakit? Kumalabog nang mabilis ang puso ko at biglang nanlamig.

"Daddy!" umiiyak na sambit ng anak ko habang nakayakap kay Dina.

"N-Nasaan si Honey..." Nanginginig ang kamay ko at naikuyom ko ang kamao ko.

"S-Sir..."

"B-Boss..." Nanlaki ang mata ko at agad nilingon si Edron na duguan.

What the fuck? Walang kwenta ba ng mga tauhan ko para mapasukan sila ng magnanakaw? Ano? Naibalik ko ang tingin ko sa sahig at sinundan ko ang dugo.

Nanubig ang mata ko nang walang sumagot sa sa tanong ko. Lumapit ako kay Edron at hinawakan siya sa magkabilang balikat niya. Nakita ko ang takot sa mukha niya dahil sa ginawa ko.

"A-Ano ang nangyari? Ba-Bakit may d-dugo? N-Nasaan ang asawa ko?" nauutal ko na tanong ko.

Nagsidatingan ang mga walang kuwenta kong tauhan. Naikuyom ko ang kamao ko at tinulak si Edron. Pumasok ako sa loob ng bahay at nakita ko na kalat na kalat at halos nanakaw ang lahat. Tumulo ang luha ko nang magtungo ako sa dining area. Nakita ko ang hinanda niya para sa 'kin.

Nangatog ang binti ko at hindi na halos makahinga. Hindi ko akalain na ito ang madadatnan ko. Nasaan ang asawa ko. Napahawak ako sa aking ulo at...

"Ahhh!" sigaw ko sabay hawi sa mga nakahain sa lamesa.

"D-Daddy..."

"Dina, ialis mo ang anak ko rito," utos ko habang nakasampa ang palad ko sa lamesa. Hinihingal ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko lang...Gusto ko lang malaman kung bakit nangyari ito.

"B-Boss..." Inis kong nilingon ang isa sa tauhan ko ngunit nanlaki ang mata ko nang makita ko ang tsinelas ni Honey na may dugo. "N-Nakita n-namin sa g-gubat..."

Nanginginig ang kamay ko habang kinuha iyon mula sa kanya. Bagsak na bagsak ang luha ko habang nanginginig ang kamay ko.

"B-Boss, walang malay ang ibang tao, Boss, si Jack, Troy at Merick. Mukhang may pinainom sa kanila, Boss, para mapasok ang lugar na ito..."

"Mga wala kayong kuwenta!" sigaw ko at nagpatuloy sa pagwawala.

Kung nakinig lang ako kay Mommy. Kung maaga lang akong umuwi...Hindi dapat mangyayari ito. Hindi dapat... Kinuyom ko ang kamao ko.

Hindi namin nahanap si Honey kaya sigurado ako na buhay pa siya. Siguradong-sigurado ako. Halos basagin ko na ang computer nang makita ko ang copy ng CCTV sa bahay namin. Akala siguro ng asawa ko na ako ang makasalubong niya pagbukas niya ng pinto.

Napasapo na lang ako sa aking noo.

"Keep this private," mahina kong sambit. "Ako ang hahanap sa dalawang iyon."

"Okay, Boss..."

***

"Kulang pa 'yan, ang hihina niyong mga potangina kayo! Lakasan niyo pa!" sigaw ko habang malamig na nakatingin sa dalawang lalaking pumasok sa bahay namin.

Anong akala nila? Hindi ko sila mahahanap?

Pinapabugbog ko sa mga tauhan ko ang dalawang putanginang iyon. Hindi ko hahayaan na giginhawa lang ang buhay nila kapag nakulong sila.

"S-Sir, t-tama na po!" pagmamakaawa ng isang lalaki na halos hindi na maitsura ang mukha. "S-Sir!"

Kinuha ko ang baril sa gilid ng lamesa ko at ininom ang paubos na wine sabay kasa sa baril ko. Nakita ko ang paglaki ng mata nila lalo na nang itinutok ko sa kanila ang baril.

"Sir, h-huwag!" sigaw niya pero sinuntok lang siya sa tiyan ni Devon, isa sa mga tauhan ko.

"Anong huwag? Don't you fucking beg for me, you piece of shit!" sigaw ko. "Hangga't hindi ko malalaman kung bakit niyo ginawa iyon at kung bakit...bakit niyo sinaksak ang asawa ko!"

"S-Sir! Napag-utusan lang kami!" pag-amin niya habang lumuluha. "Nangangailangan lang kami, Sir! Mamamatay sa gutom ang pamilya ko, Sir!"

Ang isa naman ay tahimik lang sa gilid at sinalo ang mga suntok. Ang isang ito ay maingay pa sa maingay. Swerte niyo at hanggang suntok lang kayo mga kingina kayo.

Tumayo ako at unti-unting lumapit sa kanila. Ang isa ay nakayuko lang, ang isang maingay ay nakaangat ang tingin sa akin, nagmamakaawa.

Nawala ang luha sa kanyang mata nang bigla akong ngumisi. Nakita ko ang takot sa kanyang mata. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang mukha at itinutok sa kanyang noo ang baril ko.

"Kapag hindi mo sasabihin sa 'kin kung sino ang nag-utos sa inyo, hindi lang ikaw ang magdudusa, hayop ka. I will make sure your family as well..." Ngumisi ako sa kanya at idiniin lalo ang baril sa noo niya.

Paulit-ulit siyang umiling. "S-Sir! H-Huwag, Sir! Maawa ka, Sir!"

Napawi ang ngisi ko at binitiwan ang mukha niya. "Naawa ba kayo sa asawa ko?"

Nang hindi siya sumagot ay umayos ako ng tayo at inilagay sa bulsa ko ang baril. "Hindi kayo makakaalis dito hangga't hindi ko marinig ang sagot na hinahanap ko."

Akmang tatalikod na sana ako nang biglang magsalita ang lalaki.

"Sir! Si Phoebe Ocampo po ang nag-utos sa amin, Sir!"

Natigilan ako at ibinalik ang tingin sa kanya. Umawang ang labi ko at hindi makapaniwala siyang tiningnan.

"Pardon?"

"Sir! Si Phoebe Ocampo po ang nag-utos sa 'min!" sigaw niya. "Gusto niyang patayin namin ang asawa mo, Sir! K-Kami rin ang driver ng truck na bumangga sa dati mong kasintahan! Siya ang nag-utos, Sir!"

Bigla akong nanlamig sa narinig. Naikuyom ko ang kamao ko sa nalaman. Hindi ko akalain na magagawa iyon ni Phoebe. May puwang sa puso ko ang hindi maniwala kaya yumuko ako at inangat muli ang mukha niya.

"Pinaglalaruan mo ba ako?" mariin kong tanong.

Agad siyang umiling. "Hindi, Sir! M-Maawa k-kayo, Sir! H-Huwag niyo s-sana idamay ang p-pamilya ko, Sir! Si Ma'am Phoebe po ang nag-utos sa 'min, Sir!"

Sumikip ang dibdib ko at mas lalo lamang umusbong ang galit ko sa lahat. Matapos namin silang kausapin ay pinadakip ko na sila sa police. Sa totoo lang, hindi pa sapat ang pagbugbog lang. That bitch needs to pay. Anong karapatan niyang galawin ang pamilya ko.

She wants to play? I give her that...

Naikuyom ko na lang ang kamao ko lalo na nang ilang buwan na ang nakalipas. Nanatili akong tahimik at pinagmamasdan ang babaeng nanakit sa asawa ko. Nanatiling tikom ang bibig ko dahil gusto ko siyang paglaruan.

I want her to suffer before she rot in jail. Hangga't hindi maibalik sa akin ang asawa ko, mananatili muna siyang malaya.

"Patay na ang mommy mo, Grazer. I can be your mommy!" malambing na sambit ni Phoebe nang bumisita siya sa mansyon ng pamilya ko.

"No!" sigaw ni Grazer. "You are not my mommy! You are not my mommy! My mommy is not dead!"

"She is, Grazer. Kaya nga nandito ako dahil ako na ang magiging mommy mo...She's dead—"

"Shut the fuck up, Phoebe Ocampo. Leave my daughter alone..."

Tangina mo talaga, sarap mong ipakain sa buwaya. She's crazy... Unti-unti ko na 'yon nahahalata. Wala siya sa kanyang katinuan.

"Oh, Gregory. I can't wait to marry you," nakangising sambit niya. "Sigurado ako na masaya ni Honey sa kabilang buhay..."

Kumunot ang noo ko. "Why are you so sure na patay na ang asawa ko? Pinatay mo ba ang asawa ko?" diretsong tanong ko.

Nakita ko ang paglaki ng mata niya sa tanong ko. Humawak siya sa kanyang ulo at nagsimulang tumulo ang luha niya.

"Bakit ka g-ganiyan, Gregory? I am not a criminal. Why would I do such thing—"

"Hija, maybe you should go home," si Mommy habang yakap-yakap na ang umiiyak kong anak. "Hindi ito ang panahon para pag-usapan ang gano'ng bagay. My son lost his wife, you should respect that."

"T-Tita..."

"Go home, Phoebe, and take medicine..."

Sabay kaming napalingon kay Mommy na ngayon ay karga-karga na ang anak ko.

"What, Tita?" gulat na sambit ni Phoebe. "Why would I take medicine?"

"I think you are not feeling well," ani ni Mommy sabay baling sa 'kin. "Get her out of here..."

"T-Tita," nanginginig na sambit ni Phoebe. "Ang ibig mo ba ay may sakit ako?"

"Sinabi ko lang na baka masama ang pakiramdam mo, hija..."

"Hindi, Tita! You think I'm crazy?" sigaw niya kaya lumapit na ako sa kanya at hinila ang braso niya.

"Ano ba, Gregory? Hindi na ba ako gusto ni Tita?" sigaw niya nang tuluyan ko na siyang mahila palabas.

Lumuluha na siya ngayon at umamba pa na yayakap sa 'kin pero agad akong umiwas at lumayo sa kanya.

"Umuwi ka na, Phoebe, bago ko gawin ang ginawa mo sa kanya..."

Namilog ang mata niya. "W-What do you mean, Gregory?"

"Wala," malamig kong sinabi. "Umuwi ka na dahil magtatrabaho ka pa bukas."

Kahit alam ko na siya ang may kasalanan ay hinayaan ko muna siya sa mundong ito. Pero hindi ko hinayaan na maging magaan ang buhay niya.

"Greg, bakit mo ako pinalitan? Ako ang pinakamaganda sa mga babaeng iyon! Bakit mo ako pinalitan?" sigaw niya habang nagwawala siya rito sa opisina ko.

"We need a new face, Phoebe, at isa pa, hindi lang naman ako ang nagdesisyon. Marami kami. At least be grateful kasi may trabaho ka pa rin. Model ka pa rin namin," malamig kong sinabi.

Sinampa niya ang kanyang kamay sa desk ko. "Greg! Sinadya mo 'to! Sinadya mo ito!"

"Huh? Why would I do that to you, Phoebe?"

"B-Because...because you hate me!" aniya. "You hate me so much. Wala naman akong ginawa kundi ang mahalin ka."

Yes, I hate you so much, you freaking woman. And I will make sure you will rot in jail. Hangga't hindi pa rin nahahanap ang asawa ko, mag-enjoy ka muna.

But then two years had passed and I still couldn't find my beloved wife. My parents believed that she already died but my daughter was hoping for her to come back and yes, she came back, but then, she was not the same as before. Ang buhok niya ay maikli at kulay itim, at ang kanyang mata ay kulay itim na rin.

She was not alone, she was with Shaun Ocampo, Phoebe's half brother. Nang makita kong kasama niya ito, alam kong kasabwat na ito sa plano. Nang makita ko siya ulit, wala akong nakita sa kanyang mata kundi ang pagtataka...

She...she didn't recognize me. Nakalimutan na niya ako.

"Daddy, I saw mommy!" umiiyak na sambit ng anak ko habang hila-hila ang laylayan ng damit ko. "She's alive!"

"Sir, baka nagkakamali lang si Grazer, magkapareho kasi ng itsura pero nang malapitan ko, ibang-iba naman," si Dina at pinipigilan si Grazer sa paghila sa 'kin.

Nanatili lang akong nakatulala habang nakatingin sa kawalan. Yes, Grazer, I saw her too. But she was not the same as before. Her eyes were empty. Naikuyom ko na lang ang kamao ko.

Now that she's back, I will make sure they will pay for what they did to her. I will make sure they will suffer more than she did. I will not let them live in peace.

***

Sigaw ni Shaun ang tanging naririnig ko sa underground. Kulang na kulang pa 'yan sa kanya. Tanging pantalon na lang ang kanyang suot habang nakaluhod siya.

"Ano ang ginawa mo sa asawa ko? May nangyari ba sa inyong dalawa? Hinalikan mo ba siya, potangina mo!"

Tawa lang ang sinagot sa akin ni Shaun kaya mas lalo akong nainis.

"Desperado ka rin naman, Gregory," natatawa niyang sambit. "Kung sana gano'n lang kadali hawakan ang babaeng iyon ay ginawa ko na."

"Shut the fuck up, you fucking moron. Answer me!" Tinutok ko sa kanya ang baril. "Answer me you piece of shit!"

Nag-angat siya sa 'kin at umiling. "W-Wala...Kahit papaano nirespeto ko naman ang asawa mo...Hinalikan ko lang—"

Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin nang bigla ko siyang sinuntok sa tiyan. Napaubo siya sa ginawa ko. Nasa likuran niya ngayon si Devon.

"Bakit mo ginawa iyon? Ano ang plano niyong magkapatid?"

"Kung sana minahal mo lang ang kapatid ko, hindi mangyayari ito, Gregory!" sigaw niya. "Hindi na sana ako umapak sa bansang ito! Mahal na mahal ko ang asawa mo at gagawin ko talaga ang lahat makuha lang siya—"

"Then you're fucking unlucky," malamig kong sinabi. "Uuwi ka sa inyo na walang dala."

"Ha?"

"You will go back to Australia, naked," I smirked.

Tumalikod na ako at narinig ko ang kanyang pagprotesta habang hinubaran siya ng mga tauhan ko. Maglakad siyang hubad, iyon ang bayad niya sa ginawa niya sa asawa ko.

"Spongebob boxer," nakangiwing bulong ko at napailing-iling. "What a cute boxer...so sad you can't wear it anymore."

And after that, inaresto ang baliw na babae na tumatawa. Nakita ko siyang nakaposas, gulong-gulo na ang kanyang buhok.

"Gregory, hindi ka ba masaya sa ginawa ko?" natatawang tanong niya. "Pinokpok ko ang ulo ni Honey sa semento. Ang saya talaga!"

Nanatili lang ang titig ko sa kanya. Nakakaawa siya pero mas  matimbang ang inis at galit ko sa kanya.

"Bakit ako nakaposas?" naiiyak niya na sabi. "Gregory, pakasalan mo ako!"

Nakita ko sa sulok ang umiiyak niya na P.A. Siguro naawa siya sa boss niyang mamamatay-tao.

"Hindi ako baliw!" sigaw niya at tumawa. "Nasaan ang kapatid ko? Duguan ang ulo niya, ang kulit kasi...Sana hindi siya mamatay..."

Napailing na lang ako at tumalikod.

"Gregory! Huwag mo akong iwan! Mamamatay ako!"

"Greg!"

"Greg!"

"Greg!"

Napatalon ako sa gulat nang kinalabit ako ni Honey. Nakita ko ang pag-alala sa kanyang mukha at kinapa pa ang noo ko.

"Okay ka lang? You are spacing out," aniya sabay nguso.

Sinapo ko ang noo ko at hinawakan ang bewang niya. "Wala, may naalala lang ako."

"Hali na kayo! Salo-salo tayo lalo na't kababalik pa lang ni Honey..."

"Tara na nga, asawa ko," nakangiting sambit ni Honey sabay pisil sa ilong ko. "Hindi ka ba masaya?"

Nataranta ako nang mahimigan ko ang lungkot sa kanyang boses.

"Hala! Of course not, baby! I am happy that you are finally back in my arms again..." agad kong sambit.

"Mukhang hindi naman, eh!" nagtatampong sambit niya.

Mas lalo akong nataranta. "I am damn happy, baby..." Nagulat siya nang bigla ko siyang hinalikan sa labi. Bigla ring natahimik ang paligid dahil sa ginawa ko.

Nakita ko ang pagpula ng kanyang pisngi dahil sa ginawa ko at lumayo siya sa 'kin.

I chuckled and caressed her cheek. "Huwag ka ngang mahiya. Nag-expect sila na gagawa tayo ng second baby, Honey.""

Mas lalo siyang namula at napayuko. Inangat ko ang kanyang mukha at hinapit ko ang kanyang bewang.

"Let's go... They are already in the dining area, Honey. Kakain tayo at pag-uusapan natin ang tungkol sa kasal natin."

Nanlaki ang mata niya. "Kasal?"

Ngumisi ako sabay halik sa kanyang pisngi. "Oo naman...Magpapakasal tayo sa simbahan, sa harap ng altar, sa harap ng maraming tao..."

Umawang ang labi niya at nakita ko na nanubig ang kanyang mata.

"G-Greg..."

"Bakit?"

Natawa ako at muntik na kaming matumba nang tumalon siya para yakapin ako nang mahigpit. Natigilan ang ibang kasambahay pati ang mga magulang ko dahil sa aming dalawa.

"I love you, Greg... Thank you for waiting..."

Ngumiti ako at hinalikan ang kanyang buhok. "I will keep on waiting, Honey, kahit saang lupalop ka pa papatungo, hahanap-hanapin at hihintayin pa rin kita. This fucking bastard is so fucking loyal to you."

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa 'kin kaya ramdam na ramdam ko na ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Para itong nakikipagkarera sa puso ko.

"The runaway mommy will come back to me, no matter what. And I won't stop waiting until you stop running away from me, baby..." bulong ko sa kanya.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top