Simula

Simula

Mahigpit ang hawak ko sa kurtina ng bintana habang pinagmamasdan ko ang maliwanag na syudad na buhay na buhay sa gabi. Maraming mga naglalakihang building na may iba't ibang disenyo na talaga namang nagpapaganda sa lugar. Hindi ko akalain na dito na ang naging buhay ko. Hindi ko akalain na sa bansa na ito, nagkaroon muli ako ng pag-asa na mabuhay ng payapa.

Limang taon na ang nakalipas simula nang umalis ako sa Pilipinas. Mahirap at sobrang laki ng adjustment ang ginawa ko para lang mabuhay sa Australia. Limang taon na rin akong namuhay ng normal dito. Kahit marami akong pinagdaanan sa buhay ay binigyan pa rin ako ng Diyos ng blessing na nagbigay-buhay muli sa akin.

Isa akong makasalanan na tao. Nagsimula ako bilang isang babae na kilala bilang mang-aagaw, kabit, whore, slut, at kung ano pa na tawag sa mga babaeng katulad ko.

Wala akong choice no'n. I was young and naive. Isa lang din naman akong babae na gustong mahalin pabalik ngunit katawan ko lang ang gusto niya at hindi ang pagmamahal ko. Wala akong intensyon na manakit ng damdamin ng ibang babae. Naipit lang ako sa sitwasyon kaya ako naging babae niya.

Ngunit kahit gano'n pa ang ginawa niya sa akin, patago ko pa rin siyang minahal. Hindi ko akalain na isang araw, nakita ko na lang ang sarili ko na naging parausan niya kapalit ng kalayaan ng inosente kong tiyahin.

My past didn't leave me. Palagi pa ring pinaalala sa akin ang kasalanan ko na hanggang ngayon ay pinagdudusahan ko. I ran away when I found out that he made me pregnant. Natakot ako kaya lumayo ako at nagtago sa malayong lugar. While pregnant, I ruined something in exchange of this wonderful life in Australia.

"Mommy..."

Binitiwan ko ang kurtina at lumayo sa may bintana nang marinig ko ang boses ng aking anak. Agad akong bumalik sa kusina para tapusin ang niluluto ko at nakita ko nga siya roon, nakatayo malapit sa refrigerator habang yakap-yakap ang kanyang paboritong stuff toy–ang pooh.

Lumapit ako sa kanya at saka hinaplos ang kanyang mahaba at malambot na buhok. "What is it, baby?"

Tumingala siya sa akin. "Mommy, can I have fried chicken for dinner?"

Sinulyapan ko saglit ang nasa stove bago siya tiningnan muli. "Nagluluto ako ng soup but if you want, I will cook it for you."

Pumalakpak ang anak ko at agad nagpabuhat sa akin upang maiupo ko siya sa high chair ng kitchen counter.

May anak ako at siya ang dahilan kung bakit nagpatuloy pa rin ako sa buhay. Her name is Honey Grazer Andrade. The light of my dark world. Ang tanging pamilya ko ngayon. Halos lahat ay nakuha niya mula sa kanyang ama kaya hindi maipagkaila na anak siya ni Gregory. Ang tanging nakuha niya lang sa akin ay ang bughaw ko na mata at pointy nose.

Isa lang naman ang kinakatakutan ko sa loob ng limang taon na paninirahan namin sa Australia. Ito ay ang matunton at makuha ni Gregory ang anak ko mula sa akin.

Naglakad ako patungo sa refrigerator para kumuha ng karne ng manok. Hindi ko pa man ito nabuksan nang may kumatok sa pinto ng unit namin. Nanatili ang kamay ko sa hawakan ng refrigerator habang tinitingnan ang anak ko na ngayon ay tinuturo na ang pinto.

"Mommy! Door!"

"Yes, I know anak pero wala tayong inaasahan na bisita ngayon," sabi ko at kunot-noong napatingin sa pinto na kinakatok pa rin hanggang ngayon.

Bumuntonghininga ako at saka binitiwan ang hawakanan. Napagdesisyonan ko na buksan ito kaya naglakad ako patungo sa sala. Saglit akong nairita dahil patuloy pa rin sa pagkatok na parang nagmamadali.

"Saglit lang!" I almost shouted.

Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating sa may pinto. Wala sa sariling binuksan ko ito at sinilip kung sino ang kumatok.

"Sino iya–" Namilog ang mata ko at napaatras nang makita ko kung ang nakita ko.

Akala ko ay namamalik-mata lang ako pero bumilis ang tibok ng puso ko nang makumpirma ko na siya nga at may kasama siya na mga lalaki na tingin ko ay mga tauhan niya. Akmang isasara ko na sana ang pinto ngunit naunahan ako ng mga tauhan niya at itinulak ang pinto dahilan ng pagbukas nito nang malaki.

Napasinghap ako sa nangyari at napaatras. Nagsimulang nanginig ang aking katawan sa takot at agad pumasok sa isip ko si Grazer na inosenteng naghihintay sa akin sa kusina. Nag-panic ako nang tuluyan na silang nakapasok at isa na roon si Gregory na ngayon ay galit nang nakatingin sa akin.

"Dito ka lang pala nagtatago," sarkastiko niyang sabi sabay libot ng tingin sa buong unit ko. Dumilim ang tingin niya nang ibinalik ang tingin sa akin. "Kukunin ko ang anak ko. Where is she?"

Umigting ang panga niya at pinasadahan niya ako ng tingin. Nang hindi ako sumagot, sinenyasan niya ang kanyang mga tauhan. Bumilis ang paghinga ko nang halughugin ng mga tauhan niya ang buong unit ko. At nang nilagpasan niya ako, agad-agad ko siyang hinabol at hinarang ang sarili ko nang makita ko na papatugo siya sa kusina.

"N-No!" My voice trembled. Umiling ako sa kanya. "Please hayaan mo siya sa akin!"

Marahas niyang hinawakan ang braso ko at itinulak kaya napaupo ako sa couch. Agad akong tumayo at sinundan siya.

"Greg!" sigaw ko at mas lalong natakot.

"Mommy!"

Nahimigan ko ang takot sa boses ng anak kaya mas lalo kong binilisan ang paglakad ko patungo roon ngunit natigil nang may isang kamay na pumigil sa akin. Napasinghap ako at sinubukan kong makawala ngunit masyadong mahigpit ang pagkahawak ni Gregory sa akin.

"Get the child," walang awang utos niya sa dalawa niyang kasama habang nakahawak pa rin ang isa niyang kamay sa braso ko.

"Huwag!" desperadang sigaw ko at nagsimula nang umiyak.

Nakita ko ang inosente kong anak na naglalakad patungo sa akin kaya ginamit ko ang lakas ko upang makalapit sa anak ko. Nang makawala ako kay Greg ay mabilis akong lumapit kay Grazer at niyakap siya nang mahigpit. Pumatak ang luha sa aking mata habang yakap-yakap ko siya. Hindi ko akalain na mangyayari ngayon ang kinatatakutan ko.

"Baby, please don't leave me," sabi ko habang lumuluha at halos maipit na ang anak ko sa yakap ko.

Hindi ko kayang mawala sa akin ang anak ko. Siya lang ang tanging pamilya ko.

"Mommy..." Nagsimula na ring matakot ang anak ko at yumakap na rin sa akin.

Hindi ko isusuko ang anak ko sa walang kwentang lalaki na walang ibang iniisip kundi ang sarili niya. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa anak ko nang sinubukan nila kaming paghiwalayin.

Umalingawngaw ang iyak naming dalawa ng anak ko dahil sa walang puso na si Gregory. Nang nagtagumpay silang paghiwalayin kaming dalawa ay binuhat ang anak ko ng isang lalaki.

"Mommy! Mommy!"

Nakahandusay na ako sa sahig dahil sa panghihina pero nang makita ko na palabas na sila ay nakaramdam ako ng matinding takot dahil baka hindi ko na muli masilayan ang anak ko.

Agad kong hinawakan ang paa ni Gregory habang nasa sahig ako. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at sinalubong niya ako ng isang madilim na tingin.

"Please, Greg! Huwag mong kunin ang anak ko!" pagmamakaawa ko. "Hindi mo siya anak! Hindi mo siya anak!" Umiling-iling ako habang sinasabi ko iyon.

Saglit niya akong tinitigan bago nag-squat sa harapan ko. Hinawakan niya ang baba ko at inangat para magkatinginan kami. Hinaplos niya ang maputla kong labi bago siya nagsalita. "Don't deny the obvious, Honey, and don't you dare beg. Nasa iyo na ang anak ko nang limang taon. It's time for me to have her. This is your fault. After what you did five years ago?"

Binitiwan niya ang baba ko at tumayo na. "I won't let you see her again."

Saglit akong natulala at hindi nakapagsalita. Narinig ko ang kanyang pagbuntonghininga at iniwan akong mag-isang nakahandusay sa kusina. Umalis sila kasama ang anak ko.

Sinapo ko ang dibdib ko nang sumikip ito. Halos hindi na ako makahinga at nawalan na ng lakas ang aking katawan. Patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko at nang sinubukan kong bumangon, napahawak ako sa ulo ko nang biglang umikot ang mundo ko't lumabo ang pangin.

"A-Anak ko..."

Unti-unting dumilim ang paningin ko at ang huling narinig ko ay ang sigaw ng isang babae bago ako bumagsak sa sahig at nawalan ng malay. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top