Kabanata 8
Kabanata 8
Ginamot ni Gregory ang sugat ko sa pisngi. Mabuti at tulog ang anak ko dahil baka iiyak iyon kapag nakita ako sa ganitong kalagayan.
"Tingnan mo ang ginawa ng Jacob na iyon sa pagmumukha mo. Tanginang lalaking iyon," narinig kong bulong niya habang nilalagyan niya ng bulak ang pisngi ko.
Napapikit ako dahil sa hapdi pero ininda ko iyon. Kasalanan ko rin naman na nangyari ito sa akin dahil lumabas ako sa gabi.
"O-Okay na. Ako na ang bahala," pagpigil ko sa kanya pero napasigaw ako sa hapdi nang idiniin niya ang bulak sa sugat ko.
"Shut up or you will never see your daughter again," banta niya kaya itinikom ko na lang ang aking bibig.
"Ipapa-enrol ko si Grazer sa isang paaralan. Make sure you will always be there for her since I have work," sambit niya matapos niyang gamutin ang sugat ko.
Hindi na ako nagprotesta at sumang-ayon na lang sa gusto niya. Magandang ideya iyon dahil nasa tamang edad na rin naman ang anak ko para mag-aral.
Aalis na sana si Greg nang hinawakan ko ang laylayan ng damit niya. Gulat niya akong binalingan at bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa damit niya.
"What?"
"S-Salamat sa pagligtas sa akin, Gregory," pasasalamat ko.
"Tsk."
Hinila niya ang damit niya mula sa kamay ko at umalis na. Nang ako na lang ang mag-isa sa sala, naibagsak ko na lang ang balikat ako at napasapo sa aking noo. Muntik na. Muntik ko nang hindi makita ang mundo dahil akala ko ay katapusan ko na.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa boses ng anak ko. Napangiti ako nang marinig ko ang mga yapak niya patungo sa akin.
"Mommy, wake up! I am going to school! Daddy bought me a bag!" sunod-sunod na sambit ni Grazer.
Inimulat ko ang aking mata at tumagilid ng higa. Umawang ang labi ko sa gulat nang makita ko na bihis na bihis na ang anak ko. Talaga bang mag-aaral na siya?
Bumangon ako at inayos ko ang buhok ko. Ang dali lang ng panahon. Parang kailan lang ay naglalaro pa ng mga manika ang anak ko. Ngayon, may dala na siya na bag at excited na mag-aral.
Kailangan ko rin ma-contact si Jerah dahil gusto kong ipadala niya sa akin ang mahahalagang dokyumento ko. Paniguradong hinahanap na ako no'n dahil umalis ako na walang paalam. Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya kasi kahit ako ay hindi alam paano napunta sa Pilipinas.
At saka, mukhang magtatagal ako rito dahil mag-aaral na ang anak ko. Hindi naman puwede na iiwan ko siya rito. At isa pa, kailangan ko rin maka-usap nang maayos si Gregory para sa pag co-parenting namin kay Grazer. Gusto ko na ma-settle na walang gulo na magaganap.
"Anak..." Lumipat ang tingin ko sa buhok niyang naka-braid. "Sino ang gumawa sa iyo ng ganiyan?" Tinuro ko ang buhok niya.
Hinawakan niya ang buhok niya. "Mommy, si Ate Dina!"
Kumunot ang noo ko. Dina? Sino iyon? Ibinaling ko ang tingin ko sa pintuan at nakita ko na naroon ang isang babae na naka-uniporme ng pangkasambahay.
"Good morning po, Ma'am. Ako nga po pala si Dina. Ako po ang magiging yaya ni Grazer," pakilala niya sa kanyang sarili at ngumiti.
Ah, yaya pala.
Hindi siya katangkaran na babae pero masasabi ko na hindi nalalayo ang edad namin. Maikli ang kanyang buhok at bilog ang kanyang mga mata. Ang kanyang ngiti ay nakakahawa kaya wala akong mahanap na negative vibes sa aura niya.
Pero yaya? Bakit kailangan pa ng yaya, e, nandito naman ako?
"Yaya?"
"Opo," agad niyang sagot sa akin. "Ako po ang magbabantay sa kanya sa school na papasukan niya, Ma'am."
Tumangu-tango ako at tiningnan muli ang anak ko na ngiting-ngiti.
"You're awake."
Pumasok si Gregory sa loob ng kuwarto na bihis na bihis na rin. Hindi ko alam kung ano ang trip niya sa buhay o baka favorite niya lang talaga ang mag-hoodie, eh, ang init-init ng Pilipinas.
"Ano..." Napakamot ako sa aking ulo. "H-Hindi ba–"
"Take a bath, Honey. Aalis tayo," sambit niya sa akin at hinawi ang kurtina ng kuwarto ko.
Napabuntonghininga ako at saka bumaba na sa kama upang maligo.
***
"Greg, wala ang mga documents ni Grazer. Hindi siya puwede ma-enrol," sabi ko habang nasa kotse niya kami. Si Dina ay nasa backseat naman, katabi ng anak ko.
"I have it," sabi niya at saglit akong binalingan. "Nasa akin ang mga importanteng dokyumento mo as well as our daughter." Ibinalik niya muli ang kanyang tingin sa daan.
Napatingin ako sa kanya. So walang saysay ang pagtawag ko kay Jerah kasi nakuha na pala ni Gregory? Ano ba talaga siya? Bakit ang dali-dali lang niyang makuha ang gusto niya?
Napansin ko na parang wala sa mood si Gregory dahil kita ko ang higpit ng pagkakapit niya sa manibela at kunot na kunot ang noo habang nagda-drive. Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi. May organisasyon ba itong sinalihan si Gregory?
"Kailangan din kitang makausap tungkol sa ibang bagay."
Ramdam ko ang inis sa boses niya. May sinabi ba si Jerah sa kanya? Ano naman kaya kung may sinabi nga? Hindi naman siguro siya interesado kung tungkol sa akin. Sigurado ako na tungkol kay Grazer ang pag-uusapan namin.
Bumuntonghininga ako at ibinaling na lamang ang tingin sa bintana.
***
Nakarating kami sa isang paaralan na matayog at nakita ko ang mga bata na pumasok sa paaralan. Kita ko ang saya sa kanilang mga mata habang hinahatid sila ng kanilang mga magulang. Wala sa sariling napangiti ako. Gusto ko rin gawin iyon sa anak ko.
"We're here. Dina, hawakan mo si Grazer," ani Gregory at nauna nang lumabas sa kotse.
Binalingan ko ang anak ko na tuwang-tuwa at excited nang lumabas. Hindi ko pa nakita ang anak ko na ganito ka-excited. Siguro ay gusto na niyang mag-aral kasi sobrang saya niya ngayon. Iyon ang hindi ko agad naibigay sa kanya noong nasa Australia pa kami. Mahirap, eh, lalo na't kami lang dalawa at baka hindi ko siya masyadong matuunan ng pansin.
"Mommy!"
Humawak si Grazer sa aking kamay na ikinatigil ko. Nang nilingon ko si Dina sa likod namin ay ngumiti lamang siya. Tumango ako sa kanya at hinigpitan ang hawak sa anak ko.
"Phoebe, sa susunod na lang. May nilalakad ako."
Natigilan ako sa narinig at nilingon si Gregory na nakasandal sa harap ng kanyang kotse. Nandito na kami ngayon sa tapat ng paaralan, hinihintay si Gregory. Ngunit may kausap pa siya na nagngangalang Phoebe. Siya siguro ang girlfriend ni Gregory.
Naibaba ko ang tingin ko sa anak ko na ngayon ay nakatingin na sa mga bata na naglalakad papasok sa loob ng gate kasama ang kanilang mga magulang.
Kumirot ang puso ko para sa anak ko.
Anak, I'm sorry kasi hindi ko iyan maibibigay sa iyo. Masyadong komplikado ang sitwasyon namin. Pero gagawin ko ang lahat para hindi ako magkulang sa iyo. Gagawin ko ang lahat, makasama lang kita hanggang sa paglaki mo.
Wala akong pakialam kung may girlfriend si Gregory. Hindi ako papayag na kukunin niya ang anak ko para makabuo sila ng pamilya. I want that girlfriend of him to accept my daughter. Hindi ko hahayaan na tatratuhin lang na parang basura ang anak ko pagdating ng panahon.
Natauhan ako nang makitang naunang maglakad si Gregory. Binaba niya ang kanyang phone at saka inilagay sa kanyang bulsa.
"Let's go. May lakad pa ako," malamig niyang sabi.
Tumango ako at saka sumunod na sa kanya.
***
"May anak ka na pala, Mr. Sanchez?" gulat na gulat na tanong ng isang lalaki at nagbaba ng tingin sa anak ko. "Siya ang anak mo?"
"You're so loud, Mr. Laurel," iritadong sambit ni Gregory. "Give the damn slip already."
"A-Akala ko kayo ni Phoebe..." Lumipat ang tingin sa akin ng lalaki. "Siya 'yong–"
"Shut up!"
Namilog ang mata ko sa inis na mukha ni Gregory at ang kanyang ikinilos. Agad kong inilayo si Grazer doon.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala nalimutan ng ibang tao. Nag-viral ang video na iyon kung saan ay pinigilan ko ang kasal nina Khadijah at Gregory habang malaki ang tiyan ko. Marami akong death threats at pati ang kaibigan ko dati sa kolehiyo ay pinandidirian na ako.
Limang taon na ang nakalipas simula nang ginawa ko ang bagay na iyon pero may nakaalala pa rin pala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top