Kabanata 6

Kabanata 6

[FLASHBACK]

"Tiya Mirasol!" sigaw ko habang hawak na ng mga police ang nakaposas na si Tiya Mirasol.

Galing ako sa paaralan at nalaman ko na lang na dinakip si Tiya Mirasol dahil pinadakip ni Criza Sanchez. Nagnakaw daw ng alahas si Tiya.

"Honey..." Umiling siya sa akin. "Hindi ako ang nagnakaw."

Tumulo ang luha ko nang tuluyan na siyang ipinasok sa kotse. Naiwan akong tulala nang umalis ang patrol car.

"Hindi..." nanghihina ko na sabi.

Hindi magagawa ni Tiya ang bagay na iyon. Sobrang bait ni Tiya Mirasol at palagi iyon nagsisimba. Hindi niya kayang gumawa ng gano'ng bagay. Alam ko na hindi.

Kinuyom ko ang kamao ko at naisipan na puntahan ang bahay ng mga Sanchez. Una kong nakita si Gregory na kalalabas lang ng kanyang bahay at nang makita ako ay natigilan siya.

"What are you doing here?" kunot-noo niyang tanong sa akin.

Mabilis akong lumapit sa kanya. "Nasaan ang Mama mo? Puwede ko ba siyang makausap?"

Akmang magsasalita na sana si Gregory nang marinig ko ang boses ng Mama niya.

"At paano nakapasok ang isang hampaslupa sa pamamahay ko?" Binalingan ko si Tita Criza na ngayon ay nakataas na ang isang kilay. "Umalis ka rito!"

Umiling ako at agad lumapit sa kanya. "M-Ma'am, wala pong kasalanan ang Tiya ko. Sinabi niya sa akin na hindi siya ang nagnakaw. Maawa po kayo sa kanya, Ma'am. Alam ko na hindi niya magagawa ang paratang ninyo kay Tiya at may sakit po siya."

Si Tiya Mirasol na lang ang tanging meron ako. Ayaw ko siyang makulong kung wala naman siyang kasalanan. Siya na lang ang pamilya ko.

Natawa siya at binuksan niya ang kanyang pamaypay at inirapan ako.

"Hindi ko akalain na may isang low class na kagaya mo ang magmamakaawa sa akin," aniya sabay tulak sa noo ko gamit ang kanyang matulis na kuko sa kanyang hintuturo. "Magnanakaw ang Tiya mo at mabubulok siya sa kulungan. At kung maaari, gusto ko na mamatay siya doon."

Napasinghap ako sa sinabi niya at dahil sa galit, nahila ko ang buhok niya. Nagsisigaw siya sa sakit habang si Gregory ay hinihila ako papalayo. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko akalain na may mga ganitong klaseng tao pala sa mundong ito. Nakakagalit. Tuluyan akong nahila ni Gregory palayo sa kanyang ina na galit na galit.

"Ano ba ang problema mo?" sigaw ni Gregory nang maitulak niya ako palabas ng gate.

"W-Walang kasalanan ang Tiya Mirasol ko!" sigaw ko at tinulak din siya. "Pare-pareho lang pala kayo! Hindi na kita kilala, Gregory!"

Nagulat siya sa sinabi ko. Hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin dahil tumalikod na ako at naglakad palayo. Kinuyom ko ang kamao ko at sumikip ang dibdib ko.

Hindi ko akalain na minahal ko ang lalaking katulad niya. Akala ko ay iba siya sa ina niya pero mukhang pareho lang pala talaga sila. Hindi ko akalain na nagkagusto ako sa kanya. Hindi ko akalain na gusto ko pa rin siya kahit may girlfriend na siya.

Noon, palagi ko pa siyang nakakasama. Simula bata pa kami, siya ang kalaro ko dahil sinasama ako ni Tiya Mirasol na kasambahay nila Gregory. Naalala ko pa noon kung gaano siya kabait sa akin. Naalala ko pa kung gaano niya ako pinagtatanggol sa mga kaaway ko. Ngunit ngayong lumalaki na kami, sinampal sa akin ang katotohanan. Hindi siya kakampi sa akin. Magkaiba ang mundo namin.

"Huwag kang mag-alala, Tiya Mirasol. Babawi ako sa iyo. Ako ang magliligtas sa iyo sa impyerno."

***

"Wala akong pera na mapahiram sa iyo, Honey. Bakit ba kasi nakulong ang Tiya mo? Sa pagkakaalam ko ay mabait naman iyon at makadiyos."

Tama si Daria. Mabait at makadiyos si Tiya Mirasol kaya hindi ko lubos akalain na nasa kulungan siya ngayon. Naibaba ko ang tingin ko dahil mukhang wala na akong magagawa. Siguro ay kailangan ko munang tumigil sa pag-aaral para maghanap ng trabaho. Hindi ko hahayaan na mabulok si Tiya Mirasol sa kulungan. Hahanap ako ng paraan.

"Maganda ka naman, Honey."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin at saka humilig sa lamesa.

"Marami akong kilala na mga babae na mayaman na ngayon. Ang trabaho nila ay paliligayahin lang ang mga foreigner nilang customer. Pero sa kaso mo, mas madali kang magkakapera sa mga pinoy na businessman. Malaki ang kikitain mo at sa isang gabi lang, matutubos mo na ang tiyahin mo."

Umawang ang labi ko at wala sa sariling napayakap sa sarili. "S-Sinasabi mo ba na ibebenta ko ang sarili ko sa isang businessman?"

Umiling si Daria at umupo nang maayos. "Suggestion ko lang naman . Wala ng ibang paraan, e. At sigurado ka ba na may tatanggap sa iyo sa trabaho lalo na't hindi ka pa graduate? Mahirap kumita ng pera ngayon. Sinabi ko lang iyon sa iyo dahil mukhang desperada ka namang makalabas ang tiyahin mo.

Wala sa isip ko ang ibenta ang sarili kaya naghanap ako ng trabaho kahit nag-aaral pa ako. Pero hindi pa iyon sapat para makapag-ipon ng malaking pera. Nasa punto na ako na nagmakaawa na kay Tita Criza pero pareho pa rin ang sinabi niya.

"Umalis ka rito!" sigaw niya. "Hindi ko talaga magugustuhan ang babaeng katulad mo! Lumayo ka sa anak ko!"

Kumuyom ang kamao ko.

"Ilayo niyo sa akin ang babaeng iyan!" sigaw niya at nagsilapitan ang mga bodyguards sa akin.

"Maawa po kayo sa Tiya ko. M-May s-sakit po siya!" lumuluha kong sinabi habang hinihila na ako papalayo.

Simula noong araw na iyon, nakapagdesisyon na ako na sumang-ayon sa sinabi ni Daria. Wala na akong ibang paraan at gusto kong mapagamot ang Tiya ko kapag nakalabas siya. May sakit siya sa puso at ayokong mawala siya sa akin kasi siya na lang ang meron ako.

"Sigurado ka ba, Honey?" nag-aalalang tanong ni Daria. "Sigurado ako na hindi magugustuhan ng Tiya mo ang gagawin mo."

Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi ko. Alam ko, pero hindi ko naman sasabihin sa kanya.

"H-Huwag mo lang sabihin sa kanya, Daria," malungkot kong sambit. "Ayaw kong magalit si Tiya sa akin dahil sa gagawin ko. Para sa kanya naman ito at okay lang sa akin.

"Sige, sige. Ipapakilala kita kay Madam. Sigurado akong pasok ka agad dahil maganda ka at makinis."

Mahina akong tumango at napayuko na lamang. Wala nang atrasan ito.

***

"Ang tagal naman! Naiinip na ako!" inis na sambit ni Jacob habang nkatuon pa rin sa akin ang baril niya.

Bakit sa lahat ng naalala ko ay iyon pa? Ngayon pa talaga na nasa delikado ang buhay ko?

"Siguro nga ay nagkakamali ako. Dapat si Phoebe na lang ang k-in-idnap namin. Siguro ay darating iyon," naiinip nang sabi ni Jacob at lumapit na sa akin.

Saglit akong natigilan. Phoebe? Siya ba ang girlfriend ni Gregory?

"Sayang ka at nagpabaliw ka sa lalaking iyon. Ang ganda-ganda mo pa naman." Kinasa niya muli ang kanyang baril. "Pasensya na, pero kailangan na kitang tapusin."

Tumulo ang luha sa aking mata dahil sa sinabi niya. May pangarap pa ako sa buhay. Gusto ko pang makabawi sa anak ko at gusto ko pa siyang makita na lumaki.

"Kawawa ka naman at wala ka nang magagawa. Pasensya na, Honey, at nadamay ka pa sa kaguluhang ito. Pero hindi na kita hahayaang makalabas pa dahil baka–"

Napatili ako nang may biglang pumutok na baril. Bumilis ang tibok ng puso ko at halos nanigas sa aking hinihigaan. Nagulat ako nang bumagsak si Jacob sa sahig at ang kanyang baril ay tumalsik sa paanan ko.

"Aah!" sigaw ni Jacob at napahawak sa kanyang tuhod.

"Boss! Nandito na si–"

Napatili muli ako pumutok muli ang baril at bumagsak ang isang lalaki sa sahig. Gaya ni Jacob, sa tuhod din ito binaril.

Hindi ako nakapagsalita. Nanginginig ako sa takot nang makita ko ang isang lalaki na pumasok. Naka-hoodie ito at may face mask. Itim na itim ang kanyang suot habang may baril sa kanyang kanang kamay. Tinutukan niya ng baril si Jacob na ngayon ay namimilipit na sa sakit.

"Hayup!" sigaw ni Jacob at sinubukang abutin ang kanyang baril sa paanan ko. Agad ko itong pinatid palayo sa kanya.

Nanlaki ang mata ko nang mag-angat siya ng tingin sa akin at akmang hihilain ang paa ko nang nagpaputok muli ng baril ang naka-itim na lalaki.

"Hayup ka talalga, Sanchez!"

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang hinubad ng lalaki ang kanyang face mask at bumungad sa akin ang itsura ni Gregory. Hindi ko akalain na siya ang bumaril sa dalawang lalaki na ito.

"Shut up you son of a bitch." Kinasa ni Gregory ang kanyang baril. "You father deserves to rot in jail. Hindi ako nangako sa iyo. Ikaw itong umasa at nag-assume. Hindi ko matutulungan ang isang kriminal."

"Hayup ka talaga, Sanchez! Tangina mo!"

Nakita ko na may nilingon si Gregory sa pintuan at nagsilabasan ang mga naka-itim na mga lalaki na may dalang baril. Hindi ko maiwasan ang magtaka. Sinu-sino ang mga taong ito? Bakit may dala silang baril at si Greg, ano ang nangyari sa kanya? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top