Kabanata 5
Kabanata 5
Umalis ako sa condo unit nang walang paalam. Siguro alam na ni Gregory kung bakit ako umalis. Siguro ang akala niya ay sinukuan ko na ang anak ko. Pero hindi. Babawiin ko ang anak ko sa kanya.
Kumunot ang noo ko nang makita na hindi pamilyar ang lugar sa akin. Siguro ay nagbago na ang lugar dahil limang taon na ang nakalipas. Puro mga buildings ang nakikita ko. Hindi ito Compostela.
Naghanap ako ng tindahan upang makitawag. Kailangan kong tawagan si Jerah. Siya kasi ang malapit sa condo unit ko at tingin ko ay maipadala niya ang mga importanteng gamit ko.
Malaki ang gastusin ngunit hindi ako makababalik ng Australia hangga't wala akong mga importanteng gamit. Bukod doon, wala rin akong pera. Sa ngayon, mananatili muna ako rito pero gagawa ako ng paraan para makombinsi ko si Gregory.
"Ate, puwede po ba makitawag?" magalang na tanong ko sa isang babae na kasalukuyang binibilang ang kanyang pera.
Nakita ko na lumiwanag ang kanyang mga mata nang mag-angat siya ng tingin sa akin ngunit nang makita niya ang ayos ko ay napawi ang ngiti niya.
"Ay, akala ko pa naman ay mapera," dismayado niyang sabi at inirapan ako. "Ano ang sadya mo? Muntik mo na akong maloko. Akala ko pa naman ay foreigner ka."
"Uhm, m-may libreng pantawag po ba kayo?"
Nagulat ako nang bigla siyang tumawa at inilingan ako. "Naghahanap ka ba ng libre? Wala nang libre sa mundong ito. Lahat binabayaran at teka nga..." Lumapit siya sa akin at niliitan ako ng mata. "Ang ganda naman ng mga mata mo. Magkano ang bili mo sa contact lens mo? Plano ko kasing bumili ng kagaya mo."
"Mata ko po ito," agad ko na sagot sa kanya.
Napalayo siya sa akin. "Weee? May lahi ka?"
Nahihiya akong tumango. "Opo."
Mukhang wala naman siyang balak na pahiramin ako. Maghahanap na lang siguro ako ng iba. Napabuntonghininga na lamang ako at umalis na sa tindahan niya.
"Uy saglit! Huwag kang dumaan diyan!"
Pero hindi ko masyadong narinig ang sigaw ng tindera kaya kumunot ang noo ko at tumigil sa paglalakad. Nilingon ko ang tindera na ngayon ay nakatakip na sa kanyang bibig at nag-iwas ng tingin. Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Gabi na at masikip ang daan. Marami pa rin akong narinig na nagtatawanan. Siguro ito ang buhay syudad sa gabi. May mga nakabukas pa rin na mga tindahan kahit gabi na.
Sanay na akong maglakad sa gabi kasi ginagawa ko rin ito sa Australia. Saan kaya ako matutulog ngayong gabi? Nahihiya na kasi akong bumalik kay Gregory at baka iba ang iisipin no'n. Siguro bukas na lang ako babalik.
Habang naglalakad ako, naramdaman ko na parang may nakasunod sa akin. Bigla akong kinabahan at humigpit ang kapit ko sa damit ko. Binilisan ko ang aking mga hakbang at tutungo na sana sa mas matao na lugar ngunit napasinghap ako nang biglang may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko.
Pipiglas na sana ako sa kanyang hawak ngunit halos mawalan ako ng hininga nang sinuntok niya ako sa may tiyan. Hindi ako nakapagsalita dahil sa panghihina at nakita ko na lang ang sarili ko na binuhat ng isang lalaki at ipnasok sa may van.
"H-Huwag..."
Inangat ko ang kamay pero nawalan ako ng malay nang bigla niya akong sinampal.
***
"Sigurado ka ba, Boss? Girlfriend iyan ni Gregory?"
"Sigurado ako. Nakita ko na iyan! Sigurado naman akong magpakita ang lalaking iyon sa atin. Kapag hindi, papatayin na lang siguro natin ang babaeng ito."
Nagising ako at napasinghap nang makita na nakatali na ang kamay at paa ko habang patagilid na nakahiga sa sahig. Ang aking bibig ay tinakpan din ng tape.
"Sayang naman, Boss! Puwede naman natin tikman bago patayin, e. Sabik na sabik na rin kasi ako."
Nanlamig ako sa narinig.
"Bobo ka ba? Hindi tayo rapist! Gago!"
Napaangat ako sa lalaking nakamaskara. May ngisi sa kanyang labi habang papalapit sa akin.
"Ikaw ba ang girlfriend ni Gregory?" tanong niya sabay squat sa harap ko.
Agad akong umiling habang panay pa rin ang tulo ng luha ko. K-in-idnap ba nila ako kasi akala nila ay girlfriend ako ni Gregory? Pwes, sobra ang pagkakamali nila. Bakit naman nila ako paghihinalaan na girlfriend ni Gregory? Bago pa lang ako nakabalik ng Pilipinas. Baka iba ang tinutukoy nila.
Paulit-ulit ako na umiling.
Natawa ang lalaki na nakatayo habang may sigarilyo na nakaipit sa darili niya. "Hindi raw, Boss. Mukhang sinungaling din ang babaeng ito, e!"
Namilog ang mata ko at agad na umiling. Tinanggal ng lalaking naka-squat ang tape sa bibig ko. Nagpakawala ako ng hangin at hiningal.
"H-Hindi..." tanggi ko. "Nagkakamali kayo."
Nanlamig ako nang hinawakan niya ang mukha ko at inipit. Tinanggal niya ang kaanyang maskara at namilog lalo ang mata ko nang makita ko kung sino ito.
"J-Jacob?"
Paano? Hindi ba at tauhan siya ni Gregory? Paanong...
Ngumisi siya nang makita ang reaksyon ko/ Binitiwan niya ang mukha ko at tumayo.
"Kilala mo na pala ako. Gulat na gulat ba?" Humalakhak siya at isinuot pabalik ang kanyang itim na maskara at nagbaba ng tingin sa akin. "Maraming taon na ang nakalipas. Marami na ang nangyari. Marami akong nakulong na mga kaibigan dahil sa lecheng Gregory na iyon. Nagsisisi ako na naging sunud-sunuran ako."
"P-Pakawalan mo ako." Pilit kong hilain ang kamay ko mula sa pagkatali. "H-Hindi ako ang girlfriend ni Gregory!"
"Alam ko." Ngumisi siya at iniwagayway ang kanyang phone. "Pero alam ko na babae ka niya noon. Naalala ko pa kung paano ka pinaikot ng lalaking iyon. Manunuka ba naman ng babae kahit may girlfriend na."
Natahimik ako.
"Biktima ka rin niya at ako rin. Hindi niya pinalaya ang ama ko sa kulungan kahit nagserbisyo na ako sa kanya," mapait niyang sabi at bumunot siya ng baril. "Hindi ko matanggap na namatay ang ama ko sa kulungan! Hindi ko matanggap at ngayong may lakas na ako, hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka sa harapan niya!"
Napasinghap ako.
"Alam ko na mahalaga ka kay Gregory kaya pupunta iyon dito." Humalakhak siya. "Kababata ka niya, hindi ba? Hindi ko akalain na nagpauto ka sa isang katulad niya. Pinalaya nga ang Tiya mo, kapalit naman ng pagiging parausan mo."
Tagos na tagos sa puso ko ang sinabi niya. Halos dumugo na ang labi ko dahil sa sobrang diin ng aking pagkakagat. Alam ko na iyon pero hindi ko alam na may iba pa palang nakaalam.
Sunod-sunod anng pag-agos ng aking luha nang itinapat niya sa akin ang kanyang baril habang ang kanyang selpon ay nasa tapat na ng kanyang kaliwang tainga.
"Gregory! Magpakita ka sa akin dahil kung hindi, bangkay na ng babaeng ito ang makikita mo!"
Bakit ba ako nasali sa gulong ito? Hindi ako girlfriend ni Gregory kaya hindi iyon pupunta dito. Kung mamamatay man ako, baka mag-celebrate pa iyon dahil kanyang-kanya na ang anak ko.
"Honey Lou Andrade, tama ba?" Inilayo niya ang kanyang selpon sa kanyang tainga at tiningnan ako. "Nasa harapan ko siya ngayon at hindi ako nagbibiro. Alam na alam mo na hindi ako nagbibiro. Kapag hindi ka magpakita, bangkay na ang maabutan mo, Gregory."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top