Kabanata 40
Kabanata 40
"Mommy, the ball!" naiiyak na sambit ni Grazer sa akin at itinuro ang bola na tumatalbog papalayo sa amin.
Binitiwan ko ang kanyang kamay at akmang hahabulin na sana ang bola kaya lang ay may naunang nakakuha nito. Naiangat ko ang tingin ko at bumungad sa akin ang isang lalaki na nakangiti na sa akin.
"Uhm..."
Inilahad niya sa 'kin ang bola. "Here..."
Tinanggap ko agad ito. "Thank you..."
"You're welcome," aniya at binalingan ang anak ko. "Is she your daughter?"
Mahina akong natawa at tumango. "Yes..."
Nagulat ako nang maglahad siya ng kamay. "I'm Shaun Ocampo, you are?"
Tinanggap ko ang kamay niya at nakipag-shake hands. "Honey Lou Andrade." Kumunot ang noo ko sabay baling sa kanya. "Ocampo? Are you a Filipino?"
"Sort of. But I lived here since birth. But then I know how to speak Tagalog. I am fluent." And then he grinned.
Agad akong lumapit sa anak ko at binigay sa kanya ang bola.
"Talaga?"
"Oo naman," sagot niya sa 'kin ngunit may accent na pang-Australian. "I know how."
"Mabuti at may kilala na akong ibang pinoy rito," ani ko at umupo sa upuan para ayusin ang buhok ng anak ko. "Kaunti lang kilala ko rito."
Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Yes, I bet you know Jerah, right?"
Natigilan ako sa pagtali sa buhok ng anak ko at gulat siyang tiningala. "Oo, kilala ko. Kapitbahay ko 'yan. Kilala mo siya?"
"Wow, small world. She is actually my cousin," aniya at inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa. "But we are not that close. I also have a sister in the Philippines but we are not on good terms..."
Kumirot ang puso ko sa kanya.
"Ikaw, why are you here with your daughter?" nagtatakang tanong niya at binalingan ang anak ko. "Maganda naman ang Pinas."
Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Gusto kong manirahan dito. Hindi kasi para sa 'kin ang Pilipinas at maraming bangungot ang nangyari sa 'kin. I want my daughter to live in peace and a loving environment kaya kumakayod ako para sa kanya."
Tumingala ako sa kalangitan.
"I am also like you..." aniya kaya napabaling ako sa kanya. Ngumiti siya ng tipid sa 'kin. "Ayaw ko na rin bumalik doon."
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Wala rin doon ang buhay ko. Hindi ako nababagay doon." Huminga siya nang malalim. "Pero...mahal ko ang kapatid ko. Babalik ako roon para sa kanya. I can't abandon her. Siya na lang ang mayroon ako kahit papaano."
Ako rin naman...
Kung siguro buhay pa si Tiya Mirasol ay baka babalik pa ako roon. Siya na lang din kasi ang mayroon ako bukod kay Grazer, pero wala na siya sa mundong ito.
"Pareho pala tayo..." Ngumiti ako sa kanya at tumayo na. "Uuwi na pala kami ng anak ko. Masaya ako na makilala kita."
Ngumiti siya sabay kaway. "See you soon, Honey Lou."
***
Unti-unti kong inimulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang puting kisame at ramdam na ramdam ko ang lamig ng aircon dito sa hospital. Akmang gagalaw na sana ako nang masagi ko ang isang kamay na nakahawak sa kamay ko. Nang magbaba ako ng tingin ay umawang ang labi ko nang makita ko ang natutulog na si Gregory. Ang kanyang ulo ay nasa kama habang nakaupo siya sa maliit na silya. Hawak-hawak niya ang kamay ko na may dextrose.
Napatingin ako sa paligid at tingin ko ay nasa private room ako dahil sa lawak ng kwarto. May sariling sala at may TV pa. Napahawak ako sa ulo ko at wala na siyang kirot. Ang huling natandaan ko ay 'yong nawalan ako ng malay at ang paglayo ni Phoebe sa amin.
And then...my memories went back...
"G-Greg..." Kinalabit ko ang kanyang balikat. "G-Gising..."
Nag-angat ng tingin si Gregory at agad siyang napatayo nang makita akong mulat na mulat.
"Honey!" gulat niyang sambit at hinawakan ang mukha ko. Pumungay ang kanyang mata at nakita ko ang kaligayahan sa kanyang mata. "You're awake and..."
Bago pa man ako makapagsalita ay sinalubong niya ako ng isang marahan na halik sa labi. Halos hindi ako makahinga dahil sa kanyang ginawa kaya kailangan ko pang kurutin ang kanyang braso para tantanan niya ang aking labi.
Napasinghap ako nang pumatak ang luha niya sa pisngi ko. Nakita ko ang pagkagat niya sa kanyang labi habang nakatitig sa 'kin. Hinawakan ko ang kanyang braso at nginitian siya.
"Greg..."
"Is this real?" lumuluha niyang tanong. "Do you remember me? Do you?"
Tumango ako sa kanya. "Oo..."
Napatili ako nang bigla niya akong inatake muli ng isang marahan na halik sa labi. Basang-basa na ang mukha ko dahil tumutulo sa mukha ko ang luha sa kanyang mukha.
"I love you...I really do... God knows how much I love you..." aniya at hinalikan ang noo ko. "You've been unconscious for weeks...I'm sorry. Tinanggal ko na ang mga tangang guard na iyon."
"G-Greg..." Nanubig ang mata ko. "I'm sorry...Hindi ako b-bumalik...I didn't know...I—"
"Shhs!" Nilagay niya ang kanyang hintuturo sa tapat ng labi ko upang pigilan ako sa pagsasalita. "You're home. You are already home, Honey, and no more running away because if you do that, then I will run with you baby..." aniya at hinalikan muli ang labi ko.
"Greg..."
"And before you run away, you have to marry me first," aniya at kinuha niya ang kaliwang kamay ko at inangat patungo sa kanya. "In front of the altar."
Namilog ang mata ko nang makita kong may kinuha siyang singsing mula sa likuran niya at bago ko pa man mahila ang kamay ko ay inilagay na niya singsing sa daliri ko. Nangilid ang luha sa aking mata habang nakatingin sa singsing. Isa siyang diamond ring pero mas maganda at magaan tingnan kumpara sa binigay niya sa 'kin noon. Saktong-sakto sa daliri ko.
"Greg, your mom won't—"
"She will and she changed, Honey..." seryosong aniya sabay halik sa kamay ko. "At kahit ayaw niya sa 'yo, wala akong pakialam. Tayo naman ang magpapakasal..."
"Greg—"
"At dalawang taon tayong hindi nakita," pagputol niya sa 'kin. "Hindi nayayakap, at hindi nahahalikan kaya dalawang taon din kitang hindi titigilan."
Umawang ang labi ko. "A-Ano ang ibig mong sabihin?"
Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at humilig papalapit sa akin. Lumapit siya sa tainga ko sabay bulong, "Alam mo na 'yon, Honey. Dalawang taon na rin akong sabik sa 'yo kaya pagbibigyan mo talaga ako..."
"Hoy!" Tinampal ko ang balikat niya at biglang namula.
Lumayo siya sa 'kin at humalakhak. Pinisil niya ang pisngi ko.
"Joke lang," aniya. "Don't worry, Phoebe was now arrested. May sakit siya sa utak, Honey. Hindi ko akalain na siya rin ang may gawa no'ng aksidente ni Khadijah noon kaya patong-patong ang kaso niya. She was house arrested dahil kailangan niya ring maipagamot."
Umawang ang labi ko.
"I didn't know that, Honey. She begged me before. She wants herself to be your replacement. She wants to be my wife and be the mother of my daughter. Palagi niyang sinasabi na patay ka na..."
Napayuko ako at nakaramdam ng awa sa kanya. Pero hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa 'kin. Hindi ko akalain na may tinatago pala siyang gano'n. Napaka-successful niya na tao at maraming humahanga sa kanya. Hindi ko akalain na may gano'n siya na side.
Nang maalala ko si Shaun ay napaangat ako ng tingin kay Gregory.
"Greg, si Shaun?" tanong ko. "Nasaan na siya?"
Kumunot ang noo ni Gregory at humalukipkip sa harap ko. "You are seriously worried about him?"
Kinagat ko ang aking ibabang labi. "N-Nagtatanong lang."
"Well, baby...He learned his lesson." He smirked.
"Huh? Bakit ka nakangisi?" kinakabahan na tanong ko.
"Because he clearly knows who I am, Honey. Hindi niya alam kung sino ang binangga niya."
"Greg!"
"What, Honey?" Kumunot ang noo ni Gregory. "Pinaghigante lang kita, mga ten percent lang ng lakas ko iyon. Mabuti at hindi ka naman niya ginalaw. Kiss lang naman daw ginawa niya kaya ten percent lang din ang pagpabugbog ko sa kanya bago siya lumayas ng Pilipinas."
Umawang ang labi ko at napayuko.
"Tsk, I should inform everyone that you are awake. Grazer will be happy to see you, Honey."
***
"What a shocking news, Jan? The Hottest model and the former face of Gsanche soap was house-arrested! How will the fans react to this?"
"Nagkagulo na ang social media sa ngayon at sari-saring mga reaksyon ang ipinuna ng mga netizens about sa nangyari!"
"Wala pang official statement ang management sa kung ano ang katotohanan—"
"Stop watching that, Honey," saway ni Gregory sa akin at in-off ang TV sa kwarto ko rito sa hospital.
Tatlong araw na akong gising at hanggang ngayon ay nasa hospital pa rin ako.
"Ang pangit naman kasi ng palabas," reklamo ko sabay kamot sa ulo ko. "At saka, kailan ba ako lalabas? Miss ko na ang anak ko, Gregory..."
"Marami pa tayong aayusin, Honey. You need to explain yourself to your fucking agency. Umalis ka na sa kompanyang iyon. Hindi mo naman talaga gusto ang pagmo-model, 'di ba? Hindi mo na kailangang magtrabaho pa dahil mayaman naman ang asawa mo."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
"Ang yabang mo, ah!"
"I was just telling the truth, Honey. Kung gusto mong bilhin ko pa ang buong kompanya, gagawin ko."
Napairap na lang ako at inayos ang buhok ko. "Ewan ko sa 'yo. Wala ka sigurong trabaho at baka maghirap ka dahil halos hindi mo na ako tatantanan dito..."
Ngumuso siya at mabilis na lumapit sa 'kin. "Ayaw mo ba akong makita?"
"Ang panget mo talaga! At saka, magpagupit ka nga!" inis kong sambit pero napatili ako nang tumabi siya sa kama ko at dinaganan ako.
"Hoy! Umalis ka nga diyan!" sita ko sa kanya at tinulak siya sa kanyang dibdib. "Mabigat ka kaya!"
Niliitan niya ako ng mata at inilapit ang mukha sa akin. "Gagawa tayo ng new memory, Honey. Na kahit magka-amnesia ka pa, sisiguraduhin ko na ang parteng ito ay hindi mo makakalimutan..."
"Greg!" Nilakihan ko siya ng mata.
Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko. "At saka, kailangan mo na yatang tumaba ulit dahil mukhang hindi ka pinapakain ng spongebob na 'yon."
"S-Spongebob?"
He smirked. "Yes, umuwi siyang hubo't hubad, Honey. Hindi ko akalain na favorite pala niya ang spongebob na boxer."
"Greg!"
Humalakhak siya at isiniksik ang sarili sa leeg ko. "Just kidding. We won't do that here, baka mumultuhin at hindi makatulog ang mga makarinig dahil maingay ka pa naman sa kama..."
Uminit ang pisngi ko at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking palad.
Tumawa siya muli at umalis sa pagkadagan. "Joke ulit... Just let me hug you. They are all waiting for you, Honey..."
Umawang ang labi ko.
"My wife will come back...and will never leave me again..." bulong niya at isiniksik muli ang kanyang mukha sa leeg ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top