Kabanata 4
Kabanata 4
"W-What do you mean? N-Nandito ako sa Pilipinas?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko pero sa tingin niya pa lang, nasagot na ang tanong ko.
"Mommy, are you okay?"
Napatingin ako sa anak kong nakakayakap na sa akin habang nakatingala. May dala siyang stuff toy.
Bumuntonghininga si Gregory kaya naibalik ang tingin ko sa kanya. Nasa bulsa na niya ang kanyang mga kamay.
"Hindi na natin kailangang pag-usapan ang tungkol sa kanya, Honey. Kung gusto mong makasama ang anak mo, manatili ka rito sa Pilipinas," malamig niyang sabi bago ako nilagpasan at iniwan kasama ang anak ko sa sala.
Mahina akong napaupo sa sala at natulala. Tumabi sa akin ang anak ko at niyakap niya ang kanyang dala na stuff toy. Hindi ko maiwasang isipin kung paano siya natanggap ng anak ko.
"Anak..." Binalingan ko si Grazer sabay hawak sa kanyang maliit na kamay. "Are you happy? Nakita mo na ang Daddy mo."
Agad na tumango si Grazer. "I am happy, Mommy. I want to be with daddy! Is it okay, Mommy?"
Umawang ang labi ko sa tanong niya at hindi agad nakasagot. Gusto niyang makasama ang daddy niya? Paano naman ako? Makakaya ko ba iyon?
Ayaw ko na bumalik dito. Ayaw ko na sa Pilipinas kahit maraming taon na ang nakalipas. Hindi ko nga alam kung ano na ang nangyari sa buhay ni Gregory. Baka nag may asawa na iyon at ayaw ko na muli makasira ng relasyon.
Kung sakaling mayroon an siyang asawa o girlfriend at ipakilala niya ang anak ko, sana matanggap ang anak ko.
Napalunok ako at tiningnan si Grazer na naghihintay sa sagot ko. "Anak..."
Ngumuso siya. "Mommy, Dad said he wants to see me every day."
Kumirot ang puso ko sa narinig.
Akala ko pa naman ay maibabalik ko siya sa Australia dahil naroon ang buhay namin. All I want is to live peacefully with my daughter. Ayaw ko na ng gulo dahil pagod na ako sa gano'ng bagay.
My daughter deserves the best at nasasaktan ako para sa kanya. Marami akong pagkukulang at ngayon, gusto niyang makasama ang Daddy niya. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko. My only goal is to get my daughter back at babalik kami sa Australia.
Pumikit ako at nag-isip. Siguro ay kailangan kong manatili muna rito para makasama ang anak ko. Pero kailangan kong bumalik sa Australia dahil kukunin ko ang mga importanteng gamit ko. Alam ko na hindi ako magtatagal dito at sisiguraduhin ko na makababalik kami sa Australia.
***
Nang maghapon, naisipan kong kausapin si Gregory. Marami na ang nagbago at pati siguro siya ay nagbago na. Pero I doubt it, Gregory is known for being cruel and manipulative. Hindi agad-agad magbabago ang isang katulad niya.
"G-Greg..."
Kinuyom ko ang kamao ko sa likod ko. Busy siya sa kanyang laptop at ang unang napansin ko ay ang kanyang tattoo sa kanyang braso.
꿀
Isa itong Korean word na hindi ko alam ang meaning. Iniwas ko na lang ang tingin ko roon at ibinaling ko ang tingin sa kanya.
"Puwede ba kitang makausap? Tungkol kay Grazer?" lakas-loob kong tanong kahit halos nagpipigil na ako sa aking hininga.
Tumigil siya sa kanyang ginagawa at saka nag-angat ng tingin sa akin. "Say it."
Huminga ako nang malalim. "Sige, papayag ako na manatili rito sa Pilipinas gaya ng gusto mo ngunit hindi kami magtatagal. I just want my daughter back. Isasama ko siya pabalik sa Australia at mamumuhay kami ng mapayapa–"
Natigilan ako sa pagsasalita nang tumayo siya at madilim na akong tiningnan. Napalunok tuloy ako at napaatras.
"What?" mapanganib niyang tanong at salubong na ang kanyang kilay.
Napasinghap ako nang hinila niya ang braso ko at sinandal ako sa pder. Namilog ang mata ko nang humilig siya papalapit sa akin habang ang kanyang kamay ay nasa gilid ng ulo ko, nasa pader.
"You think I will let that happen, Honey?" mariin niyang tanong. "I will not let you take back my daughter again."
Nangilid ang luha sa aking mata at mahina siya na itinulak. "Hindi mo ba naintindihan? Hindi ko naman ilalayo ang anak ko!" Nanginig ang boses ko. "Mayaman ka naman. Kung gusto mo siyang makita ay mag-effort ka na magtungo sa Australia."
Nagtagis ang bagang niya sa sinabi ko at halos hampasin ang pader sa inis. "Seriously?"
"Greg–"
"Why?" He tilted his head and smirked. "You think I want you here because I have feelings for you?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Kahit kailan, hindi ako umaasa na magkakaroon siya ng feelings sa akin. Alam ko sa simula pa lang ay wala. Pero bakit ba ang gago niya? Tingin niya ba ay hanggang ngayon ay gusto ko pa rin siya?
"Hindi ko sinabi iyon–"
"Don't worry, Honey. I will not fall in love with a girl like you. Kung gusto mong bumalik sa Australia ay wala akong pakialam." Lumayo na siya sa akin at inilagay ang kamay niya sa kanyang bulsa. "If you are desperate to go back, walang problema. Pero huwag mong dalhin ang anak ko. Dinala kita rito dahil gusto ng anak ko na nandito ka at palagi siyang umiiyak. But then, you are free to go back."
Sumikip ang dibdib ko. Gano'n ba?
Kinuyom ko ang kamao ko. "I just want my daughter, Gregory," mariin ko na sabi. "S-Siya lang ang tanging meron ako..."
Umawang ang labi niya sa sinabi ko.
"Hindi mo alam kung ano ang naramdaman ko nang kinuha mo siya sa akin, Gregory. Wala na akong intensyon na guluhin ang buhay mo ulit. I just want my daughter back. A-At hindi ba, wala ka naman talagang paki? Nagbunga lang naman siya dahil sa kasalanan natin p-pero buong-buo ko siyang tinanggap."
Akala ko ay madadala na siya sa sinabi ko ngunit hindi. Tinalikuran niya ako.
"Whatever you say, hindi ko hahayaan na isasama mo ang anak ko, Honey," malamig niyang sambit at naglakad na palayo sa akin.
Ayaw ko na manatili rito ang anak ko. Hindi sa puder ni Gregory. Paano na lang kapag nalaman ng ina niya na may anak si Gregory si akin? Baka maging miserable ang buhay namin at baka magaya ang anak ko sa ginawa nila kay Tiya Mirasol dati. Kaya hindi ko hahayaan iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top