Kabanata 39
Kabanata 39
"A-Am I-I a good wife?" nahihiya kong tanong habang hawak-hawak niya ang kamay ko.
Narito pa rin kami sa kwarto at dinadalhan niya ako ng masasarap na pagkain. Nawala na sa isip ko ang lahat dahil mas gusto kong malaman kung ano ako noon. Hinaplos niya ang pisngi ko at umupo sa tabi ko. Naiilang pa rin ako sa kanya kasi hindi ako sanay na inaalagaan ng ganito.
"Hmm..." Ngumiti siya sa 'kin at nag-isip. "Well, yes, you are a loving wife."
"T-Talaga?"
"Yup. You better finish your food. Pupunta tayo sa boss mo. You are not going back to Manila."
Naibaba ko ang kutsara at gulat siyang tiningnan. "T-Tanggap m-mo ako?"
Kumunot ang noo niya. "What are you talking about?"
"Wala akong alaala..." Nagbaba ako ng tingin. "I don't think I can be a good mother and a loving wife again."
"As long as I love you, I don't fucking care. If you don't feel the same way, then I will work hard to make you fall in love with me again. If you can't remember, then it's okay, I won't force you..." Huminga siya nang malalim sabay kuha sa kanang kamay ko. "Just...just stay with me, alright? I will not going to let anyone hurt you again. They will pay for what they did to you, Honey."
Napatitig ako sa kanya habang sinasabi niya iyon.
"They will fucking pay..." mariin niyang sinabi sabay halik sa noo ko.
***
"Rachel!" lumuluhang sambit ni Feach nang makita ako sa hotel.
Sinalubong ko ang kanyang yakap at pati ang ibang model ay nagsilapitan sa akin. Sinabi ko kay Gregory na pupunta pa rin ako. Ayaw man niya pero wala siyang magagawa. Ang sabi niya ay may pinadala raw siyang tauhan niya sa 'kin. Hindi ko akalain na mayaman ang asawa ko. Wala sa isip ko na makapagpangasawa ng sobrang yaman at may sariling kompanya pa.
"H-Hello..."
"Okay ka lang?" nag-alalang tanong ni Feach at akmang lalapit na sana sa akin nang makita ko si Shaun na papalapit sa akin.
Magsasalita na sana ako pero nagulat ako nang bigla niya akong hinila at inilayo sa mga modelo. Marahas ang kanyang paghila kaya nakaramdam ako ng takot.
"Teka lang, Shaun!"
Hindi siya nakinig sa 'kin at pumasok sa elevator. Bago pa man makahabol sa 'kin si Feach ay sumara na ang pinto. Umusbong ang kaba sa aking dibdib lalo na nang madilim na ang tingin sa akin ni Shaun.
"S-Shaun..."
Napatili ako nang bigla niya akong itinulak sa pader at sinampa niya ang kanyang palad sa dingding.
"You..."
Bigla ko siyang sinampal at tumulo ang luha sa aking mata. Tumagilid ang ulo niya dahil sa ginawa ko ngunit bumalik din ang kanyang tingin sa akin, naka-igting na ang kanyang panga.
"I trusted you, Shaun!" naiiyak ko na sambit. "I trusted you so much. Akala ko...Akala ko..."
Napalitan ng isang nakakalokong ngisi ang kanyang galit na tingin kanina. Kinilabutan ako dahil sa kanyang ngisi.
He smirked. "Sobrang tanga mo talaga para magtiwala sa isang katulad ko."
"Shaun-"
"You are being played. Hindi mo ba napansin?" Ngumisi siya muli sabay padaos-os ng kanyang kamay sa buhok ko. "Who the fuck will help you in that fucking forest?"
"Shaun..."
"Of course, I will do anything for my fucking sister, Honey." Hinaplos niya ang pisngi ko. "I love you, I do, but I can't just abandon my sister."
"Shaun-"
"I will fucking do anything to make her happy. Besides, kaming dalawa naman ang naka-benefit sa mga pinanggagawa namin," aniya sabay lapit sa kanyang mukha sa 'kin. "She will have Gregory and...I will have you..."
Sa sobrang galit at inis ko sa kanya at malakas ko siyang tinulak.
"I hate you, Shaun! Hindi ko akalain na magagawa mo ito sa 'kin!" sigaw ko sabay tulo ng aking luha.
Walang emosyon ang kanyang mukha at nakatingin lang sa luhaang ako.
"Hindi naman ako masama, Honey," aniya at humakbang muli papalapit. "Pinainom ko sa 'yo ang gamot na 'yon para tuluyan mo nang makalimutan ang nakaraan mo. Your mother-in-law is evil and she doesn't not like you, Honey. Me, I will love you. We can go back to Australia if you want."
Kumunot ang noo ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"A-Australia?"
Agad-agad siyang tumango at hinawakan ang magkabilang braso ko. "Yes, Honey, Australia, your beloved home. Kilala mo si Jerah? She is your friend and I am your supposed husband if you accepted the offer."
Wala akong ideya sa mga pinagsasabi niya. Wala akong maalala pero kinukuwento niya ito sa 'kin. Siguro nagsisinungaling lang siya sa 'kin.
Nang bumukas ang pinto ng elevator ay agad kong tinuhod si Shaun at agad-agad tumakbo palabas ng elevator. Naghananap ako ng hagdan upang makabalik ako sa first floor. Nagtungo lang naman ako rito para makausap si Ma'am Leila.
Umusbong ang kaba ko nang makita kong walang masyadong tao sa floor na ito.
"Honey!" tawag niya sa 'kin habang namimilipit pa rin sa sakit.
Agad-agad akong naghanap ng hagdan at ang tanging nakita ko lang ay ang hagdan patungo sa rooftop. Dahil sa taranta ko ay tumakbo ako patungo roon.
Nang makarating ako sa roof top ay bumungad sa akin ang napakalawak na swimming pool at makikita mo ang mga building. Akmang maghahanap na sana ako ng matataguan nang makita ko ang isang babae na nakaupo sa wood lounger chair.
"Shaun, bakit ba ang tagal mo? I need to change clothes na kasi pupuntahan ko pa si Greg-"
Nakita ko ang paglaki ng mata niya at agad napatayo nang makita ako. Kumunot ang noo ko sa kanya at mukhang kilala niya si Shaun dahil tinatawag niya ito kanina.
Noong una ay gulat na gulat pa siya nang makita ako pero nang makabawi ay bigla siyang humalukipkip at binitiwan ang tuwalya na nakapulupot sa kanya. Bumungad sa akin ang kanyang magandang pangangatawan. Pula ang kanyang swimsuit at sobrang puti niya.
"Oh, it's the one and only Rachel Lou." She smirked. "Hindi ko akalain na makikita kita sa personal."
Nanatili lang akong nakatayo at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Oh!" Tumawa siya at tumikhim. "You don't know who I am? Well..." Humakbang siya papalapit sa akin at ngumisi. "I am Phoebe Ocampo, and I am Gregory's girlfriend."
Umawang ang labi ko sa sinabi niya. "Huh?"
Napawi ang ngisi niya dahil sa narinig niyang reaksyon sa akin.
"Anong, "huh?" ang pinagsasabi mo riyan?" hindi makapaniwala niyang tanong sa 'kin at tinaasan ako ng kilay. "Hindi ka man lang ba nagulat?"
"You are lying," mahinhin kong sambit na ikinagulat niya. "I-I am G-Gregory's wife..."
Narinig ko ang kanyang marahas na pagsinghap at napaatras.
"H-How..." Lumipat ang kanyang mata sa likuran ko. "Shaun! What the hell is she doing here?" sigaw niya.
"Phoebe, calm down-"
"How can I calm down?" sigaw niya at nakita ko ang paglapit ni Shaun sa 'kin ngunit agad akong lumayo.
Walang masyadong tao rito sa itaas kaya kinakabahan ako.
"How can I calm down? Akala ko ba pinainom mo na 'yan ng gamot?" sigaw niya sabay turo sa 'kin. "Ano na ang mangyayari sa 'kin, Shaun? You really didn't care about me! Sana tinuluyan ko na ang babaeng iyan, eh! Sana hindi ka na nangialam! Paano ko mapapakasalan ang lalaking mahal ko hangga't may sagabal?" sigaw niya sabay turo sa 'kin. "Dapat kang mamatay! Dapat kang mamatay!"
Napaatras ako nang bigla siyang lumapit at sinabunutan ako.
"Mamatay ka na! Mamatay ka na! Akin lang si Gregory! Akin lang si Gregory!" sigaw niya sa 'kin at sinuntok pa ang tiyan ko.
Sinubukan kong makawala sa kanya pero masyado siyang malakas. Nakita ko na pilit inilayo ni Shaun sa akin si Phoebe pero nanlaki ang mata ko nang kinuha ni Phoebe ang bote ng wine sa lamesa at pinalo niya sa ulo ni Shaun kaya napahandusay ito sa sahig.
"Aray!" sigaw ko at kinalmot ko ang kanyang buhok.
"How dare you!" sigaw niya at hinila ang buhok ko hanggang sa makarating kami sa may pool na siyang ikinabilis ng tibok ng puso ko. Iniharap niya ang mukha ko sa tubig kaya nagmumukha na akong nakayuko.
"Ang tanga-tanga mo para magpunta rito, 'no?" Humalakhak siya habang hila-hila ang buhok ko. "Tutal ay mamamatay ka na naman, sasabihin ko sa 'yo na ako ang dahilan ng pagkawala ng alaala mo." Humalakhak siya at marahas na inangat ang mukha ko.
"Hindi ko matanggap na ikaw ang pinili ng lalaking mahal ko! Akala ko ay magiging akin na siya matapos kong ipabangga ang kotse ni Khadijah, pero may pokpok pa pala?" Humalakhak siya at sinampal ang pisngi ko. "Hindi ko akalain na ikaw ang magiging sagabal! Mas nauna kong nakilala si Gregory kaysa sa iyo!"
"Sa 'yo na si Gregory," sambit ko kahit sobrang sakit na ng tiyan ko. "Sa 'yo na siya..."
Nanlaki ang mata niya. "Talaga?" Lumuwag ang pagkahawak niya sa 'kin. "You will give him to me?"
Ngumiti ako sa kanya. "Oo naman... sa kabilang buhay!" sigaw ko at pinatid ko ang likod ng kanyang tuhod at tinulak siya sa pool.
Akala ko ay maliligtas na ako kaya lang ay nahila niya ang paa ko kaya nadala ako sa pagkahulog sa pool. Hindi pa naman ako marunong lumangoy.
"Mamatay ka na!" sigaw niya at itinulak niya ang ulo ko pailalim sa tubig. Sinubukan kong kalmutin ang kanyang braso pero hindi ako nagtagumpay. "Dapat kang mamatay!"
Hindi ako makahinga dahil hindi niya ako inaahon sa tubig. Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makaalala? Pati ba naman iyon ipagkakait sa 'kin?
"Mamatay ka na!" sigaw niya at tumigil ang mundo ko nang hinampas niya sa gilid ng swimming pool ang ulo ko.
Nakita ko na natigilan siya sa kanyang ginawa at binitiwan niya ang buhok ko nang mapatanto niya ang kanyang ginawa.
"H-Ha?"
Nanghina ang buong katawan ko at umikot ang mundo ko. Unti-unting nanlabo ang paningin ko pero sinubukan kong kumapit sa semento para hindi ako malunod. Nakita ko ang mabilis na pag-ahon niya at sumisigaw siya habang sinasabunutan ang sariling buhok.
"Shaun!" narinig kong sigaw ni Phoebe sabay luhod sa walang malay na si Shaun. Nakita ko na duguan ang kanyang ulo.
"Shaun, gumising ka! Hindi mo ako hahayaan na makulong! Shaun! Pakakasalan ko pa si Gregory!Dadalhin mo si Honey sa Australia! Gumising ka riyan!" umiiyak na sambit ni Phoebe.
Sumikip ang dibdib ko at bago pa man ako mawalan ng malay ay nakita ko ang pagtakbo ni Phoebe papalayo sa amin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top