Kabanata 38
Kabanata 38
"Mommy, this is you and me!" maligayang kuwento ni Grazer habang ipinakita sa akin ang mga litrato na kamukhang-kamukha ko. Nasa kandungan niya ang isang batang babae na kamukhang-kamukha ni Grazer. Nagtagal ang tingin ko roon at hindi ko akalain na ako nga ito.
"Mommy, hindi ako naniniwala na patay ka na, Mommy," malungkot na sambit ni Grazer sabay hawak sa kamay ko. "Daddy too! He said that you are alive and he will find you no matter what."
Napalunok ako at hinaplos ang litrato. Maraming mga litrato na kamukhang-kamukha ko. Mahaba ang aking buhok at blonde pa ang buhok ko. Nanginig ang kamay ko at unti-unting nagpatakan ang aking luha. Nandito kami sa kwarto habang kinukuwento ni Grazer sa 'kin ang lahat. Ipinakita niya rin ang litrato naming dalawa ng Daddy niya.
"Mommy, you are so beautiful. Your hair became black and it's pretty!"
Pinalis ko ang luha sa aking mata at napatingin pa sa ibang mga litrato. Hindi ko akalain na ako ito. Para akong binagsakan ng mabigat na gamit dahil sa mga nakita. Hindi ko akalain na wala ako sa tabi nila. Hindi ko akalain na nawalay ako sa kanila ng dalawang taon. Hindi ko akalain na...
"Mommy, please stop crying!" Nagulat ako nang niyakap ako ng anak ko. "Grazer will always be with you, Mommy!"
Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi ko. Shaun took me away from them. Pinaniwala niya ako sa mga kasinungalingan niya. Pinagsamantalahan niya ang sitwasyon ko. Hindi ko akalain na sumama ako sa kanya. Dalawang taon akong naging gaga...dalawang taon din niya akong pina-ikot. Hindi niya talaga ako tinulungan.
"S-Sorry..." Nagbaba ako ng tingin. "W-Wala akong...Wala akong maalala..." Sinapo ko ang mukha ko. "I don't think I can be a good mother..."
Humiwalay sa yakap ko si Grazer at hinaplos ang pisngi ko. "Mommy, you will always be my mother. No one can replace you. Not even Tita Phoebe..."
Umawang ang labi ko. "Phoebe?"
Tumango siya sabay nguso. "You know her, Mommy? She always talks to Daddy. She said she would be my new mother. She's a model and she's always around Daddy..."
"I don't k-know h-her..." Nagbaba ako ng tingin at inalala kung saan ko ba narinig ang pangalang iyon.
"Mommy, you will stay with us, right?" umaasang tanong niya. "Do you believe that you are my mother? Do you believe that I am your daughter?"
Napalunok ako. Hindi maipagkaila na asawa ko ang lalaking iyon at anak ko ang nasa harapan ko. But why...bakit ganito ang nararamdaman ko? I want to hug her and say sorry pero...
"Mommy, are you uncomfortable around me?" Natigilan ako dahil sa kanyang tanong.
Umiling ako. Hindi ko sinabi na uncomfortable ako sa kanya. Siguro, masyado lang akong nalungkot na dalawang taon na ang nakalipas at dalawang taon na rin silang naghihintay sa 'kin. I didn't know anything about them since I lost my memories.
Paano ko maramdaman ang totoong pagmamahal? Paano ko siya mayayakap na may pagmamahal kung hindi ako makaaalala? I want to know her...I want to know my daughter.
"Mommy-"
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Sabay kaming napabaling ni Grazer doon at bumungad sa amin ang isang matandang babae na nakabestida.
"Apo, nandito ka lang pa-" Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin nang makita ako.
Nakita ko ang paglaki ng mata niya at napakurapkurap pa siya sa kanyang mata. Nanatili lang ang inosenteng titig ko sa kanya lalo na't hindi ko siya kilala. Matanda na siya ngunit hindi maipagkaila na may ganda pa rin sa kanya. Mukha siyang koreana.
"Lola!"si Grazer at bumaba sa kama. Tumakbo siya patungo sa may pintuan at hinawakan ang kamay ng Ginang na ngayon ay tulalang nakatingin sa akin. "She's mommy! She's not dead, Lola!"
"H-Honey?" Gulat na gulat pa rin siya at pabalik-balik ang kanyang tingin sa akin at kay Grazer.
"Daddy brought her here!" maligayang sambit ni Grazer at hinila ang laylayan ng damit ng Ginang at hinila papalapit sa akin.
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong kinakabahan habang papalapit siya sa akin.
"Ano-"
"Magandang araw po," magalang kong bati sabay yuko.
"H-Ha?"
"Lola! She's mommy! My beautiful Mommy!"
Napahawak ako sa aking ulo dahil sa kakaibang nararamdaman. Pumikit ako at tiniis ang sakit. May mga imahe ang biglang nagpakita sa isipan ko. Parang...
"At paano nakapasok ang isang hampaslupa sa pamamahay ko? Umalis ka rito!"
"Hindi ko akalain na may isang low class na kagaya mo ang magmamakaawa sa akin. Magnanakaw ang Tiya mo at mabubulok siya sa kulungan. At kung maaari ay puwede na siya mamatay doon."
"Isa kang pokpok! Hindi ka nababagay sa anak ko!"
"Kahit magpakasal pa kayo ng anak ko, hindi mo makukuha ang gusto mo!"
"Hindi ko hahayaan na maging parte ka ng pamilya ko..."
"Aray!" naiiyak ko na sabi habang hawak pa rin ang ulo ko.
"Mommy!" nag-aalalang sambit ni Grazer sabay lapit sa 'kin.
"Hija, okay ka lang?"
Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nanlaki ang mata ko at agad lumayo sa kanya. Siya 'yon...siya ang babaeng iyon...
"Mabubulok ang tiya mo sa kulungan!"
"Isa kang pokpok!"
"Tinatanong pa ba 'yan? Dahil mga peste kayo! Dikit na dikit ka kay Gregory! Isa kang malanding babae at mukhang pera! Tingin mo hindi ko alam? Ginagamit mo ang mukha mo sa ibang bansa upang makapagpera! Hindi dapat nirerespeto ang mga malalanding katulad mo!"
Parang nababaliw na ako dahil naging halo-halo ang mga alaala ko dahil lang sa nakita ko siya. Mas lalong sumakit ang ulo ko kaya napailing-iling na ako.
"L-Lumayo ka sa 'kin..." mahina kong sambit at unti-unting tumulo ang luha ko. "P-Pakiusap..."
"Hija, kailangan kong tawagan ang family doctor namin para ma-"
"Mom! What the hell are you doing in here?"
Isang marahas na yapak ang narinig ko at galit na galit na boses. Bago pa man ako nakapag-angat muli ng tingin ay naramdaman ko ang isang kamay na pumulupot sa aking bewang at iniyakap ako sa kanya. Naisampa ko ang kamay ko sa kanyang dibdib at nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko siya na galit na galit habang nakatingin sa Ginang. Umigting ang kanyang panga at mas lalo akong inilapit sa kanya.
"What did you do to her?"
"H-Ha? I didn't...I just came here because Phoebe is looking for Grazer...I didn't know she was here, Son. Please don't be mad at me, I-"
"Get out!" Natigilan ako dahil sa mala-kulog niyang sigaw.
"S-Son-"
"Get out!" sigaw niya muli. "Get out, Mom, or I will drag you outside!"
Niyakap ko na lang ang sarili dahil sa matinding kaba at takot. Nakakatakot ang kanyang boses at galit na galit talaga siya kaya nang makalabas na iyong Ginang at pati na rin si Grazer ay agad niyang sinapo ang mukha ko.
"May ginawa ba siya sa 'yo?" nag-alalang tanong. "Tell me, baby..."
Umawang ang labi ko. "Baby? Sino 'yon?"
Nawala ang pagkakunot ng kanyang noo at napalitan ng pagkabigla. Nagulat ako nang ngumiti siya sa 'kin at pinalis ang luha sa aking mata. Marahan ang kanyang pagpalis at ramdam na ramdam ko ang kanyang pag-iingat. Hindi na siya nagsalita at pinalis lang ang luha sa aking mata.
"I will make that bastard pay," narinig kong bulong niya.
"H-Huh?"
Hinawakan niya ang kamay ko at nakita ko na lumipat ang kanyang mata sa kaliwang kamay ko.
"He even snatch your ring, huh?" Nagtiim ang kanyang bagang. "You look very different, but my heart says you're my wife. You are not a model or from someone else. You are not Rachel Lou. You are Honey Lou Andrade-Sanchez and you are mine..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top