Kabanata 37

Kabanata 37

Nagising ako sa isang malamig na kwarto. Hindi ako pamilyar kaya biglang umusbong ang kaba sa aking dibdib. Naibaba ko ang tingin ko sa katawan ko at nagulat ako na ang suot ko na ngayon ay isang malaking T-shirt na umabot hanggang tuhod ko. Hinawakan ko ang ulo ko at pumikit. Pilit kong inalis ang nangyari sa 'kin kagabi. Hindi ko akalain na magagawa ni Shaun iyon at ayoko na siyang makita. He really didn't help me. Mas lalo niyang pinalala ang kondisyon ko. 

Bumangon ako sa kama at huminga nang malalim. Hindi ko na alam kung ano na ang mangyayari sa akin. Wala naman talaga akong kaalam-alam sa lahat. Siguro ay hinahanap na nila ako. Tumakas kasi ako. 

"You're awake."

Napasinghap ako at agad nag-angat ng tingin sa boses iyon. Isang lalaki na kulay itim ang buhok. Maputi at matangkad. Hindi ko maipagkaila na gwapo siya lalong-lalo na sa hairstyle niya na parang pang-Koreano o baka naman...

"I'm glad that you're awake," aniya at naibaba ko ang mata ko sa tray na dala niya.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Parang musika sa aking tainga ang boses niya at ang kanyang yapak ay nagpakalabog sa puso ko. Bakit? Sino ang lalaking ito para maging ganito ang puso ko? Not even Shaun made my heart beats fats. Pero ang lalaking ito na dalawang beses ko pa lang nakikita, iba na agad ang epekto sa akin. Bakit?

Nanindig ang balahibo ko nang lumubog ang dulo ng kama. Nang mag-angat ako ng tingin, nakaupo na siya sa dulo at nasa akin ang kanyang tingin, pungay na pungay ang mga mata. 

"I-Ikaw b-ba ang n-nakapulot sa 'kin?" nauutal ko na tanong sabay yuko. "M-Maraming s-salamat."

Bumuntonghininga siya. "You should eat first. Our family doctor will arrive."

"H-Ha?" Naiangat ko ang tingin ko sa kanya. "H-Hindi na, kailangan kong-"

Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit sa 'kin at hinawakan ang mukha ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang lumapit ang kanyang mukha sa akin. Hinaplos niya ang aking pisngi pababa sa aking labi.

Kitang-kita at ramdam na ramdam ko sa kanyang mga mata ang pangungulila. Like he was longing and waiting for someone for years. Umawang ang labi ko nang kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop sa kamay niya. Hindi ako nakagalaw o nakaprotesta man lang dahil sa sobrang gulat.

Namilog ang mata ko nang inilagay niya sa tapat ng kanyang dibdib ang aking kamay at naramdaman ko ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Nakita ko ang panunubig ng kanyang mata at hindi ko alam kung bakit.

"Uhm..."

"You heard it? You feel it, right?" umaasang tanong niya. "You felt the beat of my heart?"

"Uhm..."

Naiilang na tumango ako sa kanya at hihilain na sana papalayo ang kamay ko pero hinawakan niya ito ng mahigpit. Naguguluhang napatingin ako sa kanya.

"Hindi ako naniniwala. Hindi ako naniniwala na patay na ang...asawa ko," aniya habang nakatuon ang tingin sa akin. "H-Hindi ako naniniwala...and I was right."

Kumunot ang noo ko. "H-Ha?"

"My heart beats fast to the woman I only love. To the woman I want to spend the rest of my life. To the woman who made me the best version of myself. The first time I laid my eyes on her, I knew she's..."

Natulala ako nang tumulo ang luha sa kanyang mata. Umawang ang labi ko nang inilapit niya ang kanyang labi sa kamay ko at hinalikan ito nang walang pahintulot sa akin.

"I knew she's my...wife," bulong niya na ikinatigil ng mundo ko.

"S-Sino k-ka?" naguguluhan ko na tanong at pilit inilayo ang kamay ko sa kanya pero mas lalo lang humigpit ang hawak niya. "Sino ka?"

Gusto kong malaman kung sino siya sa buhay ko at bakit siya ganiyan? Gusto kong malaman.

"You are..." Hindi niya naituloy dahil naunahan na siya ng kanyang luha. Hindi ko akalain na ang makisig na lalaking ito ay mahinang-mahina sa harap ko. "You are my wife..."

Para akong nabingi dahil sa kanyang sinabi. Parang nag-echo siya sa isip ko.

"You are my wife..."

"You are my wife..."

"You are my wife..."

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya.

"W-Wife?" hindi makapaniwala ko na tanong.

"You don't remember, right?" mapait niyang tanong. "You suffered so much, didn't you? I am your husband, Honey."

"Honey?" gulat na tanong ko muli.

"Ang sakit pala. Karma ko na yata ito," narinig kong bulong niya.

"I..."

Tumulo ang luha sa mata ko nang bigla niya akong niyakap at humagulhol sa balikat ko. Hindi ko akalain na ang lalaking ito ay naging mahina sa harap ko. Sobrang higpit ng yakap niya na halos hindi na ako makahinga. Kumirot ang puso ko at nagsituluan na ang luha sa mata ko.

"I'm sorry! Hindi ako nakarating agad! Patawarin mo ako. Kung sana ay hindi ako natagalang umuwi noon, hindi mo sana maranasan ito. Hindi sana..." Humigpit pa lalo ang hawak niya sa 'kin. "Please remember me!"

Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya.

"Please remember me," umiiyak na sambit niya at isiniksik ang sarili sa leeg ko. "Please remember me... Please don't forget me...Magpapakasal pa tayo...Magpapakasal pa tayo sa simbahan. Hindi ako naging mabuting asawa sa 'yo... I failed to protect you...I failed to..."

Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Kung totoo man na ako ang asawa niya at kung hindi siya nagsisinungaling sa 'kin, dapat makaalala ako. I want to remember.

"I c-can't remember," nanginginig kong sambit. "H-Hindi..."

Humiwalay siya sa yakap niya sa 'kin at hinawakan ang mukha ko. Pinalis niya ang luha na tumutulo sa aking pisngi at pinagtagpo niya ang mga noo namin.

"I know...I know," mahinang sambit niya at niyakap ako muli. Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang labi sa noo ko. "If you can't remember...then I will make new memories with you...If you can't remember me...If you can't regain your memories with me...We will make a new one."

Napasinghap ako.

"I love you so much...Please don't leave me again..."

"Magpapakasal na tayo, Honey."

"H-Ha?"

"I also bought a house for us. It's big and Grazer will gonna like it."

"House?"

"Yup, and a lot. It cost 10 million but it doesn't matter as long as you and Grazer will gonna live with me."

"Greg-"

"You know, I never thought na magiging ganito ako kaseryoso sa buhay, Honey. Hindi ko akalain na magiging ganito ako. I never imagined myself being able to love and marry again after I betrayed Khadijah, Honey."

Tulala ako at hindi makapagsalita. Ano ba ang pumasok sa isip ko? Ano 'yon? Alaala ko ba iyon?

***

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. If he really is my husband then...I am married? Hindi pa rin bumalik sa normal ang pagtibok ng puso ko kahit wala na siya sa kwartong ito.

He was begging. He was begging me to remember him. He was crying like a baby. Napahawak na lang ako sa ulo ko at napailing. If he is my husband then I have...

"Mommy!"

Namilog ang mata ko at agad napatingin sa pinto. Nakita ko ang batang babae na tumatakbo patungo sa akin. Nakita ko ang kasama niyang babae na hinahabol siya upang pigilan ang paglapit sa akin.

"Mommy!" umiiyak na sambit ng batang babae at nang tuluyan nang makalapit sa 'kin ay niyakap ako ng mahigpit sa tiyan. "It's you, Mommy!"

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil wala akong maalala. Naiilang na inilagay ko ang kamay ko sa buhok niya at hinaplos ito.

"Mommy, you're alive!" umiiyak na sambit niya at umakyat sa kama para mas mayakap ako.

"Grazer!" pagsaway ng babae pero nang makita ako ay agad napaatras.

"Mommy, I miss you so much, Mommy! Mommy, don't leave me again!" sunod-sunod na sambit ng bata na nagngangalang Grazer habang umiiyak. "Mommy, I know how to tie my hair!"

"Uhm..."

"Grazer, baka m-mabinat si M-Ma'am!"

"Mommy, is it true that you can't remember me?" malungkot na tanong sa akin ng batang si Grazer. "You can't remember me?"

Kumirot ang puso ko.

"I-I'm...sorry..."

Nagulat ako nang siyang ngumiti nang malaki. "Mommy! It's okay if you don't remember me! I will tell you everything about me!"

Umawang ang labi ko at hindi mapigilan na pagmasdan siya. Mahaba ang kanyang buhok at hindi maipagkaila na pareho kami ng kulay ng mata.

"Mommy, next month will be my birthday!" maligayang pagkuwento niya sa 'kin. "Sana sa birthday ko, maalala mo na kami, Mommy!"

Akmang magsasalita na sana ako nang bigla siyang tumayo sa kama at bigla akong hinalikan sa kanang pisngi. Parang hinaplos ang puso ko dahil sa ginawa niya, lalo na nang niyakap niya ako.

"I love you so much, Mommy!"

Napapikit ako at niyakap siya pabalik. Now, I really want to remember everything.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top