Kabanata 35

Kabanata 35

Hindi nawala sa isipan ko ang nangyari kanina. I felt bad for her. Parang tinusok ng karayom ang puso ko sa nakasihan kanina. That child looked desperate. Miss na miss niya ang Mommy niya. Hindi naman siguro sila ang pamiya ko, diba? Kasi ang bata lang naman na iyon ang lumapit at ang sabi ng guardian, patay na raw ang nanay ng bata. 

Pag-uusapan pa kung kailan at saan ako pipirma. Ire-review pa kasi ang mga nag-offer lalo na't lagpas lima sila. Hindi ko akalain na gano'n karami ang mga nag-alok ng endorsement. 

"Lou, you're here!" si Feach, isa sa mga kasamahan ko na modeling.

Nakipagbeso-beso ako sa kanya bago ko siya nginitian at hinila niya ako para makaupo.

"Are you excited?" bigla niyang tanong.

Kumunot ang noo ko. "For what?"

Umawang ang labi niya at hindi makapaniwala na tiningnan ako. "You don't know?"

Mas lalong kumunot ang noo ko. "I don't have any idea, Feach."

"HK Entertainment and Gsanche brand are negotiating right now. Maybe some of us will be chosen to be their new face for their new product!" excited niya na sambit. "And also, may group photoshoot tayo ngayon as a sample. Gustong-gusto talaga kitang makatrabaho, Lou!"

I don't have much any idea about the Gsanche brand pero sa pagkakaalam ko, may produkto sila na beauty soap na kadalasang ginagamit namin. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako nakaramdam ng kasiyahan ngayon dahil sa nangyari kanina. Palagi kasing bumabalik sa isip ko ang batang iyon at kung paano niya ako niyakap. 

Kung makita ko siya muli, gusto ko siyang kausapin at yakapin. Ang sakit mawalan ng ina at ang bata-bata pa niya para maranasan iyon. 

Akmang magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. Nagpaalam muna ako kay Feach para sagutin ang tawag ni Shaun. Hindi ko pa kasi siya nakita magmula nang dumating kami rito sa Cebu. 

Sumilip ako sa bintana ng hotel na tinutuluyan namin at hindi ko maiwasan ang mamangha sa naglalakihang mga building na nakita ko. May nakita pa akong billboard ng isang babae na may hawak na sabon.

"Shaun..." sagot ko.

"Nandiyan ka na ba?" tanong niya agad.

Kumunot ang noo ko. "Oo...Bakit?"

"You have to wait for me, Lou. Delikado kapag ikaw lang mag-isa baka—"

"What are you talking about, Shaun?" natatawa kong tanong sa kanya at hinawi ang kurtina. "Narito naman si Vina and she can take good care of me. Alam ko na may gagawin ka rin—"

"No! I told you, sasamahan kita, Lou!"

Hindi ko nagustuhan ang tono ng kanyang pananalita. Ramdam na ramdam ko ang pang-uutos niya. Bakit ba? Wala naman sigurong masama na mag-isa ako rito sa Cebu. At saka narito naman si Vina. Hindi ko rin minsan naintindihan si Shaun, eh.

"Shaun...Please..." Pumikit ako. "Huwag mo na akong intindihin. Sasabihin ko na lang sa 'yo kung saan ang punta namin ngayon."

"We are in a relationship, Lou!" mariin niyang sambit na ikinagulat ko.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Natatakot na tuloy ako kay Shaun. Para siyang galit na galit. Kung hindi ko lang siya kilala ay baka binabaan ko na siya ng linya.

"Shaun...we're not in a relationship," paglilinaw ko. "You are a close friend of mine at hinayaan na lang kita sa ginawa mo no'n kasi tingin ko para sa 'kin 'di naman 'yon. But please..."

"Oh, shut up, Lou! Mamaya na lang tayo mag-usap!" inis niyang sambit sa 'kin.

"Wait—"

Napangiwi ako nang binabaan niya ako ng linya. Hindi naman ganito si Shaun dati. Pero ramdam na ramdam ko na ang unti-unting pagbabago niya. He wants me to be his girlfriend. I don't want to since I don't have feelings for him.

Oo, malaki ang naitulong niya sa akin. Sobrang laki at hindi iyon mababayaran basta-basta ng salapi. Pero that doesn't mean na dapat na niya akong kontrolin. This is my life. Kahit malaking parte ang ginawa niya para makabangon ako, this is still mine. 

Ang gusto ko lang naman ay ang makaalala kasi kahit naman successful na ako sa buhay ko ngayon ay parang may kulang pa rin talaga. 

I want to remember everything. Kung ano ang dati kong buhay at kung bakit nangyari iyon sa akin. Who wants to kill me and why? Gusto kong malaman kung may pamilya ba ako, mga kaibigan. Pero hindi ko yata malalaman iyon kung ganito na lang palagi.

"Rachel!" tawag ni Feach. "We have to go.May party pala na kailangan nating puntahan bukas ng gabi. Sabihin mo kay Shaun na sumama siya para may partner ka."

Bumuntonghininga ako at inilagay sa bulsa ang phone. Hindi ko muna iisipin si Shaun ngayon. Marami kaming gagawin at kung poproblemahin ko lang ang alitan namin, baka maapektuhan pa ang trabaho ko.

***

"Ma'am, nakalimutan niyo pong uminom ng gamot," ani ni Vina nang akmang lalabas na ako sa hotel room.

Natigilan ako at nilingon siya. "I don't think I need that right now, Vin."

"Pero Ma'am kasi..."

"Let's go..." pagputol ko sa kanya. "Kailangan ko pang magbihis. May photoshoot kaming mga models."

Nauna na akong lumabas sa kanya at hinabol si Feach na kasama rin ang P. A. niya. And I don't think the medicine help me remember. Halos dalawang taon na akong umiinom niyan at wala pa ring epekto. Napailing na lang ako at binilisan na lamang ang paglalakad.

***

"Rachel Lou, closer!"

Sinunod ko ang sinabi ng photographer. Humawak ako sa balikat ni Feach habang suot-suot namin ang spaghetti-strap dress na kulay pula. Iba't iba ang disenyo ng damit namin pero pareho lang ng kulay.

Eight models ang kasama ko ngayon at hindi pa kasama roon ang mga highest paid models dahil special ang mga iyon at pang-international. Wala naman akong balak maging highest paid model dahil kapag nakaalala na ako ay titigil na ako sa ginawa ko. This is not my dream...This is not what I want. Ginawa ko lang ito dahil gusto kong mabuhay.

"Last one nalang! We need to rest, girls, for tomorrow's event! Magsihanda kayo and you need to be very beautiful!"

Huminga ako nang malalim at inayos ang buhok ko.

"Rachel!"

Natigilan ako sa pag-aura nang tumayo si Ma'am Leila sa kanyang kinauupuan at humalukipkip.

"Yes po?"

Kumunot ang noo niya. "Try to remove your contact lenses," aniya na ikinagulat ko, pati na rin ang kasamahan ko. "Your eyes are so beautiful. Please don't cover it..."

Nagdadalawang-isip ako sa sinabi niya. Mabilis na kumalabog ang puso ko at halos lahat ng tao na nasa studio ay nakatingin na sa 'kin.

"M-Ma'am kasi—"

"Don't force her, Leila!"

Umawang ang labi ko at mabilis na binalingan ang pintuan. Nakita ko ang pagdating ni Shaun na nakakunot ang noo. Suot niya ay maong pants at white polo. 

"Shaun..." Hinarap ni Ma'am Leila si Shaun na hindi na maipinta ang mukha. "I know you are one of the investors but you can't just decide for your girlfriend. Kung alam ko lang na may tinatago siyang kakaiba sa likod ng contact lenses na iyan, I won't let you have her, Shaun. Her eyes are her assets as well as her hair."

Hindi nakapagsalita si Shaun at umigting ang kanyang panga. Lumipat ang kanyang mata sa 'kin at ramdam na ramdam ko ang lamig doon. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

"Jeva, ayusan mo ulit si Rachel. Retouch and remove her contact lenses."

Hindi ako sinali saglit dahil sa sinabi ni Ma'am Leila. Si Shaun ay nakahalukipkip habang titig na titig sa akin. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit? Bakit siya nagkaganiyan? Parang hindi ko na siya kilala.

Napalunok ako at nag-iwas na lang ng tingin sa kanya. Sigurado ako na mag-aaway na naman kami ulit at ihahanda ko na lang ang sarili ko.

Nang matapos ay bumalik muli ako sa studio at sinimulan kami ulit na kunan. Hindi na ako masyado nakapag-focus dahil naiilang na ako sa madilim na titig ni Shaun. Kinakabahan ako at hindi na maiayos ang sarili. Mabuti at hindi nila iyon nahalata dahil baka madamay pa ang ibang models na kasama ko dahil lang sa may isang model na lutang.

"Good job, girls!"

Nagpalakpakan kaming lahat nang matapos ang photoshoot. Agad akong nilapitan ni Vina at inabot sa 'kin ang tubig. Tinapik naman ako sa balikat ni Feach at tinuro niya ang pintuan.

"Mauna na ako. Pupunta pa ako sa spa!" aniya at kumaway sa 'kin.

"Sige," tipid kong sagot at inubos ang tubig.

***

"Leave us alone, Vina. I need to talk to her."

Natigil kaming dalawa ni Vina sa paglalakad sa hallway nang makita namin si Shaun sa harap namin. Ang kanyang kamay ay nasa kanyang bulsa habang nakakunot ang noo sa amin.

"S-Sige, Ma'am, mauuna na ako sa room niyo po," ani ni Vina at mabilis na umalis.

Naiwan naman kami ni Shaun na ngayon ay mabilis na humakbang patungo sa 'kin.

"Shaun..."

Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. "I'm sorry."

Namilog ang mata ko dahil sa narinig.

"I'm sorry. I think I scared you...I'm sorry...I am just afraid that you—"

Humiwalay ako sa yakap niya at tipid siyang nginitian. "Okay lang, Shaun. Naintindihan kita."

Ngumisi siya sa 'kin at biglang hinapit ang bewang ko. May tiningnan siya sa likuran ko kaya napatingin ako roon. Nakaramdam ako ng hiya nang makita ko ang isang lalaki na nakatayo malapit lang sa elevator. Nakaawang ang kanyang labi at kitang-kita ko ang kanyang pagtitig sa 'kin. Bigla tuloy akong nailang at pilit na lumayo kay Shaun, kaya lang ay mas lalo niya akong hinapit.

"Shaun..."

Ngumisi lang sa akin si Shaun at hinarap muli ang lalaki na ngayon ay namumula na ang mata. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya kaya nagtataka tuloy ako. Magkaaway ba sila ni Shaun?

"Nice to meet you, Gregory," si Shaun sabay ngisi. "Oh, meet my girlfriend." Binalingan ako ni Shaun. "Her name is Rachel."

Nahihiya man pero tiningnan ko ang lalaki na ngayon ay pulang-pula na ang mata. Para siyang naiiyak. Bakit kaya? Iiwas na sana ako ng tingin nang magtama ang paningin naming dalawa. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.

Agad akong napaiwas at mahinang tinulak si Shaun.

"L-Let's go, Shaun. Nakakahiya sa tao," ani ko at tumalikod na.

"Alright." He chuckled. "I hope I could talk to you, Gregory. Please send regards to my sister. I know she's your girlfriend."

Hindi nagsalita ang lalaki habang papalayo na kami ni Shaun. Hindi ko siya kilala pero bakit bumilis ang tibok ng puso ko sa kanya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top