Kabanata 34
Kabanata 34
I have my own condo unit. Iyon ang maganda dahil may privacy pa ako. Nandito pa kami ngayon sa Manila and we are planning to go to Cebu tomorrow. May photoshoot kasi na gaganapin. Pang-entry ng HK sa summer. Hindi lang naman ako dahil kasama ko rin ang ibang co-models ko.
Niyakap ko ang sarili ko habang nakatingin sa kawalan. It's been two years and I still couldn't remember anything. Tanging mga boses lang ang naririnig ko sa isip ko pero hanggangd doon lang ang kaya dahil kapag pipilitin ko ang sarili ko, sumasakit ang ulo ko. Minsan, nawawalan pa ng malay.
Humiga ako sa malambot na kama at kinumutan ang sarili. Wala sa sariling pinunasan ko ang labi ko gamit ang likod ng aking kamay. Hindi ko ginusto na hinalikan ako ni Shaun. Hindi ko gusto na ginagawa niya iyon sa akin pero ano ba ang magagawa ko? Tingin ko nga ay nasa isang hawla ako, kinukulong.
Alam niya kung ano ang tingin at nararamdaman ko sa kanya pero patuloy niya pa rin ginagawa ang gusto niya. He is the only man I trusted the most dahil siya naman ang namulatan ko nang mawalan ako ng alaala. Pero habang tumatagal, I started to doubt him and his intention. Sa dalawang taon kong kasama siya, umaasa ako na may mangyayaring maganda sa condition ko. Pero sumasakit lang ang puso ko na sa loob ng dalawang taon, walang nangyayari at parang mas lalo pa akong lumalayo sa katotohanan.
Siguro nag-o-overthink lang ako at frustrated lang talaga. Hindi ko na siguro ito iisipin. Baka mali pala ang akala ko at magkalamat pa ang koneksyon naming dalawa. Pumikit ako at napagdesisyonan na matulog na lamang.
***
Kinabukasan, maaga akong pinunthanan ni Vina para asikasuhin ako. Palagi kong sinasabi sa kanya na hindi ko na kailangan ng assitance niya lalo na sa mga simpleng bagay pero makulit isyang babae. Aside from preparing my clothes to wear, hinahandaan niya rin ako ng pagkain. At dahil masarap siyang magluto, hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.
"Ma'am, uminom po kayo ng gatas," ani Vina sabay lapag ng baso ng gatas sa tabi ng pinggan ko. "Para mas lalo po kayong sisigla."
"Salamat, Vin," ani ko at kinuha ko ang gatas sabay inom. "Kumain ka na ba?"
"Ubusin niyo 'yan, Ma'am!" aniya, hindi sinagot ang tanong ko. "Sayang ang gatas."
Kumunot ang noo ko at medyo natawa. "Oo naman. Hindi naman ako mahilig magsayang."
Inubos ko ang gatas at inubos ko na rin ang pagkain ko. Nang matapos ay pinakita niya sa 'kin ang susuotin ko at kung ano lang ang dapat dalhin para sa byahe namin patungong Cebu.
"Itong white, Ma'am, bagay sa 'yo!" Nilahad niya sa 'kin ang isang white crop top at black high waist jeans.
Tumango ako at sinilip ang phone ko. Alas syete na ng umaga at tingin ko ay malapit na kaming aalis.
"Ma'am, nag-text na po si Sir Shaun. Hinihintay ka na raw po nila sa baba," mahinahong sambit ni Vina.
"Okay."
Akmang tutungo na sana ako sa kuwarto ko upang magbihis ng damit nang biglang sumakit ang ulo ko. Natigilan ako at napahawak sa ulo ko. Para akong nahihilo.
"Aray..."
Natigil si Vina at agad akong dinaluhan. "Okay ka lang ba, Ma'am? Masakit ba 'yong ulo niyo?"
Mahina akong tumango at pumikit. Bakit ba dumalas ang pagsakit ng ulo ko? Dapat kapag ganito, unti-unti na akong makaalala pero bakit?
"Ma'am? Tatawagin ko ba si Sir?"
Umiling ako sa kanya at umayos ng tayo. "H-Huwag na. Magbibihis lang ako. Huwag mong sabihin sa kanya na sumakit ang ulo ko, ah?"
Tumango si Vina at hinayaan niya akong pumasok sa loob ng kuwarto ko para makapagbihis.
***
"Sasama ka talaga?" bungad ko kay Shaun nang nasa lobby na kami ng building.
Shaun is a businessman. Isa siya sa mga investors ng HK entertainment kaya madali akong nakapasok. May business din siyang related sa clothing so expert na siya sa fashion. At nabanggit niya rin pala sa akin na may kapatid siyang babae na isang modelo ngunit hindi sila close. Hindi niya binanggit ang pangalan at mukhang wala rin naman siyang balak ikuwento iyon.
"Of course," aniya sabay hubad sa kanyang shades. "You're here. Hindi ko hahayaan na mag-isa ang girlfriend ko."
Medyo naalarma ako dahil narinig ito ng ibang modelo. Papalabas na kami sa condominium para magtungo sa van na naghihintay sa amin. Mas lalo pang lumala dahil tinutukso kami ng iba.
"Shaun..." Nilakihan ko siya ng mata. "Stop that."
"Stop what?" inosente niyang tanong at binuksan niya ang van kung saan ako sasakay. Naroon na rin ang iba pang model na makakasama ko. "Take care, babe."
Bumuntonghininga ako at yumuko na sumakay upang itago ang kahihiyan na nararamdaman. Hindi ko makakasabay si Shaun sa flight dahil hindi naman siya modelo. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa iyo, Shaun. You are a good guy but I don't have feelings for you. At kung meron man, iyon ay bilang isang kaibigan.
***
Pagdating namin sa Cebu ay dumiretso agad kami sa hotel kung saan madalas silang nag-stay. Hindi ko maiwasan ang ma-amaze sa magandang ambiance. Idagdag pa na VIP kami kaya asikasong-asikaso talaga kami.
"Miss Rachel Lou, pinapatawag ka ni Boss!"
Natigil ako sa paghuhubad ng sandal nang makita ko si Jeva, isa sa mga assistant ng boss namin. Not exactly the boss pero ang boss na tinutukoy ni Jeva ay ang handler naming mga models. We are under HK Entertainment but we have a certain handlers. Hindi lang kasi about modeling ang HK Entertainment. Meron rin silang mga singers, artist, at iba pa.
"Okay, Jeva." Hindi ko tinuloy ang paghubad at sumunod na sa kanya.
"Nasaan pala si Boss?" nagtatakang tanong ko.
"Restaurant," tipid na sagot niya sa 'kin sabay pindot sa button ng elevator. "May sasabihin siya sa 'yo and it's about your modeling career, Rachel. So be sure na attentive ka lalo na't isa ka sa mga papalago na models namin."
Tumango ako at sabay kaming pumasok sa elevator.
Sa isang mala-sosyal na restaurant ako dinala ni Jeva at halos ang nakikita ko ay mga mala-gintuan na gamit. Everything looks expensive.
"Boss Leila!" wika ni Jeva at marahan akong hinila patungo sa boss namin.
Nakita ko na may folder sa kanyang lamesa at isang envelope kaya medyo kinabahan ako. Hindi ko pa medyo nakakausap si Boss Leila dahil strikta ito. Pulang-pula ang kanyang labi at angat na angat ang kanyang kilay. Para siyang kontrabida sa kuwento na anumang oras ay sasabuyan ka ng tubig kapag hindi ka sumang-ayon sa kanya. Napalunok ako at napatingin kay Jeva.
"Have a seat," aniya sabay turo sa tapat niya. Binalingan niya si Jeva at sinenyasan na umalis.
Unti-unti kong hinila ang upuan at unti-unting umupo. Inayos ko ang sarili ko sa pag-upo at umusbong ang kaba sa akin.
"Good morning po," bati ko sa kanya at inilagay ko ang dalawa kong kamay sa lamesa.
"Good morning, Miss Rachel Lou. I am Leila Meza, I am currently your boss," aniya at nagtaas ng kilay sa akin. Tinitigan niya ako saglit at nakita ko na namilog ang mata niya. "Your eyes are blue?" gulat na tanong niya.
Napalunok ako dahil nakalimutan ko maglagay ng contact lens. Pero does it matter? Iyon naman talaga ang kulay ng mata ko.
Tumango ako at kinagat ang ibabang labi. "Opo, this is my real eye color."
Umawang ang labi niya."Your eyes are beautiful, Miss Rachel Lou. Why do you have to cover it with a black contact lens?"
"I d-don't r-really know...Shaun said to-"
"Are you his dog or something?" Niliitan niya ako ng mata. "Para ka kasing hindi mabubuhay kung wala siya. Even sa pagdedesisyon, dapat kasama siya. I understand since he is your lover pero you have to decide for yourself, Miss Rachel Lou. Ang dami nang natanggihan na commercial dahil ayaw ni Shaun. And now, ngayon ko lang nakita yang mata mo. Don't hide that anymore, Miss Lou. You are not someone else."
Kumirot ang puso ko. I don't even know myself. No one knows who I am.
"Ugh!" She groaned and rolled her eyes. "Anyway, let's go back."
Binuksan niya ang folder at nakita ko na may mga papeles doon. Tumikhim siya at tiningnan ako.
"Maraming bumili sa magazine and our boss is so happy about it. At dahil nag-trending ang isa sa mga suot mo at 'yong mismong concept..." Huminga siya nang malalim. "Maraming mga brands na gusto kang kunin para mag-endorse."
Nanlaki ang mata ko. "Talaga?"
Tumango siya. "But...we need to choose. Hindi dapat tanggap lang nang tanggap. Hindi lang pera ang basehan dito, Rachel Lou. We also need to be wise as well bago man tayo pumirma ng kontrata.
Tumango-tango ako.
"You are really good at modeling clothes and gowns since you are tall and sexy. 'Yong itsura mo na inosenteng-inosente pero nagbabago rin depende sa buhok at make-up," dagdag niya pa at tumingin muli sa folder. "Sa dami ng nag-offer, mukhang ito na ang simula ng totoong karera mo sa buhay, Rachel Lou."
Akmang magsasalita pa sana muli si Ma'am Leila nang may biglang sumigaw na bata na nagpagulat sa aming dalawa.
"Mommy!"
Nilingon ko ang sumigaw na bata at namilog ang mata ko nang makitang tumakbo ito patungo sa akin. Umawang labi ko nang makitang umiyak ito at nang tuluyang nakalapit ay niyakap niya ako nang mahigpit. Agad napatayo si Ma'am Leila dahil sa ginawa ng bata.
"Mommy!" Lumuluhang nag-angat sa akin ng tingin ang batag babae."It's you, Mommy!"
Kumirot ang puso ko sa hindi malamang dahilan pero at the same time ay naguguluhan. Parang narinig ko na ang boses niya...hindi ko lang tanda kung saan.
"Who's that kid, Rachel?" gulat na gulat na tanong ni Ma'am Leila at nilakihan ako ng mata.
"I...I don't know..." nauutal ko na sagot.
Nakita ko ang paglapit ng isang babae sa amin at nakita ko ang pagtakip niya sa kanyang bibig nang makita kami at agad inilayo ang batang umiiyak.
"Sorry, po! Pasensya na po! Nagkakamali lang ang alaga ko!" paghingi ng sorry ng guardian.
Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya at nagbaba ng tingin sa bata na pilit kumawala sa taga-alaga niya.
"She's mommy! I know she's my mommy!" umiiyak na sambit ng bata sabay turo sa 'kin. "My mommy is not dead! She's here! Mommy! I am Grazer, Mommy! I love you so much, Mommy!" sigaw ng bata habang tuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa kanyang mata.
Nalulungkot ako para sa kanya. Siguro ay miss na niya ang mommy niya. Mahinang kumirot ang ulo ko sa hindi malamang dahilan. Para kasing narinig ko na ang boses niya.
"Sorry po talaga, mga Ma'am! Nagkakamali lang po talaga ang alaga ko. Patay na po kasi ang Mommy niya kaya siguro nagkaganito ang alaga ko," paliwanag ng taga-alaga niya na ikinatango naman ni Ma'am Leila at umupo ulit.
"Balik na tayo sa table, Grazer, baka babalik na ang Daddy mo. Nakakahiya..."
"But she's mommy!" sigaw ng bata habang papalayo na sila sa amin.
"Wala na ang mommy mo, Grazer. Dalawang taon na ang nakakalipas. Hindi siya 'yan. Ang ganda-ganda kaya ng Mommy mo..."
Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko. Agad ko itong pinalis at muling hinarap si Ma'am Leila na nakatingin na sa 'kin.
"Pasensya na po, naiyak lang ako. Malapit kasi ang puso ko sa mga bata," pagdadahilan ko.
Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagsasalita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top