Kabanata 33

Kabanata 33

2 YEARS LATER

"Miss Lou, what can you say about your new magazine?" 

"Totoo ba na boyfriend mo si Shaun Ocampo?" 

"Maraming nakakita na magkasama kayo palagi, Miss Lou!"

"Miss Lou!"

Hinarangan ng mga bodyguards ko ang magkabilang gilid, harapan, at likuran ko habang papatungo kami sa van. Nang lumabas kasi ako sa HK entertainment, bumungad agad sa amin ang mga paparazzi at reporters. Halos mahila na nga ako ng isang reporter kanina kung wala lang akong kasamang bodyguards.

I am a model from HK entertainment. Kadalasan sa mga mino-model ko ay mga gon pero minsan ay may mga damit din na galing sa kanila. Isa at kalahating taon na akong modelo. Hindi kasi ako agad sumang-ayon kay Shaun dahil wala naman akong kaalam-alam sa sarili ko noon. Dinala niya ako sa States at doon niya pinakita sa akin ang bagong buhay na meron ako ngayon. 

But I want to know the old me. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa akin at kung may pamilya ba ako o may naghahanap ba sa akin. Sinabi ko kay Shaun na gusto kong makaalala ngunit dalawang taon na ang nakalipas at tingin ko, malabo nang mangyari iyon. 

Shaun is a great guy. Minsan na rin kaming napagkamalang couple pero hindi. Hindi ko siya nakita na gano'n. He is a close friend of mine at tingin ko ay gano'n din siya sa akin.  Kaya yung mga issue tungkol sa amin, ini-ignora ko na lang minsan dahil wala namang katotohanan. 

Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng van ay agad nila itong sinara. Napapikit na lamang ako at napahawak sa ulo ko. Sobrang hectic kasi ng schedule ko noong nakaraan kaya wala akong sakto sa tulog at pahinga. 

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ng P.A ko sa loob ng van.

Mahina ako na tumango sa kanya at hinilot ang sentido ko. Binigyan niya ako ng tubig at pinunasan din ang pawis sa mukha ko. Ayaw ko talaga na may mag-aasikaso sa akin dahil naiilang ako. Pero wala rin akong magawa dahil trabaho nila iyon. 

"Huwag na, Vin,"pagtanggi ko at umiwas sa kanya. "Hindi mo na kailangang punasan ang pawis ko."

"Pero sabi kasi ni Sir Shaun ay aasikasuhin kita at--"

Umiling ako sa kanya. "Gano'n lang si Shaun pero huwag mong seryosohin ang sinabi niya. Wala naman siya rito. Magpahinga ka."

Kinagat niya ang ibabang labi niya at nagbaba ng tingin. "B-Bakit ang bait niyo kahit na..."

"Kahit na ano?" Kumunot ang noo ko at ngumuso. 

Napasinghap siya at agad umiling. "W-Wala po. Ang bait niyo po talaga."

Tinawanan ko lang ang sinabi niya at sinandal ang sarili sa bintana. Hindi pa rin bumabyahe ang van kaya hanggang ngayon ay nasa labas pa rin ang mga reporters at paparazzi. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin sila umaalis. Hindi naman ako masyadong sikat na modelo at bago pa lang ako rito sa Pilipinas since sa ibang bansa ako nagmo-model.

People call me Rachel Lou. Iyon ang stage name ko as a model. But I don't know my real name. Kahit si Shaun, hindi niya kilala dahil gaya ng sabi niya, nakita niya lang daw ako sa isang kagubatan. Siguro ay wala akong pamilya kasi wala namang naghahanap sa akin. Walang nakakakilala sa akin. Ever since I became a model, I changed a lot. Palaging tinatakpan ang bughaw kong mga mata ng black contact lens. ang buhok kong blonde noon ay kinulayan ng black at ginupit hanggang leeg. 

"I love you so much, Mommy!"

Namilog ang mata ko at napahawak sa aking ulo dahil sa pagkirot nito. Sumikip ang dibdib ko kasabay ng pagngilid ng luha sa aking mga mata. Tiniis ko ang sakit sa ulo ko para hindi sila mag-alala sa akin ngunit napansin pa rin ito ni Vina. 

"Ma'am, sumakit na naman ba ang ulo mo?" natatarantang tanong ni Vina sabay baling kay Manong driver. "Kuya, alis na po tayo. Baka kung ano pa ang mangyari kay Ma'am!"

Tumango ang driver at nagsimula na ito sa pagmaneho. Bumilis ang tibk ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Ngayon ko lang kasi muli narinig ang boses na iyon.

Parte ba iyon ng alaala ko? Kaya ba sobrang malapit ako sa mga bata?

  Please let me remember... Gusto kong makaalala...kahit iyon lang...

"Ma'am, uminom muna kayo nitong gamot na ibinigay ni Sir Shaun. Makakatulong po ito sa inyo," ani Vina at binigay sa akin ang isang capsule. 

"Salamat, Vin." Tinanggap ko ang capsule at agad itong inilagay sa bibig sabay inom ng tubig upang malunok ko ito. 

Hinilot ko ang noo ko at napabuntonghininga na lamang. 

***

Pagdating namin sa bahay ni Shaun ay sinalubong ako ni Celine, ang batang kasama ko sa magazine na bagong labas. 

"Ate Rachel!" Binitiwan niya ang kanyang laruan sabay takbo palapit sa akin. "I miss you, Ate Rachel!"

Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. "Magkasama pa tayo kahapon, ah? Miss mo na ako agad?"

"Opo!" Kinuha niya ang kamay ko at may itinuro. "Ate Rachel, ang daming magazine sa box!"

Hinila niya ako patungo sa sala at nakita ko si Shaun doon, nakangiti na sa akin. Binaba niya ang hawak niyang magazine at lumapit sa akin.

"Shaun!"

Nang makalapit siya sa akin, hinapit niya ang bewang ko at hinalikan ako sa pisngi. Hinagod niya ang likod ko at ngumiti lalo sa akin. 

"I am happy that you're here," aniya at nilingon ang babae na nakaupo sa may sofa. 

Umawang ang labi ko nang makilala ito. Isa siya sa mga reporter galing sa isang sikat na kompanya. Ano ang ginagawa niya rito? May kasama pa siyang camera man kaya kinakabahan ako. 

"Shaun, why are they here?" nagtataka kong tanong. 

"Well..." Hinawakan niya ang aking kamay at saka mahinang hinila palapit sa reporter. Pinaupo niya ako sa tapat bago siya tumabi sa akin. 

Kahit kailan, hindi ko pinapayagan ang sarili ko na ma-interview at alam ni Shaun iyon. Ngunit ano ito? Ano ang ibig sabihin nito? 

Litong-lito pa rin ako kahit nakaupo na ako katapat ang reporter na ngayon ay mukhang kinikilig pa yata. 

"Thank you for having me here, Mr. Ocampo," maligayang sambit ng reporter. 

"You're welcome. Ang kompanya niyo lang naman ang pinagkatiwalaan ko in terms of news," ani Shaun at umayos ng upo. 

Hindi na maipinta ang mukha ko ngunit sinubukan ko pa ring umupo ng maayos. Nakita ko sina Vina, Celine at ang isang bodyguard na nasa may pintuan. Sinenyasan sila ni Shaun na lumayo bago bumaling sa akin.

"Hindi mananahimik ang media, babe," aniya at nilagay niya ang kanyang kamay sa hita ko.

Nanlaki ang mata ko at nagtataka siyang tiningnan. 

Babe? Ano ang ibig sabihin nito?

Hinawakan niya ang kamay ko at hinarap ang reporter. "Sa nakikita mo pa lang, alam mo na kung ano ang ibig sabihin nito."

Mahina akong napasinghap. Hindi ko akalain na gagawin ito ni Shaun sa akin? He is my friend and I trust him. Pero ano ito? I am not happy with this. 

"So, confirm na nga na may relasyon kayong dalawa," ani ng reporter at tumingin sa akin. "Miss Lou, gaano na kayo katagal?"

"Two years in a relationship," si Shaun ang sumagot.

Kinuyom ko ang isang kamay na nasa gilid lang at naitikom na lamang ang bibig. Wala akong masabi. Hindi ko alam kung ano ang gustong mangyari ni Shaun pero hindi ako matatahimik nito. 

"Mas lalong makilala ang pangalan mo, MIss Lou, lalo na't kilala bilang businessman si Mr. Shaun Ocampo at..." Tumingin ang reporter sa script niya. "Ano ang masasabi mo sa bagong magazine na inilabas?" Nag-angat siya ng tingin sa akin at ipinakita ang magazine na kopya niay yata. "Ito ang kauna-unahang magazine na inilabas mo rito sa Pilipinas ngunit marami na agad ang humahanga't bumili. The Runaway Mom magazine! Puwede mo bang ipangalan kung bakit The Runaway Mom ang pangalan ng magazine, Miss Lou?" 

Bumalik ang sigla ko sa tanong niya. "It's about me. I am a mother in the concept and Celine is my daughter in the magazine. It has a deep meaning. But other than that, it also showcases the dress that we're wearing and the accessories."

"Yes, you look like a good mom to her, Miss Lou!  Kailan niyo ba planong magpakasal ni Mr. Ocampo?"

Nanlaki ang mata ko at hindi agad nakapagsalita. 

"I only allow you to ask questions related to her modeling and confirming our relationship," sabat bigla ni Shaun. "You are going to report only the things we agreed on and nothing else."

Nakita ko ang takot sa mata ng reporter at agad tumango. "O-Okay, I am sorry." Tumikhim siya at nagpatuloy. "What is the deep meaning, Miss Lou?"

"It's all about a single mother who runs away with her daughter.  HK Entertainment wants to create a unique concept connected to the new clothing product," sagot ko. 

"Wow! So you're saying that it's all about a single mother?" mangha niyang tanong. "I didn't know about that. Napakaganda namang ideya nito, Miss  Lou. But it all makes sense. Sa cover pa lang, halata naman sa mga pose."

Oo, ang cover sa magazine ay ako at ang batang modelo na si Celine. I am wearing a white floral dress from HK clothing line. Ang buhok kong maikli ay may malaking hairpin sa gilid at suot ko ang doll shoes na bumagay sa damit ko. I am holding a basket habang hawak ko sa isang kamay si Celine habang kami ay tumatakbo sa isang garden. 

May kaunti pa siyang tinanong sa akin at nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na ito masyadong personal. Ang sabi ng reporter ay ire-review niya pa ang mga iyon bago mailabas sa national TV. Nang makaalis na sila ay saka ko kinompronta si Shaun. 

"Shaun, what was that all about? Binigla mo ako."

He smirked. "What? Hindi pa ba malinaw sa iyo, Lou? I like you at walang ibang lalaki sa buhay mo kundi ako lang."

Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. "P-Pero, we are not in a relationship!"

"Then, we are!"

"No!" Umiling ako. "Hindi gano'n ang tingin ko sa 'yo, Shaun. I am sorry."

Napawi ang ngiti niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin. Gusto ko lang linawin sa kanya na walang namamagitan sa aming dalawa dahil wala naman akong nararamdaman para sa kanya.

"Lou, are you still hoping na makaalala ka?" tanong niya sabay hawak sa braso ko. "Bakit kailangan mo pang makaalala? Maganda na ang buhay mo. You can get revenge—"

"Shaun, how can I do that?" frustrated ko na tanong. "Ni hindi ko nga kilala kung sino ang paghihigantihan ko, eh! Wala akong maalala. At kung pipilitin ko man ay sasakit lang lalo ang ulo ko. Palagi lang tayong pabalik-balik sa doctor. And the capsule that you gave me--"

"Are you not happy with your life right now?" Pumungay ang kanyang mga mata. "Are you not happy with me?"

Hinawakan niya ang mukha ko nang sinubukan kong umiwas sa kanya. "We are perfect for each other, Lou." Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin hanggang sa maramdaman ko na ang kanyang hininga. "And you are mine."

Nanatiling nakamulat ang mga mata ko nang unti-unti niya akong siniil ng halik. Hindi ko ginalaw ang aking labi dahil hindi ko siya kayang halikan pabalik. Sumikip ang dibdi ko at unti-unting tumulo ang luha sa mata ko. 

"Magpapakasal na tayo, Honey."

Napasinghap ako at mabilis itinulak si Shaun. Nagulat siya sa ginawa ko at pati rin ako. Pinalis ko ang luha sa mata ko at hinawakan ang ulo ko. 

Kaninong boses iyon? Parte ba iyon ng alaala ko? Sino si Honey at ang lalaking iyon?

Bumilis ang paghinga ko at napalunok. 

"Are you okay, Lou? Masakit ba ang ulo?" nag-alala niyang tanong.

Umiling ako at nag-iwas ng tingin. "W-Wala. Pagod ako," pagdadahilan ko. 

Bumuntonghininga siya sabay tango. "Alright. Get rest. Marami pa tayong gagawin bukas."

Tumalikod na siya sa akin at kinuha ang mga boxes na naglalaman ng mga magazines. 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top