Kabanata 32
Kabanata 32
"Kahit magpakasal pa kayo ng anak ko, hindi magbabago ang tingin ko sa 'yo," matigas na sabi ng hindi katandaang babae sa babaeng blonde ang buhok.
"T-Tita Criza, g-gusto ko lang m-malaman kung bakit ayaw mo sa akin. Kung bakit palagi kang galit kay Tiya Mirasol ko..." ani ng babaeng blonde na umiiyak. "Hindi ko makita ang totoong rason kung bakit."
Tumawa ang babaeng sosyalin at tumayo mula sa kanyang kinauupuan. "Gusto mong malaman kung bakit?"
Hindi nagsalita ang babaeng blonde at nanatili lang ang tingin sa galit na babae.
"Inagaw niya sa akin ang lalaking mahal ko! Ang totoong mahal ko!" galit na sigaw ng babae. "Hanggang ngayon, kahit wala na sila sa mundong ito, hangga't makikita kita ay maaalala ko pa rin ang babaeng iyon!"
Umawang ang labi ng babaeng blonde. "B-Bakit? Hindi naman inagaw ni Tiya Mirasol si Tito Limuel--"
"INAGAW NIYA SA AKIN SI ARTURO!" galit na pagputol nito sa kanya. "Hindi ko makalimutan! Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano ako tinalikuran ni Arturo para sa babaeng iyon!"
Napasinghap ang babaeng blonde sa nalaman. "Pero matagal na iyon, Tita Criza. M-May asawa ka na at anak. Bakit?"
Tumawa ang babae. "Oo nga naman. May asawa at anak na ako. Masaya naman ako dahil mabuting tao naman si Limuel. Pero ikaw? Makuha ang anak ko? Hindi ko matatanggap! Mas mabuti pang huwag mong pakasalan ang anak ko kung gusto mo ng tahimik na buhay dahil kahit kailan, hindi kita matatanggap! Naintindihan mo ba ako? Hindi kita magugustuhan para sa anak ko, kahit kailan!"
"Isa ka lang basura! Ayoko sa isang katulad mo para sa anak ko!"
"Hindi kita magugustuhan kahit kailan! Hindi ikaw ang gusto ko para sa anak ko. Hindi!"
"Hindi!"
"Hindi!"
"Hindi!"
"Hindi!" sigaw ko at biglang napamulat.
Sunod-sunod na tumulo ang luha sa aking mata kasabay ng pagsikip ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Hindi ko alam kung bakit iyon ang napanaginipan ko.
Sino iyon? Bakit galit na galit ang babaeng iyon?
Hinawakan ko ang ulo ko at saka napabangon paupo sa kama. Hinawakan ko ang ulo ko at saka nagbaba ng tingin sa kamay ko. Umawang ang labi ko na may dextrose na sa kamay ko.
Ano ang nangyari sa akin at nasaan ako?
"I'm glad you're awake."
Naalarma ako sa boses ng lalaki. Nang nilingon ko ito, nakita ko siya na may dalang kutsilyo na mas lalong nagpaalarma sa akin at mabilis na napaatras sa headboard ng kama. Nagbago ang ekspresyon ng lalaki nang makita ang reaksyon ko. Agad niyang binaba ang kutsilyo at mabilis na lumapit sa akin.
"Calm down. I'm not going to hurt you," he assured me.
Nagpalinga-linga ako sa paligid at wala akong nakita na tao kundi siya lamang at ako. Hindi ko alam kung sino ang lalaking ito at kung bakit nandito ako sa hindi pamilyar na kuwarto. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa akin. I don't even know kung bakit ako nagkaganito.
Napalunok ako at tiningnan ang lalaki. "Sino ka? B-Bakit ako nandito? At bakit ako nagkaganito?"
Naramdaman ko ang pagkirot ng aking tiyan at ang iba pang parte ng aking katawan. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman. Bumilis din ang paghinga ko dahil sa takot.
"Calm down." Hinawakan niya ang braso ko para pakalmahin ako pero mas lalo lang akong nataranta kaya lumayo siya sa akin. "I'm sorry. You're unconscious for months at ngayon lang nagising. I was the one who saved you."
"Saan? M-May nangyari ba sa akin?"
Sinundan ko siya ng tingin nang kumuha siya ng upuan at umupo malapit lang sa puwesto ko. Umupo siya at tiningnan ako. "Bago ko sagutin iyan, gusto kong malaman kung ano ang pangalan mo. What's your name, Lady?"
Hindi ako sumagot sa kanya dahil walang pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung ano ang pangalan ko. Gusto ko mang ibuka ang bibig ko para magsalita ngunit ayaw. Hindi ako makapagsalita dahil wala rin namang lalabas.
"I see. Wala kang maalala," aniya at ngumisi. "Well, I can help you with that."
"Huh?"
Sumeryoso ang kanyang mukha at saka inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. "Come with me. Be a model and you can do whatever you want."
Kumunot ang noo ko at nagbaba ng tingin sa kamay ko.
"Mommy, I love you so much."
Natigilan ako at napahawak sa ulo ko nang may narinig ako na isang boses. Para itong bumubulong sa tainga ko na nagpasakit ng ulo ko.
"A-Aray..." Tumulo ang luha sa aking mata habang nakahawak ako sa ulo ko. "S-Sino ka? A-Ano ang nangyayari sa akin?"
Binaba niya ang kamay niya. "Does it matter? Nakita lang kita sa gubat. You were dying that time kung hindi kita nakita. I bet someone tried to kill you but they failed."
"Huh?"
Kinuha niya ang isang kamay ko kaya napatingin muli ako sa kanya. "That's why you need to seek revenge kahit hindi mo sila maalala. Kahit hindi mo alam kung sino, ipakita mo sa buong mundo na hindi ka nila kayang patumbahin. That you're a strong girl."
Napaigtad ako nang hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay. "You are so beautiful. Make it useful. I will help you."
"W-Why did you save me? Why did you help me?" sunod-sunod ko na tanong. "You don't know me. I don't know myself either. Why don't you just let me die? Baka iyon pala ang gusto ko."
"But I feel like you don't want to die. And I saw myself in you. I am just like you. Someone tried to kill me but they failed."
Umawang ang labi ko.
"Sino ka?"
Ngumiti siya. "My name is Shaun and I will be there for you no matter what. I am someone you can be trusted."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top