Kabanata 31
Kabanata 31
"Gregory L. Sanchez, the owner of Gsanche Company is now happily married! Sa mga hindi nakakaalam, ikinasal ang businessman na si Gregory sa kanyang girlfriend na si Honey Lou Andrade-Sanchez. Makikita sa mga litrato na ito kung gaano kasaya ang newlywed kasama ang kanilang anak!"
"Hindi ko akalain na totoong kasal na si Gregory, Chan. I am actually rooting for him and Phoebe Ocampo!"
"So unexpected talaga, Jen. But let's be happy for them. Kita naman sa litratong ito na in love na in love sila sa isa't isa."
"Tama ka! Tatlong buwan na silang kasal ngunit ngayon lang nailabas ng mga Sanchez. Siguro mas gusto nila ng pribado. But still, congratulation Mr. and Mrs. Sanchez!"
"Mommy, what are you watching?"
Natigilan ako sa panonood ng palabas sa telebisyon nang lumapit sa akin ang anak ko at tumabi sa akin. Agad kong inilipat ang channel para makapanood siya ng cartoons.
"W-Well, your dad and I were in the news," ani ko sabay kagat sa aking ibabang labi.
"Really? Are you both celebrities?" excited na tanong ng anak ko at kumandong pa sa akin.
Agad akong umiling at hinaplos ang kanyang buhok. "I am not, Grazer. But your dad is...uhm..well..."
"Well?"
Bumuntonghininga ako. "He is a well-known businessman and people knows him and his family," paliwanag ko. "Kaya siya nasa balita. Isa siyang sikat na businessman, Grazer. So everything about him, mapapalabas talaga sa television."
"Wow! Daddy is great, Mommy!"
Napangiti ako at inayos ko ang buhok niya. "Since you are getting older, Grazer. You should know how to fix your hair yourself."
Ngumuso siya at niyakap ako. "But you are here, Mommy! You will fix my hair always!"
Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap siya pabalik. "Oo naman. Hindi ka iiwan ni Mommy kahit kailan."
"I love you so much, Mommy!" ani Grazer sabay halik sa pisngi ko.
"I love you too, Grazer," sagot ko at dinama ang kanyang maliliit na halik sa aking pisngi.
Matapos kong talian ang kanyang buhok ay umalis na siya sa kandungan ko.
"Grazer, doon ka muna kay Ate Dina mo, ah? Magluluto muna ako ng dinner para sa Daddy mo," ani ko sabay tayo.
"Okay, Mommy!"
***
"Ma'am, tulungan na kita," pagpresenta ni Aling Maria, ang bagong kasambahay namin na dating nagtatrabaho sa bahay ng mga Sanchez. "Marami akong alam na paborito ni Sir Greg."
"Talaga?" Nilingon ko siya. "Puwede ko bang malaman kung ano pa ang paborito ng asawa ko? Bka nauumay na iyon sa niluluto ko, eh, pero hindi lang nagsabi."
Tumawa si Aling Maria sabay iling sa akin. "Naku, hindi iyon mauumay kung pagkain ang usapan, Ma'am. Gano'n lang ang katawan no'n pero matakaw iyon, Ma'am."
Napangiti ako sa kanya at hinawakan ko ang braso niya. "Aling Maria, turuan mo ako, ah? Baka matagalan sa pag-uwi ang asawa ko kaya paghahandaan ko siya ng pagkain. 'Yong masarap na masarap!"
Tumawa muli si Aling Maria at hinawakan ang kamay ko. "Katulad din pala kita. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo sa asawa mo, Ma'am. Gustong-gusto kasi ng mga lalaki ang mga babaeng marunong magluto lalo na't pagod sila galing sa trabaho."
Binitiwan ko ang braso niya upang makagalaw siya. Binitiwan niya rin ang kamay ko. Kami lang ang nandito sa kitchen at excited ako sa gagawin namin ngayon. Sigurado ako na pagod na pagod na si Gregory pag-uwi dahil sabi niya sa akin kanina, magiging busy siya dahil sa aktibidad na involve ang kanyang kompanya. Kaya para mawala ang pagod niya, lulutuan ko siya ng masarap na pagkain.
May phone na rin ako at na-contact na si Jerah. Hindi siya makapaniwala na kasal na ako sa ama ng anak ko at nagtatampo siya sa akin dahil ang tagal ko siyang hindi kinontak. Simula nang ma-kontak ko muli siya, palagi kaming nag-uusap at nagkukumustahan. Balita ko ay sa susunod na taon pa sila uuwi ng boyfriend niya rito sa Pinas.
"Ano po ba ang paborito niyang ulam, Aling Maria?" tanong ko. "Gusto ko sanang malaman at matuto sa gusto niya."
"Simple lang naman ang gusto ni Sir Greg, Ma'am. Sinigang ang kanyang paborito at tuturuan kita, Ma'am, kung paano ito lulutuin."
Tinuruan ako ni Aling Maria kung paano magluto ng sinigang. Hindi siya naging Madali para sa akin kaya kinailangan ko pa siyang ilista sa notebook upang hindi ko makalimutan.
"Tikman mo, Ma'am. Baka kasi matabang."
Kumuha ako ng kutsara at kumuha ng kaunting sabaw upang tikman ito. Napapikit ako sa sarap at nag-thumbs up kay Aling Maria.
"Ang sarap po!" pagpuri ko. "Magugustuhan po ito ng asawa ko."
"Oh siya, luto na iyan! Kailangan ko pang silipin ang ibang niluto ko."
"Okay po. Ako na po ang bahala rito," ani ko at hininaan ang stove.
Umupo ako saglit sa upuan at kinuha ang phone ko sa bulsa. Tumayo ako muli at kinuhanan ng litrato ang lutong sinigang at s-in-end kay Gregory sa messenger. Matapos kong kunan ay hinain ko na at saka inilapag sa lamesa. In-off ko na ang stove sabay lagay ng tubig sa kawali. Tapos na kumain ang anak ko dahil sabay silang kumain ni Dina kanina. Sasabay na lang ako kay Gregory para hindi siya mag-isang kumain.
Tinawagan ko ang kanyang numero. Mabuti at sinagot niya agad. Napangiti ako at naghila ng upuan para makaupo.
"Baby..."
"Greg!" Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili na tumili. "Kumusta ka na? Huwag mo sanang pagurin ang sarili mo diyan."
"Of course, baby..." malambing niyang sagot sa kabilang linya. "I think I will have a delicious dinner tonight."
Naring ko ang kanyang mahinang tawa matapos sabihin iyon.
"Nakita mo?" excited ko na tanong. "Hindi ako ang nagluto no'n, eh!"
"I know..." He chuckled. "I am referring to something more delicious, Honey."
Napangiwi ako sa tono niyang obvious na obvious. "Ewan ko sa iyo, Gregory."
Humalakhak siya. "Why? We're married! We can do that thing everyday, Honey. Hindi nga lang noong nakaraan kasi naging busy ako. But I will make sure that I will pull off your panty kapag nakauwi ako."
Namula ako sa sinabi niya. "T-Tama nan ga iyan!"
"Why? Are you wet down there?" natatawa niyang tanong.
Halos ibaba ko na ang phone ko dahil sa sobrang hiya. Sadyang ganito na talaga si Gregory at hindi na mababago iyon. Kulang na lang ay mabuntis ako sa pinanggagawa niya.
"Greg, please."
"Kidding!" aniya sabay tawa muli. "By the way, baby, sabi ko naman sa iyo kaninang umaga na late ako na makauwi ngayong gabi dahil may papers pa ako na tinapos. Ito na ang huling araw na magiging busy ako and starting tomorrow, libre na ako."
Tumango ako. "Maghihintay ako, Greg."
"Huh? Hindi ka pa ba kumain?" Sumeryoso ang boses niya. "Mauna ka nang kumain at matulog na. Huwag mo na akong hintayin."
"Ayoko! Sabay tayong kumain," pagpilit ko. "Hihintayin kita."
"Okay, hindi ako magdi-dinner sa opisina dahil nagluto ang asawa ko sa bahay." Narinig kong wika niya ngunit hindi ako ang kausap niya. "Yes, sorry. Katawagan ko ang asawa ko."
Pinigilan ko ang sarili ko na hindi kiligin. "Greg..."
"Oops! Sorry baby. I am really busy right now. I need to finish this one, alright? I love you."
"I love you too, Greg. Huwag kang masyadong magpagabi, ah?"
"Yes, baby."
Binaba ko na ang phone ko at inilapag sa lamesa. I will wait for him. Kakain na lamang siguro ako ng dinner tapos kakain ulit ako pagdating niya.
"Mommy, why are you alone in the kitchen?"
Nilingon ko si Grazer at nakita ko si Dina sa likuran niya. Umayos ako ng upo at nginitian sila. Nag-angat ako ng tingin kay Dina.
"Ma'am, titimplahan ko lang ng gatas si Grazer para po matulog na siya pagkatapos," ani Dina sa akin.
Tumango ako at sinenyasan si Grazer na lumapit sa akin. Agad siyang sumunod at yumakap sa may tiyan ko.
"Mommy, can I sleep with you tonight?" malambing na tanong ng anak ko sa akin. "I miss hugging you, Mommy!"
"But I am always hugging you when you sleep."
Nag-angat siya ng tingin sa akin sabay nguso. "Daddy is always hugging you! He always went to my room and take you away from me!"
Pinisil ko ang pisngi niya. "I am always by your side, Grazer. Tonight, tatabi tayo sa daddy mo, okay?"
"Okay, Mommy!"
Hinaplos ko ang kanyang buhok at nilingon si Dina. "Dina, Samahan mo muna si Grazer sa kuwarto niya. Susunod lang ako."
"Okay po, Ma'am. Halikana, Grazer. Iinom ka pa ng gatas."
Huminga ako nang malalim at tiningnan ang oras sa phone ko. Alas otso na pala ng gabi at nagtataka ako kung anong oras siya uuwi. Hindi naman siguro siya aabot ng alas dose, hindi ba?
Tumayo ako at naisipan na sa sala na lamang siya hihintayin. Kailangan ko ring maglaro ng games sa phone ko upang hindi ako antukin. Miss na miss ko na talaga si Greg at minsan na lamang kami magkaroon ng oras sa isa't isa dahil sa trabaho niya.
Humiga ako sa sofa at naglaro ng candy crush. Iyon na lang yata ang pagkakaabalahan ko habang hinihintay si Greg.
***
Umabot na ng alas onse ng gabi ngunit wala pa ring Gregory na umuwi. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit hindi na siya sumasagot. Bigla tuloy akong nag-alala dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Umupo ako sa sofa at pumikit upang pakalmahin ang sarili. Hindi dapat ako kakabahan dahil uuwi si Gregory. Makakauwi siya at sabay kaming kakain ngayon. Siguro kinakabahan lang ako dahil gising pa ako at hindi ako sanay na wala pa rin siya sa oras na ito. Ang sabi niya ay last day na lang niya kaya sigurado akong tinatrabaho niya talaga para magkaroon na kami ng oras simula bukas.
Hinalikan ko ang singsing ko bago ako bumuntonghininga. Nagmulat ako ng tingin at sumandal sa sofa. Hindi dapat ako mag-iisip ngayon ng kung ano-ano dahil uuwi si Gregory.
Nabuhayan ako ng loob nang may kumatok sa pinto. Tumayo ako at agad inayos ang aking sarili. Napangiti ako dahil dumating na si Greg. Kumalabog nang mabilis ang puso ko dahil sa excitement. Mabilis kong binuksan ang ilaw at nagtungo sa pinto upang buksan ito.
"Greg—"
Namilog ang mata ko at hindi makahinga nang sumalubong sa akin ang kutsilyo ng nakamaskara na lalaki. Napahandusay ako sa sahig dahil sa saksak na natamo sa aking tiyan. Hinawakan ko kung saan ako nasaksak at namutla nang makitang nagdurugo ito.
Bumuka ang bibig ko ngunit walang salita na lumabas dahil sa sakit. Tumulo ang luha sa aking mata habang nakatingin sa sapatos ng lalaki.
"Pare, babae lang ang sinabi!"
"Sayang naman kung hindi tayo magnakaw, hindi ba? Napatumba nga natin ang mga guwardya nila. Wala ring kapitbahay ang lugar na ito kaya malaya nating makuha ang gusto natin!"
Sinubukan kong gumapang pero nanghihina ako dahil naramdaman ko ang pagkirot ng saksak at ang pag-agos ng dugo doon kaya kinailangan takpan ko iyon gamit ang palad ko.
"Sige na nga! Hayaan mo na lang ang babaeng iyan! Mamamatay na rin naman iyan!"
Humalakhak ang lalaki. "Sige na! Matutuwa naman siguro si Ma'am dahil patay na ang babaeng ito. Iyon lang naman ang gusto niya!"
Namilog ang mata ko sa narinig. Sinong gustong papatay sa akin? Si Tita Criza ba?
Natarantaa ko nang pumasok ang magnanakaw sa loob ng bahay ko. Tulog na ang lahat at napatumba nila ang mga guwardya sa bahay. Tiniis ko ang hapdi at sinubukan kong tumayo.
Hindi ako puwedeng mamatay. Ako lang naman ang punterya nila kaya hangga't tulog ang mga tao rito ay walang madadamay. Tinakpan ko ang bibig ko at nagsimulang naglakad palayo sa bahay.
Manghihingi ako ng tulong kaya kahit mahirap, binilisan ko ang aking paglakad ngunit napaigtad nang marinig ko ang isang pagputok. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Ang babae! Nakatakas!"
"Tangina, pare! Baka mabuhay at magsumbong! Gago! Habulin natin!"
"Gago, pare! Sana dinamihan mo ng saksak! Pakshit ka!"
Tumulo ang luha sa aking mata at binilisan ang pagtakbo kahit sobrang sakit na ng katawan ko. Siguradong mamamatay ako kapag maubusan ako ng dugo.
Hindi...hindi ako puwedeng mamatay. Para kay Greg at para kay Grazer, hindi ako mamamatay.
Tumakbo ako patungo sa may kagubatan habang patuloy pa rin akong nakarinig ng pagputok. Gabing-gabi na at ang kagubatan na ito ay patungo sa kabilang kalsada. Kahit tumutulo ang dugo ko ay ginawa ko ang lahat upang makatakbo nang mabilis. Sa sobrang taranta ko ay nadulas ako nang maapakan ko ang isang kahoy at nabagok ang ulo ko sa isang bato.
Umikot ang mundo ko dahil sa nangyari at naghahabol na ng hininga.
"H-Hindi...hindi ako mamamatay..." mahinang wika ko habang unti-unti nang nawawalan ng hininga. "G-Greg...Grazer..."
Unti-unting nanlabo ang paningin ko.
"M-Mahal ko k-kayo..." Iyon ang huli kong sinabi bago naging madilim ang mundo ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top