Kabanata 30
Kabanata 30
"I heard you are enjoying yourself in our mansion, hija," wika ni Tita Criza habang nakaangat ang kanyang kilay sa akin.
Nasa hapagkainan kami ngayon at parehong basa ang buhok namin ni Gregory dahil sa nangyari kanina. Maraming mga pagkain ang naka-display sa lamesa at lahat ng iyon ay masasarap. Ang iba ay hindi pa pamilyar sa akin dahil pangmayaman ang mga pagkain. Hindi pangmasa na kadalasan kong kinakain.
"Mom," banta ni Gregory. "Stop it."
"What?" Lumaki ang mata niya. "What are you reacting about, Gregory? Wala naman akong sinabi na hindi maganda. And by the way, nakuha nga pala si Phoebe sa international modeling agency. At least congratulate her."
Binalingan ni Tita Criza ang aking anak at saka matamis niya itong nginitian. "You want to be like Phoebe, Grazer?"
Kuryosong nag-angat si Grazer ng tingin sa lola niya. "Who is Phoebe, Lola?"
"Well, she is a very beautiful model," ani Tita Criza sabay tingin kay Greg. "And your dad knows her."
Naibaba ko ang aking tingin dahil sa awkward na paligid. Alam ko kasi na may pinahiwatig siya sa sinabi niya at alam ko rin na sinadya niya iyon dahil nandito ako.
"Grazer, you want to meet her? She can be your mother—"
Naibagsak ni Gregory ang kanyang kutsara sa lamesa na siyang gumawa ng ingay sa buong dining area. Natigil sa pagsasalita si Tita Criza at napatingin kay Gregory na mukhang hindi na nakapagpigil.
"Mom..." Kumuyom ang kamao ni Gregory sa lamesa. "STOP IT."
"Lola!" tawag ni Grazer sa Lola niya kaya napatingin ito sa kanya. "I only have one mother and I love her so much." Proud na tinuro ako ng aking anak. "She is my mother, Lola, and she is very beautiful too! I want to be like her!"
Para akong saglit na naistatwa dahil sa sinabi ng aking anak na humaplos sa aking puso. Hindi ko inasahan na sasabihin iyon ng anak ko dahilan ng pananahimik ni Tita Criza. Nanubig ang aking mata habang nakikinig sa anak ko.
"She is my mommy and no one can replace her, Lola. I hope you will also like my mommy. She is very kind and taught me to be kind to everyone even though they're not kind."
Anak...
"And I don't want anyone to hurt my mommy!"
Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi ng anak ko. Kahit si Tita Criza ay hindi man lang naibuka ang bibig dahil sa sinabi ng batang wala pang masyadong kamuwang-muwang sa mundo.
Tumikhim si Tito Limuel na nasa tabi lang ni Tita Criza at binalingan si Grazer. "Grazer. How old are you, my dear?"
Masiglang ngumiti ang anak ko at inangat ang isang kamay. "I am five years old, Lolo!"
Kinalabit ni Grazer ang Lola niya na ngayon ay tahimik pa rin. Nasa tapat lang namin sila kaya kitang-kita ang bawat reaksyon.
"Lola, are you alright?" nag-aalalang tanong ni Grazer.
"My dear, your Lola is fine. Finish your food. I have something for you," ani Tito Limuel at uminom sa kanyang baso.
"Really?" Nagliwanag ang mat ani Grazer. "I am excited, Lolo!"
Ngumiti lang si Tito Limuel at binalingan ako. "Hija, kumain ka na. Gregory, take good care of her. Pansin ko ang pagkapayat niya so you need to eat more, hija."
Hinawakan ni Gregory ang kamay ko sa ilalim kaya napatingin ako sa kanya. "It's her normal body, Dad. But of course..." Tiningnan ako ni Gregory. "I will take good care of her."
Naging mapayapa na ang aming pananghalian matapos no'n. Naging madaldal si Gregory hanggang sa matapos ang pananghalian namin. Isa sa ikinuwento niya ay ang planong pakasalan ako. Hindi na umimik si Tita Criza kaya nakahinga ako nang maluwag. Hindi kasi matatapos ang pag-uusap kung ibubuka niya pa ang bibig niya.
"Magpakasal na tayo, Honey," biglang sambit ni Gregory habang bumabyahe na kami pauwi. Nasa daan ang kanyang tingin at mahigpit ang kanyang pagkahawak sa steering wheel.
Gulat na napatingin ako sa kanya. "H-Ha?"
Sumulyap siya saglit sa akin at ngumiti. "I already bought a house for us. It's big and Grazer will like it."
Umawang ang labi ko at gulat pa rin sa sinabi niya. "House?"
"Yup, and a lot. It cost 10 million but it doesn't matter as long as you and Grazer will live with me." Medyo binilisan niya ang kanyang pag-drive. "I am excited, Honey."
"Greg—"
"You know, I never thought that I would be this serious, Honey. Hindi ko akalain na magiging ganito ako. I never imagined myself being able to love and marry again after the horrible things I did to you and Khadijah."
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Unti-unting gumuhit ng ngiti sa labi.
"I felt guilty knowing na hindi ako naging mabuti sa kanya. But I am genuinely happy that she ended up with him." Ngumiwi siya sa huli niyang sinabi at mahinang tumawa. "Sa lahat ng ginawa ko, naisip ko nga na hindi ko na deserve maging masaya. That I deserved to be punished. Pero ano ito, I want to be happy and settle down with you, Honey."
Nang balingan niya ako, nagulat siya sa kanyang nakita. Nakangiti na kasi ako sa kanya. Para kasing ibang Gregory na ang nakita ko.
"What's that smile all about?" tanong niya. "You're not mad? I mentioned Khadijah. But it doesn't mean—"
"Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit? I helped Brent before too kaya sila ang nagkatuluyan ni Khadijah," ani ko at saka hinawakan ko ang kanyang kamay. "We all made mistakes and it's fine as long as we learned from it. At gaya ng sabi ko sa iyo, just be yourself at tanggap kita." Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin. "Mahal kita...noon pa man."
Napatili ako nang bigla siyang nag-brake kaya bahagyang tumama ang noo ko sa dashboard. Napapikit ako at sinapo ang noo ko dahil sa sakit.
"Shit!"
Binalingan niya ako at hinawakan ang kamay ko. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay mapungay na mata ang sumalubong sa akin.
"R-Really? Mahal mo ako noon pa?" hindi makapaniwala niyang tanong sa akin.
No'ng una ay nagtataka pa ako kung bakit niya iyon tinanong sa akin ngunit nang napagtanto ko ang kanyang sinabi kanina ay napatakip ako sa aking bibig at agad nag-iwas ng tingin. Kumalabog nang mabilis ang aking puso at nataranta.
"Honey..."
Hinuli niya ang tingin ko pero todo ang pag-iwas ko dahil sa hiya.
"Now I know..." He chuckled. "Let's go."
Nagpatuloy na sa pagmaneho si Gregory at hindi na kami muling nag-usap. Palihim akong ngumiti.
Gregory will always be my first love and now that he loves me, mas lalo lamang akong naging malakas para sa kanilang dalawa ng anak ko. Kaya kahit ano pa ang ibabato sa akin ng Mommy niya ay pilit ko itong binabalewala dahil mahal ko si Gregory. Pero hindi ko rin hahayaan ang sarili ko na apihin niya.
Nagbago na ang isip ko. I want to live here in the Philippines with him at wala na akong planong bumalik pa sa Australia dahlia nandito na ang buhay ko.
***
Naging mabilis lang ang lahat. Tatlong buwan ang nakalipas ay ikinasal kami ni Gregory. Civil wedding lang siya pero sobrang saya ko na dahil tuluyan na kaming naitali sa isa't isa. Ang sabi niya sa akin ay sa susunod na lang daw ang sa simbahan dahil nagmamadali siya. Ang pinakamasaya sa aming lahat ay ang anak ko.
"Mommy! You are so pretty!" Niyakap ako ng anak ko habang nasa kanya ang bulaklak na hawak ko.
"Thank you, anak."
Hinapit ni Gregory ang bewang ko at hinalikan ako muli sa labi.
"Eh! Kinikilig ako sa inyong dalawa, Ma'am, at Sir!" kinikilig na sambit ni Dina habang nakatutok sa amin ang camera.
"Thank you, Dina!"
"Dina, puwede kang pumili sa mga tauhan ko para meron ka na ring sa iyo," ani Gregory sabay ngisi.
"Si Sir Gregory naman, porket may asawa na!" Tumawa si Dina at lumapit kay Grazer. "Pero gusto ko 'yong engineer o hindi kaya ay lawyer, Sir! Alam kong mahirap lang ako pero libre naman ang mangarap."
"Take good care of my daughter, Dina. My wife and I will go somewhere for a while," ani Gregory sabay baling sa akin. "We will visit our house."
Bigla akong na-excite sa sinabi niya. "T-Talaga?"
"Yup." Lumipat ang kamay niya sa kamay ko at pinagsalikop ito. "Let's go. May regalo si Dad sa 'tin at naroon na sa bahay."
Hindi ko maiwasan ang masiyahan sa Daddy niya dahil suportado siya sa amin. Hindi na rin naman ako nag-expect kay Tita Criza dahil hindi na rin niya ako ginugulo.
"And we are going to have a rough night tonight," bulong niya sa tainga ko na nagpakiliti sa 'kin. "Get ready."
Namula ang pisngi ko at nag-iwas na lang ng tingin.
***
"Gregory! Hindi talaga kita papansinin kapag madapa ako!" pagbabanta ko habang nakahawak siya sa bewang at kamay ko.
Naka-blindfold ako ngayon kaya hindi ko makita kung saan ang susunod kong hakbang. Ang sabi niya ay dapat ma-surprise daw ako sa bahay namin kasi masyado dawng maganda. Hindi na 'yon surprise kasi alam ko na maganda.
"Patuloy ka lang sa paglalakad," natatawang sambit niya.
"Tinatawanan mo yata ako, eh!" inis kong sambit.
Tumigil ako sa paglalakad at akmang tatanggalin ko na blindfold pero pinigilan niya ako.
"Hey! Stop that. Malapit na tayo, Honey," aniya at hinalikan ako sa pisngi. "Be patient."
"Gagapangin mo lang ako, eh!"
Natawa siya sa sinabi ko at nagpatuloy kami sa paglalakad. "S'yempre mangyayari 'yon, Honey. Bagong kasal tayo, hindi naman puwedeng matulog lang tayo ngayon."
"Puwedeng matulog lang tayo ngayon," ani ko sabay nguso.
"Not gonna happen, baby..." aniya at huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. "Narito na tayo. I hope you'll like our new home, Honey."
Napalunok ako nang unti-unti niyang tinanggal ang blindfold sa mata ko. Noong una ay hindi pa naging malinaw sa akin ang nasa harapan ko dahil naging malabo ang paningin ko kaya kinusot ko ang mata ko. Nang tuluyan ko nang makita ang bahay ay nalula ako sa sobrang ganda.
It's a modern-style house. Two-storey siya at sobrang ganda. Hindi ko akalain na may bahay na kami.
"Do you like it?"
Tumango agad ako at agad siyang niyakap na ikinagulat niya.
"Oo, Gregory. Gustong-gusto ko..." Tumulo ang luha ko sa sobrang saya. "M-Maraming salamat, Gregory. You are a great father and a great husband. I love you so much."
Humigpit ang kapit ko sa kanya nang bigla niya akong binuhat ng pangkasal. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at siniil ako ng halik. Nang humiwalay siya ay ngumiti siya sa 'kin.
"Let's go inside," aniya at humakbang na papasok sa magandang bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top