Kabanata 29
Kabanata 29
“Mommy, Daddy! I am excited to meet lolo and lola!” maligayang sambit ni Grazer habang nakaupo siya sa backseat.
Binalingan ko si Gregory. “Greg, huwag na lang siguro tayong pupunta—”
Natigil ako sa pagsasalita nang humigpit ang hawak ni Gregory sa kamay ko habang nagmamaneho siya. Napalunok ako at nagbaba ng tingin doon.
“Greg…”
“Don’t worry about it, Honey. Alam na ni Mom at wala siyang magagawa. Kahit ayaw niya pa sa iyo, pakakasalan pa rin kita. She can’t force me to marry Phoebe Ocampo.”
Kumalabog nang mabilis ang tibok ng puso ko lalo na nang halikan niya ang likod ng kamay ko. Hinaplos niya ang singsing na binigay niya sa akin.
Ngumiti siya at ibinalik ang tingin sa daan. “It looks good on you, Honey.”
Pinigilan ko ang sarili ko na ngumiti at nag-iwas na lang ng tingin. “T-Thank you…”
Sinandal ko ang sarili ko sa may bintana. Hindi dapat ako maging chill ngayon dahil alam ko na hindi magiging maganda ang araw na ito. I need to prepare myself lalo na’t hindi rin basta-basta ang pamilya ni Gregory. They are highly respected at sobrang init nila sa media. Kaya siguro minsan ay nagtatago itong si Gregory dahil kahit hindi sila artista ay may bumabalita pa rin tungkol sa kanila.
Alam kaya ng madla na masama ang ugali ni Tita Criza? O sadyang sa amin lang siya masama? O baka naman pakitang-tao lang. Sa sobrang dami kong iniisip ay nakatulog ako.
Saglit nga lang dahil nang maramdaman kong umiba ang dinaraanan namin ay nagising ako. Tiningnan ko ang bintana at puro mga malalaking punong-kahoy ang nakita ko. Ito na siguro ang papatungo sa bahay ng mga Sanchez.
Kinabahan ako at napalunok. Tiningnan ko ang anak ko sa likuran na ngayon ay nakatulog na rin habang hawak-hawak ang isang stuff toy. Bumuntonghininga ako at napatingin kay Gregory.
“Oh, you’re awake.”Ngumiti siya sa akin.
Kinagat ko ang gilid ng labi ko at pinagsalikop ang kamay namin.
“Oo at tingin ko ay malapit na tayo, Gregory. Makikita ko na naman ang Mommy mo.”
“Have faith. Just ignore my mom. I’m not gonna let her hurt you.”
***
Nang makarating kami ay sinalubong kami ng lagpas lima na mga kasambahay. Naninibaguhan ako sa kanilang bahay dahil tingin ko ay binago nila ito. May fountain na sa harap at nag-iba rin ng kulay. Maraming kotse ang nakaparada malapit sa kanilang garahe at sobrang lawak ng labas. Malaki rin at kanilang gate at napalibutan ang buong paligid ng punong kahoy. Three-storey building ang bahay nila Greg kaya matatawag ko na itong mansyon.
“Magandang umaga, Sir Gregory,” bati ng mga kasambahay sabay baling sa ‘kin. Kinabahan ako at humigpit ang hawak ko sa braso ni Gregory.
“Magandang umaga po, Ma’am!” bati niya rin sa ‘kin bago binalingan ang anak ko na masayang pinagmasdan ang mga bulaklak na tanim.
“Mommy, I saw a butterfly!” Tinuro ni Grazer ang isang bulaklak. “Mommy!”
“Handa na ba ang lahat?” tanong ni Gregory sa isang kasambahay na medyo may katandaan na.
Nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob at umusbong ang matinding kaba sa akin. Napalunok ako at nataranta nang maunang tumakbo si Grazer.
“Let her…” pagpigil ni Gregory sa ‘kin sabay ngiti.
Umawang ang labi ko at hindi na lang nagsalita. Nang tuluyan na kaming makapasok ay bumungad sa akin ang pinakamalaking chandelier na nakita ko. May nakita rin akong eleganteng hagdan na papatungo sa pangalawang palapag. Malawak ang loob at sobrang ganda ng mga gamit.
“Lola!”
Sabay kaming napalingon ni Greg nang sinalubong ni Grazer si Tita Criza na mukhang bagong gising pa lang. Nakita ko ang sobrang saya sa mata niya nang makita niya ang anak ko.
“Grazer, apo ko!”
“Honey, lumapit tayo,” si Greg at hinila na ako papalapit sa Mama niya.
“Lola! I miss you so much!” si Grazer sabay yakap kay Tita Criza.
Tumikhim si Greg. “Mom, we’re here.”
Nag-angat ng tingin sa amin si Tita Criza at nang makita niya ako ay nagtaas siya ng kilay.
“I know, son. I saw my granddaughter here,” aniya at humalukipkip. “Mabuti naman at nagpunta kayo rito. Magpanggap na lang ako na walang masamang espiritu dito.”
“Mom, stop that!” si Greg at humigpit ang hawak niya sa ‘kin. “Pinag-usapan na natin ‘to, right?”
Inirapan niya kami at tumango. “Yeah, right. Well, suit yourself. Ipapasyal ko lang ang apo ko.”
Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis na sila ng anak ko. Nang nilingon ko si Gregory ay nag-aalala na ang kanyang tingin sa akin.
“Honey—”
“Okay lang, Gregory.” Ngumiti ako sa kanya ng tipid. “Sabi ni Tiya Mirasol sa ‘kin dati, ganito rin daw ang Mommy ng asawa niya pero hindi naman ‘yon naging hadlang sa pagmamahalan nila, Gregory, kaya okay lang sa ‘kin.”
Ngumiti siya sa ‘kin at inakay na ako patungo sa may sala. Akala ko ay uupo lang kami roon pero nang makita ko ang Daddy ni Gregory ay para akong kinapos ng hininga.
“Dad, we’re here,” si Greg at hinila na ako para maupo sa may sofa.
Si Tito Limuel ay naka-eyeglass habang may tinitipa sa kanyang laptop. Siguro ay nasa bahay siya nagtatrabaho. Pansin ko ang kakaubos pa lang na tsaa na nasa center table. Sabay kaming umupo ni Gregory at sobrang higpit ng pagkahawak niya sa ‘kin.
“Dad, she is Honey, Grazer’s mother and my fiancee,” pakilala ni Gregory sa ‘kin.
Nag-angat ng tingin sa ‘min si Tito Limuel at hinubad niya ang kanyang eyeglass. Ngumiti siya sa ‘min na siyang ikinagulat ko. Ngayon ko napagtanto na mas magaan ang loob ko sa kanya kaysa sa asawa niya.
“Mabuti naman at dinala mo na rito ang babaeng dahilan kung bakit tinanggihan si Phoebe, Gregory,” aniya sabay baling sa akin. “Nice to see you, Hija. Kaya naman pala…Ikaw ‘yong kasa-kasama ni Mirasol noon, ‘di ba?”
Umawang ang labi ko sabay tango. Nakilala niya pala ako at wala man lang akong naramdaman o nakikitang galit sa kanya, hindi katulad ni Tita Criza. Akala ko pa naman mas matakot pa ako sa kanya.
“I hope you will take good care of my son. Wala na akong ihihiling pa dahil ‘yan na ang desisyon niya. Hindi na ako aangal pa dahil alam kong hindi ka katulad ng nasa isip ng asawa ko,” aniya at inilapag ang laptop sa gilid niya. “Pagpasensyahan mo na ang asawa ko.”
Umawang ang labi ko sabay baling kay Gregory. Tumango lang siya sa ‘kin. Ibinalik ko ang tingin ko kay Tito Limuel.
“N-Naintindihan ko po…” Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil mukhang nasobrahan yata ito sa kabaitan o sadyang pili lang din.
“Gregory, please tour your fiancee around hangga’t hindi pa handa ang mga pagkain. Marami pa tayong dapat pag-usapan,” aniya at ngumiti sa amin.
“Alright, Dad.” Tumayo si Greg sabay baling sa ‘kin. “Let’s go, Honey.”
Tumango ako sabay tayo.
“Sige…”
Inilibot niya ako sa buong bahay nila at masasabi ko na marami ang nagbago. Mas lalong lumago ang buhay nila at mas dumami ang mga tauhan nila. Balita ko ay may farm din sila kaya mas dumami ang nagkaroon ng trabaho.
“G-Greg…”
Natigil sa paghila sa ‘kin si Gregory nang tinawag ko ang kanyang pangalan. Narito na kami malapit sa pool area nila at tanging kami lang dalawa ang narito.
“Bakit?” Humarap siya sa ‘kin at napawi ang ngiti niya nang makita niya ang malungkot kong mukha. “Hey, what’s wrong? May masakit ba sa ‘yo?”
“W-Wala naman.”
Sumikip ang dibdib ko dahil sa katotohanang okay lang sa ‘min ang Daddy niya. Ang weird ko kasi imbes na maging masaya ay nalungkot ako. Hindi ko alam kung bakit.
“Tell me, is this about Mom?” tanong niya sabay hawak sa magkabilang balikat ko. “Please tell me, Honey.”
“H-Hindi.” Ngumiti ako ng pilit sa kanya. “Naisip ko lang na, what if a-ayaw din ng Daddy mo sa ‘kin? A-Ano ang gagawin mo? Alam ko naman na hindi pa masyado kalalim ang nararamdaman mo sa ‘kin.”
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Greg at nagsalubong ang kanyang kilay. Bigla tuloy akong kinabahan dahil mukha na siyang naiinis at galit ngayon.
“Greg—”
“Are you saying that my feelings for you is shallow?” malamig niyang tanong sa ‘kin.
Napasinghap ako at agad umiling. "I mean—”
“Malalim man o hindi, kung ayaw sa ‘yo ng magulang ko. Handa ko silang talikuran para sa ‘yo,” aniya sabay igting ng kanyang panga. “If they don’t like you, then I don’t fucking care. We will run away if we need to. Just stop thinking about it, Honey. Baka hindi ako makapagpigil at aangkinin kita dito mismo sa pool na ito.”
Nanlaki ang mata ko at agad siyang itinulak papalayo sa ‘kin. Tinakpan ko ang mukha ko dahil bigla akong namula. Ano ba naman itong si Gregory? Seryoso ba siya?
“You think I can’t do that?” paghahamon niyang tanong at humakbang papalapit sa ‘kin. “You think so?”
“T-Tama na nga ‘yan, Gregory!” Umatras ako at ibinaba ang kamay na nasa mukha ko. “Nakakainis ka talaga!”
Natatawa siyang nagtaas ng kamay na para bang surrender na siya. “Alright, alright.”
Huminga ako ng malalim at umiling sa kanya.
“Ang ganda naman ng pool—Ahh!” Napatili ako nang bigla niya akong binuhat at bigla siyang tumalon sa swimming pool nila.
Humigpit ang hawak ko sa kanya at tinampal-tampal ko siya nang makaahon kami sa tubig.
“Bwesit ka!” sigaw ko at kinurot ang kanyang pisngi.
“Ouch! Stop that, Honey!” aniya at pilit umilag sa mga palo ko.
“Bwesit ka talaga! Basa na ang damit ko!” singhal ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
Ngumisi siya sa ‘kin at niyakap ako. “Ang ganda mo talaga!”
“Bwesit ka!”
Umiling lang siya sa ‘kin at dinala niya ako sa ilalim na parte. Sinabuyan ko siya ng tubig sa mata dahil sa inis ko kaya natigilan siya sa paglangoy at hindi makapaniwala akong tiningnan.
“What was that for?” tanong niya.
Inirapan ko siya at sinabuyan muli ng tubig. “Nakakainis ka!”
Napasigaw ako nang sinabuyan niya rin ako kaya sa huli ay nagsasabuyan kami ng tubig.
“Tama na!” sigaw ko sabay tapik sa kanyang balikat pero hindi niya ako pinakinggan.
“You need to learn a lesson, baby. A little punishment will do,” aniya at naramdaman ko ang paggapang ng kanyang kamay sa hita ko.
Bago pa man niyang makapa ang gitnang parte ko ay biglang may tumawag sa ‘ming dalawa.
“Ma’am, Sir!” tawag ng isang kasambahay, may dala siyang tuwalya.
“Shit!” mura ni Greg.
Mahina akong natawa at kinagat ko ang ibabang labi ko nang makita ko ang dismaya sa kanyang itsura.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top