Kabanata 27

Kabanata 27

“Mommy, I am so excited for the family day!” excited na sambit ni Grazer habang binibihisan ni Dina ng damit.

Isang linggo na simula nang magtungo kami sa sementeryo at isang linggo na rin simula nang magkasagutan kami ni Jel at ni Tita Criza. Mabuti at wala na siyang paramdam at hindi na rin niya ako ginugulo. Si Gregory ay mas nagkaroon pa ng oras sa amin kaya sobrang saya ko.

“Daddy, am I beautiful?” tanong ni Grazer kay Gregory na inaayos ang sariling buhok sa salamin.

Napangiti na lang ako at inayos ang ibang damit na susuotin ni Grazer sa family day.

“My princess will always be beautiful, just like her mom,” ani ni Gregory na ikinatigil ko sa pag-aayos.

Bigla akong namula at nag-iwas na lang ng tingin. May provided pala na T-shirt para sa aming tatlo. Kulay pula siya na may print na “Family Day” at saka 'yong theme nila. Nang matapos na akong mag-ayos ng mga gamit ay inilagay ko muna ito sa sofa at sinilip ang mag-ama ko.

“Greg,” tawag ko nang mapansin ko na hindi maayos ang kanyang pagsuot sa kanyang damit. “Ayusin mo nga 'yang damit mo at huwag kang magsuot ng hoodie.”

Ngumuso siya at hinubad ang hoodie. “I know but damn, ang fit! I mean, I have a perfect body baby but I can’t just show it to anyone!” And then he grinned.

Lumapit ako sa kanya at tinampal ang kanyang balikat. “Akin na nga 'yang hoodie mo!”

Ngumuso siya at ibinigay niya naman sa akin. Inayos ko ang T-shirt niya na nalukot at piningot ang pisngi niya.

“Umayos ka, ah!” paalala ko.

“Yes, Ma’am!”

Inirapan ko siya nang magtangka siyang halikan ako. Lumayo ako agad at lumapit sa anak ko na sobrang ganda.

“You are so pretty!” puri ko sa anak ko at hinalikan ko siya sa pisngi.

“Mommy! I want to win! So please do your best,” ani ni Grazer sabay baling kay Gregory na ngayon ay nasa likuran ko na. “And also you, Daddy!”

“Alright. Let’s go. Dina is also excited, huh?” si Greg.

Agad akong napalingon kay Dina na ngayon ay may dalang camera na tingin ko ay kay Greg.

“Oo naman, Sir! Magiging photographer niyo ako ngayong araw! Sigurado akong magiging masaya ang araw na ito lalo na’t tag-init,” sagot ni Dina sabay ngiti.

Napangiti na lang ako at bumuntonghininga. Kailan kaya ako makakabili ng phone. Naiwan kasi sa Australia ang phone ko at hindi pa ako nakakabili ng bago. Gusto ko kasing ipa-frame 'yong picture na nasa phone ni Gregory kaya lang nahihiya akong manghiram.

“Let’s go. Grazer is so excited. She will win,” si Gregory at kinuha na ang bag.

“Dad! I’m gonna win! All games!” si Grazer at kinuha ang kamay ko. “Let’s go, Mommy! I don’t wanna be late!”

***

“Welcome to the 30th Family Day of…”

“Mom, I am thirsty!”

Hindi na ako nakinig sa nagsalita sa harap ng stage dahil sa biglang pagkalabit ni Grazer sa akin. Nakakandong siya kay Gregory habang mataman itong nakikinig sa nagsalita. Si Dina naman ay panay pangunguha ng litrato.

“Alright…”

 Ngumiti ako sa anak ko at kinuha ang bag malapit lang sa akin. Binuksan ko ito at kinuha ang tumbler na hinanda ko kanina para sa anak ko. Nagdala rin ako ng mga snacks kung sakaling gugutumin ang anak ko at may baon pa na fried chicken.

Nang medyo humangin ay nilipad ang buhok kong nakalugay at aksidenteng napunta ito sa mukha ni Gregory kaya agad kong hinawakan ang buhok ko.

“S-Sorry!” Hinawi ko ang buhok ko na tumakip sa mukha ko at umayos ng upo. “Mahangin pala…”

Kinagat ko ang labi ko at ibinigay na sa anak ang tumbler na may tubig.

“You want me to tie your hair?” tanong niya na ikinagulat ko.

“H-Hindi na. Wala naman akong pantali—”

“Tsk, seriously?”

 Umiling siya at inagaw sa akin ang bag at may kinuha. Si Grazer naman ay umiinom at medyo nabasa na ang kanyang damit kaya agad kong nilagyan ng panyo ang harapan niya para hindi na mabasa pa ang damit niya. Ibinalik ni Greg ang bag sa akin at may hawak na siyang lapis.

Ngumiti siya sa akin at sinenyasan na tumalikod. Kumunot ang noo ko noong una pero sinunod ko rin ang sinabi niya. Tumalikod ako at hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Pinagtitinginan na kami ng iba kaya medyo nahiya ako pero tiniis ko na lang iyon. May nagsasalita pa kasi sa stage.

Nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa buhok ko ay bumilis ang tibok ng puso ko.

“Your hair is so beautiful and long. I hope you won’t cut this until we get married,” wika ni Gregory habang unti-unting iniikot ang lapis sa buhok ko.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa huli niyang sinabi. Nailagay ko ang dalawang kamay ko sa hita ko at napapikit. Ramdam na ramdam ko ang kanyang pag-iingat habang unti-unti niyang inaayos ang buhok ko.

“Greg…”

“It’s done!”

Nilingon ko siya na ngayon ay nakangiti na. Hinawakan ko ang buhok ko at may kaunti pang takas malapit sa tainga ko pero naging maganda naman ang ayos. Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa normal ang pagtibok ng puso ko at parang nabingi ako dahil do’n.

Napasinghap ako nang gumapang ang kamay niya patungo sa kamay ko at hinawakan niya ito. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at naabutan ko na nakatingin na si Gregory sa stage. Nagtagal ang tingin ko sa kanya bago ko hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya. Ngumiti ako at ibinaling ko na sa harap ang tingin.

***

“Our first game will be the sack race!” anunsyo ng emcee at isa-isa kaming binigyan ng sako.

“Mommy! I want to win!” pursigidong sambit ng anak ko at hinila si Gregory. “Daddy, I want to win!”

Nauna si Grazer sa kanyang maliit na sako. Hindi pa nag-start kaya ni-re-ready pa lang.

“Ready…set…go!” sigaw ng emcee at sabay-sabay na nagsimulang maglaro ang lahat.

“Go, Grazer!” pag-cheer ko nang makita na nahihirapan siya sa pagtalon.

Halos hindi ko na marinig ang sariling boses ko dahil na rin sa tilian ng maraming tao. Si Gregory ay hawak na ang sako na para sa aming dalawa.

“Get in, Honey. Malapit na si Grazer!” si Greg sabay lapit sa akin.

Tumango ako at hinubad na ang sapatos ko. Pumasok ako sa sako na kaming dalawa ang laman. Sa parents ay iisang sack lang at sabay kaming tatalon para makipag-race sa iba.

Nang matapos kami sa sack race ay newspaper dance naman ang pinagkaabalahan namin. Tatlo kami at kailangan namin magkasya sa iisang newspaper hanggang sa lumiit.

“Go, Sir! Ma’am! Grazer!” narinig kong pag-cheer ni Dina habang may may hawak siyang camera.

“Daddy, the newspaper is getting tinier!” si Grazer sabay baling sa akin. “We can’t win, Mommy!”

“Okay lang naman, Grazer basta nag-enjoy tayo,” ani ko.

“No! I want to win!” pagpapadyak ni Grazer. “Daddy!”

Tinupi ni Gregory ang newspaper para mas lalong kumunti. Tatlong magkapamilya na lang ang natira at isa na kami roon.

“Bubuhatin ko kayo,” aniya at umapak sa newspaper.

Nanlaki ang mata ko. “Ano? You can’t do that, Greg! Ang bigat ko kaya!”

Mahinang natawa si Greg at inunang buhatin si Grazer at binalingan ako.

“Come here, our daughter wants to win,” seryosong aniya at siya na mismo ang lumapit sa akin sabay buhat na parang isang baboy.

Mahina akong napatili lalo na ang mga tao ay nagsisigawan. Nakita ko pa na itinutok sa amin ang camera ni Dina at nahulog pa ang lapis sa buhok ko kaya bumagsak ang buhok ko.

Napapikit na lang ako at naghintay na lang kung sino ang magwawagi sa larong ito.

***

“Yes, we won!” maligayang sambit ni Grazer habang hawak-hawak ang premyo at trophy.

Napangiti na lang ako at nagpatuloy sa pagpupunas sa pawis ni Gregory sa likuran niya. Nakita ko ang pamumula ng braso niya, siguro dahil sa pagbubuhat niya sa aming dalawa. Hindi pa tapos ang family day at marami pa silang activities but we decided to rest first.

“Sabi namang hayaan na lang, eh,” pangarap ko at tinapon ko sa mukha niya ang panyo. “Tingnan mo oh, namumula na buong braso mo. Sabi ko naman sa 'yo, mabigat ako.”

“Yes, we won!”

Patuloy pa rin sa pagsasabi si Grazer nang gano’n kaya pati ako ay nahawa na sa kanyang masayang ngiti. Tumabi ako kay Greg sa bench at uminom ng tubig. Nagulo pa ang buhok ko dahil sa laro kanina.

“But look, she’s so happy. Worth it, Honey. Don’t be mad at me,” aniya at nanlaki ang mata ko nang inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. “Let’s date tonight.”

Lumayo na siya sa akin na may ngiti sa labi sabay agaw sa tumbler at uminom doon. Napalunok na lang ako at nag-iwas ng tingin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top