Kabanata 26
Kabanata 26
“Mommy, where are we going?” nagtatakang tanong ng anak ko habang hila-hila ko siya palabas ng school nila.
Nakasunod naman sa akin si Dina na dala-dala ang ibang gamit ni Grazer. Huminto kami sa may waiting shed at binalingan ang anak ko.
“Anak, let’s visit Tiya Mirasol,” sambit ko.
Kumunot ang noo ng anak ko. “Mommy, Tiya Mirasol is in heaven. How can we visit her?”
Mahina akong natawa at hindi agad nakasagot. Umayos ako ng tayo at binalingan si Dina.
“Dina,” tawag ko sa kanya at sinenyasan siya na lumapit.
“Po!” Agad siyang lumapit. “Ano po 'yon. Ma’am?”
“Puwede bang mauna ka nang umuwi?” tanong ko sabay baling muli sa anak ko. “Ikaw na lang ang bahalang magsabi kay Gregory. Pupunta lang kami sa Compostela saglit para dalawin si Tiya Mirasol.”
“Sige po, Ma’am!”
Ngumiti ako sa kanya at umupo para magka-level ang mukha namin ng anak ko.
“Grazer, you will know once we get there.” Pinisil ko ang kanyang pisngi at tumayo sabay tingin kay Dina. “Ikaw na lang bahalang magsabi, ah. Hindi naman kami magtatagal.”
***
“Mommy, this is my first time riding a bus!” maligayang sambit ng anak ko at naging malikot pa sa kanyang upuan.
Ngumiti lang ako sa anak ko at napatingin sa bintana. Compostela is my hometown as well as Greg’s hometown. Ilang taon na akong hindi nakapunta roon at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga kamag-anak ko kapag nakita nila ako. Simula nang mawala si Tiya Mirasol sa mundong ito ay hindi na rin ako nakadalaw sa puntod niya at ang araw na ito ay magandang timing lalo na’t may sasabihin ako sa kanya.
Gusto ko rin ipakilala sa kanya ang anak ko. Kahit alam kong wala na siya sa mundong ito, mananatili pa rin siya sa puso ko.
Nang makarating kami ay bumili ako ng payong kasi nakalimutan ko na magdala. Halos pinagtitinginan kami ng mga tao dahil ngayon lang nila ako nakita. Hindi ko rin alam kung kilala ba nila ako o hindi.
“Ma’am, gusto niyo po ng kandila?” salubong na tanong sa akin ng isang tindera habang may hawak siya na kandila.
Nasa sementeryo na kami kung saan nakalibing si Tiya Mirasol, si Tiyo Arturo at si Mama. At kapag may dumadalaw ay may mga nagbebenta naman ng mga kandila.
Huminto ako sa paglalakad at bumili sa kanya ng sampung kandila. Biglaan ang pagdalaw ko rito dahil na rin sa inis ko kay Tita Criza. Hindi ko akalain na kaya niya akong bigyan ng pera para lang mailayo ako sa anak ko at sa anak niya. Gano’n ba talaga siya kaayaw at kagalit sa akin?
“Maraming salamat po, Ma’am!” pasasalamat ng tindera bago ako nilubayan.
Nginitian ko ang anak ko bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Kahit matagal na akong hindi nakapunta rito ay alam ko pa rin kung saan ang pwesto nila at hindi na ako makapaghintay na makausap siya.
Pero bago pa man ako makahakbang papalapit sa kanilang puntod ay natigilan ako nang makita ko ang isang babae na kalalagay pa lang sa kanyang kandila sa may puntod. Hindi ko siya kilala dahil nakatalikod siya sa amin pero nang humarap siya sa amin ay kilalang-kilala ko na kung sino. Nakita ko ang paglaki ng mata niya nang makita kami at bumaba ang mata niya sa anak ko na ngayon ay nagpalinga-linga na.
“Honey, ikaw ba 'yan?” gulat na gulat siya at nagmadaling humakbang papalapit sa amin.
“Jel,” tipid kong tawag sa kanyang pangalan. “Oo, ako nga.”
“Siya na ba ang anak mo?” tanong niya at akmang hahawakan niya si Grazer nang humarang ako.
“Anak ko siya, Jel. Halata naman
'di ba?”
Umawang ang labi niya at tumawa. “Ikaw naman! Porket umangat na sa buhay ang yabang mo na.” Tumawa siya muli. “Hindi ko akalain na nakabalik ka na pala rito. Hindi ka namin mahagilap simula nang pinalayas ka ni Mama.”
Nanatili lang ang sama ng tingin ko sa kanya. Wala akong oras para makipagsagutan sa babaeng ito. Nandito lang ako para kay kina Tiya at Mama, hindi para sa babaeng ito.
“Pinalayas niyo na, bakit niyo pa hahanapin?” tanong ko at hinila na ang anak ko patungo may puntod.
“Mommy, who is she?” nagtatakang tanong ng anak ko.
Umiling lang ako sa kanya at binigyan ko siya ng kandila para hindi na siya magtanong.
“Ang tapang-tapang mo na, ah! Hindi ko talaga akalain na magagawa mo ang bagay na 'yon limang taon na ang nakalipas. I mean… ang desperada mo sa video na iyon, Honey. Tinigil mo ang kasal ni Gregory kaya mas lalong bumagsik ang galit ni Criza Sanchez sa amin!”
Natigilan ako at napagtanto ko na ngayon. Masyado akong tanga para hindi maisip kung ano ang dahilan niya ngayon. Pero hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin ang sagot kung bakit siya galit na galit sa amin ni Tiya Mirasol bago pa man nangyari ang lahat.
“At ang batang iyan ang bunga ng kalandian mo, Honey. Hindi dapat iyan nabuhay! Nang dahil sa kalandian mo, nadamay ang pamumuhay namin ni Mama!” sigaw niya.
Kumuyom ang kamao ko at humigpit ang hawak ko sa anak ko. Hindi ko akalain na sasabihin niya ang bagay na iyon sa harap pa ng anak ko. Ibinigay ko sa anak ko ang kandila at tinakpan ko ang tainga niya. Hinarap ko si Jel ngayon na galit pa rin ang tingin sa akin.
“Ang kasalanan ko, ay kasalanan ko lang. Huwag mong idamay ang anak ko, Jel,” mariin kong sinabi.
“Aba, kasalanan mo naman talaga! Hindi talaga ako makapaniwala na hanggang ngayon ay buhay ka pa! At totoo naman ang sinabi ko. Sigurado akong matutulad sa 'yo ang anak mo, malandi!” aniya.
Kumulo ang dugo ko at kung wala lang si Grazer dito at kung wala lang kami sa may puntod ay baka binaon ko na ito sa lupa.
“Sana pinahid ka na lang ng tatay mo no’ng sperm ka pa,” sabi ko at tinaasan siya ng kilay. “Kung wala ka nang sasabihin ay manahimik ka. Hindi mo ikakaunlad iyan. Bastos na kung bastos pero sana pinahid ka na lang talaga! Hindi ko hahayaan na pati ang anak ko ay idadamay mo, Jel.”
“Aba’t—”
“Excuse me.”
Sabay kaming natigilan nang may umeksena na matanda na may dalang bulaklak. Bigla akong nahiya at tumikhim. Humarap ako sa puntod at binaba ang kamay ko mula sa pagkatakip sa tainga ng anak ko.
“Tapos ka na ba, hija. Dinig na dinig ko ang boses mo mula sa malayo. Huwag sana kayong mag-away sa harap ng punto,” sabi ng matanda at mabuti na lang at hindi na nagsalita si Jel.
“Mommy, she’s leaving!” si Grazer at may itinuro.
“Don’t mind her. Let us light the candle,” ani ko sabay haplos sa lapida ni Mama. Huminga ako nang malalim. “Ma, ito na ang anak niyo. Hindi ko na masyado naalala mukha mo pero mahal na mahal kita. Sana masaya ka na diyan sa heaven.”
Sinidian ko ang kandila gamit ang lighter at itinayo malapit sa may lapida. Hindi naman magkalayo ang sa kanila ni Mama at Tiya Mirasol dahil magkatabi lang naman sila. Binalingan ko ang puntod ni Tiya Mirasol at hinaplos ko ang lapida niya.
“Tiya Mirasol, kumusta ka na diyan?” tanong ko sabay sindi muli ng kandila. “Nandito ulit ako kasama na ang anak ko.”
Nilingon ko si Grazer na ngayon ay takang-taka. Sinenyasan ko siya na lumapit sa puntod.
“Mommy, I am scared!”
Umiling ako. “Don’t be. Just say hello to Tiya Mirasol and Lola Hena.”
“Uhm…” Nag-pout ang anak ko at lumapit sa may puntod. “Hello, Aunt Mirasol and Lola Hena…”
Ngumiti ako at saka pumikit. Kung buhay pa siguro si Tiya Mirasol ay sigurado ako na masayang-masaya iyon na makita ang anak ko.
“Tiya, masaya ako na naging parte ka ng buhay ko at hindi mo ako pinabayaan,” panimula ko. “Ikaw ang dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban. Ikaw ang nag-encourage sa akin at tama ka sa lahat ng bagay.”
Sumikip ang dibdib ko at nanubig ang mata ko. “Ang lungkot lang kasi hindi na kita makikita ulit. Hindi mo na ako makukuwentuhan tungkol sa love story niyo ni Tiyo Arturo.”
Nang tumulo ang luha ko ay agad ko itong pinunasan para hindi makita ng anak ko.
“H-Hindi ko akalain na may t-taong b-babalik sa akin at tuluyan na akong nilingon, Tiya Mirasol…”
Nanginig ang boses ko nang sinabi ko iyon.
“H-Hindi k-ko akalain na si G-Greg…” Pumikit muli ako at napalunok. “I am happy, Tiya Mirasol. Akala ko ay hindi na muli ako sasaya pero…”
“Mommy, are you crying?”
Natigilan ako sa pagsasalita nang hinila ng anak ko ang laylayan ng damit ko. Ngumiti ako sa kanya at umiling.
“I am just happy, Grazer…” Ibinalik ko ang tingin ko sa lapida. “Tiya Mirasol…I don’t know pero mukhang pareho tayo ng magiging istorya sa buhay. Greg’s mom doesn’t like me…but I will not gonna let her take away my daughter. Pati na rin si Gregory.
Hinaplos ko muli ang lapida niya. “I promise you that I will live happily. I hope you are now happy with him. Tiyo Arturo is very lucky to have you.”
“Mommy, I am hungry!”
Pinunasan ko ang luha sa mata ko at binalingan ang anak. “Sige, kakain na tayo.” Nilingon ko ang puntod nila. “Babalik ako ulit…”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top