Kabanata 24
Kabanata 24
Matapos naming ihatid si Grazer ay si Dina ang naiwan doon para bantayan ang anak ko. Hinila kasi ako ni Gregory patungo sa kotse niya.
“Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko.
Binuksan niya ang pinto ng front seat at binalingan ako. “Let’s talk.”
“Ano ang pag-uusapan natin?” tanong ko nang makapasok ako sa loob ng kotse at pati na rin siya. Sinara niya muna ang pinto bago may inabot mula sa backseat.
Sinundan ko siya ng tingin at nanlaki ang mata ko nang makita ko na ang inabot niya ay ang isang bouquet ng pulang rosas. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang inamoy niya ito at tumingin sa akin.
“I almost forgot about these flowers,” aniya sabay ngiti. “Binili ko kanina. Sana magustuhan mo.”
Ibinigay niya sa akin at bulaklak at ngumiti sa akin. Tinanggap ko ang bulaklak at napatitig dito. Hindi ko akalain na bibigyan niya ako ng ganito. Hindi pa ako nakatanggap ng ganitong kagandang bulaklak sa buong buhay ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko habang unti-unti kong hinahaplos ang kamay ko sa mababangong bulaklak. Napalunok ako at nag-angat ng tingin sa kanya.
“Greg…”
Napasinghap ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinagsalikop ito. Nagtagal ang tingin niya roon bago nag-angat ng tingin sa akin.
“Let’s date,” seryosong sambit niya habang ang mata ay nakatuon sa akin. “Let’s date, Honey.”
Nanlaki ang mata ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
“Greg…”
“I know na may doubt pa rin sa 'yo and you probably didn’t expect me to say this to you since I am a jerk.” Ipinilig niya ang kanyang ulo at saka nagpatuloy. “But I want to date you.”
Hindi ako makapagsalita. Masyado akong nagulat sa kanyang sinabi.
“I am not doing this because of Grazer. I am not doing this because of the responsibilities.” Umusog siya palapit sa akin na mas lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko. “I am doing this because of what I feel.”
“Feel?”
Nakita ko ang biglang pamumula ng tainga niya at saka binitiwan ako. Sinapo niya ang kanyang noo at pinaandar ang kotse na siyang ipinagtataka ko.
“Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko at medyo nabahala.
Ngumisi siya sa akin at kinuha ang hoodie na nasa likod ng upuan niya at saka sinuot ito. Sinuot niya rin ang face mask niya bago ako tiningnan.
“You know, Honey, I am quite popular on social media. But I want us to date,” aniya.
“Ha? D-Date? Ngayon agad?”
Tunango siya. “Yup, date.”
“But Grazer—”
Natigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang hinawakan ang baba ko at lumapit siya sa ‘kin. Niliitan niya ako ng mata at nilingon ang bintana ko.
“Dina will take good of her, Honey.” Ibinalik niya ang kanyang tingin sa akin. “For now, just think about us, alright?”
Nagtagal ang tingin ko sa kanya bago unti-unting tumango. Agad-agad akong nag-iwas ng tingin dahil nakakahiya. Hindi ko akalain na mangyayari ito sa akin, sa amin.
“Let’s go. Let’s not waste our time,” aniya at nagmaneho na.
Dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant dito sa Cebu. Hindi ako pamilyar at mas lalong hindi pa ako nakapunta sa ganitong lugar kaya medyo naninibaguhan pa ako at naging conscious ako bigla sa damit ko.
Suot ko lang ay isang jeans at simpleng blouse. Hindi ko naman alam na dadalhin niya pala ako rito at medyo nahihiya ako kasi hindi talaga ako bagay dito.
“Greg, ang mahal naman dito tapos hindi pa bagay ang suot ko,” ani ko habang nakakapit ang kamay ko sa braso niya.
“Tsk, what are you talking about?” Pinaghila niya ako ng upuan at hinintay na maupo. “Walang dress code. You can wear whatever you want as long as you pay for the food you eat. I’ll pay for our food so you don’t have to worry about it.”
Hinawakan niya ang balikat ko at inalayan na maupo sa upuan. Mahinang background music lang ang naririnig at kaunting boses ng mga taong kumakain at ngayon ko lang na-realize na nandito kami sa isang Korean Restaurant.
“I hope you like it here.” Ngumiti siya sa akin at umupo na sa tapat ko.
Nagbaba ako ng tingin at agad kinuha ang menu. Wala akong alam sa Korean foods nila rito pero siguro alam ni Gregory dahil may lahi siyang Korean.
“Pasensya, wala akong alam sa Korean foods. Hindi pamilyar sa akin, eh,” pag-amin ko at ibinigay sa kanya ang menu kahit meron namang sa kanya. “Ikaw na lang ang pumili para sa akin, Gregory.”
“Sure, baby…” nakangiting sagot niya sa akin habang ang mata ay nakatuon sa menu.
Umawang ang labi ko pero hindi na lang nagsalita. Masyado na niya akong inaatake at kung palagi siyang ganito ay baka sasabog na ang puso ko sa sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko.
Maya-maya ay tinawag niya ang isang waiter at sinabi niya rito kung anong pagkain ang gusto niya. Nanatili lang akong nakamasid sa buong paligid at talagang naninibaguhan ako lalo na’t hindi ako sanay.
Inayos ko pa ang buhok ko nang biglang natakpan ang mukha ko. Nakalimutan kong magtali dahil na rin sa pagmamadali ko kanina.
“I am happy that you didn’t cut your hair, Honey.”
Tipid akong ngumiti sa kanya at hinaplos ang buhok ko. “Wala na rin naman akong oras para mag-ayos. Pero kapag may oras na ako sa sarili ko ay balak kong magpagupit.”
Kumunot ang noo ni Greg. “Why? It looks good on you. I like your hair a lot.”
Uminit ang pisngi ko at kinagat ang ibabang labi. “T-Thank you.”
“Where do you want to go next?” tanong niya at inilagay niya ang kanyang kamay sa lamesa.
“May next pa?” tanong ko muli.
Ngumuso siya at sinilip ang kanyang wristwatch. “Yup. I want to spend a little bit of time with you, Honey. Just us…”
“Greg…”
“I want you to know me better so you won’t regret loving me. I can’t believe I’m the cheesy one.”
Nanatili lang ang titig ko sa kanya. Greg, kung hindi mo alam, noon pa man ay may nararamdaman na ako sa iyo. Kahit gaano ka pa kasama ay hinayaan ko ang sarili ko na mas mahulog pa sa ‘yo. Even if it means destroying me. I believe na nagbunga si Grazer kasi minahal kita pero sa isip mo siguro no’n ay wala lang ako sa ‘yo at pampalipas oras mo lang.
Huminga ako nang malalim at ipinatong ang isang kamay ko sa isang kamay niya. Nakita ko na nagulat siya sa ginawa ko. Tiningnan ko ang kanyang mata at ngumiti sa kanya.
“Hindi mo na kailangang pagpakitang-gilas sa ‘kin, Gregory. Just be yourself,” sambit ko at inilayo na ang kamay ko.
Hindi nagtagal ay dumating na sa lamesa namin ang mga Korean dishes na bago sa tingin, panlasa at pang-amoy ko. Hindi ko mapigilan ang ma-excite kahit hindi talaga ako malakas kumain.
“You’re too excited. I hope you will eat and taste all of them,” aniya at tinulungan ako sa paglalagay sa lamesa ko at sa kanya.
“Oo naman. Sayang naman ang pera mo kung hindi,” ani ko at tinuro ang isang pagkain na hindi pamilyar sa ‘kin. “Ano name niyan? Mukhang maanghang, ah!”
“It’s called, “Kimchi”, Honey,” sagot niya sa akin at kumuha siya roon gamit ang tinidor. Humilig siya papalapit at itinapat sa bibig ko ang tinatawag niyang kimchi. “Taste it.”
Nagdalawang-isip ako no’ng una pero tinanggap ko ito at isinubo niya sa akin at talagang maanghang nga siya.
“Does it taste good?” tanong niya sa akin at nagulat pa ako nang pinahiran niya ng tissue ang gilid ng labi ko at umayos na ng upo. “You can also try the other dishes.”
Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang tinidor. “Ano naman ang name nito?” tanong ko. “It looks like a beef.”
Kumuha ako ng kaunti at isinubo sa bibig ko. Nginuya ko ito at napatango-tango dahil bet ko ang lasa. Nag-thumbs up ako sa kanya at ngumiti.
“Ang sarap!”
“Well, that’s beef bulgogi!” aniya. “You need to eat more so you become healthy.”
Ngumiwi ako at nagsimula nang kumain. “Ganito na talaga ang katawan ko, Gregory. Wala na tayong magagawa diyan.”
“If you say so,” aniya at kinuha ang wine na nasa gilid niya at sinalinan ang kanyang baso. “Let’s enjoy this moment, Honey. Kumain ka ng marami.”
Tumango ako at nagpatuloy na sa pagkain. Matapos naming kumain ay dinala niya ako sa opisina niya at pinakilala niya ako sa mga empleyado niya. Hindi ko akalain na gagawin ni Gregory iyon at nakakahiya dahil lahat ng mga tao ay naguguluhan.
“Akala ko si…”
“Oo nga, bagay pa naman sila ni Phoebe.”
“Maganda naman, ah. Blonde…”
“Hindi niyo ba alam? Siya 'yong sumira sa kasal ni Sir Greg at ng dating kasintahan ni Sir Greg na si Khadijah.”
“Uy, ang issue niyo. Bumalik na kayo sa trabaho niyo!”
Huminga ako nang malalim at ipinilig na lang ang ulo ko. Hindi nila ako masisira dahil lang sa nakaraan ko. Kailangan ko na lang silang hindi pansinin at mag-focus na lang sa ibang bagay kasi kahit anong gawin natin, may masabi talaga ang mga tao kahit wala ka namang ginawa sa buhay nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top