Kabanata 23
Kabanata 23
Pagkatapos naming maligo ay kumain kami. Bumili din kami sa palengke ng mga prutas lalo na't sariwa ang kanilang binibenta at mga bagong pitas pa. Nakatulog si Grazer habang buhat-buhat ni Gregory ngayon. Siguro napagod sa paglangoy kanina.
"Ma'am, ang lusog ng mga prutas nila rito," manghang sabi ni Dina habang sinusuri ang mga prutas na naka-display.
"May gusto ka bang bilhin?" tanong ni Gregory at tumabi sa akin.
Bumuntonghininga ako at umiling. "Sakto na siguro 'yan lalo na't si Grazer lang naman ang mahilig sa prutas at kailangan na nating bumyahe dahil baka may trabaho ka pa."
"Tsk. I can always reschedule my meetings, " bulong niya pero narinig ko naman.
Umiling na lang ako sa kanya at lumipat ng tindahan. Nang matapos na kaming bumili ay sumakay na kami sa kotse at hiniga si Grazer sa backseat kung saan nakaupo si Dina.
"Sobrang pagod na ni Grazer, Ma'am! Namumula na dahil sa init!" ani Dina.
Tumango ako sa kanya at sinarado na ang pinto. Binuksan ko ang pinto sa front seat at umupo na rin. Nang isinara ko na ang pinto ay nilingon ko si Gregory.
"Bumyahe na tayo hangga't maaga pa. May pasok pa sa lunes si Grazer at kailangan pa nating maghanda sa nalalapit na family day niya. Sana naroon ka, Greg," ani ko at nilagyan na ang sarili ng seat belt.
"Of course. I will be there."
Tumango ako at sumandal na sa bintana dahil sa pagod.
***
Nakarating na kami sa condo unit ni Gregory at isang hindi inaasahan na bisita ang sumalubong sa amin. Galit na galit na si Tita Criza habang nakatingin sa amin. Nasa bisig ni Greg ang anak ko habang ako ay nasa likuran niya.
"Mom, what are you doing here?" gulat na tanong ni Gregory.
"What? Are you asking me right now, son? Ako sana ang magtanong kung ano pa ang ginagawa ng babaeng iyan dito?" galit na tanong niya at tinuro ako. "Hindi ko akalain na hanggang ngayon ay narito ka pa rin sa tabi ng anak ko!"
"Shut up, Mom! Leave or I will drag you outside."
"What? Are you threatening me?" hindi makapaniwalang tanong ni Tita Criza at tumayo galing sa pagkaupo. "This is not you, Gregory! Ano ang ginawa ng babae na iyan sa iyo?"
"Mom, we are tired. Umuwi ka na," nagtitimping sambit ni Gregory at binalingan ako. "Let's go, Honey."
"No! Gregory!" pagpigil ni Tita Criza. "Hindi ko akalain na sinaktan mo si Phoebe! She is your future bride! Siya sana ang kasama mo ngayon, hindi ang basura na iyan!"
Kinuyom ko ang aking kamao at kinagat ang labi upang pigilan ang sarili. Hindi ko akalain na kaya niyang magsalita ng gano'n sa harap mismo ng apo niya.
"Nalungkot si Phoebe dahil sa sinabi mo! What do you mean about family? You will build a family with her?" sarkastiko na tumawa si Tita Criza at umiling sa akin. "Hindi ko hahayaan na mangyari iyon. Tatanggapin ko ang apo ko pero ang babaeng iyan, hinding-hindi ko matatanggap!"
"Then don't, Mom. Just stay away from me," malamig na sambit ni Gregory. "Isasapubliko ko ang lahat. I'll tell everyone that I have a daughter."
"What?" sigaw ni Tita Criza at agad hinarangan si Gregory nang umambang maglakad patungo sa kanyang kwarto. "You can't just do that! You need to marry Phoebe first!"
"This is my life and I have the right to decide, Mom," ani Gregory. "I am not going to marry Phoebe."
"Greg, this is not you!" si Tita Criza, hindi makapaniwala sa sinabi ni Gregory. "This is not you! You are being manipulated by her!"
Lumapit si Tita Criza sa akin at bigla akong sinampal sa pisngi. Napapikit ako sa sobrang sakit at halos mabingi ako dahil sa lakas ng pagkasampal niya.
"Mom!" galit na sigaw ni Gregory at ibinigay niya si Grazer kay Dina.
Akmang sasampalin ulit ako ni Tita Criza nang sinangga ni Greg ang kamay ng kanyang ina.
"Greg!" gulat na sambit ni Tita Criza at nanlaki ang mga mata niya habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. "I can't believe you!"
"Don't you dare hurt her, Mom!" galit na sambit ni Gregory na siyang ikinagulat ko. "Do it again or you will regret!"
Tita Criza gritted her teeth. Nakita ko na nanginginig na siya sa sobrang galit at kung wala lang siguro si Gregory sa gitna ay baka sinabunutan na niya ako. Hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit siya galit sa akin.
Binitiwan ni Gregory ang kanyang kamay at padabog niyang kinuha ang bag niya at saka padabog na umalis. Binangga pa ako kaya muntik na akong matumba.
Pag-alis ni Tita Criza ay agad akong hinawakan ni Gregory sa kamay.
"Honey, Mom is—"
"Okay lang," pagputol ko sa kanya at nag-iwas ng tingin. "Sanay na ako."
Tipid akong ngumiti at nilagpasan na siya. I don't care kung galit siya sa akin. Hindi na ako dapat matakot pa dahil isa lang naman siyang matandang babae. Hindi ko na dapat siya katatakutan pa at hindi dapat ako magpapaapekto.
Yes, she is rich and she will probably find ways to get rid of me. Away from my daughter and to Gregory. Sobrang ganda ng araw ko ngayon pero sinira lang niya. I understand that she doesn't like me pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya galit na galit sa akin.
"I will make sure that my mom won't bother us anymore," sambit ni Gregory na ikinatigil ko sa paglalakad. Nilingon ko siya at tipid na tinanguan.
Pagod din ako lalo na sa byahe kaya kailangan kong magpahinga.
***
"Sasama ako sa inyo."
Natigilan ako sa pagbukas ng pinto sa sala kinabukasan nang makita ko si Gregory na nagmamadaling nagbihis habang nakatingin sa amin. Ngayong araw ay pasukan na ulit ni Grazer at kami ni Dina ang maghahatid sa anak ko. Hindi pala masyadong busy si Gregory?
"Greg—"
"I am not busy," aniya sabay ngiti. "I always have time, Honey."
"Wala ka bang trabaho?" tanong ko nang makalabas na kami. Pinatunog niya ang kanyang kotse at saka lumapit doon.
Hawak-hawak ni Dina si Grazer na ngayon ay naka-uniform na. Natigilan ako sa paglalakad nang bigla siyang tumigil sa paglalakad at humarap sa akin. Napaatras tuloy ako sa gulat.
"I told you, I always have time," aniya at lumapit na sa kotse niya. "Don't worry about me. I can still earn money even if I don't go to work."
Tama na nga naman siya lalo na't mayaman siya. Pero hindi ko alam kung anong produkto ang pino-produce ng kompanya nila Greg ngayon o may sariling kompanya na ba si Gregory?
Mahina akong tumango at pumasok na lang sa kotse niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top