Kabanata 22

Kabanata 22

Hindi ako naligo. Hawak ko lang ngayon ang phone ni Gregory habang nakatingin lamang sa kanila. Ang sabi niya ay may camera naman siya ngunit naiwan niya sa kotse. Malayo pa naman ang lalakarin pabalik kung kukunin pa kaya phone na lang. 

Nakatuon lang ang camera sa kanila habang masayang naliligo. Pareho na silang nakasuot ng life vest at kitang-kita ko ang saya sa mukha ng anak ko. Napangiti ako at naisipan na kuhanan sila ng bidyu. 

Nakaupo lang akong sementadong sahig habang ang paa ko ay nasa malamig na tubig. Maganda ang lugar at parang gusto ko tumira malapit dito. Parang nasa paraiso dahil sobrang linaw ng tubig. 

"Mommy, why don't you swim?" tanong ni Grazer at sinabuyan ako ng tubig. 

Agad kong iniwas ang phone nang ginawa niya iyon napatayo. "Grazer, mababasa ang phone." 

In-off ko ang video at tiningnan sila. Nakanguso na siya at niyakap si Gregory na ngayon ay nakatingala na sa akin. 

"Bakit ayaw mong maligo?" tanong ni Gregory. "Let's enjoy this moment, Honey." 

Sumimangot ako. "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ako marunong lumangoy. Ang yabang mo porket marunong ka." 

Napatili ako nang sinabuyan niya ako ng tubig kaya tawang-tawa ang anak ko sa reaksyon ko. 

"Ano ba?" reklamo ko at itinago ang phone niya ngunit huli na dahil nabasa na ng tubig. "Tingnan mo! Nabasa tuloy!" 

"Tsk! Come here!" aniya at saka lumangoy palapit sa akin. 

Inirapan ko siya at bumalik na sa table. Umupo ako sa upuan at tiningnan ang mga pictures kinuha ko kanina. Natawa pa ako nang makita ko ang stolen shots ni Gregory na nakanganga habang nasa tubig. 

Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang sarili ko sa pagtawa at ini-swipe sa iba pang picture. Naibaba ko ang kamay ko at ni-zoom ang photo nang makita ko ang pinakamagandang picture na nakuha ko kanina. 

It's a picture of Gregory and Grazer na tumatawa. Parang hinaplos ang puso ko sa nakita. Hindi maipagkaila na mag-ama talaga sila. Mata lang talaga ang nakuha ni Grazer sa akin at ang iba ay kay Gregory na.  They are so happy in this picture at gusto ko itong ipa-frame. Sayang at wala akong phone. 

Napabuntonghininga ako at inilagay na ang phone sa bag ni Grazer. Ngayon nasaksihan ko kung gaano kasaya ni Grazer sa piling ni Gregory. Unti-unti akong natauhan. Siguro dito muna ako at hayaan si Gregory na makasama si Grazer. Siguro mas masaya kapag nandito si Grazer sa Pilipinas kaysa sa Australia na palagi ko namang naiiwan dahil may trabaho ako. 

I am not a good mother to her. I can't give her everything. Ni hindi nga ako masyadong naka-bonding ang anak ko dahil mas nag-focus ako sa trabaho ko at ang pagkakaroon ng sapat na pera para lang mabuhay kami sa hindi pamilyar na lugar. Pero wala akong choice kundi ang magsikap dahil gusto ko rin naman bigyan ng magandang buhay ang anak ko. 

Tatanggapin ko ba ang offer niya? Pakakasalan ko ba siya para may kompletong pamilya si Grazer? But I...

Napatili ako sa gulat nang may biglang nag-angat sa akin sa ere at mabilis na tinakbo patungo sa tubig.  Nakainom ako ng tubig nang bumagsak ako sa tubig ng falls. Sa sobrang taranta ko ay nayakap ko ang taong bumuhat sa akin at ang nagdala sa akin dito.

Habol ko ang aking hininga nang makaahon kami mula sa ilalim ng tubig at natigilan nang makita ko kung sino ang niyakap ko. 

"Grazer is—"

"She will be fine dahil kasama niya si Dina. Don't worry, Honey," seryosong wika niya at naramdaman ko ang paggapang ng kamay niya sa bewang ko. "Let's go."

"Huh?"

Natigil siya sa paglangoy nang may na-realize.

"Oh, wait!" Ibinalik niya ako sa may semento at pinaupo roon.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang hinuhubad niya ang kanyang life vest.

Wait, what is he doing?

Expose na ang kanyang ibabaw na katawan at kitang-kita ko ang pagdaloy ng tubig sa kanyang abs. Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya. Naramdaman ko ang tensyon sa akin nang lumapit siya sa 'kin at biglang inangat ang sarili upang makatabi ako sa pag-upo.

"What are you doing?" nagtatakang tanong ko at agad niyakap ang sarili nang makaramdam ako ng lamig.

He smirked. "Safety first."

"May isa pa naman doo--" 

Hindi niya ako pinakinggan at sinuot niya ang kanyang life vest sa akin. Halos pigilan ko na ang aking hininga nang maramdaman ko ang kanyang malalim na hininga sa aking balat. Hindi ako makatingin sa kanya dahil baka kung titingnan ko pa siya ay baka hindi ko na kakayanin.

Masyado na siyang abuso. Hindi ko na alam kung ano ang ibig sabihin ng mga ginagawa niya at ayokong mag-assume.

Nang matapos niya akong lagyan ay bumaba siya sa tubig at nanatiling nakatalikod sa akin. Kumunot tuloy ang noo ko at nagtaka.

"Huh?"

Nilingon niya ako saglit bago tinapik ang likod niya. "Piggy back ride. We're gonna swim!"

"H-Ha?"

"Ha?" panggagaya niya sa akin at tinapik muli ang likod niya. "Sumampa ka na. Since you cannot swim, I will be your legs and hands."

Greg, why...

Dahil hindi pa rin ako gumalaw, umatras siya ng kaunti at siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at hinila ako patungo sa likuran niya. Umawang ang labi ko nang inilagay niya ang magkabilang kamay ko sa balikat niya.

"Hold me tight, Honey."

"G-Greg, m-mabigat ako," ani ko at napatingin sa paligid.

Tumawa siya. "Ha? Nagpapatawa ka ba, Honey?"

"H-Hindi." Humina ang boses ko.

"Tsk. Hold me tight, and let's swim."

Humigpit ang kapit ko sa kanya nang nagsimula na siyang lumangoy hanggang sa makaabot kami sa may lubid. Hindi ko akalain na magaling palang lumangoy si Gregory. Siya sana ang nagsusuot nitong life vest na ito dahil baka malunod kami. 

"G-Greg, can we go there?" nahihiya kong request sabay turo sa mas malayo, malapit lang sa falls.

"Of course, kumapit ka lang," aniya at nagsimula nang lumangoy.

Nawala ang kaba sa akin at napalitan ng pagka-excite lalo na nang palapit na kami sa papaagos na tubig. Pero ang sabi nila ay kapag may life vest lang daw at nakasakay sa floating bamboo ang puwede makapunta roon.

"H-Huwag na tayong lumapit!" pigil ko sa kanya at kumapit sa lubid. "Puwede na siguro akong umalis sa pagka-piggy back ride since may life vest naman ako, Gregory."

Bago pa man siya makasagot sa akin ay umalis ako sa likod niya at kinapit ang dalawa kong kamay sa lubid. Natutuwa ako habang pinagmamasdan ang nagsisigawan na mga tao. Hindi ko akalain na sobrang lalim na ng tubig at ako na isang tao na hindi marunong lumangoy ay nakatungo rito.

Nakakaiyak.

"You look so happy," si Greg at kumapit din sa lubid. "I wonder what other things can make you happy, Honey."

Napatingin ako sa kanya. Muntik na akong bumitaw sa lubid dahil sa sobrang lapit naming dalawa. Dumadaloy ang tubig sa kanyang basang buhok kaya medyo natabunan ang kanyang mata dahil sa bangs niya.

Tumikhim ako at hinigpitan ang kapit sa lubid.

"Hindi bagay ang makapagpasaya sa akin, Gregory," mahina kong sambit at napatingala. "Makasama at makita lang na masaya ang anak ko, sapat na sa akin iyon. Gusto kong maranasan niya ang hindi ko naranasan at hindi ko hahayaan na maranasan niya 'yong mga bagay na hindi magandang nangyari sa akin."

Hindi umimik si Greg at nanatili lang na nakinig sa akin.

"Nakadepende na ang buhay ko sa kanya kasi siya ang nagbigay kulay muli sa akin at muling nagpatulak sa akin na mabuhay pa sa malupit na mundong ito."

Hindi na siya nakangiti ngayon at seryosong-seryoso na ang kanyang hitsura. Bigla tuloy akong nailang at nahiya. Napalunok ako nang humilig siya palapit sa akin. Nanginig ang labi ko nang inilapit niya ang kanyang daliri sa aking pisngi.

"You struggled a lot," mahinang sabi niya at bumaba ang kanyang haplos sa nanginginig kong labi. "And you are a great mother to Grazer."

Namilog ang mata ko. "I-I am?"

Mahina siyang tumango at umabot ang kanyang daliri sa aking labi. Nakita ko na nagbaba siya ng tingin sa labi ko.

"You are at wala akong intensyon na kunin si Grazer sa iyo. Grazer will always be by your side, Honey," seryoso niyang sabi. 

Nanubig ang mata ko sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. 

"R-Really?"

"Yeah and it seems that Grazer cannot live without you, Honey. Kailangan niya ng ina at kahit kailan, hinding-hindi ka mapapalitan sa puso niya."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top