Kabanata 21

Kabanata 21

"Ma'am, Sir, tumigi muna kayo sa paglalakad. Kukuhanan ko kayo ng litrato sa harap ng Kawasan Falls na tarpaulin," wika ni Dina habang hawak ang phone ni Gregory. 

Tumigil ako sa paglalakad at saka tiningnan si Dina. "Huh?"

"Family picture po," paglilinaw ni Dina sa akin. 

Magsasalita na sana ako ngunit hinila ako ni Gregory kasama ang energetic ko na anak patungo sa tarpaulin. Nanatili ang tingin ko kay Greg habang pinupuwesto niya kami. Nang balingan niya ako, ininat niya ang pisngi para pangitiin. 

"Smile ka. Ayaw kong makita na nakasimangot ka sa family picture natin," wika niya at saka humarap na sa camera. 

Hindi na ako nakaalma nang akbayan ako ni Greg habang si Grazer ay nasa gitna naming dalawa. 

"Awee! Ang sweet naman po!" ani Dina matapos niya kaming kunan. "Ang ganda niyo pong tingnan. Bagay na bagay po kayo." 

Tumikhim ako at lumapit kay Dina na ngiting-ngiti habang tinitingnan ang kanyang kinukuha na picture. Nakisilip din ako at sinamaan siya ng tingin nang lumawak lalo ang ngiti niya.

"Ano ang ngiti-ngiti mo diyan?" nagtatakang tanong ko.

Ngumuso si Dina at z-in-oom ang isang picture. Pinakita niya ito sa akin. "Grabe naman makatingin si Sir sa iyo, Ma'am, nakakalusaw. Mabuti na lang at hindi ka pa binuntis!"

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at lumayo sa kanya. Napansin niya ang paglayo ko kaya nataranta siya agad. 

"Hala, Ma'am! Sorry po pero ang ganda niyo po talaga. Pangarap ko rin magkaganiyan na buhok," agad na bawi niya. "Blonde niya! Amerikanang-amerikana po kayo!"

Napailing na lamang ako at hinintay ang dalawa na bumili pa ng buko juice. Malayo pa ang lalakarin namin hanggang sa makarating sa falls. Natagalan din talaga kami dahil kapag may nakikita kami na magandang spot, nagpi-picture kami. 

"You are avoiding me again."

Binalingan ko si Gregory at nakita ko na may dala siyang buko juice. Bumilis ang tibok ng puso ko at napalunok. 

"Here..." Nilahad niya ang buko juice sa akin. "Take this. Masarap."

Nang hindi ko tinanggap, puwersahan niyang kinuha ang kamay ko't pinahawak sa akin ang buko juice. Nang tingnan ko siya, nakangiti pa rin siya. Napaigtad ako sa gulat nang hawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ito. 

"Galit ka pa rin ba?" tanong niya. 

"Hindi ako galit," malamig kong sabi at akmang kakawala na sana ako sa hawak niya nang higpitan niya ito't halikana ng likod ng kamay ko. Namilog ang mata ko sa kanyang ginawa at parang may pumasok na paru-paro sa aking tiyan. 

"Mabuti naman kung gano'n," wika niya matapos halikan ang kamay ko. "Come on, Honey. Malapit na tayo." Binalingan niya si Grazer na nagpapa-picture pa kay Dina. "Let's go, Grazer. Your mom is tired."

At nagpatuloy kami sa paglalakad na magkahawak na ang aming kamay.  

"Mommy! Let's take a picture again!" ani Grazer sabay lapit sa akin. "Mommy, please!"

Sasagot na sana ako sa anak ko nang inunahan ako ni Gregory. 

"Your mom is tired, Grazer. Magpatuloy na tayo sa paglalakad para makarating na tayo sa falls," wika ni Gregory kay Grazer at binalingan si Dina. "Let's go, Dina."

"Yes, Sir!" 

***

Nakarating kami sa first falls ng Kawasan Falls. Magkahawak pa rin ang kamay namin ni Gregory habang manghang nakatingin sa magandang talon. Pilit kong kinalma ang aking sarili at hindi pinahalata na affected ako sa hawak niya.  Napalunok ako at nagbaba ng tingin sa kamay namin. Nanatili ang tingin ko roon at natauhan lang nang magsalita si Grazer. 

"Mommy! Look at the water!" manghang wika ni Grazer habang tinuturo ang umaagos na tubig.  "It's so pretty!"

"Grabe! Ang ganda pala talaga sa personal! Sa picture ko lang ito nakita dati, ah!" masayang sambit ni Dina sabay baling sa akin. "Ang ganda talaga, Ma'am!"

Tumango ako sa kanya at ibinalik ang tingin sa talon. Ang peaceful tingnan at natural na natural. Kay ganda talaga ng kalikasan. Kung ito ay iingatan, sigurado akong makikita pa ito ng mga tao na mabubuhay sa susunod na henerasyon. 

"You like this place, huh."

Bumilis ang tibok ng puso ko at napatingin sa kanya. Nakatingin na siya sa akin habang hawak pa rin ang kamay ko. 

Tumango ako sa kanya at saka nag-iwas ng tingin. "O-Oo naman. Sino naman ang hindi?" 

"Mommy!" Niyugyog ni Grazer ang kamay ko. "Let's go! I want to go near the falls!"

"Mommy!" Lumapit sa akin ang anak ko at niyugyog ang kamay ko. "Let's go! I need to see the falls!"

Hinila ako ng anak ko kaya nabitiwan ako ni Gregory. Wala akong magawa kundi ang magpahila sa kanya hanggang sa makarating kami sa mga tables kung saan sobrang lapit na ng view ng talon. 

"Hello, Ma'am! Welcome to Kawasan Falls!" Napaigtad ako sa gulat nang may biglang sumulpot na lalaki na nakangiti na sa akin ngayon. "Gusto niyo po ba ng table, Ma'am?" 

Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko alam kung gusto ba ni Gregory na magtagal rito.  

"Uh..."

"Yes, we would like to rent a table," si Gregory ang sumagot na nasa likuran na namin. "And a life vest too."

"Okay, Sir." 

Nang umalis na ang lalaki ay naunang umupo si Gregory at inilapag naman ni Dina ang dalang bag sa lamesa na may mga gamit ni Grazer.  Umupo na rin ako at napatingin muli kay Grazer nang hawakan niya ako sa braso.

"Mommy, I want to swim!" excited na sambit ni Grazer. "Please!"

Tiningnan ko muli ang talon na malakas ang pagkaagos. May nakita rin akong lupid sa ibaba para may makakapitan ang mga maliligo. May tubig din na mababaw para sa mga hindi marunong lumangoy at ang kumuha sa atensyon ko ay ang makitid na hagdan patungo sa ibabaw. 

"A-Ano..." 

"Ah! Patungo iyan sa second falls, Ma'am!" sagot ng lalaki na may dala ng apat na life vest.  "Kung gusto mo, samahan kita roon para makita mo ang second falls!"

"No thanks," si Gregory ang sumagot, nakahalukipkip na habang naka-upo sa tabi ni Grazer. "We can handle."

Ramdam na ramdam ko ang lamig sa kanyang boses. Wala namang magawa ang lalaki kundi ang iwan kami. Ngayong nandito na kami, siguro ang gagawin namin ngayon ay ang maligo. 

"Daddy, can we swim? I want to go there!" si Grazer sabay turo sa falls. "I want to swim! Please, Daddy!"

Nag-angat ng tingin sa akin si Gregory bago binalingan si Grazer. "We can kung magpapaalam tayo kay Mommy. She will get mad if we're going to swim without her permission."

Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Totoo ba ito? Ano ang nakain niya't ganito ang ugali niya ngayon? Hindi naman siya ganito, ah! Tuluyan na ba talaga siyang nagbago? Si Gregory!? Magbabago?

"It looks like your mom is thinking about me. Stop that, Honey. Malulusaw ako sa tingin mo."

Nanlaki ang mata ko sa narinig at agad akong natauhan. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako ngayon sa nakangising si Gregory. He is smirking.

"I-I a-am not thinking of you!" Tumaas ang boses ko. "Ang kapal naman ng mukha mo!"

Mahina siyang tumawa at saka hinawi ang kanyang bangs  na siyang ikinagulat ko. Pati ba naman ang pagtawa niya ay nagpapabilis na rin ng tibok ng puso ko? 

Greg, what the hell did you do to me?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top