Kabanata 20
Kabanata 20
"Mommy, I want to ride a boat!" sambit ni Grazer habang hinihila niya ako patungo sa bangka na nakatambay.
Nang makita ko ang bangka na tinutukoy niya ay natigilan ako sa paglalakad kaya nabitiwan ako ng anak ko.
Bakit nandiyan pa iyan? Talagang nasa malapit na! Bigla ko tuloy maalala ang nangyari kagabi. Uminit ang pisngi ko.
"Mommy, what's wrong?" nagtatakang tanong ng anak ko at bumalik patungo sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at pilit hinila patungo sa bangka. "Mommy, let's go!"
Nagbaba ako ng tingin sa anak ko at agad umiling. Sumimangot siya at humalukipkip na parang isang batang galit.
"And why, Mommy? I love to ride a boat!" giit niya.
"Anak kasi..." Hindi ako natapos sa pagsasalita dahil bigla kaming tinawag ni Dina na ngayon ay tumatakbo patungo sa amin.
"Bakit?" nagtataka kong tanong.
"Ma'am, bumalik kayo roon! May binili kasi si Sir at ang sabi niya, tawagin ko raw kayo!" sagot niya at lumapit kay Grazer. "Tara na, Grazer!"
"But I want to ride a boat!" aniya at mas lalong sumimangot.
"Grazer, next time," ani ko at bumalik na kami kasama si Dina.
***
"Daddy, I want to ride a boat!" umiiyak na sambit ni Grazer nang makarating kami sa may hapag na puno ng pagkain. "But Mommy doesn't want to!"
"Grazer, huwag makulit." Iniwas ko ang tingin ko kay Gregory na ngayon ay nasa akin na ang tingin.
"Really?" tanong ni Gregory sa anak pero alam ko na pinaparinggan niya ako dahil sa kanyang klaseng ngiti na nakikita ko pa rin sa gilid ng mata ko. "Bakit ayaw ni Mommy?"
Kinuyom ko ang kamao ko at padabog na naghila ng upuan. Mas lalo lang umiyak si Grazer dahil sa ginawa ko. Siguro ang akala niya ay galit ako sa kanya.
"Mommy is angry!" lumuluhang sambit ng anak ko at yumakap kay Gregory. "She doesn't love me anymore!"
Napangiwi ako dahil sa sinabi ng anak ko. Hindi naman siya ganito ka mapilit dati. Siguro dahil palagi siyang binibigyan ni Gregory ng kung anong gusto niya kaya siya nagkakaganito. Hindi ko sinanay ang anak ko ng gano'n pero simula nang nasa puder na kami ni Gregory ay naging mapilit na ang anak ko. Alam kong mayaman si Gregory pero ayoko rin naman maging spoiled brat ang anak ko.
"Grazer, mahal ka ng Mommy mo," si Dina sabay kuha sa pizza na nasa lamesa at ibinigay sa anak ko. "Nag-alala lang Mama mo kasi delikado kapag sasakay ng bangka. Kapag big girl ka na, saka ka na sasakay. Sasamahan pa kita."
Hindi na ako nagsalita at kumuha na rin ng pizza. Naiilang ako dahil nakatingin pa rin si Gregory sa akin. Ano ba ang tinitingnan niya? Kanina pa siya, ah? Alam ko naman na may nangyari sa amin kagabi at hindi pa kami nakapag-usap about doon. Pero sana naman huwag siyang tumingin ng ganiyan sa akin.
"Ang payat mo, Honey," biglang sambit ni Gregory at nanlaki ang mata ko nang bigla siyang umusog palapit sa akin. Mabuti at tumahan na rin si Grazer at sinusubuan na ni Dina ng pagkain.
"You need to eat more. Para hindi ka manghihina," makahulugang sabi niya at ngumiti sa akin.
Nang tuluyan na kaming nagtabi ay bumilis ang tibok ng puso ko. Nanatili lang sa kamay ko ang hiwa na pizza at hindi ko magawang isubo dahil sa presensya niya. Umawang ang labi ko nang dinagdagan niya ng pagkain ang lamesa ko. Nakita ko pa na may french fries at sauce. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa likod ng upuan ko at humilig siya palapit sa akin.
"Are you avoiding me?" mahina niyang tanong sa akin at pilit hinuhuli ang tingin ko.
Naikuyom ko ang kamao ko at nagsimula nang kumain. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagsubo.
"Kung hindi lang talaga tayo nasa bangka ay baka hindi ka na makakalakad ngayon," bulong niya sa tainga ko na ikinamula ko ng husto. Halos hindi ko na mailunok ang pagkain dahil sa sinabi niya.
Kailangan pa ba niyang sabihin sa akin iyon? Pilit ko na ngang kinalimutan at huwag isipin pero siya rin naman itong pilit akong pinaalala.
"Hindi mo na ako matatakasan pa, Honey. After what we did last night, everything will change. At dapat maging handa ka doon," aniya at pinisil ang pisngi ko.
Sa sobrang inis ko ay kumuha ako ng isang piraso ng pizza at isinubo sa kanya. Nakita ko na nagulat siya sa ginawa ko.
"Ayan! Kainin mo iyan! Nakakainis ka!" Tinulak ko ang kamay ko upang mapasok sa bibig niya.
"Mommy!" si Grazer at ngumuso sa akin.
"Wala lang iyon, Grazer. Ang sweet talaga ng Mama at Papa mo, nagsusubuan," si Dina. "Kumain ka pa. Ganiyan din Nanay at Tatay ko noong bata pa ako."
Narinig ko ang mahinang pag-ubo ni Gregory at agad ininom ang tubig na nasa lamesa. Alam ko na masama ang ginawa ko pero nakakainis kasi siya. Hindi ba siya maka-move on kagabi kaya pilit niyang pinaalala sa akin? Isang beses lang naman namin iyon ginawa pero kung makaasta siya ay parang big deal na big deal sa kanya.
Hindi naman siya gano'n dati. Wala naman siyang paki pagkatapos namin iyong gawin pero ngayon ay halos hindi na niya ako tatantanan.
Mabuti at hindi na niya ako kinulit pagkatapos no'n. Tahimik na rin ako at inaayos na lang ang mga basang damit na ginamit namin sa pagligo. Pero napansin ko na nawala ang panty na ginamit ko kagabi. Nasaan kaya?
"Mommy, please tie my hair," pakiusap ng anak ko kaya natigilan ako sa paghahanap at nilapitan ang anak ko.
Lumuhod ako sa harapan niya at pinatalikod siya sa akin.
"Mommy, bakit po tayo hindi same ng hair?" kuryosong tanong ng anak ko at saglit akong binalingan. "Your hair is different."
Ngumiti ako sa kanya at sinimulan nang ayusin ang buhok niya. "But we have the same eye color, Grazer. Your daddy's hair is black."
"Mommy, if I have a younger sister, will she have the same color hair as you?" muling tanong niya.
Matapos kong itali ang buhok niya ay nilagyan ko ng hairpin ang buhok niya. Ngumiti ako at pinaharap siya sa akin.
"Maybe or maybe not," sagot ko at pinisil ang kanyang pisngi.
"Mommy, I want to be like you, someday!" aniya at niyakap ako. "You are so beautiful, Mommy! I love you so much."
Tinapik ko ang kanyang likuran at niyakap siya pabalik. "I love you too, Grazer."
***
Pinagpatuloy ko ang pagtupi sa mga damit at inayos ko na rin ang iba pang gamit. Hindi ko alam kung kailan kami uuwi dahil mukhang may balak pa silang magpunta sa sinasabi nilang Kawasan Falls.
"Dina, puwede mo bang tawagin si Graze—" Natigilan ako nang makita ko si Gregory na nakahawak sa door knob.
"Honey..." tawag niya sa pangalan ko at humakbang palapit sa akin.
Bigla akong nahiya dahil nakaupo ako sa sahig. Nag-squat siya sa harap ko at tiningnan ang ginagawa ko. Halos pinigilan ko na ang hininga ko dahil naaamoy ko ang pabango niya.
Hindi ko alam kung ano ang nilapit-lapit sa akin pero gusto kong unahan bago pa man siya magsalita.
"Nandito ka ba para mag-request ng isa pa?" diretsahan kong tanong na ikinamilog ng mata niya. "Kaya ka ba lapit nang lapit sa akin kasi naging mahina ako at bumigay sa iyo kagabi?"
Kumunot ang noo niya sa akin at biglang naguluhan. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin.
"Kung gano'n, wala kang makukuha sa akin. Mas mabuting kalimutan mo na may nangyari kagabi gaya ng dati," malamig kong sambit at tumayo na.
Natigilan ako sa paghakbang nang hinawakan niya ang kamay ko. Nanlamig ako at hindi humarap sa kanya. I am nervous and scared at the same time. Natatakot ako sa kung ano man ang sasabihin niya.
"What are you talking about, Honey?" Napayuko na lang ako nang nasa harapan ko na siya, hawak-hawak pa rin ang kamay ko. "Ganiyan ba ang tingin mo?"
Mahina akong natawa. "Ano ba ang gusto mong tingin ko? Na may halong pagmamahal ang ginawa natin kagabi? Nagpapatawa ka ba?"
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at halos hindi na ako makapagsalita pa dahil sa sobrang dilim ng tingin niya. Salubong na rin ang kilay niya at humigpit ang hawak niya sa akin.
"Simula nang dumating ka rito sa Pilipinas, akin ka na," mariin niyang sambit na ikinamilog ng mata ko. "At simula nang ibigay mo muli ang sarili mo sa akin, akin ka na. Simula nang palagi mong ginugulo ang isip mo, akin ka na."
Napalunok ako lalo na nang lumapit siya lalo ay halos wala na ang distansya sa amin. Lumapit siya hanggang sa naramdaman ko ang kanyang hininga sa aking balat.
"You can't run away, Mommy," aniya sabay halik sa pisngi ko. "You're mine."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top