Kabanata 18

Kabanata 18

Akala ko ay hindi na ako magiging masaya mula nang iwan ako ni Mama sa mundong ito. I was young back then and the world immediately gave me a cruel life. Hindi ko na-enjoy ang kabataan ko dahil maagang namulat sa mundo. Akala ko ay habambuhay na lamang akong maghihirap, not until Tiya Mirasol came into my life. She gave me hope to survive in this cruel world. Kaya nang makulong siya, nagawa ko ang bagay na iyon para lang makalabas siya. Hindi rin nagtagal ang kasiyahan na iyon dahil maaga rin siyang kinuha sa akin. 

"B-Buntis ako, Tiya M-Mirasol," pag-amin ko sa hinang-hina na si Tiya Mirasol.

Nalaman ko na buntis ako at tanging si Tiya Mirasol pa lang ang sinabihan ko. Wala akong balak na sabihin kila Tiya Alona dahil wala naman silang paki sa akin.

Ngumiti sa akin si Tiya Mirasol. "Huwag mong balaking ipalaglag, ah? Kapag wala na ako sa mundong ito, ang batang iyan ang magiging pamilya mo, Honey Lou."

Nanubig ang mata ko sa sinabi niya. Masyado nang mahina ang Tiya Mirasol ko at ayaw niya pa ring magpagamot dahil hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Pero hindi niya ako sinigawan. Hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay.

"T-Tiya."

"Alam ko na hindi na ako magtatagal sa mundong ito, Honey Lou. Huwag na huwag mong balaking ipalaglag ang batang iyan kahit ano man ang mangyari," aniya sabay hawak sa kamay ko. "Mahalin mo siya at huwag na huwag mo siyang tratuhin na parang hindi sa iyo."

Hinaplos ko ang tiyan ko at tumulo ang luha sa mata ko. "W-Wala akong b-balak, Tiya. W-Wala akong balak at h-hindi ko g-gagawin iyon."

Mahina siyang tumango habang nakahiga pa rin. "Noon, balak ko rin magkaanak pero hindi ako nabiyayaan dahil maagang namatay ang asawa ko. Wala akong balak na magpagamot kasi miss na miss ko na ang asawa ko, Honey Lou."

Mas lalong tumulo ang luha ko sa sinabi niya.

"Sabay naming pinangarap na magkaroon kami ng maraming anak at sabay kaming tatanda," pagkwento niya at nakita ko ang pagtulo ng luha niya. "Pinakasalan ko siya kasi mahal na mahal ko siya at sabay naming abutin ang pangarap na hindi namin natupad."

Kumirot ang puso ko. Alam ko, Tiya. Nangungulila ka sa asawa mo.

"Hindi ko man lang siya nakuhanan ng litrato kaya hanggang sa alaala ko lang siya makikita . Arturo ang pangalan niya, Honey at eighteen years old kami pareho nang binalak naming magpakasal," patuloy na pagkwento niya sa akin.

Nanatili lang ako sa kanyang tabi habang nakikinig sa kanya. Kitang-kita ko  sa kanyang mata ang sakit.

"M-Masaya kaming nagsama kahit alam kong tutol ang magulang niya sa akin. Limang taon kaming nagsama sa iisang bubong at gusto niya magkaroon ng anak sa akin na hindi man lang natupad dahil..." Huminto siya at huminga nang malalim. "D-dahil maaga siyang kinuha sa akin."

Napasinghap ako.

"Naaksidente siya. Kasama siya sa nasawi sa tumagilid na bus. Hindi ko akalain na sa mismong kaarawan siya mawawala sa mundong ito..."

Hindi ko na nakayanan ay niyakap ko na si Tiya. Ito pala ang matagal niyang tinatago na sakit. Kaya pala hindi na siya muli naghanap ng iba at palaging nagsisimba.

"Kaya Honey, buhayin mo ang anak mo. Kasi maraming mga babae ang gustong magkaanak na hindi nabibigyan. Pasensya na at naikwento ko sa iyo ang masakit na love story namin ni Arturo," natatawa ngunit naluluha niyang sambit. "Kapag talaga mababait ay maagang kunin, eh. Mabuti na lang at malapit na kaming magsasama ng asawa ko."

"T-Tiya..."

"Mabuti kahit papaano, Honey, hindi ako malulungkot na mawala sa mundong ito. Hindi ka maiiwan na mag-isa. May blessing sa buhay mo. Kung may mawawala, may darating." Hinaplos niya ang buhok ko. "Lagi mong tatandaan na nasa tabi mo pa rin ako lalo na't parang anak na rin ang turing ko sa iyo."

Hindi ako umimik at niyakap lang siya.

"Alam mo ba, sa tatlo naming magkakapatid. Si Alona, si Hena na siyang mama mo at ako? Ako lang ang swerte sa pag-ibig, pero si Hena naman ang pinakamaganda at may pinakamagandang anak. Si Alona naman ang malas sa asawa pero walang sakit," aniya at nang kumalas ako sa yakap, ngumiti siya sa akin. "May rason kung bakit ito nangyari lahat."

"T-Tiya...an-nong gusto mong ipangalan ko sa magiging anak ko?" naluluha kong tanong. "Kung babae o lalaki, gusto kong ikaw ang magpangalan, Tiya."

 "Bakit naman ako ang magpapangalan? Hindi ko naman anak iyan!"

Umiling ako. "G-Gusto ko ikaw ang magpangalan, Tiya."

Ngumuso siya at biglang napaisip. "Ang asawa ko noong buhay pa ay maraming listahan ng pangalan kasi aanakan niya raw ako ng sampu. Makulit din iyong asawa ko, eh. Palagi akong ginagapang, wala namang nabubuo."

Mahina akong natawa kahit may luha pa rin sa mata ko.  

"Mahilig siyag mag-combine ng pangalan. Kaya siguro gano'n na lang, Honey. Pero may pangalan na na-imbento ang asawa ko noon, hindi ko alam kung saan galing. Nagtatalo pa kami roon kasi mukhang lalaki ang dating sa akin pero babae naman daw sabi ng asawa ko," kuwento niya. "Grazer. Iyon lang ma-i-suggest ko, Honey. Ikaw na bahala kung babae ba iyan sa tingin mo o lalaki. Ewan ko rin itong asawa ko kasi."

Na-curious tuloy ako sa asawa ni Tiya Mirasol. Hindi kasi siya nagkukuwento sa akin, eh.

"Tiya, puwede niyo pa ba akong kuwentuhan tungkol kay Tiyo Arturo?"

Tumango siya agad at bumangon. Nataranta ako at agad siyang inalayan.

"Oo naman. May lahing Koreano kaya iyon. Kami talaga ng Mama mo ay mahilig sa taga ibang bansa. Lahing Amerikano ang nakabuntis sa Mama mo kaya bughaw na bughaw ang mata mo. Eh, 'yong Arturo ko ay may lahing Koreano. Arturo Park," aniya at kumuha ng unan sa tabi niya.

"Eh, bakit Andrade gamit mo, Tiya, kung kasal kayo ni Tiyo Arturo?" kunot-noong tanong ko.

"Huh? Ginagamit ko pa rin naman, Honey, hindi mo lang alam." Kinamot niya ang kanyang ulo. "At saka engineer asawa ko. Iyon ang natapos niya habang kasal kami. Makulit talaga ang asawa ko kaya nakuha ako agad."

Natawa ako.  Marami pa siyang ikinuwento sa akin at masasabi ko na mahal na mahal talaga nila ang isa't isa. Nakakalungkot lang dahil maagang kinuha si Tiyo Arturo kay Tiya Mirasol.

"Hija, tandaan mo. Huwag kang magpapakasal dahil lang sa responsibilidad lang. Kayo rin sa huli ang masasaktan. Maaga man kinuha ang asawa ko, at least nagpakasal kami dahil mahal namin ang isa't isa at hindi na rin ako naghanap ng iba. Balang araw, makakaranas ka rin ng totoong pag-ibig at tatanggapin ka ng buong-buo..."

Akala ko ay makakakuwentuhan ko pa ulit ang Tiya ko. Pero isang linggo ang nakalipas ay kinuha na rin si Tiya sa akin. Inatake siya sa puso na walang nakakita sa kanya. Sobrang sakit na mawala siya sa mundong ito, pero alam kong masaya na siya kung nasaan man siya ngayon. Makakasama na niya ang kanyang asawa.

Bumuhos ang luha sa aking mata nang maalala ko na naman iyon. Malaki ang impact ni Tiya sa buhay ko.

"T-Tiya, sana makaranas din ako ng gano'ng pag-ibig," bulong ko sa kalangitan at nang hanggang bewang na ang tubig, binasa ko ang buhok ko.

Gusto kong mag-isip nang tama. Gusto kong linawin kung ano ang dapat kong gawin. Should I run away with Grazer? Or bibigyan ko ng pagkakataon ang sinabi ni Gregory sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang gusto ko dahil biglang nawala ng parang bula ang lahat. Parang bumalik ako sa una.

Hinihingal na umahon ako galing sa pagkalubog sa dagat at hindi ko na kailangang lumangoy dahil hanggang bewang ko lang naman. Lumubog lang ako para mabasa ang buong katawan ko.  Hindi kasi ako marunong lumangoy kaya ayon lang. Napatingin ako sa baybayin kung saan may mga tao pa rin. Naririnig ko kahit nasa malayo ang tawanan nila. Bumuntonghininga ako at akmang lulubog na sana nang marinig ko na may nagsalita.

"What are you doing?"

Agad kong nilingon at nakita ko si Gregory.Hindi ko napansin si Gregory na naglalakad na pala papalapit sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang papalapit na siya sa akin.

"H-Ha? Uhm, n-naliligo ako..." sagot ko sabay turo sa tubig.

Kumunot ang noo niya at tumigil sa paglalakad. "Really? In the middle of the night? At hindi ka marunong lumangoy."

Yumuko ako at nag-iwas ng tingin. "H-Hindi kasi ako makatulog at hindi naman ito malalim. Lumubog lang ako."

Nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin ay napayuko ako upang hindi magtama ang paningin naming dalawa lalo na't kami lang dalawa ang narito.

Mahina akong napasinghap nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa likuran ko at hinapit niya ako papalapit sa kanya. Gulat akong nag-angat ng tingin at agad kong inilagay sa kanyang dibdib ang kamay ko upang hindi kami tuluyang maglapit.

"G-Greg..."

Bumilis na ang paghinga ko dahil sa kanyang nakakalusaw na tingin. Nanatili lang ang kanyang tingin sa akin na para bang pinagmamasdan ako.

"I also can't sleep," aniya. "And all I need is a kiss."

Nanlaki ang mata ko at napaatras. Pero hindi niya ako hinayaan na makawala dahil tinulak niya ang ulo ko patungo sa kanya at siniil ng isang marahan na halik. Hindi ako makagalaw dahil bigla niya lamang akong binuhat na parang bagong kasal at inilagay sa may batuhan.

Lumayo ang kanyang mukha sa akin at tinitigan ako nang maigi. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi agad  nakapagsalita. Magsasalita na sana ako nang humilig siya palapit sa akin at siniil muli ako ng halik sa labi. Napapikit ako lalo na nang gumapang ang kamay niya mula sa likuran ko patungo sa binti ko.

"Kiss me back," bulong niya sa tainga ko habang pareho kaming basa. "I want you to kiss me back." At nagulat ako nang inilagay niya ang binti ko sa bewang niya at pinirme roon.

Napakapit ako sa kanyang balikat nang muli niya akong inatake ng halik. Naging agresibo na iyon kaya hindi na ako halos makahinga. Pumikit ako at humigpit ang pagkapit ko sa kanya. Tinugon ko ang kanyang mainit na halik at unti-unting bumigay.

Hindi ko akalain na bibigay ako sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top