Kabanata 17

Kabanata 17

Mabilis ang mga pangyayari at dalawang araw lang ang naging stay namin sa Tropics dahil sa Badian ang susunod namin na puntahan na kabilang bayan lang pala ng Moalboal. Inuna namin ang Lambug Beach na kilalang-kilala sa lugar. Malawak ang beach at maputi ang buhangin. Marami ring mga turista at may exhibit pa ng mga artist sa lugar na naka-display. Bumili nga ng isa si Gregory para sa office niya raw. 

Sobrang saya ng anak ko dahil makakaligo na siya ng dagat. At hindi lang iyon, makakapaglaro pa siya sa buhangin. Build a sand castle at iba pa. 

"Mommy!"

Natatawa kong hinabol ang anak ko na tumatakbo. Sobrang kulit ng anak ko. Hindi naman ako runner para maabutan siya agad.

"I wish I could take some pictures of her," mahina kong bulong at huminto sa pagtakbo dahil napagod ako. Si Dina ay sumunod sa anak ko kaya hindi na ako dapat mag-alala.

"Then take a picture. Use my phone."

Gulat na napabaling ako sa gilid ko. Umawang ang labi ko nang makita ko si Gregory na nakalahad na ang phone niya sa akin. 

"H-Huh?"

He sighed. "You want to take pictures of her, right? Use my phone for a while."

"Hala!" Umiling agad ako at lumayo ng kaunti. "Hindi na! Hindi na kailangan, Gregory. Sinabi ko lang iyon kasi nakita ko ang anak ko na masaya."

Ibinalik ko ang tingin ko sa anak ko na ngayon ay hinahabol pa rin ni Dina. 

"Ngayon ko lang nakita na ganito kasaya ang anak ko, Gregory," pag-amin ko. "Masaya naman siya sa akin pero iba ngayon. Parang ang saya-saya niya talaga. Kaya gusto kong kuhanan ng litrato dahil baka ito ang huling pagkakataon na makita ko siyang masaya na ganito."

"What do you mean by that, Honey Lou?" Sumeryoso ang boses niya.

Huminga ako nang malalim at binalingan si Gregory na ngayon ay seryoso na ang tingin sa akin. "You didn't mean it, right? Yong sinabi mo sa bench.  Sinabi mo na hindi mo ilalayo ang anak ko. Alam kong hindi iyon totoo. You are a manipulative person, Gregory."

Umigting ang panga niya sa sinabi ko pero hindi siya nagsalita.

"At saka, tingin mo mabubuhay ako rito?" Mahina akong natawa. "Wala na akong pamilya rito at kung meron man ay ayaw naman nila sa akin. Siguro tama ka na deserve ng anak ko na magkaroon ng buong pamilya. Pero selfish ako. I don't want to marry someone just because of obligation and responsibilities. Kahit ganito akong tao, kahit marami akong pagkakamali, naniniwala pa rin ako na may magmamahal pa rin sa akin at ihaharap ako sa altar."

Nang hindi siya nagsalita ay nagpatuloy ako. "Siguro sa iyo rin, may magmamahal rin sa iyo ng totoo. At kung darating ang panahon na iyon, sana alagaan mo ang puso ng magmamahal sa iyo. Huwag mong gawin ulit ang pagkakamali mo noon. Huwag na natin iyon ulitin, Gregory. At sana kung mangyari man iyon. Na makahanap ka ng para sa iyo, sana huwag mong ipagkait sa akin na makasama ang anak ko."

Akmang maglalakad na sana ako patungo sa anak ko nang bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at pinaharap ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Then we will try," determinadong sabi niya sa akin. "We will try."

"H-Huh? What do you mean?" naguguluhan kong tanong.

"We will try and learn to love each other," aniya na ikinagulat ko nang husto. "If that's what you want, Honey. I will make you fall in love with me."

At halos magwala ang puso ko nang bumaba ang hawak niya sa kamay ko at pinagsalikop ito. Napalunok ako.

What the hell is happening?

Magsasalita na sana ako ngunit nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako sa pisngi. Natulala ako saglit.  

"Let's go. Our daughter is waiting." At sa unang pagkakataon, binigyan niya ako ng genuine smile.  

Hindi ko akalain na mangyayari ito. Gregory smiled at me. He just did. Ngumingiti naman siya pero yong ngiting may balak.

Naglakad na kami ni Gregory patungo kay Grazer at habang naglalakad kami, nasa kamay namin ang aking tingin.  Parang dati lang ay pinangarap ko ito.

"Mommy, your face is red!" si Grazer nang makalapit kami sa kanila.

Napasinghap ako at agad binitiwan si Gregory na ngayon ay nakanguso na ngayon.

"I kissed her cheek," sambit ni Gregory at umupo para magka-level sila ng anak ko. "That's why her face is red."

"Daddy, what about me?" Nagpapadyak-padyak na ang anak ko. "I also want a kiss!"

Hindi na ako nagsalita at lumapit na lang kay Dina na ngayon ay dala-dala ang gamit ni Grazer.

"Dina, ilang araw tayo rito?" tanong ko at nagpalinga-linga. "May reserved na ba na room para sa atin?"

"Ma'am, si Sir lang ang nakakaalam diyan pero tingin ko ay meron na," sagot niya sa akin at itinuro ang dagat. "Ma'am, Negros na pala diyan! Ngayon ko lang na-realize. Taga-Negros kasi ang Tatay ko!"

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Hindi gaya ng pinuntahan namin, ang mga kwarto rito ay gawa sa kahoy. I mean, semi-native room siya at ramdam na ramdam mo ang lamig. Marami ring naka-check in. May nakita rin akong namamangka sa malayo at tingin ko may mga bahay malapit lang dito.

Nang gumabi ay hindi ako masyado nakatulog dahil sa sinabi ni Gregory sa akin. He will try? Bakit? Para sa anak ko? Or may iba pa siyang rason? Napahawak ako sa pisngi ko kung saan niya ako hinalikan. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang kanyang labi sa akin.

Binalingan ko ang anak ko na payapa na natutulog. Tiningnan ko ang orasan at alas dyes na ng gabi at hindi pa rin ako makatulog. Bumuntonghininga ako at bumangon. Inayos ko ang kumot ng anak ko at tumayo.

Magpapahangin muna ako upang makapag-isip ako nang malalim. Gulong-gulo na ang utak ko at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Palagi kasing nagbabago ang isip ko sa bawat sitwasyon. 

Lumabas ako ng kwarto na naka-sleeveless lang at shorts. Sinuot ko ang tsinelas ko at nagtungo sa may buhangin. May kaunting tao pa rin na nagkasiyahan. May nakita pa ako na nag-camp fire at nagtatawanan. May iba pa na nagkakantahan sa gitna ng gabi. Siguro ay ililigo ko na lang ito para makatulog ako. 

Ngumiti ako at tumingala sa kalangitan.

Nakaramdam ako ng totoong kapayapaan sa harap ng dagat. Ang simoy ng hangin ay nagpagaan sa bigat na nararamdaman ko. Niyakap ko agad ang sarili ko at nagbaba ng tingin nang makaramdam ako ng lamig. Hinubad ko ang tsinelas ko at unti-unting humakbang patungo sa tubig. Hindi ako marunong lumangoy kaya hanggang sa kaya ko lang ako hihinto. Nang maramdaman ko na nabasa ang paa ko ay napangiti ako.

"This is peace," nakangiti kong sabi at saka humakbang na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top