Kabanata 16

Kabanata 16

"Daddy, malayo pa po?" tanong ng anak ko habang nagmamaneho si Gregory.

Si Dina ay nakatulog dahil sa haba ng byahe. Ang sabi ni Gregory, sa Moalboal ang destinasyon namin at doon kami mananatili ng isang linggo.  Nanatili sa daan ang aking tingin. Nahihiya kasi ako dahil nahuli niya akong lumuha. Hindi ko naman kasi alam na nakatulog ako sa byahe at napanaginipan ko pa si Tiya Mirasol. 

"Malapit na tayo," Gregory announced. Bumaling siya sa akin. "Nakapunta ka na ba sa Moalboal?" 

Umiling ako at saka napatingin sa paligid. "Hindi pa."

"Daddy, you'll teach me how to swim, right?" tanong muli ni Grazer at nang nilingon ko ang puwesto niya ay halos tumayo na siya mula sa pagkaupo.

"Grazer, sit down," saway ko sa kanya. "Malapit na tayo sabi ng Daddy mo."

Sumimangot ang anak ko at umupo pabalik. Napabuntonghininga na lamang ako at ibinalik ang tingin sa bintana. Excited ako sa bakasyon namin. Iyon ang totoo dahil hindi pa ako nakatungo sa lungsod ng Moalboal. 

Nang tingnan ko si Gregory, kita ko ang saya sa kanyang mukha habang nagda-drive sa kanyang kotse. Hindi ko alam pero ngayon ko lang siya nakita na ganito kung ngumiti. I always think that Gregory is a rough person. Iyon naman ang palagi niyang ipinakita noon sa akin. Manipulative and a spoiled brat na kung ano ang gusto niya, makukuha niya. 

Alam ko na lahat ng tao ay kayang magbago pero wala iyon sa bokabularyo niya.  Nang sulyapan niya ako ay umayos ako sa aking pag-upo at saka nag-iwas ng tingin. 

Almost three hours ang naging byahe namin bago kami nakarating sa aming destinasyon. Moalboal is a province in Cebu na maraming magagandang tanawin. Usually, mga beaches ang sikat dito ayon sa aking nasaliksik pero meron din namang mga activities gaya ng scuba diving at iba pa. 

"Mommy, I am so excited!" masayang wika ni Grazer at binalingan si Dina na tulog-mantika pa. "Ate Dina, wake up! We're here!"

Iniliko ni Gregory ang kotse niya sa gas station and I found out na sa Moalboal Tropics ang aming unang pupuntahan. Hindi pa ako nakapunta sa tropics pero base sa picture na aking nakita, isa itong hotel na may swimming pool na tingin ko ay magugustuhan ng aking anak. 

"Daddy! Akala ko ba ay sa beach tayo pupunta? Swimming pool ang meron dito," dismayadong sambit ni Grazer nang makarating kami.

Ay, akala ko ay magustuhan niya. 

"I changed my mind, Grazer. Pero hindi naman tayo magtatagal. Our main destination is in BAdian. You want to go to Kawasan Falls? Lambug Beach?" 

"Well, I changed my mind, Grazer. Pero hindi tayo magtatagal. Our main destination is Badian. You want to go to Kawasan Falls? Lambug Beach?"

Hindi ko alam kung ano ang mga binanggit ni Gregory pero tingin ko ay hindi masusunod ang plano niya na isang linggo sa Moalboal dahil sa Badian naman pala ang main destination namin. Sumunod na lang ako sa kanila at nagtungo na sa aming mga kuwarto. Dalawang kuwarto. Sa kanya at sa aming tatlo ni Dina at Grazer. Mabuti naman at gano'n dahil hindi ko kaya na makasama siya sa iisang kuwarto. 

*** 

"Mommy, I want to swim! Daddy will teach me, right?" tanong ni Grazer habang binibihisan ko siya ng panligong damit. 

Tumango ako. "Yes, anak. Pasensya na. I can't teach you how to swim. I don't know how to swim." Ngumuso ako at inayos ko ang buhok niya. 

"Mommy, Daddy will teach you too!" 

Hindi na lang ako nagsalita. Siguro ay biro lang iyon ni Gregory. Why would he teach me? At wala rin naman akong balak maligo sa ilalim. Babantayan ko lang si Grazer at iyon lang. 

"Ma'am, hindi ako komportable sa damit na ito. Masyadong maiksi!" reklamo ni Dina at umiling sa akin.

Natawa ako sa sinabi niya. "Rash guard will do for you, Dina. You don't need to wear a swimsuit if you are not comfortable." Tinuro  ko ang extra rash guard sa kama na sa akin sana. "May swimsuit naman ako. Siguro ako na lang ang magsusuot."

Hindi ako sanay mag-swimsuit pero susuotin ko tapos tatakpan ko na lang ng damit. Basta ang mahalaga ngayong araw ay mag-e-enjoy kami, lalong-lalo na ang anak ko na sobrang excited.

Matapos nilang mag-ayos ay may kumatok sa pinto. Si Dina na ang nagbukas at bumungad sa kanya si Gregory na ngayon ay may tuwalya na sa kanyang balikat. Hindi pa rin siya nagbibihis kaya nagtataka ako.

"Daddy, let's go to the pool! Mommy will not join us since she doesn't know how to swim!" ani Grazer at lumapit na sa daddy niya.

Kumunot ang noo ni Gregory at tiningnan ako. Hindi na lang ako nagsalita at tinupi ang damit na sinuot ni Grazer kanina.

"Babantayan ko na lang si Grazer," ani ko habang tinutupi ang damit. "Wala rin akong balak maligo, eh."

"Tsk."

Nang tingnan ko siya, masama na ang kanyang tingin sa akin. Binuhat niya ang anak ko at lumabas na ng kuwarto kasama si Dina. Bumuntonghininga na lamang ako at kinuha ang swimsuit na hindi pa nagamit. Maybe I should wear this.

Limang minuto ang iginugol ko sa banyo bago ako lumabas. Naghanap ako ng telang pantakip sa ibabang parte ng katawan ko bago tuluyang lumabas. Maganda ang lugar at makikita mo kung gaano kalawak ang pool.

"Mommy!"

Agad akong napatingin sa banda ni Grazer na ngayon ay sakay na ng kanyang salbabida habang si Dina ay nasa likuran niya. Silang dalawa ang kumaway sa akin habang nasa pool. Napangiti na lamang ako at kung may phone lang ako ngayon ay sana kinuhanan ko na sila ng litrato.

"Mommy, come here!"

Ngumiti ako at saka lumapit sa kanila. Napansin ko na wala si Gregory. Siguro ay nasa kuwarto pa niya kaya umupo ako sa edge ng pool at inilubog ang paa roon. 

"Ito lang ang magagawa ko. Hindi kasi talaga ako marunong, eh!" natatawa kong sabi.

"Ma'am, puwede ka rin naman kumapit sa salbabida ni Grazer!" suhestiyon ni Dina. "Ngayon pa lang ako nakaligo ng swimming pool kaya mukhang ignorante ako."

Ngumiti ako sa kanya. "Lahat naman tayo ay may first time kaya enjoy lang, Dina."

Nakita ko na may tinanaw si Grazer sa likuran ko. Kaya nang nilingon ko ito ay nakita ko si Gregory na nakapanligo na shorts. Nagtaas siya ng kilay sa akin at nang ma-realize ko na hubad ang kanyang ibabaw na katawan at tanging shorts lang ang kanyang suot, namula ako at agad nag-iwas ng tingin.

"Daddy!"

"Sir! Ayaw ni Ma'am maligo!" sambit ni Dina sabay baling sa akin. "Tuturuan ka raw ni Sir, Ma'am!"

Mas lalo akong nahiya at napayuko. Kinuyom ko ang kamao ko sa may semento at pinakiramdaman ko ang lamig ng tubig.

"Tsk, she will."

At napatili ako nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa bewang ko at inangat ako. Nanlaki ang mata ko nang tumalon si Gregory kasama ako kaya napakapit ako sa kanyang balikat. Nang umahon kami mula sa tubig ay hinihingal ako at pinagsusuntok ko ang balikat niya.

Narinig ko ang kanyang mahinang tawa habang mahigpit ang kanyang kapit sa bewang ko. Napapikit pa ako nang sinabuyan niya ako ng tubig sa pool.

"Ano ba?" inis kong sambit at sinamaan siya ng tingin.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang tingin naming dalawa. Ang kanyang buhok ay bumaliktad dahil siguro nabasa  ng tubig. Nakita ko ang kanyang noo na noon ay tinatakpan lang ng bangs. Salubong na ang kanyang kilay at nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang adam's apple.

Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi ko dahil sa lamig at nag-iwas ng tingin.

"B-Babalik n-na ako," nauutal kong sambit at itinuro kung saan ako nakaupo kanina. "I-I don't know how to swim."

"Then I will teach you," aniya sa seryosong boses. "Just stay with me."

Napatingin ako sa kanya at bago pa man ako makapagsalita ay napapikit ako muli nang may sumaboy na naman ng tubig sa amin. At alam ko na kung sino dahil sa cute na tawa.

"Grazer!" saway ko.

"Mommy, let's swim!" aniya sabay saboy muli sa akin.

Pumikit na lang ako at mahinang tumango. Patuloy pa rin sa pagbilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bibitiwan  ko ba o hindi si Gregory dahil tingin ko malalim ang pool na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top