Kabanata 15
Kabanata 15
"Greg," banggit ko sa pangalan niya sabay lahad sa papel.
Nasa bench kaming dalawa, hinihintay ang paglabas ng anak ko. Ang weird talaga ng datingan ni Gregory. He always wear a black hoddie and a mask. Parang magnanakaw kung hindi lang branded ang suot at hindi ko kilala. Masyado pa namang expose si Gregory at ang pamilya niya sa media kaya siguro ganito ang attire niya. Hindi pormal.
Sikat kasi si Gregory at ang pamilya niya sa business world. Kaya lahat ng galaw, binabalita. Kaya ngano'ng naaksidente ang dating girlfriend niya na tumakbo sa kasal ay nabalita agad. At ngayon na isang model ang na-link sa kanya, sigurado ako na mas gugulo ang buhay niya. Alam ko na sanay na siya doon pero hindi ako mapapanatag dahil baka madamay ang anak ko sa kadramahan niya sa buhay.
Sa pagkakaalam ko, sikat na modelo si Phoebe kaya kung may sasabihin man siya sa harap ng media ay talagang paniniwalaan agad. At sa reaksyon niya noong nakaraan ay nasaktan siya sa nakita kaya iyon ang isa sa mga bumagabag sa akin.
“What’s this?” takang tanong ni Gregory nang tanggapin ang papel.
“Family day ng school,” sagot ko at pinaglaruan ko ang kamay ko. “Kung hindi ka busy, sana sumama ka sa amin. Kahit alam kong hindi tayo totoong pamilya. Kahit para kay Grazer na lang.”
Gusto ko tuloy pokpokin ang sarili ko. Hindi ako makapaniwala na sinabi ko iyon sa kanya. Parang no’ng una ay sinabihan niya ako ng gano’n, na magpapakasal kami para kay Grazer. And now…
“Alright,” aniya at ibinalik sa akin ang papel.
Hindi ko maiwasan ang kabahan dahil kami lang ang dalawa rito. Si Dina ay inutusan niyang bumili ng pagkain.
“Honey…” Binalingan ko siya na ngayon ay nakatingin sa kawalan. “I…I’m sorry…”
Nagulat ako sa kanyang sinabi. "Greg..."
“I’m sorry. I made your life miserable,” mahina niyang sinabi habang nasa kawalan pa rin ang tingin. “I am a jerk. I cheated on Khadijah. I was a mess. I manipulated people, and then I made you pregnant.”
“G-Gregory...” Nangilid ang luha ko matapos kong marinig ang kanyang sinabi. “Past na iyon. Matagal na.”
“I know.” Nanginig ang boses niya. “And now, all I want is to be a good father to her. I want to do something good in my life.” Binalingan niya ako. “I will not take her away from you. Just…just don’t go back to Australia.”
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita agad. Akala ko ay wala na siyang sasabihin dahil tumahimik na pero nagulat ako nang bigla siyang umusog palapit sa akin at hinila ako palapit sa kanya.
Napalunok ako at tanging puso ko na lang ang narinig ko ngayong sobrang lapit na niya. Akmang magsasalita na sana ako nang tinakpan niya ang bibig ko.
“Shh. Media shits are here! What the fuck?” At saka napasinghap ako nang ibinaon niya ako sa dibdib niya.
Hindi na ako nagsalita matapos niyang ginawa iyon. Mabuti na lang at dumating na si Dina kaya binitiwan niya ako. Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi niya sa akin. Nagso-sorry siya at hindi niya ilalayo sa akin ang anak ko basta hindi lang ako babalik sa Australia?
Bakit?
Nandoon ang buhay ko sa Australia. Doon ako bumangon at nagkaroon ng pag-asa pero ngayong sinabi na mismo ni Gregory sa akin, na hindi na niya ilalayo ang anak ko ay nagdadalawang-isip na ako.
“Mommy, I got three stars!” kwento ni Grazer nang nasa kotse na kami.
Napangiti ako at binalingan ang anak ko. “Very good, Grazer! Can I see the paper?” tanong ko.
“Ma’am, ang galing pala mag-drawing ni Grazer kaya pala three ang star,” si Dina at siya na mismo ang nag-abot sa akin ng papel ni Grazer.
“Ate Dina, you will come with us, right?” umaasa na tanong ng anak ko. “To the beach?”
Saglit na natigilan si Dina at tiningnan kami. Tiningnan ko si Gregory na nasa daan ang tingin.
“Of course, Grazer. Dina will come with us,” ani Gregory sabay tingin sa akin. “We will go to the province. Maganda ang mga beaches doon.”
Hala. Napaayos ako ng upo sa sinabi niya. “Bakit hindi mo sinabi na malayo pala ang pupuntahan natin? Wala kaming dalang damit.”
“Tsk! I will buy. We will stay there for a week since walang pasok si Grazer. At least let her enjoy her one week vacation,” aniya at lumiko sa isang daan. Ito na siguro ang daan patungong South.
“Yeahy! Mommy will teach me how to swim!” si Grazer. “Or Ate Dina will teach me since Mommy don’t know how to swim!”
Napasimangot ako at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Gregory kaya nahiya akong napabaling sa bintana. Ang daldal talaga ng anak ko. Wala yatang sekreto na hindi mabubunyag sa kanya.
“Really? Your mom don’t know how to swim?” tanong ni Gregory.
“Yes,” agad na sagot ni Grazer.
He chuckled. “Then I will teach her when we get there.”
Pumikit na lang ako at sinandal ang ulo sa bintana.
“Tiya Mirasol! Gusto kitang ipagamot! Tiya!” pagmamakaawa ko sa kanya.
“Hindi kita pinalaki para maging isang bayaran na babae lang, Honey!” dismayadong wika ni Tiya Mirasol sa akin.
Nalaman niya kasi kay Daria ang lahat. Hindi ko akalain na sinabi niya talaga kay Tiya Mirasol. Alam kong hindi na maibalik ang lahat pero masyado lang akong desperada.
“Tiya…” lumuluha kong sambit. “Ginawa ko lang iyon para sa iyo—”
“Hindi ko kailangan ng awa mo, Honey! Hindi mo kailangan ibenta ang katawan mo para sa akin! Hindi kita pinalaking ganiyan! Hindi ko kailangan ng awa mo o ng tulong mo!”
Mas lalong bumuhos ang luha sa aking mata.
“Mamamatay din naman ako, Honey. Hinayaan mo na lang sana ako sa kulungan kahit alam mo na sinabi ko na hindi ako nagnakaw,” mahina niyang sabi at tumalikod sa kanyang paghiga. “Dapat inisip mo ang sarili mo.”
“T-Tiya, ayokong mawalan ulit,” paos kong sinabi. “A-Ayokong m-mawalan ulit ng p-pamilya. Ayokong m-maiwan ulit… kaya p-pasensya na, Tiya Mirasol. Ayokong mawala ka sa akin. Ikaw na lang ang tanging meron ako.”
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. “Sorry Tiya Mirasol, mahal na mahal kita.”
Nagmulat ako na may luha sa aking mata. Agad akong napaayos ng upo nang bumungad sa akin ang seryosong tingin ni Gregory. Nasa kotse pa rin kami at wala na sina Dina at Grazer sa likuran. Napakurap-kurap ako at saka inayos ang buhok ko.
“Greg, nasaan sila?” tanong ko at awkward na ngumiti kahit wala namang kangiti-ngiti.
“Nasa Barili tayo. Bus stop. They are eating,” aniya at binuksan ang bintana ko.
Nakita ko si Dina at Grazer na kumakain habang nanonood ng TV.
“Labas na tayo,” ani ko at pinunasan ang luha sa aking mata.
Kailangan ko na sigurong bisitahin ang puntod ni Tiya Mirasol. Ilang taon na rin akong hindi nakabisita. Kaya siguro palagi ko na lang siyang naalala o hindi kaya ay napanaginipan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top