Kabanata 13
Kabanata 13
Akala ko ay ilalayo na ni Gregory ang aking anak matapos ang away namin. Hindi rin kasi talaga naging maganda iyon at napagsalitaan ko pa siya ng masama.
Ngunit tatlong araw na ang nakalipas at wala na akong narinig mula sa kanya. Bukod doon, kada gabi na rin siya umuuwi. Ito na siguro ang pagkakataon na maitatakas ko si Grazer.
Lumapit ako sa anak ko na nasa sala kung saan may ginuguhit siya na hindi ko maintindihan. Umupo ako sa tabi niya at inayos ko ang buhok niya.
"Anak," tawag ko. Kinuha ko ang hair brush at mahina kong sinuklayan ang kanyang buhok. "Are you happy?"
Tumango ang anak ko at saka nakangising inangat ang papel na ginuhitan niya. "Yes, mommy! And look, I drew a family! Mommy, Daddy, and me!"
Napahinto ako sa pagsuklay sa kanya sa aking narinig. Ibinaba ko ang hair brush at napatitig sa drawing niya. Noong una ay hindi ko lubos maintindihan dahil mga hugis lang ang nakita ko gaya ng bilog. Pero nang makita ko ang linya sa ibaba ng bilog ay umawang ang labi ko.
She drew a family. Magkahawak ang tatlong tao sa kanyang drawing at may heart pa na guhit sa ibabaw.
Kumirot ang puso ko at naalala ang gustong mangyari ni Gregory. Na magpapakasal kami para magkaroon ng kompletong pamilya si Grazer gaya ng nakaguhit ngayon.
Masyado ba akong naging selfish sa desisyon ko? Masyado ba akong makasarili?
Hindi madali ang pagpapakasal. Hindi siya madaling gawin at kailangan ng paulit-ulit na pag-iisip lalo na kung ang lalaking pakakasalan mo ay walang nararamdaman sa iyo.
Mas kawawa lamang si Grazer kung magpakasal kami dahil loveless ang marriage namin and it will not be in peace.
"Patawarin mo ako, anak," mahinang wika ko at itinuloy ko ang pagsusuklay sa kanya. "Hindi ko maibibigay iyan sa iyo sa ngayon."
Kinuha ko ang hairpin na nasa lamesa at nilagyan ang buhok niya. Tipid ako na ngumiti at mahinang hinaplos ang pisngi ng anak ko.
"Kapag nasa tamang edad ka na, huwag kamg tutulad sa akin, ah? Hindi ko hahayaan na matutulad ka sa akin," ani ko at saka siya niyakap.
Sa higpit ng yakap ko sa anak ko, naalala ko muli si Tiya Mirasol at kung paano niya ako niyakap at tinanggap na parang kanya nang ako ay mag-isa na lang sa buhay. Pumikit ako at saka kinagat ang ibabang labi.
“Mama!” sigaw ko at pilit kong ginising ang aking ina na nakahandusay sa sahig.
Pitong taong gulang ako nang mawala ang Mama ko sa mundong ibabaw. Hindi ko matanggap ang kanyang pagkamatay kaya kahit alam ko na wala na siyang buhay ay pilit ko pa rin siyang ginigising.
“Mama! Huwag mo akong iwan, Ma!” Niyakap ko ang Mama ko.
Hindi ko matanggap. Namatay ang Mama ko dahil may sakit siya sa puso. Wala akong ama at tanging si Mama lang ang pamilya ko. Isa lang akong batang musmos na walang alam sa mundo.
“Honey, wala na ang Mama mo.”
Lumapit sa akin ang babaeng medyo kamukha ni Mama. Hindi ko siya kilala pero nakita ko siya sa araw ng libing ni Mama. Nilapitan niya ako habang ako ay umiiyak. Nang niyakap niya ako ay may kung ano sa akin na gusto siyang yakapin nang mahigpit.
“Mama, wala na si Mama,” iyak ko sabay punas sa luha ko. “Paano na ako ngayon?”
Ini-level niya ang mukha namin at sinapo ang mukha ko.
“Huwag ka nang umiyak. Nandito naman ako. Hindi kita pababayaan,” lumuluha niyang sinabi sabay ngiti sa akin. “Nandito ang Tiya Mirasol mo. Hindi kita iiwan.”
At simula no’n ay sa kaniya na ako nakatira. Walang asawa si Tiya Mirasol at kasambahay ang kanyang trabaho kaya minsan ay dinadala niya ako roon.
“Pabigat lang ang batang iyan, Mirasol. Dadagdag na naman iyan sa gastusin. Bakit hindi mo na lang iyan ibigay sa DSWD?” narinig kong sambit ni Tiya Alona, ang kapatid ni Tiya Mirasol.
Hindi ko pa lubos naintindihan ang kanilang pinag-usapan dahil musmos pa lamang ako pero nang unti-unti na akong lumaki ay unti-unti ko na rin naintindihan ang lahat.
Madalas mag-away sina Tiya Mirasol at Tiya Alona nang dahil sa akin. Ayaw kasi sa akin ni Tiya Alona at gusto niya akong paalisin sa pamamahay ni Tiya Mirasol.
“Kayo na lang kaya ang umalis rito, Alona, tutal ay nakitira lang naman kayo. Kailan niyo ba balak bumukod nang tumahimik na ang bahay ko?” tanong ni Tiya Mirasol at umiling.
Nang hindi na nagsalita si Tiya Alona ay lumapit si Tiya Mirasol sa akin at nginitian ako.
“Huwag kang mag-alala, ang Tiya Mirasol mo ay ang tanging kakampi mo. Hindi kita pababayaan at ilalayo kita sa mga taong mananakit sa iyo…” Hinaplos niya ang buhok ko. “Hindi kita isusuko. Hindi dahil anak ka ng namayapang kapatid ko, kung hindi ay anak na rin ang turing ko sa iyo.”
Nagmulat ako ng tingin at pinunasan ang luha na tumulo sa aking mata. Humiwalay ako sa yakap ng anak ko at pinaharap siya sa akin.
“Mommy…”
“If I want to go back to Australia, will you come with me?” tanong ko.
“Mommy, I am happy—”
“Sasama ka sa akin, hindi ba?” umaasa na tanong ko. “Ibibigay ko sa iyo ang gusto mo. Maglalaan na ako ng oras para sa iyo, anak. Magiging mas mabuti pa akong ina sa iyo.”
“Mommy, why do you want to go back?” biglang tanong ng anak ko at lumayo sa akin. Nagtataka ang kanyang mukha. “Daddy is here. I don’t want to leave him.”
Naibagsak ko ang balikat ko at nawalan ng pag-asa. Tumulo na ang luha sa aking mata at nakita iyon ng anak ko.
“Mommy, why are you crying?” Napasinghap ako nang bigla niya akong niyakap. “I will go with you, Mommy! Please don’t cry.”
Napapikit na lang ako sa bigat ng aking nararamdaman. Sorry anak, masyado akong madamot. Pero maintindihan mo rin ako, anak. Maintindihan mo rin ako kung bakit ko ito ginagawa.
Ayoko lang…ayoko lang na mapunta ka sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top