Kabanata 12
Kabanata 12
"Ano ang pag-uusapan natin?" tanong ko nang makapasok kami.
Binitiwan niya ang kamay ko at saka siya bumuntonghininga.
"Iniwan mo ako kanina."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Huh?"
Binalingan niya ako at napasinghap ako nang marahan niya akong sinandal sa pinto ng kuwarto niya. Inilagay niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng ulo ko at saka mariin na ang kanyang tingin sa akin. Napalunok ako nang mapagtanto ko na kinorner niya ako.
"Iniwan mo ako kanina," ulit niya at tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi ka man lang ba nag-alala sa akin?"
Sobrang lapit na namin sa isa't isa kaya nagdadalawang-isip ako kung magsasalita ba ako o hindi.
"A-Ano ang ibig mong sabihin?" nauutal ko na tanong at nailapat ko ang aking palad sa dibdib niya upang ilayo siya sa akin. "H-Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo."
Naibaba niya ang kanyang tingin sa kamay kong nasa dibdib na niya. Nataranta ako kaya agad kong binaba iyon. Para kasi akong napaso.
He chuckled. "You are still the same, Honey. Hindi ka pa rin talaga nagbabago."
"Puwede ba? Sabihin mo na sa akin kung ano ang sasabihin mo," ani ko at mahina ko siyang itinulak. "Aasikasuhin ko pa ang anak ko."
"Dina will take good care of her, Honey." Hinawakan niya ang kamay ko at ngumisi siya sa akin. "Gusto ko lang makausap ka dahil may lilinawin ako."
"Ano iyon?"
Hinapit niya ang bewang ko kaya namilog ang mata ko at napaigtad pa nang haplusin niya ang pisngi ko. Napaiwas ako ng tingin dahil sa kanyang ginawa at naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko.
"Phoebe is not my girlfriend, Honey."
Napatingin ako sa kanya.
"She is not my girlfriend kaya hindi mo na kailangan magselos."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at hindi makapaniwala siyang tiningnan. "Ano'ng sabi mo? Nagpapatawa ka ba? Ako? Nagseselos?"
Umigting ang panga niya nang matawa ako.
"Iyan lang ba ang sasabihin mo sa akin?" Napailing ako. "Kung iyan lang naman, hindi na natin kailangan magtungo sa kuwarto mo. Lalabas na ako."
Itutulak ko na sana siya ngunit mas hinigpitan niya ang paghapit niya sa bewang ko.
"Greg, ano ba?"
"Gusto ni Mom na pakasalan ko ang babaeng iyon," paliwanag niya. "She will be your replacement as Grazer's mom."
Natigilan ako sa kanyang sinabi at naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Replacement. Oo nga naman, madali lang akong palitan sa lahat ng bagay pero bilang ina ng anak ko, mukhang hindi ko matatanggap iyon.
"Honey–"
Tipid ko siyang nginitian. "O-Okay lang naman sa akin kung magpapakasal kayo at kapag mangyari iyon ay sana payagan mo pa rin akong makita ang anak ko."
At kung hindi, itatakas ko na lang ang anak ko. Hindi ko hahayaan na mamaltratuhin ang anak ko ng magiging asawa niya. Pero sa ngayon, wala pa iyon sa plano ko dahil masaya naman ang anak ko at iyon ang mahalaga.
Binitiwan ako ni Gregory at nagulat ako nang sinapo niya ang noo niya.
"Shit! She's so slow!" sambit niya at nagmura pa.
Nagtaka ako sa kanya. "Huh?"
Ginulo niya ang kanyang buhok at saka nagtungo siya sa drawer niya. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko na may kinuha siya roon. Pagbalik niya sa akin ay dala na niya ang isang envelope.
"I don't want to marry her," sabi niya sabay tingin sa envelope na hawak niya. "I don't want to make the same mistake again."
"Greg."
Nag-angat siya ng tingin sa akin at mabilis na lumapit. Inilahad niya sa akin ang envelope.
"Marry me," seryoso niyang sabi. "Marry me, Honey."
Namilog ang mata ko sa kanyang sinabi at tuluyan nang nagwala ang puso ko.
Marry me? Ano ang ibig niyang sabihin doon?
"Marry me, Honey. Bigyan natin ng kompletong pamilya si Grazer. She deserves it and–"
"Hindi," pagputol ko sa kanya sabay iling sa kanya. Napaatras pa ako. "Kung ano man ang pinaplano mo, hindi ako magpapakasal sa iyo."
Ngumisi siya at inilagay sa kama niya ang envelope. "Walang feelings na mai-involve dito, Honey. Gagawin natin ito dahil iyon ang nararapat. Ayaw mo ba no'n? Magiging mas masaya ang anak natin kapag mangyari iyon."
Sumikip ang dibdib ko. Sasaya ang anak ko? Oo, sasaya ang anak ko kapag mangyari iyon. Pero paano naman ako? Paano ang mga napagdaanan ko sa kamay niya noon at ng pamilya niya? Babaliwalain ko lang iyon dahil lang may anak kami?
I know this is selfish pero ayoko...
Kinuyom ko ang kamao ko at saka matapang siyang tiningnan. "Maintindihan din ng anak natin kung bakit tayo ganito. Wala akong pakialam kung sinong babae ang pakakasalan mo at magiging pangalawang ina ni Grazer, Gregory. Ang mahalaga sa akin ay ang makasama ko pa rin ang anak ko at mailayo siya sa demonyo mong Nanay!"
"Kapag hindi mo gagawin ang gusto ko, hindi mo na makikita ang anak mo," pagbabanta niya.
Automatic na nangilid ang luha sa aking mga mata sa narinig. Nakita ko na natigilan siya nang makita akong papaiyak na.
"H-Honey–"
"G-Ganiyan ka naman!" ani ko sabay punas sa luha ko na tumulo na. "Diyan ka magaling! Sa pagbabanta!"
Napakurap-kurap siya at mukhang natauhan sa sarili niyang kabaliwan. "Honey, I'm sorry–"
"Kaya ka siguro iniwan ni Khadijah noon dahil ganiyan ka!" sabi ko at mas lalo lamang kumuyom ang kamao ko. "Walang babae ang gustong magpakasal sa isang katulad mo. Wala kang kasing sama! Sana hindi na lang kita pinatulan! Nagsisisi ako, Gregory!"
Para akong tinusukan ng karayom sa puso sa sinabi ko. Hindi ako nagsisisi na may Grazer sa buhay ko pero sising-sisi ako na ginawa ko iyon. Sana hindi ko na lang nakilala si Gregory. Sana hindi na lang siya ang ama ng anak ko. Baka mas mapayapa pa ang buhay ko.
Tumalikod na ako at lumabas sa kuwarto niya. Wala na akong pakialam kung ilalayo niya sa akin si Grazer. Lalaban ako at kung mapera lang ako ay matagal na kaming bumalik ng anak ko sa Australia.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top