Kabanata 11
Kabanata 11
"Sobrang sarap po at busog na busog po ako. Maraming salamat po sa inyo!" maligayang sambit ni Dina nang makauwi kami.
Nakahawak ako sa aking tiyan habang pinipigilan ko ang sarili ko na matae. Si Grazer naman ay buhat na buhat ni Gregory. Pagpasok namin sa loob ng condo unit, dumiretso agad ako sa banyo dahil hindi ko na talaga mapigilan. Hindi kasi ako sanay na maraming kinakain kaya hindi na yata nakayanan ng tiyan ko.
Halos twenty minutes yata ang tinagal ko sa banyo dahil sa dami ng inilabas ko. Grabe, pinagpawisan pa ako!
Nang lumabas ako sa banyo ay natigilan ako nang makita ko ang tao na ayaw ko na ulit makita sa buong buhay ko. Si Tita Criza. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang makita ako.
"Tita Criza..." banggit ko sa pangalan niya.
Umangat ang isang kilay niya nang makabawi sa gulat. "Hindi ko in-expect na nandito ka sa pamamahay ng anak ko, Honey."
Inilagay ko sa likod ang mga kamay ko at kinuyom ito. Hanggang ngayon ay narito pa rin sa puso ko ang galit ko sa kanya. Sa likod ng kanyang maamong mukha, isang demonyo ang nagtatago. Hanggang ngayon ay mukhang hindi pa rin yata siya nagbabago.
"Hindi ka naman siguro bulag, Tita Criza," sarkastiko kong sambit na ikinaawang ng labi niya.
Hindi niya siguro inaasahan na sasagot ako ng gano'n. Kilala kasi niya ako bilang isang mahina na walang magawa kundi ang magmakaawa. Pero ilang taon na ang nakalipas. Hindi na ako gano'n.
"Matapang ka na ngayon?" hindi makapaniwala niyang tanong at humalukipkip. "Hindi ko akalain na napikot mo ang anak ko. Nagpabuntis ka ba sa kanya para hanapin ka niya? Ang kapal ng mukha mong umapak dito!"
"Lola!"
Namilog ang mata ko nang makita ko si Grazer na papatungo sa lola niya. Gusto ko siyang lapitan at hilain palayo sa matandang iyan.
"Apo..." Nagbaba ng tingin si Tita Criza at hinaplos ang buhok ng anak ko. "Mabuti naman at halos kuha mo ang itsura ng Daddy mo. Hindi ko matanggap kapag maging kamukha mo ang salot mong ina."
"Salot?" inosenteng tanong ng anak ko at binalingan ako. "Mommy, what's salot?"
Mas lalo lamang kumuyom ang kamao ko. Hindi ko talaga makita ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw niya sa akin pero alam ko na noon pa man ay pilit na niya kaming pinaglayo ni Gregory kahit noong mga bata pa kami.
Magsasalita na sana si Tita Criza nang lumabas si Gregory mula sa kanyang kuwarto at natigilan nang makita ang Mommy niya. Nabitiwan niya ang pinto at lumapit sa Mommy niya na nasa sala.
"Mom, how–what are you doing here?"
"I have my ways, my dear son. At kaya naman pala hindi kita mahagilap dahil may binabahay ka na pala rito na isang salot," wika ni Tita Criza at nagbaba muli ng tingin kay Grazer. "Apo, punta ka muna sa yaya mo dahil mag-uusap kaming tatlo."
"Okay, Lola!"
Agad na tumakbo si Grazer kay Dina na ngayon ay na-tense na rin sa nangyari. Alam ni Dina ang sitwasyon kaya nilayo niya muna ang anak ko sa amin.
"Mom–"
"What is the meaning of this, Gregory?" tanong ni Tita Criza sabay tingin sa akin. "Hindi ko akalain na makikita ko ang babaeng ito kasama mo. Matatanggap ko pa kung ang apo ko lang, pero pati ba naman siya? Gregory, kilala kita. Alam ko na hindi ka ganito–"
"Shut up, Mom. If you have nothing to say, leave or I will drag you outside," seryosong sambit ni Gregory na parehong nagpagulat sa amin ni Tita Criza.
Nanlaki ang mga mata ni Tita Criza at hindi makapaniwalang tiningnan ang kanyang anak na may madilim na aura.
"What the hell, son? Paalisin mo ang sarili mong ina sa pamamahay mo?" Tumaas ang boses niya at galit ako na tinuro. "How could a low class like you–"
"Hindi ko gustong marinig ang pang-iinsulto mo kay Honey, Mom," ani Gregory at lumapit siya sa akin at hinarang ang sarili sa Mommy niyang galit na galit na. "Maririnig ka ng anak ko. Ayaw kong lumaki ang anak ko na ganito kagulo ang pamilya niya. If you have nothing good to say, kindly leave. Hindi kita pinapunta rito kaya bakit ka nandito?"
Nasa likuran na ako ngayon ni Gregory at kahit nasa likod na ako, ramdam ko pa rin ang tensyon. Ramdam ko ang inis ni Tita Criza.
"I am here because Phoebe is looking for you! Nakita ka raw niya kanina sa mall at bigla mo na lang siyang iniwan. Nasa bahay siya nag-stay ngayon. She wants to meet you and yet, madadatnan ko na lang na nandito ka kasama ang babaeng iyan? Isang low class?"
Pinigilan ko ang sarili ko na magsalita. Kahit papaano, may kaunting respeto pa rin naman ako sa kanya. Pero bilang isang ina, ayaw ko na ma-involve sa buhay nila ang anak ko dahil sa ganitong mga ugali.
I want to live with my daughter peacefully. Ayaw ko na mapalibutan siya ng mga ganitong pag-uugali kasi nakakasira ng bait. Kumuyom ang kamao ko.
"Bakit niyo naman po nasabi na low class ako?"
Hindi ko mapigilan na itanong iyon. Narinig ko pa ang pagsinghap ni Gregory at gulat akong nilingon.
"Kung tungkol naman sa estado sa buhay, totoo ang sinabi mo na low class ako, Tita Criza," wika ko. "Pero kung pag-uugali ang pag-uusapan, obvious naman na ang sarili mo ang inilalarawan mo sa pagiging low class."
Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.
"You–"
"Hindi ko alam kung bakit kayo galit na galit sa akin. Hindi ko alam kung bakit galit kayo sa Tiya ko na wala namang ginawa sa inyo noon pa man. At alam natin pareho na wala na akong ibang ginawa sa iyo bukod sa malapit ko na pagkalbo sa buhok mo noon. Kaya bakit ka galit sa akin?"
Tumawa siya na parang demonyo nang makabawi. "Tinatanong pa ba iyan, Honey? Dahil mga peste kayo! Dikit na dikit ka kay Gregory! Isa kang malanding babae at magkatulad kayo ng Tiya mo! Tingin mo ba ay hindi ko alam? Ginagamit mo ang mukha mo sa ibang bansa upang magkapera. Ang mga kagaya mo ay hindi dapat nirerespeto!"
Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga kasinungalingang iyan pero isa akong ordinaryo na waitress sa Australia. Ha! Wala talagang bahid na kabutihan ang katawan niya bukod lang sa maamo niyang mukha. Kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig. Bukod doon, matapobre pa!
"Mom, ayaw mo naman na ako na mismo ang hihila sa iyo sa labas, right?"
Nagtungo si Gregory sa pinto palabas at binuksan ito. Tiningnan niya si Tita Criza na ngayon ay gulat na naman sa ginawa ng anak niya.
"Go home, Mom. Lumayo ka sa akin at huwag mo na akong pakialaman sa buhay ko. Kung gusto mo pa akong makita at may tuturing pa rin sa iyo na ina, umalis ka na rito bago ako mapuno," malamig na sambit ni Gregory sa Mommy niya.
Hindi ko akalain na kaya niyang ganituin ang Mommy niya sa harapan ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa pero ramdam na ramdam ko ang tensyon. Nakita ko na nasaktan si Tita Criza sa sinabi ng anak niya.
"I can't believe you, Gregory! Pinikit ka ng babaeng iyan! Siya dapat ang umalis dito, hindi ako! Ako ang naglabas sa iyo sa mundong ito! Eotteohge nahante ileol suga ileol suga iss-eo!?" galit na sambit ni Tita Criza at padabog na lumabas sa condo unit.
Napatalon ako sa gulat nang padabog na sinara ni Gregory ang pinto at naglakad patungo sa akin. Magsasalita na sana ako ngunit hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila patungo sa kuwarto niya.
"G-Greg..."
Binalingan niya ako. "Let's talk."
Binuksan niya ang pinto ng kanyang kuwarto at hinila ako papasok sa loob.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top