Kabanata 10
Kabanata 10
Ilang beses akong napalunok dahil nakahawak ang kamay ni Gregory sa kamay ko. Kasalukuyan niya akong hinihila patungo sa hindi masyadong crowded na place sa mall para makapag-usap kami nang maayos. Ngunit bago pa man kami makarating doon, narinig ko na may tumawag sa pangalan ni Greg.
Agad kong tinanggal ang kamay ko mula sa pagkahawak niya at umatras nang makita ko ang isang magandang babae. Maikli ang kanyang straight na buhok at mapula ang kanyang labi.
Siya ba si Phoebe?
Napaatras lalo ako nang lumapit ang babae kay Gregory at saka yumakap sa kanya nang mahigpit. Napaiwas tuloy ako ng tingin at saka mas lalong umatras. Sa hindi malamang dahilan, sumikip ang dibdib ko. Siguro sa susunod na lamang kami mag-uusap.
Without Gregory knowing, umalis na lamang ako at saka hinanap na lamang si Grazer. Ayoko rin makita ng anak ko na may kasamang iba si Gregory tapos magkayakap dahil magtatanong talaga ang anak ko.
Nang makita ko si Grazer na nakatingala sa isang statue ng Jollibee kasama si Dina ay napangiti ako. Akmang tutungo na sana ako sa kanila nang bigla akong hinarangan ng isang babae. Napaatras ako sa gulat.
"Hello! Ang ganda mo!" puri ng babae sa akin sabay pasada ng tingin.
Ilang akong napatingin sa kanya at sa aking sarili. Suot ko ngayon ay isang simpleng plain white T-shirt at ripped jeans. Nakatali rin ang mahabang buhok ko.
"S-Salamat pero excuse me kasi–"
"May interest ka ba sa pagmomodelo?" tanong niya sabay hakbang palapit sa akin. Malaki na ang kanyang ngiti. "Alam mo kasi, naghahanap kami sa mga public places ng mga magagandang dalaga at–"
"May anak na po ako," pagputol ko sa kanya at nginitian siya. "Wala po akong interes sa ganiyan pero maraming salamat po sa opportunity."
Nakita ko na dismayado siya sa sinabi ko ngunit binigyan niya pa rin ako ng calling card.
"Kung magbago ang isip mo, puwede mo akong tawagan," aniya at saka inayos ang kanyang dala na bag. "Hindi naman hindrance ang pagkakaroon ng anak sa kompanya namin kaya kung interesado ka, tawagan mo lang ako sa number na iyan."
Binaba ko ang tingin ko sa hawak ko na calling card at mahinang binasa ang nakasulat nang umalis na ang babae. Nalaman ko na nagtatrabaho siya sa Gsanche Corporation. Sa pagkakaalam ko, ito ang kompanya na nagpo-produce ng mga sabon na palaging binibida ni Jerah sa akin dati.
Bumuntonghininga ako at saka ibinulsa na ang calling card. Nilapitan ko na ang anak ko na ngayon ay kaharap naman ang isang clown na may balloon sa kamay.
"Dina!" tawag ko.
Agad akong binalingan ni Dina. "Ma'am! Nasaan po si Sir?"
"Mommy! Where's daddy?" nagtatakang tanong ni Grazer habang hawak ang balloon na tingin ko ay bigay ng clown. "Mommy! Jollibee!"
Nilingon ko ang puwesto kanina ni Greg at napanguso ako nang makita na wala na sila roon. Hinarap ko si Grazer at saka tipid siyang nginitian.
"Anak..." Hinaplos ko ang kanyang buhok. "May nilalakad pa kasi ang daddy mo. Puwedeng tayo muna ang kakain? Tayong tatlo ni Dina."
Akala ko ay malulungkot ang anak ko o hindi kaya ay sisimangot pero nagulat ako nang mabilis siyang tumango at hinawakan ang kamay ko.
"Let's go, Mommy! I want to meet Jollibee and I want to tell him that his fried chicken is so delicious!" excited na sambit ni Grazer at hinila na ako papasok sa loob ng Jollibee restaurant.
"Yeahy! Jollibee!" ani Grazer pagpasok namin sa loob at binitiwan ang kamay ko.
Napasinghap ako nang tumakbo si Grazer patungo sa Jollibee mascot at niyakap niya ito.
"Grazer!" tawag ko at lumapit sa kanya.
"Mommy, he is real! He can walk!" maligayang sambit ni Grazer matapos mayakap ang Jollibe sabay angat ng tingin sa mascot. "Hey, I want to say thank you for cooking a good fried chicken!"
Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang sarili sa pagtawa. Saglit kong nakalimutan ang kanina dahil naaliw ako sa anak ko. Natatawa kong hinawakan ang maliit niyang kamay at inilayo na siya sa Jollibee mascot para makahanap ng upuan.
"Dina, dalhin mo si Grazer sa may vacant seat. O-order lang ako," sabi ko sa kanya at nginuso ang walang bakanteng lamesa at upuan na malapit sa glass wall.
Tumango si Dina at saka dinala na ang anak ko roon. Pipila na sana ako sa may counter nang mahagip ng paningin ko si Gregory na masama na ang tingin sa akin.
"Ah, n-nandito k-ka na pala." Napalunok ako nang lumapit siya sa akin. "P-Pasensya na at hindi kita nahintay. Nagugutom na kasi ako."
Nanatili lamang ang kanyang masamang tingin sa akin bago siya pumila. Wala akong magawa kundi ang umatras at puntahan na lang ang puwesto nina Dina at Grazer.
Tapos na ba silang mag-usap ng girlfriend niya? Siguro kasi nakabalik siya agad.
"Mommy, where is the chicken?" hindi makapaghintay na tanong ng anak ko. "I'm hungry."
Umupo ako sa tabi niya at saka hinalikan siya sa pisngi.
"Ang daddy mo ang pumila," tipid ko na sagot at binalingan si Dina. "Nakapunta ka na ba rito?"
Hindi ko maiwasan ang magtanong dahil panay ang tingin niya sa paligid. Nilingon niya ako at hiya na umiling.
"Hindi pa po. H-Hindi naman ako mayaman, Ma'am!" nahihiyang sagot ni Dina sa akin at nagbaba pa ng tingin. "At saka 'yong nanay ko po ay nagtatrabaho bilang maid sa Mommy ni Sir Gregory."
Napaayos ako ng upo. "Ilang taon ka na ba?"
"Twenty po."
Napatango-tango ako at saka napabuntonghininga. Medyo malayo pala ang edad namin. Akala ko ay magkalapit lang. Naalala ko kasi ang sarili ko sa kanya noon.
"Here is our order."
Napatingin ako kay Gregory na ngayon ay nilalapag na ang tray sa lamesa namin at sa gilid niya ay isang staff ng Jollibee na may dala ring tray.
"Yeahy!" maligayang sambit ng anak ko at saka pumalakpak. Binigyan kasi siya ng laruan na kasama yata sa in-order. "Mommy, I am really happy!"
Napatingin ako sa kanya at nginitian siya. "Masaya ako para sa iyo, anak."
Nang matapos mailagay ng staff ang mga pagkain na nasa tray ay umalis na ito para asikasuhin ang ibang orders. Namangha naman ako sa mga pagkain na nasa lamesa namin dahil bukod sa marami, masasarap pa.
"Daddy, I want chicken joy! Mommy loves french fries!" madaldal na sambit ni Grazer at tinuro pa ang mga binanggit niya.
Napatingin ako kay Gregory na ngayon ay nakatingin na sa akin. Nakaupo siya sa tapat ko, katabi niya si Dina na gaya ko kanina ay manghang-mangha sa pagkaing nasa lamesa.
Iniwas ko ang tingin ko kay Gregory at nilapagan ng pagkain ang lamesa ni Dina dahil ramdam ko ang hiya niya.
"Kumain ka, Dina. Magpakabusog ka," sabi ko sa kanya sabay ngiti. Kinuha ko rin ang ice tea at inilapag sa lamesa niya. "Ayan din. Kumuha ka lang."
"S-Salamat po," ani Dina.
"Kumain ka rin," ani Greg at inilipat naman sa lamesa ko ang kalahating in-order niya. "Hindi tayo uuwi hangga't hindi mo iyan mauubos."
Nalaglag ang panga ko dahil sa kanyang ginawa. Nasa harapan ko na ang french fries, burger, spaghetti, at iba pa. Hindi naman ako magmumukbang. Bakit ang dami naman?
"Daddy, my mom doesn't eat a lot. Kaunti lang po ang ini-eat niya when she go to work. Aunt Jerah always told me to remind my mommy to eat," ani Grazer habang kumakagat na ng manok.
Napakadaldal talaga nitong anak ko. Hindi naman niya kailangang ikuwento kay Gregory ang mga bagay tungkol sa akin dahil wala naman siyang pakialam.
Tumikhim ako at saka nagsimula nang kumain. Kapag hindi ko maubos, iti-take out ko na lang.
***
"Hindi ko na maubos. Take out na lang natin ito."
Nakangiwi si Gregory sa akin habang nakatingin sa akin. Puno pa kasi ang bibig ko habang nagsasalita. Masakit pa ang tiyan ko dahil busog na talaga ako.
"No, you should eat more. Look at yourself, ang payat mo na," malamig niyang sabi at mahinang itinulak ang isang pinggan ng spaghetti sa lamesa ko.
Umiling ako at binaba na ang burger na hawak ko. Nilunok ko rin ang natira sa bibig ko. "H-Hindi ko na nga maubos, eh, at isa pa, hindi naman ito healthy foods, Gregory."
Nagulat ako nang bigla siyang humilig papalapit sa akin at inangat niya ang kanyang kamay hanggang sa makarating ito sa gilid ng labi ko. Saglit na huminto ang paghinga ko dahil sa kanyang ginawa.
"May ketchup ang labi mo," aniya at lumayo na sa akin pagkatapos.
Uminit ang pisngi ko sa hiya at agad kinuha ang tissue na nasa lamesa upang punasan ang kalat sa gilid ng labi ko. Tumikhim ako at nagpatuloy na lamang sa pagkain.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top