Kabanata 1
Kabanata 1
Nagising ako nang maramdaman ko ang ilaw na tumapat sa aking mga mata. Sobrang sakit ng ulo at katawan ko. Nang malinaw na ang paningin ko ay agad akong bumangon sa kama.
"Honey, you're awake!" sambit ni Jerah nang makita akong gising at alala na lumapit sa akin. Nilingon niya ang kanyang nobyo na kasalukuyang nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng newspaper. "Haze, call the doctor. Gising na siya!"
Hindi ako nakapagsalita at bumalik sa isipan ko ang nangyari. Ngayon ko muli napagtanto na wala na pala sa akin ang anak ko. Kinuha na siya ni Gregory sa akin. Sigurado ako na umiiyak na iyon lalo na't mailap iyon sa mga tao.
Sinapo ko ang noo ko at nanubig ang aking mga mata. Sumikip ang dibdib ko kaya napayuko ako. Na-realize ko na hindi ako naging mabuting ina sa kanya. Hindi ko man lang siya nagawang ipaglaban kay Gregory.
"Doc, how is she? Is she okay?" sunod-sunod na tanong ni Jerah nang dumating na ang doctor kasama ang nurse.
Tumango ang doctor. "You don't need to worry about her because she's okay. The patient only needs to rest and eat plenty of healthy foods."
"Thank you, doc."
Nang umalis na ang doctor at ang nurse ay agad akong nilapitan ni Jerah. Si Jerah ay isang pinay na nakikipagsapalaran dito sa Australia. Si Haze ay ang kasintahan niya at pareho sila ng trabaho–chef. Kapitbahay ko silang dalawa kaya hind na ako nagtaka na sila ang nagdala sa akin sa ospital.
"Ano ang nangyari? Nasaan si Grazer?" tanong ni Jerah.
Binaba ko ang tingin ko at ibinaon ang mukha sa aking palad. Nagsimula nang tumulo ang luha kasabay ng pagsikip lalo ng dibdib ko.
"H-Honey..."
Tiningnan ko siya. "I...I let him take her away from me. H-Hinayaan ko ang anak ko na makuha siya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayong wala na siya sa piling ko. Hindi ko rin alam kung makukuha ko ba siya pabalik dahil imposible iyon. Wala akong kakayahan na..."
Napapikit ako at napahagulhol nang niyakap ako ni Jerah. Hinaplos niya ang buhok ko at tinapik ang likod ko.
"Tama na, Honey. Huwag kang sumuko. Makukuha mo rin ang anak mo."
Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi ko at tumango. Tama siya, hindi dapat ako susuko. Siguro mag-iipon muna ako ng pera para makauwi ako ng Pilipinas. Natatakot akong bumalik doon ngunit kailangan dahil naroon ang anak ko.
***
Isang araw lang ang naging stay ko sa ospital dahil maayos na ang kalagayan ko. Hindi na ako mag-aaksaya ng panahon. Magtatrabaho ako upang makapag-ipon ng pera para makauwi sa Pilipinas. Kukunin ko ang anak ko at babalik kami dito.
"Papasok ka pa rin ba kahit ganiyan ang kalagayan mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Jerah habang sinusundan ako palabas ng condominium. "Puwede ka naman magpahinga muna ng isang linggo!"
Huminto ako sa paglalakad at nilingon ang kaibigan ko. "Okay na ako at kaya ko ang sarili ko."
At saka ako nagpatuloy sa paglalakad para pumasok na sa trabaho ko.
Hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo dahil nabuntis ako pero hindi ko hinayaan ang sarili ko na mabulok. Alam ko na karma na ito sa mga ginawa ko dati ngunit ginawa ko na lang inspirasyon para magpatuloy sa buhay.
Ngayong wala na ang anak ko sa tabi ko, ano na ang mangyayari sa akin?
***
"Are you okay?" tanong sa akin ni Ma'am Rowella sabay silip sa akin. "You look tired!"
"I am fine, Ma'am," sabi ko sa kanya at nginitian siya. "Don't worry about me."
Tinanguan niya ako bago ako iniwan na mag-isa sa locker room. Binuksan ko ang locker room upang kunin ang extra na uniform pero natigilan ako nang makita ko si Chanel na tulalang nakatitig sa kanyang locker.
Si Chanel ay isang pinay na nakipagsapalaran para sa pamilya niya. Siya ang isa sa mga nakakausap ko rito palagi at palagi niyang binabanggit kung gaano niya nami-miss ang kanyang pamilya lalong-lalo na ang kanyang nobyo na naiwan sa Pilipinas.
Ang sabi nila, maswerte na raw ang isang tao kapag nakatungtong ng Australia. Mahirap daw kasing pasukan ang bansa. Sa case ko, hindi ako naghirap dahil bunga ito ng pagtulong ko kay Brent. Ito ang naging kapalit sa pagtigil ko sa kasal nila, ang manirahan dito sa Australia at magkaroon ng sariling condo unit.
"Honey."
Binalingan ko si Chanel nang tinawag niya ako.
"Bakit?"
Tiningnan niya ako. "Balak ko nang umuwi sa Pilipinas kasi miss na miss ko na ang pamilya ko."
Mapait ako na napangiti sa kanya. Mabuti pa siya at may pamilya pa rin na naghihintay sa kanya. Ako kasi, wala na akong magulang at kinamumuhian pa ako ng mga kamag-anak ko. Tanging si Tiya Mirasol lang ang naging mabuti sa akin ngunit maaga rin siyang kinuha.
Siya ang dahilan kung bakit ko nagawang patulan si Gregory at hinayaan ko siya na gamitin ako nang paulit-ulit. Hinayaan ko ang sarili ko na maging parausan niya kapalit ng kalayaan ni Tiya Mirasol na pinagbintangan ng Mommy ni Gregory na nagnakaw ng alahas sa bahay nila.
"Good for you," tipid kong sambit at sinarado na ang locker.
Matapos kong magbihis ay lumabas na ako sa locker room at nagtungo na sa counter.
Isa akong waitress sa isang local bar dito sa Australia. Matagal na ako rito kaya sanay na sanay na ako sa mga customers na may malagkit na tingin. Iba man sa pakiramdam ngunit tiniis ko dahil lahat ng ito ay para sa anak ko.
Alam ko na maibigay ni Gregory ang lahat para sa anak ko pero kahit ano pa man iyan, kukunin ko ang anak ko. Hindi ko hahayaan na mapunta ang anak ko sa pamilya nila. Natatakot ako para sa kanya dahil baka hindi siya tatanggapin ng mga magulang ni Gregory at baka pagmalupitan pa.
Humigpit ang hawak ko sa tray na dala ko at huminga nang malalim.
"Huwag kang mag-alala, anak, kukunin kita mula sa kanya. Wait for me, baby..." bulong ko sa sarili ko bago nagtungo sa table kung saan ilalapag ko ang tray na may mga alak.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top