Chapter 7: Indecisive


Everyone wants to talk to Mama now. As if may magagawa ang pagkausap nila sa kanya. Habang tumatagal, hindi ko na nagugustuhan ang mga katwiran nila na kakausapin nila si Mama, kasi hindi naman tanga ang mama ko para hindi niya malamang mali ang ginagawa niya.

Si Tita Shin, ni hindi man lang nag-offer na patuluyin muna ako sa resto! E, ang dami namang kuwarto roon na puwedeng tuluyan!

"Under renovation ba yung resto ni Tita Shin?" tanong ko agad kay Coco na kanina pa tahimik mula nang bumiyahe kami pauwi.

"I'm not sure. Parang hindi naman yata. Walang nababanggit si Tito Clark."

Kung hindi under renovation, then puwede akong tumuloy roon.

Nag-text agad ako para magtanong kung may extra room doon na puwedeng tuluyan.

Me: Tita Shin. May spare room ba sa resto ngayon?

Gusto ko sanang tawagan si Cali, pero naririnig ko pa lang sa call ang iyak ni Chewy at sigaw ni Chanak na gustong makipaglaro, ako na ang nasi-stress para sa kanya. Nai-imagine ko na kung puwede lang niyang hatiin sa lima ang katawan niya, baka ginawa na niya.

Ninong Vin: Nagluluto tita mo. Wala raw spare room sa resto, puno ngayon.

Tsk! Kung hindi lang kami magkaaway ngayon ni Mama, for sure, sobrang daming spare room sa butterfly garden o kaya sa hotel sa Laguna para tirhan. Even sa manggahan sa farm, sure na libre ang tree house doon o kaya sa greenhouse.

Pagbalik namin sa condo ni Coco, sinusubukan ko nang ilista ang lahat ng dapat kong gawin habang nandito ako sa Pilipinas at kinakaaway si Mama. Naki-charge pa ako kay Coco para sa laptop kong low battery na. I'm thankful na may outlet siya kahit nasa gitna ng sala, doon mismo sa ibaba ng center table. Hindi ko na kailangang sumiksik sa sulok para lang sa saksakan.

Hindi naman na bago sa pandinig na awayin na naming lahat ang tito at ninong namin, huwag lang ang mga tita at ninang dahil siguradong walang sasanto sa amin kapag sila na ang kumilos.

Aside kay Tita Shin, kay Mama kami ilang beses na binigyan ng warning. Magkulit na raw kami kay Ninang Ky o kay Tita Sab, basta huwag kina Tita Shin at Mama.

Close naman kami dati ni Mama. Nagkagalit lang kami kasi pinipilit niyang ipakasal ako sa anak ni Tita Jae.

It wasn't that I hated Coco; I just didn't see us both in a situation na bubuo ng family nang ganoong . . . I dunno. I was 24 and he was 22 going 23 at that year. I mean—hindi ko talaga makita na magiging mag-asawa kami nang ganoong age. Tapos ang mindset pa ni Coco dati, parang school project lang ang pakasalan ako.

Ayoko n'on. Hindi ko makita ang sarili kong papasok sa ganoong situation na para lang kaming naglalaro ng bahay-bahayan.

But still, there were bittersweet memories that came from it. Maybe because that canceled wedding changed a lot from us. There were several bridges that burnt that instant when it breached our bounds. And there were pains attached to it when I started burning bridges.

Honestly, I could feel Coco's coldness and a bit of his warm welcome at the same time. Hindi ko alam kung saang estado siya ngayon pumupuwesto para lang samahan ako sa problema ko ngayon—kung bilang kababata ba, bilang dating kaibigan, bilang parte ng pamilya, o bilang nakakaawa lang talaga ang sitwasyon ko ngayon. Hindi ko na rin masabi kung saan doon maliban sa katotohanang hindi siya pinalaki nina Tita Jae para tratuhin akong iba kahit aminado akong may mali akong ginawa sa kanya dati.

"Five days lang ang filed leave ko at wala ka sa schedule . . ."

Busy ako sa pag-aayos ng mga document ko nang sumulyap ako kay Coco. Para akong naestatwa sa puwesto ko sa sofa at mata lang ang iginagalaw nang makitang bagong ligo siya at walang ibang suot kundi towel lang na nakabalot sa lower part ng katawan niya. Those eight years absolutely changed the hell out of him.

"Wala ka sa plan ng kahit sino ngayon, so I'm hoping you don't take it against us kung hindi ka namin maaasikaso. You know this family. Secretaries exist for a reason."

Coco was just drying his hair using another black towel and starting his subtle apology for a parched accommodation, but fuck! I barely remembered him having this I-owned-this-hell-babe vibe, and I'm not liking it.

I knew Coco had a deep, sultry voice, and I grew up hearing him use that annoying voice to imitate the laugh of the devil with Cali doing the ghost murmurs. Sobrang annoying nilang dalawa kapag nang-iinis, but he, with that voice right now, has all the rights to throw me out of his window if I don't shut my mouth—kahit na wala pa naman akong sinasabi at all.

He was in his kitchen, taking a clear drinking glass and pouring water into it.

"In case no one told you, I'm working on my own firm right now. Partner kami ni Audree dati, unfortunately, nag-start na ng dissolution and liquidation five months ago before she died. And since she's gone, automatically, dissolved na ang firm namin ngayon. Waiting na lang ako ng update ng accountants to start another firm, and that means busy ako starting tomorrow."

And that means . . . ?

Aside sa busy siya? Ibig sabihin ba n'on, mag-isa lang talaga ako ngayon?

I was waiting for a follow-up . . . and watching him gulp the water he was drinking.

Watching him drink should be a crime, especially when it delivers you to evil just by looking at his Adam's apple move.

"Did I hurt you that bad?" I nonchalantly asked him.

I would have died by now if hurting him allowed him to be this fucking hot. If sexy is a drop of water, then he was literally dripping from it right now.

Huminto siya sa pag-inom at naiwan ang bibig ng baso sa tapat ng labi niya habang bahagyang nakatingala at mata lang ang iginalaw para lang tingnan ako.

"What do you mean by that?" may pagtatakang tanong niya, at ayun na naman ang boses niyang malalim.

"You're not Coco, dude. You should be annoying. I'm not gonna rate you a 10."

"Hindi ko naman sinasabing i-rate mo 'ko. Umiinom lang ako rito." He just rolled his eyes and finished the remaining water on the glass.

I knew he was annoying, but not this kind.

"The bathroom's free. I'll take the couch," he said. "Sabi ni Cali, natutulog ka lang daw sa sahig ng dorm. Better than sleeping in the barn, I guess. Sanay ka namang natutulog kasama ng mga ipis. Anyway, the bed's yours. For now."

"Are you insulting me?" I asked, annoyed.

"I have a better insult than that, but I chose not to drop it. Mabait pa rin naman ako."

"Fuck off, dude."

I immediately closed all the tabs on my laptop, and one second later, he's gone in the kitchen.

Sinusubukan kong i-recall sa utak ko ang Coco na kilala ko eight years ago, pero grabe talaga. Parang si Cali lang ang hindi nag-evolve maliban sa nagkalat lang ng lahi niya.

A few minutes later, lumabas siya galing sa isa pang pinto na malapit sa kitchen, may dala nang comforter at dalawang malalaking unan. Nakabihis na rin siya ng gray T-shirt at cotton shorts.

"Puwede akong matulog dito sa couch," sabi ko.

Saglit siyang huminto at tinitigan ako. Ilang saglit pa, nagkibit-balikat siya. "Okay." Saka niya ibinagsak sa tabi ko ang mga dala niyang unan at comforter bago ako iniwan doon.

"Okay?" di-makapaniwalang sabi ko. Napanganga na lang ako habang pinanonood siyang pumunta sa home office niya sa ilalim ng loft at mag-ayos ng mga gamit doon. "Hindi mo man lang ba io-offer yung kama mo?"

"In-offer ko na sa 'yo."

"Hindi mo man lang ba io-offer ulit?"

"Ram, don't mindfuck me with your uncertainties. If it's a no, it's a no. Let's settle with that. We're not kids anymore. Wala akong time para pahulain ng laman ng utak mo ngayon."

"Did I hurt you that badly?" I asked again with a sure meaning of it.

He turned around and cast a bored glance at me. "You don't possess that kind of power to hurt me like you perceived it. Let's say that I loved you enough to set you free. Kung masaktan man ako, sarili ko lang ang mananakit sa akin, hindi ikaw." Itinuro niya ang itaas at matipid akong nginitian. "I'll offer my bed one last time and another refusal from you; the floor is wide. Just find your spot."



♥♥♥

Telegram update status: COMPLETED

PROLOGUE
40 CHAPTERS
EPILOGUE
3 SPECIAL CHAPTERS

Join po kayo sa t.me/TambayanNiLena sa Telegram kung nais ng spoilers. Pero kung ayaw n'yong ma-spoil, don't join para hindi kayo magreklamo na puro ako spoiler doon, hahaha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top