Chapter 6: Annoyed
"Ram, kung ayaw pa rin, huwag mo nang pilitin."
Kusa nang dumapo ang masamang tingin ko kay Connor habang nakabantay siya sa gilid ng ATM. He was crossing his arms and waiting for me to finish. Limang card na ang sinusubukan kong gamitin para makapag-withdraw pero declined lahat.
Itinuro niya ng ulo ang likuran ko. Paglingon ko, ang haba na ng pila.
"Come on, Ram. We're wasting our time here." Nang kunin niya ang braso ko at ilayo na sa ATM, wala na akong nagawa kundi magpatangay sa kanya sa sobrang panghihina.
"Ang tanga ko para hindi agad isalin ang lahat ng pera ko from that family account!" pagdabog ko nang huminto kami sa activity area sa labas ng mall. "Gano'n ba talaga kahirap i-admit na siya ang mali? Na instead na mag-sorry siya for putting me in a situation I didn't want, ganito pa talaga ang gagawin niya?"
I was walking back and forth, and Coco was just sitting there on the wooden bench and watching me frustrate myself for not having enough money to support myself right now.
"Bakit mo ba kasi ako dinala doon, ha?" sermon ko rin sa kanya. "Nananahimik ako sa coffee shop, doon mo pa talaga ako dinala? What for?"
He didn't answer. He just placed his palms on the bench's edge and stared at me with his bored eyes.
"Nananadya ka ba?" sabi ko pa.
"May point din naman kasi si Tita Mel," sagot niya, parang nagpipigil pa ng inis. "Dree is a family, alright? They're mourning too. Six pa lang ng umaga, nasa chapel na sila. I told them na maghintay na lang sila ro'n sa restaurant kasi gusto kong family lang nina Dree ang nandoon at ayokong may press. You didn't ask for Cali to pick you up. No one's expecting you'd be back home this soon. Ni hindi ka nagpasabing uuwi ka. Hindi mo puwedeng asahang matuwa sina Tita na nakauwi ka na kung kailan may patay, tapos girlfriend ko pa. Ano ka ba, Ram? Wala namang sinasabi sina Tita sa 'yo, nag-assume ka agad nang wala sa lugar."
Nag-iwas agad ako ng tingin. Every one was fucking quiet! Ano'ng gusto nilang isipin ko?
"Ayaw lang maging insensitive ni Tita Mel. I hope you understand that."
"So, kinakampihan mo si Mama?"
"Hindi 'yon sa hindi kita kinakampihan at kampi ako sa mama mo. She's just being fair with the situation. Kamamatay lang ni Dree, at girlfriend ko 'yon. Para sa kanila, hindi call for a celebration ang pag-uwi mo sa ganitong situation. Maging fair ka rin naman kay Tita Mel kasi wala ka rin namang narinig sa kanya for the past eight years pagkatapos mo 'kong iwan sa kasal nating dalawa."
Umiwas na ako nang tuluyan sa kanya. Naghanap na lang ako ng puwestong malayo nang kaunti roon sa bench. Lumipat ako sa sementadong bakod ng puno na display sa mall para doon pag-isipan ang lahat ng ginawa ko.
I've been carrying that burden—the guilt of abandoning everyone—for the past eight years. Being a wayward child from the Lauchengco family put a distinct strain on my shoulders. Every road was more difficult than the others. The more I strayed away from home, the harder it was to go back.
Wrong move ang bumalik sa Manila. It felt like a strange town to me. It was more of a place I used to know, bearing memories I now want to forget so I don't have to remember the pain of happiness it once gave me.
Hindi nag-attempt si Coco na lapitan ako kahit ilang minuto na ang lumilipas. Kung dati siguro, malamang na kanina pa niya ako sinuyo o kanina pa siya nagpapansin. Pero . . . ganoon na nga siguro ako katagal na nawala.
In the back of my mind, I was expecting him to console me and tell me that it was my mother's fault. But things were different today.
Accountable naman ako sa pag-iwan ko sa kanya. That was my fault. Hindi ko naman siguro dadalhin ang guilt ko nang walong taon kung hindi ko sinisisi ang sarili ko dahil umalis ako nang walang pasabi sa kanilang lahat—maliban sa kanya.
Kung hindi sinabi ni Coco sa akin na kung ayaw ko, huwag akong tumuloy, malamang na kasal na kami ngayon. Hindi ko naman siya sinisisi kung binigyan niya 'ko ng choice na humindi. Nagpapasalamat pa nga ako kasi kahit iba ang opiniyon ng lahat ng nakapaligid sa amin, opiniyon ko pa rin ang inuna niyang isipin.
Siguro nga, may karapatang magalit si Mama dahil hindi ako sumipot sa kasal namin ni Coco. Pinaghandaan niya 'yon, e. Pero sana, akuin din ni Mama ang fault niya na pinipilit niya akong gawin ang hindi ko gusto, dinamay pa niya si Coco.
Kulang-kulang fifteen minutes akong tumambay roon sa puwesto ko. Akala ko, ganoon lang ako at mag-isa hanggang maubos ang oras pero nagtaas ako ng tingin nang may tumayong lalaki sa harapan ko. Pag-angat ko ng tingin, nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napatayo.
"Kuya Eugene!"
"Aw, you're back. At last. Welcome home, Ram."
"Kuya . . ." Pagkayap sa akin ni Kuya Eugene, gusto ko na lang umiyak sa kanya at magsumbong kasi inaaway ako nina Mama.
"You definitely surprised us, hahaha!" He was patting my head, and I really missed his hug—a lot. It was one of those comforting hugs I'd had for the past eight years. His hug could make it to second place among my favorites.
Sa lahat ng nakita at nakasama ko mula nang umuwi ako, si Kuya Eugene pa lang ang nagwe-welcome sa akin na sigurado akong masaya siyang nakabalik ako.
"You look . . . tired," puna niya paglayo sa akin. Sinuklay-suklay pa niya ang buhok kong nagulo nang kaunti pagyakap niya. "Are you okay?"
"Kuya, pina-close ni Mama yung accounts ko," sumbong ko agad.
"Then it's really a problem."
"Saka—" Hindi ko madugtungan ang sinasabi ko nang mapansin kong may suot siyang . . . wolf ears sa headband. Bumaba ang tingin ko sa damit niya. Naka-white formal dress shirt naman siya na naka-tuck in sa black formal slacks—um, I'll take that back. May nakadikit na furry na buntot sa "formal" slacks niya. Pagbalik ko ng tingin sa kanya, hindi ko maitago ang cringe reaction ko. Akala ko pa naman, nakasimpleng office attire lang siya. "Um . . . saka wala akong bahay," sabi ko na lang.
"Okay. Let's see. Let's find a good place to talk."
Ever since I grew up, Kuya Eugene has always been my parameter for what a worst-case scenario would be like. Ayaw niya kasi talaga ng may conflict sa family. Mula noong iniwan siya ni Ate Chamee, pagdating kay Luan hanggang kay Rex, ayaw niyang nagkakaroon kami ng conflict sa parents or grandparents namin lalo pagdating sa mga ganitong decision ng pagpapakasal.
Nakausap naman na niya kami noon ni Coco tungkol sa wedding. Isa pa nga siya sa nagsabing huwag munang ituloy, pero mapilit kasi sina Mama na agad-agarin na habang buhay pa si Lola Diyosa. But it was too late. Hindi na rin naman na maibabalik ang panahon.
Akala ko, si Kuya Eugene lang mag-isa ang lumabas. Nakalimutan kong hindi nga naman siya lalabas nang may suot na wolf ears nang siya lang. Kasama niya si Divine na nakasuot ng black and white maid uniform na may wolf ears din at wolf gloves. Kung hindi lang normalized ang cosplaying ngayon, iba talaga ang iisipin ko sa trip nilang dalawa.
Humanap pa silang dalawa ng Japanese restaurant at doon kami pinasama ni Coco na kanina pa ako hindi iniimik.
"Pina-freeze daw ni Ninang Mel yung bank niya," kuwento ni Kuya Eugene kay Divine.
"Bakit?" tanong ni Divine sa akin. "Nag-away na naman kayo?"
Umikot lang ang mga mata ko at hindi na 'yon sinagot.
"Nakausap mo na si Mother Shin?" tanong na lang ni Divine nang hindi ako sumagot sa unang tanong.
"Kakausapin na lang daw niya si Mama. Titingnan pa niya ang gagawin," sabi ko.
Sabay pang nagkatinginan sina Kuya Eugene at Divine, halata sa reaksiyon na hindi talaga okay ang sitwasyon ko ngayon.
"I think, walang mali rito si Mrs. Lauchengco," nakangiwing sabi sa akin ni Divine. "Sorry, Damaris. Siguro, kilala ko lang si Mother Shin na kapag mali si Mrs. Lauchengco, hindi niya siya 'kakausapin' or . . . ewan ko? Feeling ko lang, since Mother Shin can do worse than talk to her if you're 'right'. You know?"
"I thought so," Kuya Eugene seconded.
"Ngayon ko na lang sila nakita ulit, hindi pa nila ako kinausap. Ni hindi nga ako binati ni Papa!" katwiran ko sa kanila.
Kuya Eugene peeked at his wristwatch. "Um, 5:43 na. Today yung last day ng . . ." Tiningnan lang niya si Coco sa tabi ko.
"Yeah," sagot ni Coco. "Basically, we were just having lunch, and Ram assumed something else."
"A, talaga ba?" kontra ko agad sa sinabi ni Coco.
"Come on, Ram," pagod nang sabi niya. "Hindi ikakababa ng pagkatao mo kung tatanggapin mong mali ka."
"Kayo lang ni Cali ang kumakausap sa 'kin do'n sa table! What do you want me to think?"
"Ram, take it easy," saway sa akin ni Kuya Eugene nang magtaas na ako ng boses. "I'll talk to Ninang Mel first. Ayoko munang mag-take ng side nang wala akong alam. About sa financial? I'll try to compromise. Saan ka naka-stay ngayon?"
"Na kay Coco yung mga gamit ko. Pinatapon ni Mama galing sa mansiyon," sumbong ko.
"Oh! That's—" Kunot na kunot naman ang noo ni Kuya Eugene sa akin, parang litong-lito pa kung tama ba siya ng dinig sa sinabi ko. "That's weird. Sobra naman yata si Ninang Mel."
"Sobra talaga, Kuya!" sagot ko agad.
"Tapos . . . ipinadala niya sa unit ni Coco after itapon galing mansiyon," dugtong ni Kuya Eugene. "As in, kay Coco agad."
"Yes!" sagot ko ulit.
Malisyoso ang tingin niya nang ibaling ang tingin kay Divine na isa ring malisyosa ang ngiti.
"Ano ba, Kuya!" pagdabog ko kasi para talaga silang timang ni Divine!
"I'm not saying anything," napapangiti pa niyang sabi nang magtaas ng mga kamay para sumuko. "Maybe . . . I'll talk to Ninang Mel first just to make sure na mali nga siya at tama ka. About money? I'll check what I can do. Tatawag na lang siguro ako bukas kasi . . . dinner time na, patapos na rin ang araw. Siguro after dinner, umuwi na muna tayong lahat. I'll talk to everyone na lang siguro tomorrow para sure. Magpapatawag ako ng family meeting, alright?"
♥♥♥
RUNAWAY STATUS: COMPLETED
Join po kayo sa t.me/TambayanNiLena sa Telegram kung nais ng spoilers. Pero kung ayaw n'yong ma-spoil, don't join para hindi kayo magreklamo na puro ako spoiler doon, hahaha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top