Chapter 25: Home
I never knew how fucked up the feeling of betrayal was until Cali appeared on the list of turncoats.
Kaya rin siguro parehong-pareho kami ng init ng ulo ni Coco kasi pinagkatiwalaan namin si Cali, and there he was, the sabotage king.
Bumalik pa kami sa resthouse para lang hindi kami magkalat ng init ng ulo sa kinainan naming bulaluhan. Galit talaga si Coco kasi parang pinagtripan lang siya ng pinsan niya nang napakaraming taon.
"Hi, Bal! Diyan ka na stay sa lomihan?"
Tuwang-tuwa pa si Cali nang i-FaceTime siya ni Coco until makita niya ang mukha kong sumilip sa screen.
"I don't wanna waste my time, Carlisle Arjeantine. I need you to tell us the truth," Coco said, and I slightly shook my arms after he gave me an unwanted goosebumps.
He's fucking serious, and I don't know if Cali can drop his joke despite Coco's bad mood.
"What truth?" Cali safely asked.
"You didn't tell me na umuuwi pala ng Pilipinas si Ramram."
"Nagtanong ka ba?"
Napatakip ako ng bibig bago ko pa maisalita ang mura ko.
No'ng nakaraan pa 'tong hinayupak na 'to diyan sa linya niya na 'yan!
"Bal, wala akong time makipaglokohan, ha?" naiinis nang sabi ni Coco, at parang gusto ko nang dumistansya muna kasi parang sasapakin niya talaga si Cali kung magkaharapan man sila.
"Ano ba kasi'ng problema?" natatawang tanong ni Cali.
"You lied to us!" galit na sabi ni Coco.
"Oh! I don't think so," proud pang sabi ni Cali. "Paki-point out kung saan at kailan ako nag-lie?"
"Hindi mo sinabing umuuwi ng Pilipinas si Ram!"
"Saan ang lie doon?"
"Hindi mo sinabi!"
"Ah! Say that again . . . but slooow . . . ly . . ."
"Don't fuck with me, you prick."
"Bakit ka ba nagagalit?" natatawang tanong ni Cali, at hindi ko na alam ang dapat maramdaman.
My whole being was absorbing Coco's anger here, yet Cali still has the courage to mess with his cousin.
"Kasi hindi ko sinasabing umuuwi si Ram?" pagpapatuloy ni Cali. "That's not a lie, Connor. I didn't say anything, so I never lie. Huwag mong i-project sa 'kin ang disappointments mo dahil lang hindi mo alam ang tungkol sa mga 'yan."
I don't want to side with Cali right now, kaso nga kasi . . . may point din kasi siya. Sinabi na rin niya 'yon sa 'kin. Hindi nga raw siya makakapagsinungaling kung wala siyang sinasabi at all.
Kanina, ramdam kong maraming balak isigaw si Coco sa pinsan niya, pero wala akong narinig na sagot sa kanya ngayon.
Cali continued, "You know what? You have all the resources, all the capacities, all the goddamn influence to find Damaris anywhere in the world, but you chose not to use them. Ilang beses na 'yang ipinamukha sa 'yo ni Ninang Mel. Kung talagang gusto mong pakasalan ang anak niya, panindigan mo. Kung talagang kaya mong tapatan ang kaya ng mga Vizcarra at Lauchengco, tapatan mo, kasi 'yan ang hihingin nila sa 'yo after ng kasal n'yo. Kaya may doubt sa 'yo ang board ng Afitek, e. Si Ramram lang 'yan, hindi mo pa makita-kita. Kung ako ngang tambay lang sa bahay, kaya siyang hanapin kahit saan, what more kung ikaw?"
"But you created a fake account under my name and posted something about me and Audree? Na nasa ospital kaming dalawa? For what? To show Ram that I'm with someone else?"
Natatawa na lang si Cali sa dahilan ng inis ng pinsan niya. "Bal, ilang beses kang nagtanong sa mga Lauchengco kung kailan uuwi si Ram pero walang sumagot sa 'yo. Sabi ko sa 'yo, uuwi si Ramram sooner or later."
"And you predicted it?" I unconsciously asked, and it was too late to take that back.
"Alam mo, Ram, hindi ako manghuhula. Pero gaya nga ng sabi ko sa 'yo, you have so many reasons to go home at kayang-kaya ko 'yong isa-isahin sa 'yo, wala lang kaming binabanggit. And it was so obvious that you really love Connor, na ultimo funeral ng so-called girlfriend niya, napauwi ka agad just to be with him without judgment. See? Hindi 'yan panghuhula, Ram. All I'm doing is demonstrating to everyone how simple it is for you to come back home for my cousin—kahit sobrang random pa ng rason."
"Pero next month pa siya dapat uuwi!" biglang sigaw ni Coco na dahilan ng gulat ko.
"Alam mo ba ang plano nina Ninang Mel?" sagot agad ni Cali, walang pakialam sa galit ng pinsan niya. "After Dree's funeral, kaunting stabilization lang ng situation, lilinisin na nila lahat. Babalik si Ramram sa Pilipinas na walang Audree Sioco na nag-exist sa buhay mo. May agreement na sina Ninang Mel at mga Sioco. Aalisin ang lahat ng articles tungkol sa inyo nina Dree, babaligtarin ang narrative after ng lamay, saka itutuloy ang kasal."
"You knew na inilalayo ako ni Mama kay Coco, right?" tanong ko kay Cali. "Alam mo ang ginagawa ni Mama sa amin ni Coco."
"Alam n'yong dalawa, wala naman sana 'tong problema kung natuloy ang kasal n'yo dati, e. Kaya hindi ko gets ang galit n'yo sa akin—o sa amin—na bakit ganito ang nangyayari sa ating lahat ngayon. Kasi alam n'yong dalawa? Puwede naman kayong ikasal tapos hindi na kayo magpansinan after that, e. So long as signed ang agreements and walang na-breach na contracts. Taga-resolve lang kami ng conflicts. Tagalinis lang kami ng kalat na paulit-ulit bumabalik because of those failed transactions. Nagkaanak pa 'ko nang wala sa oras para lang hindi umasa si Mamila sa talkshit n'yong mga plano, tapos magagalit kayo sa 'kin? Ang kapal naman ng mukha n'yong dalawa. Di ba, 'nak? Tara dito kay Popsie. Nagliliwaliw ka na naman diyan sa dilim."
"Popsie, may frog sa garden! Nakita ko siya, color brown—"
Pinatay na ni Coco ang video call at pareho kaming natahimik na dalawa. Para kaming dinaanan ng sobrang lamig na hangin sa puwesto namin.
Yung magagagalit dapat kami kay Cali kaso kami ang pinagalitan. Ayoko na lang magsalita. Kasalanan ko naman kasi talaga since umalis ako, regardless kung binigyan man ako o hindi ng chance ni Coco na umalis sa kasal namin.
Bigla lang akong nalungkot for Cali—at kay Chanak na rin siguro—kasi totoo rin namang wala sa plano si Chanak. Ni wala ngang binabanggit na plano si Cali na interesado siyang mag-asawa. Ni wala nga siyang girlfriend noong umalis ako.
Hindi talaga kami nakaimik ni Coco matapos ang call. Ngayon ko mas ginusto ang katahimikan naming dalawa kasi hindi ko talaga kayang malunok ang ilang sumbat ni Cali sa amin.
Ilan pa lang ang binabanggit niya. 'Yong mabababaw pang dahilan. What more kung nagdaldal pa siyang lalo? Baka hindi na niya kami kausapin ni Coco kahit na kailan.
Lumalalim pang lalo ang gabi at nakatulala na lang kami ni Coco sa liwanag ng maliliit na ilaw sa Batangas na nasa ibaba kung nasaan kami nakapuwesto.
Na-speechless talaga kaming dalawa na inabot pa ng halos isang oras bago ako nagsalita.
"I know it's my fault—lahat-lahat. Ayoko ring sisihin ka just because you gave me a chance to leave that day . . ." Napalunok ako. "Cali's right. Kung binigyan mo lang ako ng rason para bumalik agad—kahit pa sabihin mong hindi ka pa kumakain kasi mas gusto mo ang luto ko—babalik ako agad."
Ang lalim ng paghugot ko ng hininga nang alalahanin ang dahilan kaya hindi na ulit ako nag-abalang kausapin pa sila noon.
"No'ng first family gathering na umuwi ako galing abroad tapos wala ka . . . iniyakan ko 'yon. Whole night akong umiiyak kasi . . . iniisip ko . . . galit ka talaga sa 'kin . . . na ayaw mo na 'kong makita ulit."
Nangilid na naman ang mga luha ko dahil bumabalik ang tampo ko sa kanya noon, na hindi ko naman pala dapat naramdaman.
"Ilang beses akong nagpa-book ng flight para magbakasyon sa Visayas or sa Palawan. Just in case lang na sumama ka kasi wala naman na sina Mama n'on. Wala nang pressure sa 'yo—sa 'ting dalawa. Pero . . . wala ka pa rin. Every year . . . every year akong umaasa . . . na baka lang hanapin mo ulit ako kasi . . . dati, hindi ka naman nakakatagal nang ilang araw nang wala ako. Umuuwi ako rito pero parang wala akong inuuwian. Inisip ko na lang na karma ko yung sakit at disappointments kasi naging selfish ako."
Mabilis akong napapunas ng mata nang maluha na naman ako.
"Kasi inisip ko . . . maraming paraan para mahanap ako . . . kasi kung nagagawa ni Cali . . . malamang na mas kaya mo." Nagtuloy-tuloy na ang bagsak ng luha ko na hindi ko na mapigilan. "Kaso kasi . . . hindi ko alam na ganito na pala. Walang nagsasabi. Walang nagbabalita. Na mas pinili nilang huwag akong kausapin kaysa ipaliwanag na magulo na pala. Na marami na palang problema."
Namumugto ang mga mata ko nang lingunin siya. Pigil ang iyak ko nang magtagpo na naman ang mga tingin namin. May lungkot na akong nakikita sa mga tingin niya.
"Sinabi ko naman sa 'yo na aalis ako kasi ayoko sa kasal na 'yon . . . na alam ko namang pareho nating hindi gusto. Pero sana hindi mo inisip na umalis ako dahil hindi kita mahal. Kasi sa alaala ko . . . hindi man tayo humarap sa altar . . . alam kong natuloy ang kasal. Tinanggap ko ang singsing na bigay mo. Umoo ako sa 'yo . . . kaya sa mata ko . . . asawa kita, at 'yon ang paniniwalaan ko."
Ayoko nang umasa ng sagot dahil sa katahimikan niya, pero kinuha niya agad ang kamay ko at saka niya ako pinalapit sa kanya para lang yakapin ako.
Doon na bumagsak ang lahat ng luha kong naipon nang sobrang daming taon na akala ko, wala na talaga kaming pag-asang dalawa.
Gusto kong humingi nang tawad nang paulit-ulit para sa mga taon na nagduda ako kung hanggang saan na lang ba ako para sa kanya.
Hindi na siya ang Coco na nakilala ko noon. Sobrang dami nang nagbago sa kanya. Pero kahit siguro binura na nila ang halos lahat ng bakas ng masayahin at makulit na Coco na kilala ko noon, hindi pa rin siguro nila kayang burahin ang Coco na gagawin ang lahat para sa 'kin.
"I miss you, Ram . . . sobra."
'Yon lang ang sinabi niya pero ramdam ko na . . .
Nakauwi na 'kong talaga.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top