Chapter 24: Suspect
I was staring at Coco. Kanina pa siya nagpapaliwanag pero hirap na hirap akong i-digest ang lahat ng lumalabas sa bibig niya. Nakaupo siya sa gilid ng kama. Kumuha naman ako ng wooden chair na nasa dresser at pumuwesto kaharap niya.
"Retiree na sina Tito Clark, but they're doing their best to recover the financial loss. Hindi lang sila makakilos nang maayos ngayon kasi kailangan din nilang mag-focus sa Golden Seal. But don't worry about GS Agencia kasi stable naman sila. Kuya Eugene's trying to help us."
Iniisip ko pa na baka cold lang sa akin si Coco dahil may atraso ako, until nalaman kong running pala siya as CEO ng Afitek. When Cali said they made a monster out of Coco, this would be the last thing I'd consider related to that.
They definitely created a monster out of Coco, and I am absolutely against it.
"Restless kaming lahat for the past four years. I hope you don't take this against us. Sana rin hindi ka magtampo kina Tita Mel kung hindi ka nila maasikaso. Wala pang nagbabakasyon sa amin for the past four years. Cali and Rex are working double time. Canceled din ang lahat ng gatherings, baka lang nagtataka ka. Marami kaming hinahabol na meetings, local and abroad. Everyone was looking after you kasi alam mo namang sa iyo ipinangalan ni Lolo Bobby ang 70% ng assets ng mga Lauchengco . . ." Then he sighed.
Wala pa kaming isang oras na nag-uusap pero parang pagod na pagod na siya.
"Hindi mo kailangang sabihin lahat ngayon, Coco. Don't force yourself."
"If only I can do better than this . . ."
Tumayo na ako sa inuupuan ko para lang yakapin siya. Kinabig ko siya sa balikat at hinayaan ko na lang na dumantay ang pisngi niya sa bandang itaas ng dibdib ko. "You're doing your best. 'Yon naman ang mahalaga."
Pinipigilan ko na lang na maiyak para sa kanya. Kahit hindi niya sabihin, ramdam na ramdam ko ang pagod niya. Sinumbatan niya lang ako sa pag-iwan ko sa kanya, pero hindi ko pa naririnig na sumbatan niya ako dahil sa hirap na naranasan niya mula nang umalis ako.
Hindi ko rin siya nayakap kahit noong nakiramay ako sa kanya. Si Divine pa nga lang at si Chanak ang nayayakap ko mula nang makauwi ako.
Gusto ko na lang yakapin nang mahigpit si Coco para kahit paano, mabawasan man lang ang bigat na dala niya.
Matagal na akong nagi-guilty, pero hindi ko inaasahang mabibigyan lang ako ngayon ng maraming dahilan para lalong magalit sa sarili ko.
I was recalling everything mula pa noong nakaraang walong taon. Iniisip ko kung may nabanggit ba sina Mama o kahit sina Cali na may nangyayari na palang hindi maganda rito habang wala ako. Pero wala talaga, e. Maliban sa wala si Coco tuwing gatherings at wala man lang nag-reach out sa akin mula pa noong nakaraang apat na taon, hindi na ako nakarinig ng kahit anong negative sa kahit sino sa kanila.
Coco's already tired, pero gaya nga ng sabi niya, hindi pa siya puwedeng magpahinga.
Lumabas kaming dalawa para kumain ng dinner sa malapit na bulaluhan. Sanay naman ako sa lamig pero iba kasi ang lamig na may kasamang makapal na hamog.
Pareho kaming naka-jacket ni Coco nang lumabas. Nanghihinayang pa rin kami sa lomihan pero wala na kaming magagawa kung wala na rin naman ang dating nagluluto roon.
May isang kainan pa ring naiwan na nagse-serve ng native bulalo sa area. Kompara sa ibang restaurant na nagkalat doon, maliit lang iyon na kantina at ilan lang din ang mesa sa loob. Pagpasok pa lang ni Coco, halatang-halata ang laki niya dahil kailangan pa niyang yumuko nang kaunti. Kung tatayo siya nang deretso, mauuntog siya sa kisame ng kainan.
"Pabili po ng isang large bulalo, dalawang adobong sitaw, saka apat na kanin," sabi ko sa lola na nagse-serve ng pagkain doon sa pinaka-counter.
Hindi ko pa nalilingon si Coco, kinalabit na niya ang braso ko para ibigay sa akin ang pambayad sa kakainin namin. Pagkakuha ko ng pera, dumeretso agad siya roon sa mas batang babae na naghahanda ng order namin sa isang tray. Kanin pa lang saka adobong sitaw ang laman ng tray, dumampot naman siya ng dalawang baso at isang maliit na pitsel para sa tubig naming dalawa.
Tahimik pa rin kami, but at this point, tahimik lang kami kasi ayoko siyang pagurin sa pagsasalita. Ramdam kong may struggle siya sa pagkukuwento at hindi ko masabing nagsisinungaling lang siya.
Hindi siya puwedeng magsinungaling tungkol sa mga bagay na kayang patotohanan ng written reports.
Pag-upo naming dalawa sa harapan ng monobloc table, tinulalaan lang namin ang umuusok na mainit na kanin at adobong sitaw sa maliit na ceramic bowl habang hinihintay dalhin sa mesa namin ang order naming bulalo.
There was this weird feeling na parang ngayong araw lang ulit ako nakabalik ng Pilipinas. Or maybe because Coco was starting to shed some light regarding their conflicts right now kaya para akong nire-refresh sa dahilan kung bakit ba ako dapat bumalik.
"Miss ko na yung lomi ni Lola Lita," nakangusong sabi ko.
"Same," simpleng sagot ni Coco.
Ang hirap masanay na lumalaban ang coldness niya sa lamig ng hangin sa Tagaytay. Dati kasi, sobrang ingay niya. Hindi kayang isara ang bibig kahit iilang minuto lang. Kung ibubuka man, palaging, "I love you, Ram" ang sasabihin niya o kaya "Ang cute ko every day, 'no?" ang maririnig ko.
Nakakalungkot lang na wala na 'yong Coco na 'yon ngayon.
Nakatitig lang ako sa laman ng tray nang bigla siyang dumampot ng isang piraso ng hiniwang sitaw saka tumikim.
Pagsunod ng tingin ko sa sitaw, nahagip ng tingin ko ang kamay niyang meron nang gintong singsing sa ring finger. Wala naman 'yon noong hinawakan niya ang kamay ko sa coffee shop. Hindi ko alam ang itsura ng wedding band niya pero ako, sure na sure ako sa akin.
Idinaan ko na lang sa pagnguso ang pagpigil ng ngiti ko. Pinag-awayan pa namin 'yang letseng singsing na 'yan.
Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang mga ginawa niya for the past eight years, kaso naalala kong problematic nga pala ang buhay niya pagkatapos kong umalis. Nakakahiya nang magtanong.
Sabay pa naming sinundan ng tingin ang itim na palayok na pinaglalagyan ng order naming bulalo. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling kumain ng bulalo. Parang huling bisita ko pa yata sa farm five years ago, sa huling family gathering na invited ako—o sa last gathering na natuloy pa. Usok pa lang, nakakagutom na.
Lumipat ang tingin ko kay Coco na inaayos ang mga kubyertos na para sa akin pati ang plato kong may lamang kanin. Ang seryoso pa rin ng mukha niya. Binalak ko pang biruin para lang makita ko kung totoo bang best actor siya gaya ng sinasabi ni Cali. Mabilis pa naman siyang tamaan ng kilig kapag ako ang nagsasabi.
"I miss you," sabi ko at nginitian siya nang kaunti.
Saglit lang siyang sumulyap sa akin bago ibinalik ang tingin sa palayok. "Sa 'yo na 'tong marrow." Iyon lang ang sinabi niya bago pinagtuunan ng pansin ang pagkain.
Gusto ko lang naman siyang biruin, sobrang seryoso naman.
Bigla ko tuloy na-imagine kung siya pa rin ang Coco na kilala ko eight years ago. For sure, kilig na kilig na siya ngayon tapos manghihingi ng kiss saka magtatanong kung kailan kami magpapakasal.
But none of it was happening. Maliban sa ibinigay niya sa akin ang pinakamasarap na parte ng order namin na dapat ay para sa kanya, wala na siyang sinabing kahit na ano. Hindi niya naman love language mamigay ng bulalo. Noong kami pa, kaya niyang panindigan ang five love languages araw-araw. Pero ngayon . . . ewan ko na.
Dinalaw na naman ako ng lungkot. A part of me was scolding my old self, telling me that I should have gone home earlier to be with him and his battles. Kasi kung nagsabi agad siya na nahihirapan na siya, kahit nasa England ako, uuwi ako ng Pilipinas para lang samahan siya.
But I was also asking the universe why did Coco let me leave? Why did everyone let me escape from my responsibilities?
Madali lang naman siguro kay Mama at kay Tita Shin na kaladkarin ako pabalik sa kasal. Well, hindi lang siguro. They really had the guts to do that, at wala silang pakialam kahit makalbo pa ako sa pagkaladkad sa akin, pero bakit hindi nila ginawa? Supportive pa nga si Tita Shin na mag-stay ako abroad.
Hindi pa rin ako matahimik kapag naiisip ko ang nangyayari.
Sa sobrang pagkatulala ko, saka ko lang napansin na naubos na ni Coco ang dalawang cup niya ng rice at pinapapak na lang ang adobong sitaw.
Lumipat na naman sa mukha niya ang tingin ko. Sobrang laki ng ipinagbago ng lahat sa kanya. Para talaga siyang si Tito Rico na hindi marunong matuwa. Hindi niya kamukha si Tito Rico kung tutuusin. Si Cali ang kamukha ni Tito, pero ewan ko ba? Sa vibe niya siguro, iyon ang nakuha niya sa daddy niya.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Cali. Na ilang beses palang nag-attempt si Coco na dalawin ako abroad pero parang iniiwas ako para makita niya.
"Akala ko, galit ka sa 'kin kasi hindi ka sumasama sa outing namin nina Cali sa Siargao," malungkot na kuwento ko sa kanya.
I was expecting na ime-maintain niya lang ang serious mode niya pero pag-angat niya ng mukha, nakakunot agad ang noo niya at para bang takang-taka siya sa sinabi ko.
"What do you mean by outing sa Siargao?"
"Yearly akong nagbabakasyon dito sa Pilipinas. Yung mga pinsan mo ang lagi kong kasama."
Kahit wala pa siyang sabihin, sa guhit pa lang ng salubong niyang kilay, halata nang naguguluhan siya.
"Kailan ka umuuwi?" tanong niya at mabilis na kinuha sa bulsa ng pants ang phone.
"Every summer saka end of October."
Hindi ko alam kung ano ang tinitingnan niya sa phone niya, pero base sa view na nasisilip ko, hindi niya pa tine-text o tinatawagan si Cali.
"No one's telling me na umuuwi ka," sabi niya na kahit ako, napakunot-noo na rin.
"Hindi sinasabi sa 'yo nina Cali?" tanong ko pa.
Mabilis siyang umiling. "He's not saying anything. Ang sinasabi lang niya, mga schedule mo sa school o kung kailan ka free."
"That's weird." Napakuha na rin ako ng phone para i-chat si Cali, pero magtitipa pa lang ako ng sasabihin nang may maalala.
"Pero alam mo kung ano ang ginagawa nina Ninang Mel kapag tinatangka niya? Kung saan-saan ka ipinadadala. . . . Everyone's protecting you from Coco."
Kasi iniisip ni Mama na niloloko ako ni Coco? Na may sila ni Audree? Na may alleged third party kaya ako umalis at iniwan ang kasal?
Nah, I don't think Mama will buy that. Coco was mentioning about questionable assets na related kay Audree at mga Sioco. I doubt na walang idea roon si Mama. Sa dami ng connections niya?
Matatanggap ko pa na masama ang loob niyang nambabae si Coco—yung legit! But something's not clicking. Sa dami ng katsismisan ni Mama sa araw-araw, baka kahit siya, magtaka kung saan sumulpot itong si Audree habang may kami pa ni Coco.
"Kay Cali mo ba nalaman na wala na si Audree?" tanong ni Coco na tutok sa phone.
"No," tanggi ko habang umiiling. "Promise, never kang binanggit ni Cali o ni Rex sa akin mula nang umalis ako."
Napapailing nang dahan-dahan si Coco at parang may hinahanap sa phone niya.
"I saw your post online about Audree kaya ako umuwi," pag-amin ko, saka lang siya nagtaas ng mukha para tingnan na naman ako nang may pagtataka.
"Post . . . ko?" nalilito niyang tanong.
"Yeah. May post ka, magkahawak kayo ng kamay ni Audree. May IV siya, parang nasa hospital kayo."
"That's impossible," tugon niya at dahan-dahang umiling sa akin.
"W-What do you mean?" Nalilito na rin ako sa ikinikilos niya.
"Wala akong active na social media after you left. Eight years na 'kong deactivated, Ram. Account ni Dree at ni Jensen lang ang madalas kong i-handle. At never akong nag-picture sa ospital with Dree. Nasa protocol 'yon na no taking photos and no videos allowed sa loob ng room niya."
"Ha?!" Sa sobrang gulat ko sa inamin niya, mabilis akong napa-scan sa mga saved screenshot ko para ipakita sa kanya ang shared post ni Rex. "So, ano 'to?"
Mabilis niyang inagaw ang phone ko para lang tingnan ang tinutukoy kong post. Ilang saglit pa, nasira ang consistent serious mode niya nang biglang umikot ang mga mata niya at halata ang pagkairita sa mukha.
"Yung caption . . ." panimula niya. "Cali drafted this for me para sa eulogy. Palagi bang nagpo-post itong poser na 'to?"
Umiling agad ako. "After eight years, ngayon ko lang nakita na may active account ka. Akala ko kasi, blocked ako."
"This is bullshit. And itong photo? Imposibleng ako 'to."
"Paanong imposib—" Napahinto ako sa sinasabi nang ipakita niya ang kamay niya sa akin gaya sa pose ng nasa picture. The obvious distinction was his fucking Judas quote tattoo on the side of his palm!
Walang tattoo yung kamay ng nasa photo!
Sabay pa kaming napatingin sa isa't isa habang nanlalaki ang mga mata.
"Carlisle!"
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top