Chapter 23: The Voted


"Makakahabol pa naman siguro ako sa family dinner," dinig kong sabi ni Jensen nang lumapit ako sa kanto ng haligi ng ginagawang rest house.

"You sure?" tanong ni Coco.

Sumilip si Jensen sa wristwatch niya. "I think so, yeah."

"Sige, ingat, dude."

They did the bro hug, and Jensen went to his oh-so-expensive car, which I highly doubt that he has no idea how to fix.

Wala pa namang four p.m. pero mukhang importante ang pupuntahan ni Jensen kaya hindi man lang niya inabala ang sariling hanapin ako bago siya umalis. Basta na lang sumakay sa sasakyan, as if namang hindi siya ang bagong employer ko at bahala na ako sa buhay ko rito.

But then, I remembered that Coco is my new boss as well. Aside from familiarizing the whole area na need nilang ayusin dito sa rest house, ang ipinagagawa lang sa akin ni Jensen bago siya umalis ay ayusin ang kuwartong tutulugan ko. Walang ibang laman ang room na ibinigay sa akin kundi custom-made bed frame. Ako pa ang naglatag ng mattress at comforter doon. Wala pa raw unan kaya nagpabili na lang siya.

Kanina, ine-expect ko pang sa mga helper siya nagpabili. Pagdating ni Coco, kahit wala pa akong nakikitang unan sa kahit saan, siya na agad ang naisip kong may dala ng gagamitin ko sa pagtulog.

Nakaalis na si Jensen. Nakasandal lang ako pakaliwa sa edge ng dingding ng rest house. Nakatingin lang ako kay Coco na nagbukas ng malaking gate at siya ring nagsara pag-alis ng kabarkada niya. Pagtalikod niya para sana balikan ang kotse niyang ipinarada malapit sa puwesto ko, nagtagpo agad ang mga tingin namin.

Matapos ang lahat ng ikinuwento (o isinumbat) ni Cali sa 'kin about Coco, lalo lang nadagdagan ang guilt na nararamdaman ko mula nang iwan ko siya.

I honestly wanted him to be happy, kahit hindi na ako kasama sa mga oras na masaya siya. But things right now made me realize that he wasn't really happy with Audree—that kind of happiness I was expecting para sa kanya at sa babaeng mamahalin niya maliban sa akin.

I even thought that, maybe, like Kuya Eugene, he could find another girl na mamahalin at iintindihin siya like what Divine did to Ahia. Kasi kung nagawa ni Kuya Eugene na magmahal ng iba after Carmiline, baka kaya rin 'yon ni Coco.

But maybe, like me, I still tried to hold on to that little hope. Kahit mahirap. Kahit parang imposible na.

Instead of letting his eyes stay gazing at me, he suddenly avoided my stare and opened his car's back seat. Saglit pang nanlaki ang mga mata ko nang magkita ulit kami ng maleta at duffel bag ko. And like what I'd thought, may dala siyang dalawang unan for me.

I wanted to say something . . . to ask him about everything . . . but I ended up helping him with my things and letting the silence embrace us.

Noong mga bata o teenager pa lang kami, body language pa lang, kaya na naming basahin ang isa't isa—basta ba huwag lang silang magtatabi ni Cali dahil mas magulo silang intindihin kapag magkasama.

College days when I accepted that after our graduation, start na ng preparation para sa kasal namin ni Coco. One of the reasons why nag-agree kaming dalawa na mag-rent ng apartment nang magkasama.

It acted as a "training" for the both of us if kakayanin ba naming dalawa na magkasama nang kami lang.

"Apartment" ang kinuha namin instead of condo or dorm kasi kami ang magiging temporary owner ng isang buong "bahay" sa loob ng isang compound. Meron kaming sariling gate sa lote namin. May front yard pa nga. Mukha iyong studio-type unit sa loob, ang kaibahan lang siguro, may sarili 'yong lote na nakahiwalay sa iba pang bahay. Hindi gaya sa condo o ibang apartment na kuwarto-kuwarto lang.

Sakto lang para sa aming dalawa ang tinuluyan namin noon hanggang graduation. Even the rent, water, and electricity expenses, shoulder naming dalawa. That was the time na na-experience naming dalawa ang mag-loan kahit hindi namin sure kung saan kami huhugot ng pambayad maliban sa hihingi kami ng allowance sa parents namin.

Si Papa, walang problema kung bibigyan niya ako ng pera. But on Coco's side, kapag wala siyang pera, pagagalitan pa siya kasi ang tamad niyang mag-work. It was easy for our families to spend millions kahit pa, minsan, ang nonsense ng gagastusan. But iba kasi ang way ng pagpapalaki kay Coco. Kailangan niya laging paghirapan ang bawat perang sasayad sa palad niya.

Bumili kami dati ng double-deck. Original plan was ako sa itaas, siya sa ibaba, kasi mas mabigat siya at mas magaan ako. Pero second sem pa lang ng freshman year namin, ang um-occupy na ng upper deck ay mga bag, drafting sets naming dalawa, saka mga bagong laundry na damit na kinatamaran nang tupiin at ilagay sa drawer—mostly damit ko. Madalas sa madalas kasi, drawer niya ang maayos sa aming dalawa. May yaya naman kasi ako sa bahay namin kaya hindi rin ako sanay noong college na ako ang nag-aayos ng mga gamit ko. I'd rather pay someone to fix my things para hindi ako ma-stress. Or sa case naming dalawa, siya. Noong nag-abroad lang ako naging responsible sa mga gamit ko.

Since loaded ang upper deck, magkatabi kaming matulog sa lower deck. He'd already seen me in my worst and groggiest state, but he was still telling me how beautiful I was every morning.

Hindi ko naman kailangan ng compliment niya, pero kaya pa rin niya 'yong araw-arawin kahit ilang taon na niyang sinasabi 'yon sa akin.

Umakyat kami sa second floor kung saan ako pinagligpit kanina ni Jensen. At dahil bukas ang mga bintana, mas lalong maliwanag sa hallway dahil sakto ang paglubog ng araw sa view ng upper floor.

Akala ko, doon kami dederetso ni Coco sa magiging kuwarto ko, pero sinundan ko siya sa kabilang kuwarto na mas maayos at marami nang gamit kaysa sa inayos ko kanina.

"Akala ko, sa kabilang room ako matutulog. Doon sa nadaanan natin kanina," pagbasag ko sa katahimikan namin ni Coco nang kunin niya sa akin ang dala kong duffel bag.

"Inayos ba niya yung bintana sa kabila?" tanong niya.

"Sabi ko, kahit walang bintana, okay lang sa 'kin."

"Sa 'kin, hindi." Inayos niya ang mga bagahe ko sa gilid. Meron siyang walk-in closet dito pero concertina door ang harang kaya walang lock. At kung isara man niya, base pa lang sa quality ng pinto, gigiba agad iyon kahit sa isang sipa ko lang.

Ibinaba niya ang dalawang unan sa kama. Saka ko lang napansin ang amoy sa loob kung hindi pa niya binuksan ang AC.

Para akong binuhusan ng maligamgam na tubig nang maamoy ko na naman ang perfume niyang nakasanayan ko na noong magkasama kaming dalawa sa apartment.

I can tell that this is his room kahit na wala namang special sa design ng kuwarto.

Nag-aayos siya ng mga gamit kong dinala niya rito habang pinanonood ko lang siya.

Jensen said he was grieving, but based on Cali's "evidence" and alleged information, parang hindi na parte ito ng grieving phase ni Coco. Parang ito na talaga siya ever since umalis ako, and it was sad. It felt like they killed the passionate child in him. It felt like the Coco I knew had died without my knowledge.

Ang tahimik naming dalawa hanggang bumalik kami sa workshop nila ni Jensen. Pinasunod niya ako para sabihin kung ano ang gagawin namin bukas.

"Hindi ko alam kung ilang beses kong kailangang sabihin 'to, pero wala ka sa schedule naming lahat ngayon," bungad niya pagtapak namin sa area kung nasaan ang mga drafting table nila ni Jensen. "I'm not saying this para lang sa calendar ko. I'm informing you kasi hindi ka pa dapat uuwi base sa agenda nilang lahat."

"Pero hinahanap mo raw ako," sabi ko nang may mahinang boses.

"It's too late." He stood still and looked me straight in the eye. "Kahit pabalikin pa kita ngayon sa BC, it's already too late."

Bigla kong naalala ang biglaan niyang pagpapa-book ng flight kahit alas-kuwatro pa lang ng madaling-araw.

"They planned to bring you home next month. Balak lang sana nilang patapusin ang mourning period for Dree bilang respect sa mga Sioco. May presscon sina Tita Mel sa Sunday, announcing na babalik ka next month. Next month din ang start ang CEO training program mo sa bagong subsidiary company na ilo-launch nila later this year. May mga press nang mag-aabang sa airport at schedule ng Vancouver-Manila flight para salubungin ka."

So . . . everyone was expecting me na manggagaling talaga ako ng Canada next month? Kaya ba siya nag-book ng flight ko kahit alanganing oras?

"Carlisle told me na umamin na siya sa 'yo tungkol kay Audree," dugtong niya na ikinatahimik ko. "And I'll be honest with you."

Hindi ko alam kung paano sasagot. Hindi ko rin alam kung saan magsisimula kahit ang dami kong gustong itanong at sabihin.

"Audree was a good friend—she was the best . . ."

There was a hint of sadness in his voice that made his words harder to bear, especially when I thought I'd stayed with him longer than that girl but didn't get close enough to be the best.

"And yes, I had a plan to marry her."

I couldn't believe that a simple line could stab me directly in the heart.

"Four years ago . . . planado na 'yon. The doctors said, two years na lang ang itatagal niya. She was dying. Habol ko ang conjugal rights na puwedeng ma-exhaust kung ikakasal kaming dalawa because Audree had a list of questionable accounts, assets, and transactions na hindi kayang linisin ng family niya. Nakiusap sa akin ang mga Sioco na tulungan sila, and I did what I could do. Aware naman kaming dalawa na once na mawala na siya, valid na ang remarriage, but she was against it. Gusto niya na kung may ma-honor mang record sa akin na related sa kasal, dapat pangalan mo ang naroon. And yes, hinahanap kita dahil hinahanap ka niya. Last wish niyang makita ka ulit . . . but it was too late."

Napapalunok na lang ako habang nagpapaliwanag siya. Gusto kong isipin na baka nagsisinungaling lang siya at gumagawa ng palusot, pero bakit ganitong palusot naman ang pipiliin niya? Mas madali pang ipaliwanag na na-fall siya kay Audree at sobrang mahal niya 'yon kaysa mag-e-explain siya ng tungkol sa auditing at legal rights.

"Sabi ni Cali, wala raw nag-reach out sa 'yo mula pa no'ng nakaraang apat na taon."

Napaiwas ako ng tingin para pigilan na namang maluha. Ayoko nang nababanggit ang sama ng loob ko kina Mama. Lalo lang kasi akong nadidismaya.

"Mamila died four years ago. It wasn't an easy journey for all of us. Until now, ongoing pa rin ang reparation. If the news didn't reach you about the bankruptcy of Afitek, then good for you."

What?

"Waiting na lang kami ni Cali ng susunod na buwan para sa announcement. Four years nang magulo rito because of failed mergers and delayed contracts. Tina-timing na lang ng board of directors ang susunod na general meeting. I'm running for the position of the new CEO of Afitek. Nomination day na lang ang hinihintay."

Nakatitig lang ako sa kanya at wala akong ibang mabasa sa mga mata niya kundi pagod.

"May less than one month pa naman tayo. Susubukan kong i-explain sa 'yo lahat kahit paunti-unti para hindi ka mabigla. Because if we rely on Tita Mel's way, for sure, you can't bear it. She's eating cutthroat contracts for breakfast, and I know you can't swallow them that easily like she does."

He was just starting, and it was already overwhelming me.

But one thing is for sure: at that exact moment, I knew that the Connor I've been with for twenty-four years . . . had died.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top