Chapter 21: Damsel in Distress
Hindi ako mapakali. Parang may kati sa katawan ko na hindi ko alam kung saan kakamutin.
I was searching for Audree Sioco—again. I was checking everything about her online, and there were news about him and Coco. Ilang beses ding lumabas sa showbiz news ang tungkol sa kanilang dalawa. Ang dami ring photos at mga tsismosang nakikisawsaw.
Honestly, wala naman sa akin kung may nakita nang girlfriend si Coco kasi iniwan ko naman talaga siya.
Kahit anong defend ko pa sa desisyon ko, hindi pa rin mababago na umalis ako because of selfish reasons.
I was just 24 and he was a year younger than me, and we were forced to marry each other. Although the "forced" part wasn't really the kind of forced na ayaw talaga at all. Ayoko lang talaga ng reason kasi ang off ng timing tapos para lang sa pera. Okay lang sana kung forced dahil nabuntis ako or something. Pero—fine. Fault ko pa rin talaga.
May mga nag-backout na investors dahil sa scandal ko, and kailangang gumawa ng mas maingay na news to cover that up. The wedding was enough.
Pero ayoko talaga. Kaya nga tinatanggap ko ang galit nila kasi wala naman akong mabigat na rason sa pag-alis ko kundi ayoko lang. Like what Chanak said, "It's okay to say no, and I will say no."
Ang weird na kailangan kong mag-quote from a four-year-old kid to justify my part. But Chanak is a smart kid—maybe smarter than me—so I'll put my trust in him kahit pa four years old lang siya.
I was looking for a sad feeling o baka lang magselos ako habang nakatingin sa picture nina Coco at Audree.
They looked cute, hindi ko ide-deny. Kung pipili siguro ako ng babaeng mapapangasawa niya—yung hindi ako—si Audree na siguro 'yon. Sobrang expensive niyang tingnan. Parang hindi siya gagawa ng eskandalo na ikabubuwisit ng mga lola saka mama namin. Ang laki pa ng boobs.
Yeah, Coco, you pick the right girl, smart ass.
The boobs are enough. I'm not gonna fight it. Cup B lang ako, e mukhang Cup D 'to. Baka ako pa nga ang maunang titigan 'to bago si Coco kung dadaan sa harapan namin 'to.
Pero hindi nga pala boobs ni Audree ang hinahanap ko kundi siya mismo sa batch ni Coco.
As far as I remember, wala talaga siyang chick na ka-blockmate, even irregulars. I should know! Pareho nga kaming classmate sa minor subjects. Madalas pa akong maki-sit in sa klase nila kapag mauuna akong mag-out. From first year hanggang graduation ng college, magkasama kaming dalawa, so imposibleng hindi ko makilala ang Audree na 'to.
And besides, kung ganito kaganda ang nasa klase niya, baka makilala ko nga talaga. After all, mas mabilis akong maka-spot ng magaganda kaysa kay Coco na pangit ang tingin sa lahat ng babae basta hindi ako at mama niya.
It's not that I didn't want to accept na pinalitan niya ako agad-agad after kong umalis sa kasal namin. Ang off lang talaga na bigla 'tong sumulpot sa buhay ni Coco nang hindi ko alam. Mas lalo kong nararamdaman ang kawirduhan ng sitwasyon dahil during college days, ako ang may hawak ng phone niya at siya ang may hawak ng akin.
Kapag may nagte-text or chat sa kanya para makipag-flirt, ako ang pinasasagot niya. Yung phone ko naman ang pinupuno niya ng selfie at video niya.
Yung phone ko nga, siya lagi ang wallpaper dati kahit ilang beses kong dine-default 'yon.
Siguro, kung naging girlfriend niya 'tong Audree after a year, I'll be happy for him. Pero a week after ng wedding, sila na agad? Something's not right. Kung may makakaalam man ng tungkol sa Audree na 'to bago kami ikasal, ako dapat 'yon.
I kept on searching for related topics. Sa sobrang search ko nga, nasa page 10 na ako ng search engine na hindi ko alam kung legit pa ba ang content or not. I saw this public post na tagged si Audree Sioco ng isang guy.
My brain was like, "Oooh, a guy not Coco. Let's see."
But lo and behold!
Pagbukas ko, parang may dumaang malakas na hangin sa screen ng phone ko at ginulantang ako sa photo na naka-attach sa post!
The caption said, "Thanks sa libre, par! You da best!"
It was a photo of two guys. Kumakain sila ng burger sa isang maliit na burger shop! I was searching for the Audree girl, and all I saw was a "guy" with emo-styled hair, thick eyeliners, and a silver nose ring. Same ng uniform ni Coco noong college! And the fucked-up part was this tagged Audree here was the creepy *butch na ilang beses binarda ni Coco dahil balak nga akong ligawan!
Nagti-twitch na ang mga daliri ko sa pagpindot para lang ma-confirm kung ito ba ang Audree Sioco na "girlfriend" ni Coco. Kalkal ako nang kalkal ng profile niya at karamihan ng public photos niya, mga school photo niya sa LNU.
And she wasn't wearing a fucking skirt! She wore a fucking male uniform! Nasaan ang sophisticated bitch na nasa news na kaninang tinitingnan ko?!
Inawat ko ang sarili ko sa pag-stalk sa profile niya at tinawagan na agad si Cali. I need to know the truth.
Hindi ko alam na Audree pala ang pangalan ng butch na 'to. I knew "him" as Drei. Everyone knew him as Drei. Ilang beses niya 'kong binigyan ng expensive chocolates dati—na si Coco at si Cali lang ang kumain dahil baka nga raw may gayuma. Weekly supplier din "namin" siya ng Lay's—na pinaghahatian namin ni Coco para nga raw tipid kami sa meryenda.
"Ang galing mo, Damaris Lauchengco! Pinaaalaga ko sa 'yo anak ko, iniwan mo na lang sa kapitbahay?" bungad na bungad ni Cali imbes na mag-hi man lang.
"Ipapaalaga mo sa 'kin, may sahod ba 'ko diyan?" reklamo ko rin sa kanya.
"'Buti na lang, mana sa 'kin 'tong anak ko. Napakabait na, ang cute-cute pa."
"Ang kapal ng mukha mo kahit kailan. Mana nga sa 'yo. Ang sarap sampalin ng bibig tuwing nagsasalita."
"O, ano? Bakit ka tumawag? Pinautang ka na raw ni Luan, wala na 'kong pera. May binubuhay akong pamilya, ha? Baka nakakalimot ka."
"Para namang kabawasan ng pagkatao mo yung sampung libo! Hiyang-hiya naman ako sa daily net worth ng GS Agencia!"
"Ano nga kasi? Kapag umiyak na naman si Chewy, ibababa ko na 'tong call, bahala ka diyan."
"Oo na! Yung Audree, blockmate ba talaga siya ni Coco?"
"Yeah, why?"
"Itong Audree ba na 'to at yung tibo na hinuhuthutan n'yo ng meryenda dati, iisa lang?"
"HAHAHAHA!"
Sa lutong pa lang ng tawa ni Cali, sigurado na akong oo ang sagot sa tanong ko.
"Wow! Good job! Naunang malaman bago magpa-connect sa Afitek!"
"Ah, so siya nga."
"Hmm, yep!"
Ay, putang ina lang.
"How come na naging mag-on 'to saka si Coco?! May gayuma ba talaga yung mga pinaglalamon n'yo dati na galing sa kanya?!"
"Ay, makasigaw naman ang Damaris, gigil na gigil?" Tumawa na naman siya kaya mas lalo akong nainis. "Okay! Since alam mo na ang totoo. Yeah. Si Dree at yung stalker mo no'ng college, iisa lang. Pero wait lang, ha? Bago ka mag-react, ire-remind lang kita ulit—ULIT—na magtropa lang sila ni Coco."
"Then paki-explain kung bakit ilag na ilag kayo ni Rex sa pagbanggit kay Coco every time na nagkikita tayo ever since nag-abroad ako," utos ko. "Kasi alam mo, okay na sana ako na ayaw n'yong sabihin kasi pino-protect n'yo lang si Coco, e. That you don't want me to break him again after leaving him kaya n'yo siya iniiwas sa 'kin. Okay na 'ko do'n, e. Tinanggap ko na kasi nga mali ako, e. Pero ano 'tong mga nalalaman ko ngayon?"
Tumahimik ako at narinig nang malinaw ang ilang pagbuntonghininga ni Cali sa kabilang linya. Naghintay ako ng sagot pero ang tahimik lang niya.
"Hindi ka magsasalita?" hamon ko. "Gusto mong sa media na lang tayo mag-usap-usap?"
"Fine, fine! I'll talk." Another sigh from him again, and I could feel that he didn't want to speak, but he has no other choice right now. "Aware ka naman kung bakit may urgent wedding kayo, right?"
"So?"
"You're the heiress of four powerful families. Hindi ka lang basta anak ng magsasaka, okay? Yung video scandal mo noong college, hindi siya okay sa business. Kailangang mag-consign ni Ninang Mel sa iba't ibang agreement para hindi mag-pull out ang investors. Minadali ang kasal? Yes, minadali. Balak pa 'yong ayusin ni Mamila dati kaya umasa ang investors kay Coco. Kapag kasal na kayo, kahit hindi ka na kumilos, okay na sila sa mga Dardenne. Magiging asawa ka na lang, e. But then again . . . you left."
"Pero si Coco ang pumayag na umalis ako. Tinanggap niya naman 'yon."
"Mahal ka lang ni Coco kaya nga tinanggap niya na kung ayaw mo, e di 'wag. Pero hindi siya ang investors, Ram. Hindi tatanggap ang investors ng katwiran na ayaw mo lang kasi di mo feel magpakasal."
I know. Kaya nga ayoko na lang makipagtalo.
"Coco loves you enough to let you leave him. But he loves Tita Jae, too, and he can't leave her just like that."
Naiintindihan ko naman ang lahat ng sinasabi ni Cali, pero gusto ko lang malaman kung bakit ang daming nangyari na hindi ko alam.
"Si Audree . . . gusto lang niyang tulungan ka kasi mahal ka rin niya. Sobrang gulo ng pamilya no'ng umalis ka, akala mo ba? Nagalit sila kay Coco kasi hinayaan ka niyang umalis, and he needed to justify why you left him. Tingin mo ba, tatanggap ang shareholders ng sagot na umalis ka lang kasi trip mo? Na ayaw mo lang kaya bahala na kaming lahat dito? Siguro sa 'yo, gano'n lang 'yon kadali. Nagawa mo, e. Pero lahat ng atake dapat sa 'yo, sinalo lahat 'yon nina Coco at Audree. Ang tahimik ng buhay mo sa abroad. Walang nanghihingi every week ng explanation kung bakit ka tumanggi sa kasal."
May kung ano sa akin na gusto na lang i-drop ang call pero hindi ko maigalaw ang daliri ko. Ang laki ng bara sa lalamunan ko na hindi ko malunok-lunok.
"Tatanungin mo kami ni Rex kung bakit hindi namin binabanggit si Coco sa 'yo? Ano'ng sasabihin namin sa 'yo? 'Ram, kawawa na yung pinsan namin. Pinagtutulungan na siya rito.' 'Yon ba? Alam mo bang ilang beses kang dinalaw ni Coco sa Cambridge?"
"Ha?" di ko napigilang itanong.
"Pero alam mo kung ano ang ginagawa nina Ninang Mel kapag tinatangka niya? Kung saan-saan ka ipinadadala. Pinapunta ka sa Disneyland. Pinapunta ka sa Osaka. Pumunta pa nga si Coco sa graduation day mo, pero nasaan ka? Nasa Canada ka. Alam mo ba kung gaano kalayo ang England sa British Columbia? Magtataka ka kung bakit wala si Coco every reunion? Nandoon siya palagi sa Denmark. May work daw siyang gagawin doon kahit wala naman talaga."
Kusa na namang tumakas ang luha kong hindi na napigilan. Kahit gusto kong sumagot kay Cali, hindi ko magawa dahil sa mabigat na nakabara sa lalamunan ko.
"If you think na galit silang lahat sa 'yo rito—no. No one's putting the blame on you, Ram. Kabaligtaran pa nga, e. Everyone's protecting you. Everyone was protecting you from Coco. And now, wala na si Audree. He needs to face his battles alone. Puwede mo siyang sumbatan hangga't gusto mo, pero ang maiiwan lang niyang sama ng loob sa 'yo, ang pag-iwan mo sa kasal n'yo, hindi ang hirap niya sa eight years na 'yon dahil sa 'yo. He's had enough scars for the past eight years just to protect your peace, Ram. They made a villain out of my cousin because of you, but he will never blame you for being the monster he has become."
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top