Chapter 20: Shade
Hindi ako familiar kay Jensen Faminialago, but their manufacturing company, yes. Sobrang sikat ng brand nila ng papel na since childhood days ko, kilala ko na.
Tinitingnan ko kung gaano siya ka-familiar kay Damaris Lauchengco para hindi niya ako makilala, pero hindi ko alam kung mabubuwisit ba ako sa kanya or what.
"I never questioned why CD is head over heels with this girl. Tingnan mo naman."
Jensen was showing me my pre-nup wedding photos. 'Yong grabe ang fleek ng lashes ko, may malaking contact lens pa 'ko, ang inosente pa ng ngiti ko, tapos ang OA ng filter na para akong hinugot mula sa fantasy film at lilipad any time! As if namang 'yan talaga ang mukha ko sa personal! E, kahit ako, kung makasalubong ko 'yang sarili ko sa daan, hindi ko makikilala 'yan, e!
Nakakainis makita ang pagmumukha ko. I'll forgive Chanak for saying the same thing to me. He's totally right.
"Maraming testimonials na nagsasabing may attitude daw 'to. Wala siyang friends sa school aside kina CD and Cheese. Hindi naman daw maarte pero troublemaker. Well, mayaman siguro kaya ginawang ticket maging ma-attitude."
Anong ma-attitude ang pinagsasabi nito? Ang sabihin niya, marami lang talagang nakakabuwisit na tao sa mundo. Sinisi pa ang attitude ko, mga tanga.
After lunch, nag-tour kami ni Jensen sa buong lote na nabili nga raw nila ni Coco. Akala ko, yung lomihan lang ang nakuha, pati pala yung dating bulugan.
"Last year nag-start ang excavation dito. Ngayong year lang natapos. Designing na lang talaga kami ngayon. May plan na si CD rito. Naghihintay na lang kami ng delivery ng mga gagamitin."
Dumeretso kami sa dulong area ng dating bulugan at napalitan na 'yon ng maliit na modern house.
Pumasok kami roon, at sa buong rest house, iyon na yata ang pinakamaayos na parte o masasabing fully-furnished na at puwedeng tirhan. Mabango na nga sa loob, and I think opisina rin yata 'yon same sa satellite office nina Ninong Leo. May front desk na rin kasi at office area sa kaliwang side.
"Dito kami nagwo-work ni CD sa ngayon kaya mapapansin mong mas okay na siya kaysa sa rest house sa kabila. In case na hindi ka familiar sa ibang work ko, priority ko ngayon ang furniture designing. Same kami ni CD na under ng interior design, pero focused ako sa furnitures," paliwanag ni Jensen. "And since nag-agree na si CD na mag-work ka rito, dito ka gagawa ng ipatatrabaho namin sa 'yo."
"Whoah! Wait? Namin?" gulat na tanong ko.
"Yep! Co-owner si CD rito, remember?" Itinuro niya ang working area sa dulo na may tatlong nakahilerang drafting table. "Ang sabi niya, designing ka rin. But sa industrial ka, sabi mo kahapon, am I right?"
"Yeah," marahan akong tumango.
"Magkakaiba kasi ng disciplines ang courses na forte nating tatlo, so we'll adjust. But you're good with the spreadsheet thing. I love numbers and geometry, but never numbers and accounting. Sana okay lang sa 'yo na medyo slow ako sa auditing."
"Tatlo ang drafting table dito. Doon ba sa best friend ni Coco ang isa?" asiwang tanong ko.
"Ha?" sagot niya at napatingin sa mga mesa sa dulo ng ground floor. "Yung isa diyan, kanina lang niya ipinadagdag. Walang idea si Dree sa rest house na 'to."
Wait, what? Walang idea yung Audree? So . . .
"Ibig sabihin, kayo lang talaga ni Coco ang may alam nitong rest house?" nalilitong tanong ko.
"Hindi naman. Of course, aware ang mga familiar sa lomihan na nandito dati kasi kina Sir Venus 'to. Ano ka ba? But, 'yon nga, hati kasi kami ni CD sa ipinambayad dito sa area."
"At pumayag kang hatian siya?"
Idinaan niya sa mahinang tawa ang unang sagot sa akin. "To be honest, CD can buy this place nang siya lang."
I know. And if sasali pa si Tito Rico, pati ang tatlong kasunod na bahay, baka bilhin din nila.
"Pero complicated kasi talaga ang situation," dugtong ni Jensen. "Para din hindi ka mag-wonder sa nangyaring hatian. Ang paid amount ni Coco rito sa property, same sa paid amount ng bahay nila ni Audree."
Hayun na naman ang side-eye ko kay Jensen.
"Audree bought that house pero naka-register ang property sa pangalan ni Coco—but! This is the tricky part. Malapit ka nang mamatay tapos bibili ka pa ng bahay? Ang weird, di ba?"
Nangungunot ang noo ko nang unti-unting maisip ang pinatutunguhan ng sinasabi ni Jensen.
"So here's the thing. Ang naka-record na property ni Coco, yung bahay nila ni Dree, hindi itong rest house. Kasi itong property, sa akin nakapangalan itong lupa. Basically, yung pera, hati sa amin ni CD. Pero sa akin lang ang title. Then he sold the property kuno nila ni Audree, ibig sabihin, wala na siyang property pero may binayaran siya."
"That's bullshit. Paano siya mawawalan ng property kung itong rest house naman ang binayaran niya, hindi 'yong bahay nila ng best friend niya?"
"Exactly! So clear na ang books niya! Sa mata ng lahat, wala na siyang property na hawak kasi nabenta na niya. But!" Lumabas ang mapaglarong ngisi ni Jensen saka itinaas-taas ang kilay sa akin. "No knows that he co-owns this rest house. Babayaran niya rin 'to sa 'kin soon. I bought this place para kung bibilhin man niya 'to nang buo, sa 'kin niya bibilhin, hindi sa ibang tao. Malinis! Smart." Patawa-tawa pa si Jensen habang naglalakad, pero hindi na ako natutuwa sa mga sinasabi niya. "He's been dealing with everyone's shit for so many years. Kaya kung napanood mo sa TV ang funeral ni Dree, matatawa ka na lang. Best actor 'yang si Coco, akala mo ba?"
No fucking way.
Huwag niyang sabihing umiyak-iyak ako sa lamay na 'yon para lang sabihin niyang umaarte lang si Coco sa harap ng lahat!
"It's sad that Audree died nang ganitong kaaga, but you know? Coco knew that she would die soon. We all knew that she would die soon. Sa totoo nga, bilib pa kami kay Audree kasi six years lang naman ang taning sa kanya pero nailaban pa niya ng eight years. Ang ganda pa nga ng setup nila. Na mas pinili ni Coco ang dying girlfriend niya over that Lauchengco girl. Para silang nasa reality game show, hahaha!"
Lumipat kami sa kabilang room at doon nagtambakan ang sinasabi ni Jensen na "work" niya.
Ang daming unfinished woodwork. Ang laki ng cutting machines. Nakasabit sa dingding ang iba't ibang gamit at stencils.
"This is my working area. Most of the time, kami ni CD ang nagka-cut mismo rito. Makalat pa sa ngayon, pero okay lang 'yan. May mas makalat pa diyan, hehe."
Tumuloy-tuloy kami sa dulo at lumabas sa terrace na tanaw ang overlooking ng Taal gaya sa kabila. Mas malinaw nga lang dito dahil tinabas ang mga dahon ng puno. "Balak ni CD na palagyan dito ng tambayan.
Hindi pa kami sure sa klase ng furniture na gagamitin, pero gusto niyang cozy ang vibe."
Lumiko kami sa kaliwa at napunta na sa mini garden ng bahay.
"CD loves planting, baka lang hindi mo pa alam. Kaya marami siyang tanim-tanim diyan. 'Yan lang ang itsura niyan ngayon, but next week, iba na naman. Pinagpapraktisan niya kasi 'yan ng landscaping kaya don't be shock kung nagbabagong-anyo 'yang garden every now and then."
Lumiko na naman kami sa kaliwa at nakabalik na kami sa harapan ng bahay.
"For now, magtatago muna siya rito sa rest house since tapos naman na ang acting career niya sa Manila kasama si Dree. Pero huwag mo namang awayin kasi best friend pa rin naman niya 'yong namatay. May impact pa rin sa kanya 'yon emotionally and mentally. Next month daw ang balik ng runaway bride niya from Canada. Nagte-take daw 'yon ng master's degree. For sure, riot na naman 'yan sa news kaya kailangang paghandaan."
Nakasunod lang ako kay Jensen habang nagpapaliwanag siya. Ang dami niyang sinasabi na wala akong ka-ide-idea na nangyayari pala. Nakikinig pa lang ako sa kanya, napapagod na agad ako.
"Ibig bang sabihin niyan, dito na siya sa Tagaytay titira?" tanong ko nang habulin siya pabalik sa ginagawang rest house.
"Yeah! Patapos naman na ang commitments niya sa mga Sioco. Sabi rin pala niya, since wala kang bahay, dito ka na lang daw muna tumira para hindi mo na kailangang mag-travel from Manila."
So he really had a plan to escape right now, at dinamay pa ako.
But still, there was something off about Audree. Something's not clicking. I knew Coco's batch at wala namang chick sa mga classmate niya. Saan galing si Audree kung gano'n?
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top