Chapter 2: Eulogy
Eight years long . . . ganoon kahaba mula nang makabalik ako sa bahay namin sa Dasma. The whole house was quiet kahit may mga maid naman.
"Ramram!" hiyaw agad ni Yaya Sale pagtapak ko sa entryway.
"Hi, Yaya. 'Musta?"
"Hala, siya! Bakit gabing-gabi ka nang umuwi?" Naaligaga agad si Yaya Sale at hindi alam kung ano ang uunahin. "Akin na ngang mga bagahe mo!"
"It's okay. I'll take care of it." Natatawa na lang ako kay Yaya kasi halatang matutulog na lang yata siya. Naka-curler pa at naka-floral duster. I didn't give her my bags, but she took one of my suitcases. It was easier for her to carry, hindi na niya kailangang buhatin pa.
One thing I immediately noticed about her were the freckles and wrinkles on her face. I could tell that she had aged a lot since the last time I saw her. Maybe I didn't change that much from the last time I was here, but they changed a lot in my eyes. I left when she was 61, and now she's almost 70.
"Yaya, saan sina Papa?"
"Sina Pat-Pat, nandoon sa farm. Alam mo naman kung bakit," sabi ni Yaya Sale sa istrikta niyang tono. "Ikaw? Bakit wala kang pasabi na uuwi ka? Akala ko ba, susunduin ka ni Cali?"
"Susunduin ako ni Cali?" naguguluhang tanong ko dahil wala naman sa . . .
'De, inform mo lang ako kung uuwi ka para masundo kita sa airport. Siguro, mga bukas, ganiyan, haha! Joke, half-meant.
Ah, so they were really expecting me to come home soon.
"Bakit po ako susunduin ni Cali?" tanong ko na lang dahil iba ang pinag-usapan namin ni Carlisle about this—the island thing was really sus.
"Patay na kasi yung girlfriend ni Coco," panimula ni Yaya Sale kaya hindi ako nakaimik. Hindi ko rin kasi sinabing doon ako naunang pumunta bago umuwi. Mabuti na lang at naisipan ko munang dumaan sa mini mart sa may gas station kundi pagagalitan nila akong lahat kung dumeretso ako sa bahay.
Nagpatuloy siya sa sinasabi. "Si Coco, dumaan 'yon no'ng nakaraang linggo dito sa bahay, nakikibalita kung kailan ka raw uuwi. E, sabi namin, hindi namin alam. Tinanong pa namin kung bakit ka hinahanap, gusto ka yatang kausapin no'ng girlfriend niya. No'ng, ayan nga, patay na raw yung babae, balak kang ipasundo kay Cali. E, nauna ka na palang makauwi."
"Oh . . ." I didn't know that. Gusto pala akong kausapin ng girlfriend niya, bakit hindi niya ako tinawagan?
"Natawagan ka na ba ni Cali kaya na napauwi?" usisa ni Yaya Sale, na hindi ko alam kung paano ko sasagutin.
"Cali called the last night, pero wala siyang nabanggit about the death of someone related to Coco."
"Ay, bakit biglaan ang uwi mo naman?" biglang tanong ni Yaya paghinto sa tapat ng kuwarto ko. "Tinawagan ka ng mama mo?"
I smiled a bit and shook my head. "Nakita ko po yung post ni Coco about his girlfriend na wala na nga. Umuwi ako kasi . . ."
Kasi may guilt feeling sa akin na hindi sana siya mamamatayan ng girlfriend kung umpisa pa lang, pinakasalan ko na siya. Coco's not a casanova type, and I could feel that he loved that girl so much.
"Huwag mo nang sagutin, alam ko na 'yan," sabi ni Yaya Sale nang hindi ko madugtungan
ang sinasabi ko sa kanya. "Bukas ka na pumunta sa kanya dahil nandoon pa si Coco sa pamilya n'ong babae. Huling araw na mamaya. Ike-cremate daw yata at nagpa-reserve na ng puwesto sa columbarium."
Ayoko na lang sabihing si Coco agad ang pinuntahan ko paglabas na paglabas ko ng airport, baka lalo lang akong pagalitan ni Yaya Sale. Pinagalitan na nga ako sa pag-uwi ko nang ala-dos ng madaling-araw at wala pang pasabi. Bukas, inaasahan ko nang lahat sila, pagagalitan din ako, lalo na si Cali na nag-offer ng sundo kung uuwi man ako sa Manila.
"Magpahinga ka muna. Gigisingin ka namin mamaya para sa almusal," paalala ni Yaya Sale at isinara na ang pinto ng kuwarto ko paglabas niya.
Ang lalim ng buntonghininga ko nang mahiga sa kama. Walang ipinagbago ang kuwarto ko noong huli akong natulog dito. Parang kanina lang din huling nilinis. Parang hindi iniwan nang sobrang tagal sa sobrang bango. I could tell that the smell of calming lavender here felt like I was already home compared to my studio in BC.
I did a short breathing exercise until I started to yawn. I had to do this every night so I could fall asleep. The next minute I opened my eyes, it was already six in the morning— my usual time to wake up—although my body clock was still adjusting. Same morning pa rin naman kahit fifteen hours ang difference ng time zone.
I slept for four hours, longer than my usual three-hour night sleep. Naligo na agad ako at nagbihis ng casual clothes na puwedeng panlamay. I wanted to wear a tank top pero hindi ko na tinangka. Satin cowl neck na lang ang isinuot ko at pumili ako ng long-sleeved kahit meron naman akong sleeveless. Para lang walang masabi ang pamilya n'ong babae kung makikita man akong nandoon. Nag-denim jeans na lang din ako at simpleng black Chelsea boots. Pagbaba ko sa dining area, pinagalitan na naman ako, pero ni Yaya Ising na.
"Natulog ka ba?" bungad na bungad niya nang pamaywangan ako.
Napangiti na lang ako at iniwasang tawanan siya. "Good morning, Yaya Ising. I miss you!" Niyakap ko agad siya at tinapik-tapik sa likod.
Isa si Yaya Ising sa mga tagahabol kong bantay noong buhay pa si Lolo. Malusog pa siya noong umalis ako. Huling video call naming dalawa, nasa ospital siya dahil na-stroke. Payat na siya ngayon at hindi na pantay ang isang mata kaya mas lalo akong nalungkot.
"Dapat nagpapahinga ka, di ba?" sabi ko pa.
"Ikaw ang dapat nagpapahinga!" sermon niya at hinabol pa ako ng kurot sa kilikili pero mabilis akong umiwas. "Bakit hindi ka nagpasabing uuwi ka?"
"Huwag ka nang magalit, Yaya. Mahirap kumuha ng earliest flight. Hinabol ko lang 'tong flight ko para maaga akong makauwi." Nangungunot ang noo sa akin ni Yaya Ising pero hindi na nasundan ang sermon niya.
Pinag-almusal nila ako at napansin ko agad na wala silang masyadong tanong tungkol sa naging buhay ko sa abroad. Puro lang, "Anong oras ka pupunta para masabihan na sila?"
Hindi ko pa masabi kung anong oras, pero siguradong ibabalik ko kay Coco ang kotse niya.
"Aalis ka na?" tanong agad ni Yaya Ising nang mapansin ang handbag kong dala na iniwan ko muna sa side table bago ang dining area.
"Yes, Yaya."
"Ang aga naman?"
"Babalik ako mamayang hapon para matulog ulit. Bye, Yaya!" Nag-jogging na ako palabas ng bahay para hindi niya ako maabutan. Sure kasing hahaltakin na naman ako at pababalikin sa kuwarto ko.
"Patatawagan ko muna si Billy para ipag-drive ka!"
"I can drive, Yaya! Ba-bye!"
Last day daw ng lamay, and I tried to do a little research habang traffic pa.
Audree Sioco. I was thinking na baka nakilala lang siya ni Coco somewhere after I left him, pero graduate din pala itong Audree sa LNU. Same sila ng batch ni Coco—more likely classmates sila.
Hindi ako familiar sa kanya sa school. Probably because hindi rin naman ako friendly. After ng video clip ng sex scandal ko before, hindi na ako nag-attempt makipag-socialize sa mga taga-uni maliban kay Divine.
May ilang articles about her family na kasama rin siya. May-ari pala sila ng food cart franchise. Even her death was in the news.
"Oh shit."
Her death has made headlines.
Hindi galing sa simpleng family. Kaya pala wala akong naririnig na bad comments about her.
Naghahanap pa ako ng related topics, and I couldn't help but feel envy because she definitely looked like someone Lola Diyosa would root for. Sophisticated, calm-looking, has a sweet smile, graceful—someone I'm not. Kaya siguro hindi ako binabalitaan about her o walang nagsusumbong tungkol sa kanya.
I was expecting Coco to have a girlfriend— or girlfriends, honestly—but I didn't expect this Audree to be this perfect for our family's liking.
Kaya siguro ayos lang sa lahat na wala ako, kasi may better palang pumalit para kay Coco.
Hindi ko ide-deny na may regret at sama ng loob doon. Kahit kasi sina Mama—ultimo si Mama—walang binabanggit sa akin about Coco. Ewan ko kung nagalit din ba siya sa ginawa ko kasi siya lang naman ang nag-propose na ikasal kami ng anak ni Tita Jae. Si Tita Jae, ang gusto lang niya, kung saan masaya ang anak niya—hindi exclusive ang saya na 'yon na kasama ako.
I might hurt Coco, but I guess I hurt everyone around him too. Maybe I hurt them more than I hurt Coco. Nagkausap kami ni Coco kaninang madaling-araw, and I didn't feel not welcome. He even let me borrow his car. Kung galit siguro siya sa akin, hindi niya ako sasabihang mag-ingat ako sa biyahe.
The travel time according to the virtual map was twenty-one minutes, but it took me an hour and six minutes para lang makapunta sa chapel. Pagdating ko roon, marami nang tao. May mga nagbibigay na ng speech na dinig mula sa labas. Nahiya na akong pumasok sa loob kaya nag-stay na lang ako sa gilid ng nakabukas na pinto ng kapilya para makita ang mga umaakyat sa podium para magsalita.
Naabutan ko ang mama ni Audree at napatapos ko kahit kaunti ng eulogy niya. Napatago ako sa sulok, sa loob na, nang sunod na umakyat si Coco. Pansin kong hindi na T-shirt ang suot niya. White short-sleeved polo na at black slacks. Naka-leather shoes na rin siya at nakasuot na ng eyeglasses.
I'm not sure kung tumaas na ba ang grado ng mata niya. 75 ang right eye niya eight years ago. Hindi ko na alam ngayon. Nakasuot na siya ng salamin dahil mukhang may babasahing printed material sa mababang stage.
He aged well. Ang lungkot niyang tingnan, pero kitang-kita ko ang laki ng pagkakaiba ng itsura niya noon at ngayon. I left him when he looked like a boy planning to steal candy from a mart. Now, he looks like the owner of all the existing marts in the country.
Wala pang simula ng speech, pinalalakas muna ang pagkanta ng live singers na nasa gilid ng altar.
Gumilid ang tingin ko nang maglapitan ang ibang photographers at videographer, may ibang taga-news pa. Iisipin ko sanang for photo ops lang yata ito nang harangin ang mga photographer ng mga security personnel para palabasin muna ng chapel kasi nakakagulo sila.
Napatakip ako ng bibig gamit ang puting panyo. Kinuha ko na rin sa handbag ang shades ko para lang hindi ako mapansin ng iba dahil may press din palang nandito kahit hindi sila imbitado.
"Thank you all for coming," panimula ni Connor kaya napunta sa kanya ang lahat ng atensiyon. May kumakanta pa rin pero mas mahina na. "Although I really want this day to be as private as possible, gaya ng request ko sana kina Tita Yolly, pero napagbigyan na nila ako kagabi hanggang kaninang madaling-araw."
Malat na malat ang boses ni Connor pero buo pa rin at malalim ang timbre ng boses niya. Para akong nakikinig sa taong hindi ko kilala. O hindi na siguro ako sanay dahil eight years ko ring hindi siya narinig na magsalita nang malakas, kahit kaninang madaling-araw.
"Eight years ago noong nalaman kong may sakit si Audree. Eight years ko nang ine-expect itong araw, pero hindi ko in-expect na ganito ang feeling . . ."
Eight years.
"Nakilala ko siya, heartbroken ako. Pero noong nakilala ko siya, wala akong maramdamang kahit na ano. How I wish na sana gano'n din ngayon. Kasi ngayong wala na siya, nararamdaman ko . . ." Saglit siyang huminto para lang umiwas sa mic at tumikhim sa gilid. Nagpunas pa muna siya ng luha bago bumalik. "Ramdam ko lahat," pilit niya sa mga salita bago muling tumahimik. "Lahat."
Nakakarinig na ako ng mahihinang iyak sa kung saan. Pinipigil ko na lang din ang sarili kong huwag dumamay kasi hindi ko naman kilala ang pinaglalamayan.
"She was so bubbly. She was that I-can-solve-it girl na tingin niya, lahat ng problems, parang puzzle na sobrang eager siyang i-solve. Naputulan ng pakpak ang butterfly, problema niya. Nasira ang bag ng kasabay naming bata sa daan, problema niya. Walang pagkain yung pulubi, problema niya. I thought, why did you have to solve everyone's problem? And she said, because I can't solve my own. Lahat ng . . ." Saglit siyang huminto, parang nabalisa pa at napatitig sa harapan bago binalikan ang binabasa. "Lahat ng ginagawa niya, hindi niya ginagawa para sa sarili niya. And I was there . . . helping her in leaving some reasons to be remembered. Now that I remember everything, I feel everything all at once."
Ang lalim ng paghugot niya ng hininga at saglit na namang lumayo sa mic para magpigil ng iyak. Hindi ko siya nakitang magsalita noong iniwan ko siya sa kasal namin, pero ngayong naririnig ko siya dahil iniwan ulit siya ng ibang tao, ramdam ko kung gaano siya katatag para tiisin ang lahat ng sakit na dala niya mula pa noon.
Bumalik na naman siya sa mic at punas-punas ang mata gamit ang white hanky.
"If I could love her more, I would. If I could give her more of my life, I would. If only . . . I could. Now everything reminds me of her. Every broken thing reminds me of her and why she was always there to fix everything up . . ." He shook his head and laughed bitterly. "This is the first time I hate why angels go to heaven. I should have loved her more than the eight years we were together. Sana nakilala ko siya nang mas maaga pa."
The paper he was holding had a lot of paragraphs, but he said less than those. Bumaba na agad siya sa stage at walang pasabing umalis para pumunta sa likod ng kapilya.
Sana nakilala ko siya nang mas maaga pa.
That . . . hurt me to the core. Siguro dahil para na rin niyang sinabi na sana, hindi na lang niya pinilit yung amin para hindi nasayang ang mga taon niya kahahabol sa akin.
When I thought I shouldn't have left him, he thought that it would be better if I left him earlier so he could be with someone else.
Sana nga, mas maaga akong umalis kung hindi rin pala kami para sa isa't isa.
♥♥♥
Daily updates on the advanced reading channel.
RUNAWAY STATUS: ONGOING
Join po kayo sa t.me/TambayanNiLena sa Telegram kung nais ng spoilers. Pero kung ayaw n'yong ma-spoil, don't join para hindi kayo magreklamo na puro ako spoiler doon, hahaha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top