Chapter 19: Amendments
Para akong inilagay sa isang position na existing ako roon pero wala akong kamalay-malay sa nangyayari.
Luan told me about Audree, and the details were unexpected.
Kabit daw ni Coco yung Audree. She happened before our wedding. But that was weird. Halos kami lang ni Coco palagi ang magkasama araw-araw after ng sex scandal ko sa uni, so where was she during those years? Sa dami ng bantay namin from Afitek, wala man lang nakaamoy sa babaeng 'yon?
Sobrang impossible talaga since same kami ng apartment ni Coco. Pero . . .
"Wala silang binabanggit sa 'kin about Coco," pagamin ko kay Luan. "Ni hindi nga sila nag-reach out sa 'kin, e. Sina Cali at Rex lang?"
"Paanong babanggitin, e ayaw ka ngang pauwiin dito," masungit pang sagot ni Luan na busy sa monitor na nasa front desk. "Nag-away-away pa nga sila diyan. Four years ago, nagpaalam si Coco na pakakasalan daw niya si Audree. Si Ninong Pat, gusto ka nang pauwiin. Si Ninang Mel, ayaw. Si Ninang Jae, ayaw rin. Nakabili na siya ng bahay nila ni Audree n'on, ha? Kaya rin in-assume namin na seryoso nga. May bahay na, e."
Napapatulala na lang ako sa ikinukuwento ni Luan na hindi ko alam.
"Walang blessing yung kasal nila from Ninong Rico kaya hindi rin nila matuloy-tuloy. Settled na rin kasi halos lahat, pero ayaw talaga nina Ninang Jae."
"Yung Audree . . . kailan siya ipinakilala ni Coco kina Tita Jae?" alanganing tanong ko, at nanlalamig na talaga ang palad ko.
"After ng kasal! Parang after a week, pag-alis mo lang? Kaya nga nag-meeting pa sina Daddy saka Ninong Clark kung anong magandang suggestion para hindi ka muna makauwi. Si Tita Shin na ang nagsuggest na mag-aral ka na lang do'n kaysa mag-work ka. Gagastusan ka na lang nila. Somehow effective naman . . ."
Nanghihina ako sa mga inaamin ni Luan. So, all this time, wala talaga silang balak aminin sa 'kin ang tungkol sa ginawa ni Coco?
Pero may hindi talaga tama. Hindi ko talaga nasusundan.
"Ang plan nila, pauuwiin ka na next month," pagpapatuloy ni Luan. "The thing is, walang nag-expect na uuwi ka sa mismong funeral ni Audree.
Sobrang off para kina Ninang Mel ang timing kasi tinututukan din sila ngayon ng media. Hindi ako sure kung hinihingan din sila ng statement sa pagkamatay ni Audree. Ang lumalabas kasi sa mga blind item, parang karma niya for being the side chick."
Really? Is that so? Parang hindi ko makitang ganoon ang situation.
"Na-experience ko rin namang makaaway si Daddy at mawalan ng connection sa kanya, and to be honest with you, hindi ko kukuwestiyunin si Ninang Mel sa ginagawa niya ngayon. Aired on public ang funeral ni Audree, and Coco was there. Aired din in public ang wedding n'yo eight years ago. Kung wala ka sa mansiyon ng mga Lauchengco ngayon, good for you. May mga nagbabantay na paparazzi sa Dasma ngayon, just so you know."
Oh shoot! Tapos doon pa ako dumeretso pag-uwi ko last time?
"I'll commend Ninang Mel for keeping you out sa media and she did that silently. Wala pa akong naririnig sa news about you and Coco, so I guess Ninang Mel is only doing this to prevent a potential uproar sa family and sa business. Hindi nangingialam si Tita Shin kaya sure akong alam ni Ninang Mel ang ginagawa niya. Iniisip ko nga na baka kaya ka pinaba-block ni Ninang Mel sa employers, para walang makaalam na nasa Pilipinas ka na. But who knows? Hunch ko lang naman 'yan."
Luan experienced the same thing. The struggle of living alone nang walang support ng family. Pero ang kaibahan lang siguro namin, may Kuya Eugene siya, at sanay ako sa buhay sa bukid.
But what he said lit a lightbulb in my head. It does make sense.
If Mama was only doing this to protect me from those pests who want to ruin my peaceful life . . .
If they cut off communication with me for the past four years to avoid telling me the bad things they were dealing with when I was away . . .
"Kung pupuntahan ko ngayon si Mama—"
"Hindi ko isa-suggest," putol sa akin ni Luan.
"Why?"
"Maraming nangyari no'ng wala ka, Ram. No one knows where Coco lives right now. Pero sure akong alam mo at ni Cali kung saan. Nako-contact ka naman ni Cali kaya hintayin mo na lang na may sabihin siya. Isipin na lang natin na nasa ibang bansa ka pa rin. Maghintay ka na lang kung kailan ka pauuwiin ni Ninang Mel."
Naku-curious ako sa mga sinasabi ni Luan at nangangati ang palad ko na tawagan si Mama. Pero hindi siguro magandang idea na tawagan na lang siya basta. Nag-text na lang ako kay Tita Shin—o kay Ninong Vin—kung puwede ba silang makausap. Kapag puwede, tatawag na lang ako agad.
"Luan, pautang akong 10k."
Mabilis siyang napangiwi sa sinabi ko. "Aanhin mo naman?"
"Nakahanap kasi ako ng work, kaso sa Tagaytay. Plan ko sana, mag-start ngayon. Nanghihinayang kasi ako sa araw. Ang stagnant ko. May utang pa nga sa akin 'yong pupuntahan ko! Inayos ko yung sasakyan kaso di pa 'ko bayad kaya sisingilin ko muna. Ibabalik ko rin pag-uwi ko."
"Pero sa Tagaytay pa? Ang layo naman," diskumpiyado niyang sagot.
"Tanda mo yung lomihan nina Lola Lita."
"Wala nang lomihan do'n. Binili na 'yong lote, and—"
"Exactly! Doon ako sa bumili magwo-work ngayon. I think mataas naman siyang magpasahod. Mukha naman kasi siyang uto-uto."
"I know," bored na sagot ni Luan na nakapagpataas ng kilay ko.
"What do you mean by you know?"
"If you're talking about Jensen, yeah, mabilis talaga siyang utuin. But he's not stupid stupid. Aside from work, wala ka bang ibang agenda sa kanya?"
"Um . . . wala naman. Maliban sa unpaid spark plug, wala naman siyang ibang atraso." Nagtaka agad ako. "Dapat bang meron?"
Nagkibit lang si Luan at may kung anong kinuha sa ibaba ng front desk kaya napasilip ako. "I don't like that guy, so I'll trust your Vizcarra blood to kick his ass once he did something stupid to you."
Bumaba ang tingin ko sa inilapag niya sa desk. Limanlibo. Kinuripot pa 'ko. Para namang hindi anak ng bilyonaryo 'tong isang 'to.
"Huwag kang mag-expect nang mataas dito," depensa niya kahit wala pa akong sinasabi. "Lending company pa rin kami. May minimum credit limit kaming need na sundin. Puwede na 'yan. Magkano lang naman ang pamasahe pa-Tagaytay. Five percent interest rate for 30 days. Ipadadala ko ang agreement kay Cali mamaya."
"Grabe, anak ka nga ni Ninong Leo." Kinuha ko na ang pera. Wala naman akong choice, mas okay na 'to. "Si Chanak, paano 'yan? Aalis na 'ko."
"Hayaan mo na 'yan diyan. Hindi mo rin 'yan mapapaalis diyan hangga't hindi 'yan tapos."
Sa bagay. Nilapitan ko na si Chanak para magpaalam. "Charley, aalis na si Tita Ram."
"Tita Ram, wala ka pa bahay, e!"
"Maghahanap na ng bahay si Tita. Sige na, ba-bye na." Hinalikan ko siya sa tuktok ng ulo at nagpasabi agad. "Dito ka muna kay Tito Luan, ha? Sabihin ko na lang kay Daddy Cheese na nandito ka kina Rion."
"Opo! Ba-bye, Tita Ram! Hanap ka ng bahay na malaki, ha!"
"Opo, maghahanap ako ng bahay na malaki."
It was a good thing na labas lang ng subdivision nina Cali ang bus stop, ang kaso, iikot nga lang ng ruta. Better option pa rin ang private service, at mas okay ako sa motor kahit na kailangan pang umikot sa CavSU. Kahit alas-nuwebe ng umaga na ako nakaalis kina Luan, nakarating pa rin ako before lunch.
Ang yabang ko pa kay Jensen na aagahan ko ang punta, tapos tatanghaliin din pala ako. Nasaktuhan ko tuloy siyang nanananghaliang mag-isa sa veranda ng rest house.
"Wow! Ang aga mo naman para bukas," nang-aasar na bati niya.
"Joke ba 'yan? Huwag mo nang ulitin. Enough na 'yong mukha mo para matawa kaming lahat."
"Grabe, ang suplada naman. Gusto mo ng lunch? Hindi pala kita napakain kahapon, sorry!"
Naupo ako sa mahabang vintage bench na inuupuan niya. Wala kasing ibang upuan na available, unless mauupo ako sa sahig. Ang mesang gamit niya, monobloc lang din na mukhang hinatak na lang niya kasi ang gulo ng ayos.
Pang-kanya lang ang pagkain niya kaya napa-text siya sa ibang helper sa rest house para padalhan ako ng pagkain.
"Uy, by the way, hindi mo naman sinabing kilala ka pala ni CD," kuwento ni Jensen kaya natigilan ako at napatitig sa kanya.
Alam na ba niyang muntik na akong pakasalan ng kabarkada niya?
"Schoolmate ka pala niya dati! Hahaha! Small world, 'no?"
Schoolmate. Wow. From ex-fiancée to schoolmate.
Wow.
Hindi pa ako nakaka-recover sa mga inamin ni Luan, huwag na siyang dumagdag.
"Sorry, hindi pa ako paid sa services mo kahapon," dagdag niya. "Paano pala kita mababayaran? Puwede ko bang malaman ang bank account mo o need talagang cash?"
"I-cash mo na lang."
"Ayaw mo talagang sabihin ang real name mo?" buyo niya nang ngisihan ako.
"Don't worry, kilala ako ni Connor kaya puwede mo 'kong pagkatiwalaan," sabi ko na lang. "Kapag may ginawa akong masama sa 'yo, ipakulong mo siya. Kargo niya 'ko."
"HAHAHA! Grabe, siya agad ang ipapakulong? Ibang klase ka, miss." Napapailing pa siya habang natatawa. "But I will still trust you kahit di mo agad sinabing college graduate ka."
"Useless din naman ang diploma ko kung blocklisted ako sa Manila," sagot ko.
"Bakit ka ba kasi na-blocklist? Naku-curious ako, a." Sumunod ang tingin ko sa paisa-isang tusok niya ng gulay na kinakain niya at iniipon sa tinidor. "Ang rare lang kasing marinig na may blocklisted na employee unless criminal sila. Wala ka bang record sa NBI?"
Hindi ko na napigilan ang mahinang tawa ko. "Wala. If I have, hindi mo na sana ako nakikita ngayon because, for sure, I'm behind bars."
"Hmm, point taken." Napasilip siya sa digital watch niya. "Ang tagal ng food mo, a."
"Kaka-text mo lang, gusto mo agad-agad ang dating," singhal ko sa kanya. "Ubusin mo na lang 'yang pagkain mo. Mamaya na ako kakain."
"No. Sabayan na lang kita. Okay lang naman. Second plate ko naman na 'to kaya okay lang hindi agad ubusin, hehe."
Nginingisihan lang ako ni Jensen, pero hinanapan ko talaga ng timing ang tanong ko sa kanya.
"Friend kayo ni Coco, right?"
"Yep!"
"Gaano katagal na kayong friends?" tanong ko. "Curious lang ako kasi di naman kita nakikita sa university namin dati."
"Ah! Haha! I met CD sa music convention. Hindi talaga ako related sa kanya personally pero matagal ko nang kilala ang mga Dardenne. Family business thing. Seven or eight years ago kami unang nagkita in person ni Connor. Drummer kasi ako dati ng isang band, kaso matagal na 'yong disbanded. I met Dree first—yung best friend niya. Then siya afterward. So, let's say na friend ko silang dalawa. Mas close lang sila ng best friend niya."
Wait. Best friend?
"Yung best friend niya . . . yung sinasabi mong namatay recently?" asiwang tanong ko, iniingatan ang sasabihin.
"Hmm! Yep!" Mabilis siyang tumango.
Bigla akong kinabahan. Kung friend niya rin yung Audree . . .
"Um . . . nandoon ka sa funeral ng best friend niya?" naiilang na tanong ko.
Mabilis siyang umiling. "Wala. As much as possible, pinaiiwas kami ni CD sa funeral na 'yon. Hindi naman sa walang respect, but complicated kasi yung setup."
"W-What do you mean by complicated?"
"May media kasing pumunta sa funeral. Decision 'yon ng family ni Audree kaya pinaiwas kami ni CD to avoid interviews. Magaling kasi silang magmanipulate ng questions kaya mahirap sumagot lalo kung recorded."
"Oohh . . . akala ko, girlfriend niya 'yon."
"Hmm!" Nanlaki ang mga mata niya nang tingnan ako, pero hindi dahil sa gulat na inaasahan ko. Para bang joke ang narinig niya mula sa akin. "Hahaha! Nabasa mo ba sa news?"
Hindi.
"Yeah," sagot ko.
"Don't believe everything in showbiz news. It's still business."
I couldn't help but give him a side-eye.
"Familiar ka kay Damaris Lauchengco?" napapangising tanong niya.
Lalong nanlaki ang mga mata ko. "Um, kaschoolmate ko yata siya," asiwang sagot ko tungkol sa sarili ko.
"If you're not familiar with her, gist na lang about her. Fiancée siya ni Coco, ang kaso, tumakas siya sa kasal nila."
Wow, tsismoso.
"But it wasn't really about the wedding. May 600-million accumulated agreement kasing included doon sa kasal, and hindi 'yon na-fulfill ng DardenneLauchengco sa mga sponsor. Isa ang company namin sa sponsors, FYI, so yeah, you're hearing it from the sponsor's side."
Oh! Wow. I didn't know that. O baka kasi si Mama naman ang nagha-handle ng business side kaya malay ko ba?
"Everyone was blaming the side of the Lauchengcos and that brat. But after a week, lumabas ang article na may girlfriend si Coco kaya walang kasal na natuloy.
Parang ang point ng article was the reason why the bride ran away. Pang-justify lang yata sa cause ng pagtakas sa responsibility ng girl na pakakasalan niya sana. Ang problema nga lang, wala namang girlfriend si Coco at that time, so someone must fill in the role."
Ang dami kong gustong sabihin, pero na-stuck lahat sa sobrang gulat ko sa sinasabi ni Jensen. Nagpila-pila na ang tanong sa utak ko at hindi ko na alam kung ano ang uunahin.
"Coco's been trying to make amends until now doon sa napurnadang contract. Ngayon, ang problema niya naman, patay na si Audree. So wala na siyang reason pa para magtago sa mga pinagkakautangan ng family niya at ng pakakasalan sana niya. Kaya nga nandito kami ngayong dalawa sa Tagaytay. Para magtago, hahaha!"
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top