Chapter 18: Alone


I've been with Coco ever since we were born. Proud na proud pa si Mama kapag ikinukuwento niya 'yon na umbok pa lang si Coco sa tiyan ni Tita Jae, lagi na raw kaming magkasama. Hindi pa kami marurunong magsalita at maglakad, naka-prepare na ang kasal naming dalawa.

Before we graduated from college, I'd already embraced the idea of our marriage because it was the family's decision and we couldn't do anything about it.

But it was only the marriage idea I'd accepted. The wedding preparation was a total mess. Umpisa pa lang, hindi na ako komportable sa kung bakit nila kailangang madaliin ang kasal.

I felt bad for Coco and how our wedding ended. They all know that he is not just a man I should marry. He's my friend. And I lost a friend at that moment when I was forced to leave him.

It's been eight years since I last slept beside him. It was a strange feeling to me, as if I were sleeping with a stranger with an existing familiarity with him.

Wala akong idea sa oras pero sigurado akong nagbibilang na lang ako ng minuto para sa pagsikat ng araw. Nakahiga ako nang lapat ang likod sa malambot niyang kama habang titig sa ceiling. Alam kong hindi pa siya natutulog. Pareho lang din kasi kami ng posisyon—parang mga patay na handa nang iembalsamo.

Ang daming umiikot sa utak ko ngayon pero hindi ko alam kung worth it bang i-verbalize. I was thinking that if I said it out loud, what would be the benefit to me?

Sobrang bagal ng mga minuto. Naghihintay na nga lang akong dalawin ng antok nang biglang magsalita si Coco sa gitna ng katahimikan namin.

"Walang galit sa 'yo, Ram. Kung iniisip mong galit silang lahat sa 'yo—hindi."

Napahugot ako ng malalim na hininga sa sinabi niya.

"It was never your fault."

Palihim kong kinuyom ang kaliwang kamao ko habang pinananatili ko ang kawalan ng emosyon sa

mukha.

"Divine said if I'd received half-hearted love, then I don't deserve that love at all."

Ang pait ng tawa ko. "And you really thought that you didn't deserve what I could only give?"

"I thought that you didn't deserve to be forced to give me what you didn't want to give. I wasn't asking for half-hearted love. I didn't ask for anything at all. Alam mo 'yan. But I never wanted you to give me what they think I need, even if I never asked for it. Alam ko rin namang hindi mo ibibigay ang ayaw mo naman talagang ibigay."

Hearing Coco explain now made me realize that he wasn't the Coco I knew eight years ago. Everything really has changed, and it was making me feel bad.

"No'ng hinayaan kitang umalis . . . naisip kong ganoon nga lang siguro ako kadaling iwan. Naisip ko ring baka hindi mo talaga gustong makasama ako kaya hindi na rin kita sinundan."

Hindi ko na naiwasang sumagot dahil sa sama ng loob. "Saan sa sinabi kong 'babalik ako' ang mahirap intindihin?"

Hindi siya nakasagot.

"Eight years at wala kang narinig sa 'kin?" sumbat ko na naman. "Why don't you ask your cousins? Tanungin mo sila kung ilang beses kitang hinanap sa bawat bakasyon ko rito at tanungin mo rin sila kung ilang beses silang hindi sumagot ng kahit ano tungkol sa 'yo. Nakaka-disappoint lang na ang daming paraan para puntahan ako, pero hindi mo kahit kailan ginawa. Kung nagagawa ni Cali, bakit ikaw, hindi?"

Hinihintay ko siyang sumagot, kahit ipaglaban man lang niya ang side niya. Pero kahit isang depensa galing sa kanya, wala akong nakuha. Hindi ko na alam kung saan pa ba ako madidismaya.

We were supposed to sleep, but we've only spent our nights exchanging silence and short blame.

Hindi na ako nakatulog kaya nang ma-full charge na ang phone ko, nag-chat agad ako kay Cali para sabihing sunduin agad ako kapag libre siya dahil nag-away na naman kami ng pinsan niya.

Wala akong natanggap na reply, pero hindi pa man sumisikat ang araw, may nagdo-doorbell na sa condo ni Connor.

"Walang good morning!" sigaw agad ni Cali na dere-deretsong pumasok sa unit. Nakatambay lang ako sa ibabang hagdan paakyat ng loft nang makita niya ako. "Hindi ba kayo makaka-survive nang hindi nag-aaway, ha?"

"Ano na namang ginagawa mo rito, Bal?" iritableng tanong ni Coco sa pinsan niya.

"Kukunin ko muna si Ramram," sabi agad ni Cali at saka ako nilapitan.

"Why?" kunot-noong tanong ni Coco.

Kinuha ni Cali ang kamay ko kaya tumayo na lang din ako para sumama sa kanya. "Sumusunod lang ako sa utos, Bal. It's not personal."

Cali was so serious Coco hadn't got a chance to retort back. I even halt and let him take me.

I was asking myself . . . sumusunod lang si Cali sa utos . . . nino? Ni Mama? Pupunta ba kami kay Mama ngayon?

Nakasakay na kaming dalawa sa kotse niya nang maisipan kong magsalita na. Busy siya sa pag-aayos ng seatbelt nang magtanong ako.

"Pupunta ba tayo kay Mama?"

Napangiwi siya sa tanong ko nang tingnan ako.

"Gusto mo ba?"

"Inutos ba niyang sunduin mo 'ko?"

"Hindi, a! Saan mo nakuha 'yan?" sagot niya na nakapagpakunot ng noo ko.

Hindi? So . . . "Sino'ng nag-utos sa 'yong kunin ako kay Coco?"

Gusot na gusot ang mukha niya nang tingnan na naman ako. "Nag-chat ka sa 'king sunduin kita tapos tatanungin mo 'ko kung sino'ng nag-utos? 'Ba 'yan, Ram? Ano ba? Naka-drugs ka ba?"

"AKO? INUTOS KO?!"

Umikot na naman ang mga mata niya nang damputin ang phone at ipinakita sa akin ang chat ko na sunduin niya ako sa unit ni Coco.

"No wonder, hindi talaga kayo nagkakaintindihan," sabi na lang niya at napanganga na lang ako.

Ako lang pala ang nag-utos tapos kung makasagot siya kanina sa pinsan niya na sumusunod lang siya sa utos, parang doon nakasasalay ang buhay ng pamilya niya! Akala ko pa naman, inutusan siya ni Mama!

Nabubuwisit talaga ako sa kanilang magpinsan! Grr!

♥♥♥

Cali and Rex were the only closest friends I had when I thought everyone had left me.

Kahit nakakabuwisit si Cali, hindi ko idi-discredit kahit kailan ang effort niya sa pag-reach out sa akin kahit sa mga araw na wala namang importanteng okasyon.

May mga oras na nanghihinayang ako na hindi siya ang pakakasalan ko sana, pero mas marami pa rin talaga ang pagkakataong nagpapasalamat akong hindi ko kailangang i-tolerate ang pagiging nakakabuwisit niya habambuhay.

Sobrang behave at sobrang bait nga raw ni Cali.

SCAM.

And now nagkalat pa ng lahi niya.

"Tita Ram, nakikita ko na naman pagmumukha mo."

"Aba't—" Sa sobrang pagkabigla sa sinabi ni Chanak, natitigan ko lang siya habang naglalakad siya palapit sa sofa kung nasaan ako.

"Wala ka food sa inyo, Tita Ram?" Pinaiinggit pa talaga niya ang dala-dala niyang popcorn tub na puno ng laman.

"Dapat polite ka, di ba?" sermon ko pag-upo niya sa tabi ko.

"Cute ako, Tita Ram, e!"

What the f—

"Politeness has nothing to do with cuteness, brat," I explained to him. "Dapat polite ka, because good boys are cuter than smug kids."

But this kid is really the smaller version of his dad!

At talagang tinitigan lang niya ako na parang kaduda-duda ang sinasabi ko at hindi niya dapat pagkatiwalaan habang sumusubo siya ng popcorn!

"Nakakainis ka pero ang cute mo pa rin! Nanggigigil ako sa 'yo." Pinanggigilan kong pisilin ang pisngi niya.

Pero hindi gaya sa ibang bata, ayos lang sa kanya kahit nilalamukos na ang mukha niya. Baka nga mas umiyak pa siya kapag walang humahawak sa mukha niya.

Nag-away kami ni Coco buong gabi and, as usual, escape route ko na naman ang pinsan niya. May saysay naman ang pagsama ko kay Cali dahil; una, mangungutang ulit ako; at pangalawa, magpapalipas ako ng sama ng loob bago bumalik sa unit ni Coco na ayaw isuko ang maleta ko sa akin.

Ang kaso, dumating kami rito ni Cali sa alanganing oras. Bakuna raw ni Chewy at kailangan nilang umalis na mag-asawa. I'm not sure if sinasadya ni Cali na sunduin ako kay Coco dahil ang naiwan talaga rito sa bahay, si Chanak lang.

I couldn't still digest the idea of leaving Chanak alone in this house. Or maybe I was still in the process of digesting the idea of being Chanak's babysitter for today kasi sobrang "coincidence" naman na ang aga ko pang sinundo sa unit ni Coco tapos ang maabutan ko rito, yung panganay niyang makulit na walang bantay.

At ipinaiwan pa kaming dalawa! Ni hindi man lang sila nag-abalang isama kami kung saan man sila pupunta!

Ugh! Ang sakit sa ulo ng mga Dardenne at Mendoza na 'to.

"Tita Ram, bakit ka nandito sa house? Wala ka pa ring bahay?"

Mabilis na namang nangunot ang noo ko. "What do you mean by wala pa rin akong bahay?"

"Sabi ni Popsie, wala ka bahay, e. Kawawa ka naman." Saka niya ako tinapik-tapik sa balikat para patahanin ako.

Aba, humahabol pa talaga 'tong batang 'to sa init ng ulo ko sa tito at daddy niya, a.

"Okay lang 'yan, Tita Ram. 'Pag big boy na 'ko, gagawan kita house para may house ka na . . ."

Aww . . . he's so sweet.

". . . sana di ka pa patay n'un."

Nangangati ang kamay kong manakal ngayon ng tiyanak, a.

"Gusto mo na ba 'kong mamamatay, ha?" naiinis na tugon ko sa kanya. "Gusto mo nang mamatay si Tita Ram?"

"Sabi ko, 'pag big boy na 'ko, gagawan kita house! Kaso 'pag big boy na 'ko, you're old na. People die 'pag old na sila, di ba? You're not smart, Tita Ram. Go back to school, di ka magaling mag-math." Tumango-tango pa siya na parang pinagagalitan ako.

Ang stress ko sa batang 'to, Diyos ko!

Hinayaan ko na lang siyang manood ng TV na nasa harapan naming dalawa.

Chanak is just four years old, and Cali wasn't treating him as one. Kaya siguro kung magsalita siya, parang daddy rin niya. Tingin niya yata, normal lang ang conversation na parang magkakaedad lang sila ng mga kausap niya.

Cartoon naman ang nasa palabas, but I lately noticed the theme. Parang hindi pambata. Or maybe, as an adult, the subtle inappropriate jokes are too visible for me to notice it that fast.

"Sabi ba ni Daddy mo na hindi ka allowed sumama sa doctor with Chewy?" tanong ko kay Chanak, seryoso sa panonood niya habang sumusubo ng popcorn.

"It's Chewy's day. I can't take the baby's day because that's so selfish," sobrang chill niyang sagot na hindi ko alam kung kabibiliban ko ba.

"Okay lang sa 'yong alone ka rito sa house?" tanong ko ulit.

"But you're with me, Tita Ram, e! I'm not alone kaya."

"Pero okay lang sa 'yong maging alone kung wala ako? Si Daddy saka si Mommy mo, kasama yung baby tapos ikaw lang dito sa bahay."

"Popsie said it's okay to be alone every once in a while. Kakain lang ako popcorn. Saka nonood ako chinchilla. It's 'Me' time, and I can have it once a week. Basta hindi ako mansusunog ng kitchen."

"'Me' time, I see. Hindi ka sad na iniwan ka nila rito?"

Mabilis siyang umiling. "No!" Saka siya ngumiti sa akin. "Saka uuwi rin sila, e."

"How do you know na uuwi rin sila?"

"Love kasi nila ako, Tita Ram, kaya uuwi sila ket matagal."

Chanak is really a smart kid. Gusto ko mang maawa na naiwan siyang mag-isa rito sa kanila at wala man lang siyang kasama, pero parang hindi niya kailangan ng awa ko. Ni hindi nga ako maalok ng popcorn niya. Ayaw paagaw.

Saglit siyang umalis nang magbago ang palabas. Hindi ko na binalak na sundan. Nagulat na lang ako, pagbalik niya, may dala-dala na siyang dalawang bottled yogurt milk, isang pack ng potato chips, saka melon bread. Yakap niya 'yon lahat.

"Ano 'yan?" bungad ko agad at tinulungan na siya sa mga dala-dala niya.

"Sa 'yo ito chi-chips, Tita Ram. Kay Popsie 'yan pero bibigay ko na sa 'yo. May payb milyon naman si Pareng Cheese, bili na lang siya ng kanya."

Hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya.

"Eto akin, melon bread kasi favorite ko 'to. Di kita nito bibigyan, Tita Ram, pero 'wag ka magagalit sa 'kin, ha? It's okay to say no, and I will say no." Inabot niya sa akin ang isang bote ng malaking yogurt drink. "Popsie bought this for me pero bibigay ko sa 'yo isa kasi kawawa ka naman, wala ka house. Kain ikaw mabuti para tumaba ka." Saka niya ako tinapik-tapik sa balikat.

Hindi ko alam kung mabubuwisit ako, maku-cute-an, o matatawa kay Chanak. I knew Cali was doing his best to raise his kid well. Nakikita ko naman, pero nakakabuwisit lang kasi.

Most of the time pa naman, kapag bata ang nagsabi, hindi sugarcoated. You need to take it as it is.

Sure namang behave si Chanak dahil kahit ang offensive ng mga sagot niya sa akin, wala pa namang tendency na makasunog siya ng bahay. Puwede ko siguro siyang ipasyal. Dadaan kami kina Ninong Leo, baka sakaling mapagbigyan ako ng mas matinong work kahit doon lang sa satellite office nila.

"Tita Ram, ceasefire kami ngayon ni Riri. Hindi ko muna siya aawayin pero 'wag mo sasabi kay Popsie kasi baka kay Riri mag-score yung score ko, e," paalala ni Chanak sa akin bago pa kami makalayo sa bahay nila.

Gusto ko nang batukan si Cali. Bigyan ba naman ng obligasyon ang anak niya para mang-away ng ibang bata?

Hindi ganoon kalayo ang bahay nina Cali kina Ninong Leo. Wala pang kalahating kilometro, nasa satellite office na kami ng Golden Seal. 'Yon lang, wala si Ninong Leo sa lobby. Si Luan ang naabutan ko, at hindi ko alam kung marunong bang tumanda ang isang 'to. Kung paano ko siya nakita dati, ganoon pa rin ang itsura niya. Ang kaibahan lang siguro, marunong na siya ngayong magsuot ng apple green na T-shirt na may sunflower na print sa gitna.

"Pareng Luan, 'musta?"

"Psst!" Sinita ko agad si Chanak na kung makabati sa tito niya, parang makikipag-inuman lang!

"Akala ko ba, ceasefire ngayon?" balik ni Luan kay Chanak. "Wala si Rion, nasa playground. Bakit nandito ka?"

"Kasama ko po si Tita Ram. Wala siya bahay, e. Baka may isa ka pa bahay, Pareng Luan, bigyan mo naman siya, o!"

"Pfft! Hahaha!"

"Huy!" Binalot ko agad ang buong mukha ni Chanak gamit ang magkabila kong palad at pinandilatan para pagalitan. "Behave ka nga! 'Apakadaldal, sumbong kita sa mama mo, gusto mo 'yon?"

Ang sama rin ng tingin ko kay Luan na tawa lang nang tawa sa puwesto niya sa front desk. Wala siguro si Ninong Leo ngayon kaya siya ang bantay rito sa opisina.

"Tita Ram! Alisin mo kamay mo!"

Bilib na talaga ako kay Kit kung paano niya natatagalan 'tong panganay niya. Nakaka-stress kasama!

May competition nga ng best baby win sa pagitan nina Ninong Leo at Ninong Clark. But I think Luan and Chanak are on good terms. Luan knew how to lure Chanak, and it was definitely a surprise that he didn't offer him toys.

Para lang mag-behave si Chanak, nilatagan niya talaga ng drawing tablet at mesa pati subject kaya hayun, Do Not Disturb mode na ang bata. Nagagalit kapag iniistorbo siya sa drawing niya.

Napatambay tuloy ako sa front desk at inusisa ang trabaho roon ni Luan maliban sa pagbabantay.

"Blocklisted ka raw. Nakatanggap ako ng memo," balita ni Luan.

May sarili na siyang eCommerce store, at kahit hindi graduate ng college, may mina-manage na ring sarili niyang negosyo. Curator pa ng mga digital item.

"Pati ikaw? Why? Ano ba'ng inaasahan ni Mama na work ko sa 'yo para ipa-block niya rin ako sa negosyo mo? Ganoon ba talaga kalaki ang galit niya sa 'kin porke sinagot ko siya?"

Natawa nang sobrang sarcastic si Luan, hindi ko alam kung mao-offend ba ako.

"Tingin mo naman, ganiyan ka-petty si Ninang Mel," natatawang tugon niya sa 'kin. "She's just showing Coco what she can do."

Mabilis na nangunot ang noo ko. I'm not getting it. "What do you mean by that?"

"If you're struggling with employment because of Ninang Mel and everyone's not meddling, then it's a serious business for us. Nakipagsagutan ka nga raw sa mama mo sa funeral ni Audree."

"Kaya nagpaka-petty siya at ipina-block ako sa mga employer," naiiritang sagot ko.

"Pero ang kuwento ni Daddy, wala naman daw pakialam si Ninang Mel kung sinagot mo siya. Ang hindi lang niya nagustuhan, 'yong sinagot siya ni Coco after that. Ang tahimik ni Tita Shin sa issue, e. Ibig sabihin, naiintindihan niya ang resolutions ngayon ni Ninang Mel."

Unti-unting nagduda ang tingin ko kay Luan dahil sa mga naririnig ko. Sinagot ni Coco si Mama? Ano'ng meaning n'on?

"Hindi ko rin alam kung bakit ka umuwi agad, pero sana hindi ka na lang muna umuwi. Or I think sana nagpasundo ka na lang kay Cali para walang conflict," dugtong ni Luan sa sinasabi niya. "Sobrang panic nina Ninong Clark no'ng nalaman nilang nasa funeral ka ni Audree."

"Panic?" Lalo akong nagtaka. "Bakit nila kailangang mag-panic?"

"They thought you planned to make a scene kaya sinakto mo talaga ang uwi mo sa last day ng lamay ni Audree. Akala pa nga ni Ninong Clark, may pa-grand entrance ka pa, e. Thankful talaga sila na chill ka lang no'ng dumaan ka sa chapel. Anak ka pa naman ni Ninang Mel."

"Wait. I don't get it. Anong grand entrance? Bakit may grand entrance?"

"Ano ka ba? Kabit 'yon ng ex-fiancé mo, ano ba'ng dapat nilang asahan? Kaya ka nga nag-decline sa kasal n'yo, right? Dahil do'n sa babae."

THE FUCK?

Wait! Wala akong naiintindihan! Ano ba 'tong sinasabi ni Luan?


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top