Chapter 17: Close


I left.

That was the truth everyone was holding on to.

I ran away on the same day as my wedding.

I was accountable for the damage it had done. I left . . . but I didn't leave without a reason.

Eight years silang tumahimik tapos ngayon lang sila manunumbat. Hindi naman one-day process ang kasal na 'yon. Sina Mama, baka matanggap ko pa ang mga sumbat, pero si Coco? Sa kanya pa talaga nanggaling?

Matapos ang sagutan namin kanina, nagtago na lang ako sa balcony niya kahit ang lamig ng hangin. Ang taas ng floor ng unit niya kaya mas lalong malamig. Thankful na lang ako na naka-leather jacket ako. Kahit paano, hindi ganoon kalamig kahit naka-tank top lang ako. 'Yon lang, mukha ko naman ang nag-suffer.

Inabutan na nga ako ng hatinggabi kaiiyak dito. Namumugto na lang ang mga mata ko matapos mapagod sa paglalabas ng sama ng loob.

Alam kong ako ang umalis sa araw ng kasal namin, pero huwag niya akong sasabihan na parang umalis ako dahil gusto ko lang. If he didn't want me to leave, he shouldn't take Gaia to help me escape from that place.

Hindi na sana siya naghintay sa gate ng farm.

Hindi na sana siya nagpaalam sa akin.

O gaya ng unang alok ko . . . sumama na lang siya sa 'kin at aalis kaming dalawa para sina Mama na lang ang kumargo ng kasal na sila lang naman ang nagplano at hindi kami isinama.

Kung tutuusin, mas madali pa ngang maghintay sa altar kaysa itakas ang kabayo ko sa barn. Puwede naman siyang maghintay sa dulo ng aisle pero mas pinili niyang maghintay sa dulo ng farm.

But he chose to stay there. And now I wanna know if I was the one who really left or if he just chose them over me without me knowing it.

Dala niya si Gaia no'ng araw na 'yon. Sa daming beses niya akong kinulit na samahan siya, unang beses niya akong inalok na kung ayokong samahan siya, puwede akong tumanggi.

At sa dami ring beses kong tumanggi sa bawat pag-aya niyang umalis, unang beses din akong pumayag na umalis gaya ng alok niya.

I badly wanted to know how Kuya Eugene and Carmiline found another love after parting ways. I wanted to know how it works because I never saw myself being with anyone after I left Coco.

A part of me hoped that maybe . . . someday, I could go back home. That maybe Coco would welcome me again since he was the only one I said goodbye to before I left. I assumed that since he let me leave eight years ago, he understood the reason behind it because he agreed to it. But now it doesn't make sense to me.

Akala ko, naiintindihan niya 'ko.

Akala ko, hindi siya gaya nina Mama.

Akala ko lang pala lahat.

Sinilip ko ang phone ko. Ayaw mag-on. Pinindot ko ang power button kaso biglang lumabas ang logo at nag-notify na wala nang battery.

Hindi ako makaalis dito sa unit ni Coco. Aside sa kulang na ang pamasahe ko, nasa maleta ko pa na naka-lock sa storage room ni Coco ang natitirang inutang ko kay Cali.

Ayokong maki-charge sa loob. Nahiga na lang ako rito sa customize cot niya sa balcony na mukhang ginagawa rin yata niyang tulugan dahil kompleto sa gamit—may unan, may kumot, may mattress.

Naiinis ako sa amoy. Amoy cologne niya. Mabango sana, pero dahil naiinis ako sa kanya, naiinis na rin ako sa amoy.

Hindi pa ako nagtatagal sa paghiga, nag-iingay na agad ang tiyan ko. Maliban sa mani at pugo, wala pa akong ibang kinakain ngayong araw. Hindi ko pa nga maalala kung nakapag-almusal ba ako dahil ang aga kong umalis pa-Tagaytay.

Kakausapin ko na lang muna bukas si Cali. Problema ko rin siguro na maliban sa kanila, wala na akong kaibigan. Kaya rin ang hirap kumilos kasi kilala rin sila ni Mama. Ka-close pa.

Ang ingay na talaga ng tiyan ko. Kinuyom ko na lang ang damit ko para ipitin ang sikmura ko.

I could imagine those people who would pay just to see me suffer. I could hear them asking me, "What does it feel like to be a Vizcarra-Lauchengco while suffering from hunger?"

If Tita Shin suffered more than this when she was my age and still could cut anyone's throat until now, then this night is just a hungry night for me. I should work hard today just not to have another hungry night again.

I was conditioning my brain to not feel hungry when a hand suddenly grabbed my right arm and effortlessly pulled me up until I sat on the bed awkwardly.

Hindi na rin ako nagulat nang mabungaran ko agad si Coco na masama pa rin ang timpla pero naghatak naman ng end chair na malapit sa paanang parte ng hinihigaan ko. Hindi naman siya naupo. Minata ko agad ang hawak niyang paper bag at ia-assume ko nang pagkain 'yon. If not, lumayas siya sa harapan ko, hindi ko kailangan ng existence niya.

"Sabi ni Jensen, wala raw kayong kinain kaninang tanghali. Hindi rin niya napansin since nag-coffee siya bago ka dumating," paliwanag niya. Kusang sumunod ang mata ko sa mga inilabas niya sa paper bag.

Food, bitch. As it should.

Nasa cream-colored clamshell container ang rice meal na binuksan niya. One cup ng rice, may egg na mukhang fake dahil microwaved, at tapa strips. It was still hot, I could see the smoke coming from the rice. May bottled orange juice din siyang inilabas mula sa paper bag at inilapag lahat 'yon sa hinatak niyang end chair. Akala ko, may sasabihin pa siya pero umalis din pagkatapos. Wala na rin akong sinabi. Kumain na lang din ako.

Hindi sa pagiging maldita, pero responsibility niya naman talagang pakainin ako matapos niyang i-lock ang maleta ko sa storage room. If not, then I'll consider this as kidnapping. Huwag siyang umasang mababawasan ang atraso niya sa akin dahil lang binilhan niya 'ko ng pagkain. Hindi ako kikiligin sa bare minimum, just so he knows.

Disposable naman ang lahat ng ginamit ko sa pagkain kaya mabilis ko iyong itinapon sa maliit na trash bin na naroon sa sulok ng balcony.

One of the best traits din siguro iyon ni Coco na nakuha niya sa pagdidisiplina nina Tito Rico. Ayaw nina Tito ng messy na lugar, and Coco earned a lot of money just by cleaning their house. Instead of hiring a maid or a cleaner, siya na lang ang babayaran para sa lahat ng lilinisin—and the ring I'm wearing right now holds the money he worked hard for. Kaya rin siguro lalong sumama ang loob ko sa sinabi niyang itapon ko na lang ito kung talagang galit ako sa kanya. Para na rin kasi niyang sinabi na itapon ko ang lahat ng inipon niyang pera na pinaghirapan niya mula pa noong bago kami ikasal sana.

Yes, it wasn't my money to begin with. All I did was choose what ring I wanted to wear once I became his wife. But as I remembered those days and nights when he was bragging about earning even a hundred pesos for washing their dishes, it was hard to say that this was just a simple ring worth hundreds of thousands. It was priceless for me. You can't buy those years spent. It was more than he was asking for.

And it was sad that he really gave it a price, as if money could buy him contentment. Hindi ko alam kung dahil ba pinalaki lang siya nina Tito Rico na lahat ng bagay, may katumbas na pera kaya hindi siya naniniwala sa mga bagay na priceless.

Idinaan ko na lang sa mumog ang hindi magawang pagtu-toothbrush. Nasa maleta ko ang toiletries ko. Lahat! Naka-lock.

Ang galing. Sobrang galing.

Ilang minuto pa akong nag-contemplate kung makikipagsigawan na naman ba ako kay Coco para lang mabawi ang maleta ko.

Ayokong mag-risk na aalis na lang akong basta nang walang kahit anong dala. Letting my ego win right now and leaving my things here was not a good idea. To be honest, that would be a very dumb decision. Wala kang pera, wala kang damit, wala kang connection, walang battery ang phone, and you would assume that everything will fall from the sky because you're pitiful?

Bitch, you're just pitiful, period. No ten million pesos will land on your fucking arms just because you're letting your brat self win.

I suffered enough for the past eight years. Kung hindi pa sapat na karma 'yon sa 'kin para sa kanila, then bahala na sila. Now I want my freedom back.

May energy na ulit ako para makipagtalo kay Coco, at kung isusumbat niya sa akin na pinakain niya ako, talagang babasagin ko ang pen display niya just to get even. Huwag niya akong susubukan. I've already lost everything. I can't lose anything more.

Bumalik ako sa loob ng condo niya at naninibago ako. Walang kakaiba sa paningin ko kasi same pa rin naman mula kaninang nag-walk out ako, pero parang hindi ako komportable. O baka dahil masama pa rin ang loob ko at hindi ko pa totally tanggap na kakausapin ko na naman siya.

"C—" I almost choked on the first letter of his name. Hindi ko na itinuloy kasi hindi ko siya makita. Ayoko rin siyang tawagin sa pangalan niya.

Akala ko, wala siya, pero napalukso ako patalikod nang may tumunog sa likuran ko. Napandilatan ko si Coco dahil sa gulat at halos tingalain siya nang magtapat kami. Nakatingala pa rin ako pero bumaba ang galaw ng mga mata ko dahil sa kumakalansing na hawak niya.

Susi!

"May mall naman sa ibaba nitong tower. Yung bagong toothbrush mo, nasa sink na. Color red. Nakasampay na rin sa bathroom ang mga pambihis mo kasama ng towel. Umakyat ka na lang sa itaas kung matutulog ka na."

"What?" litong-lito kong tanong. Sinundan ko siya ng tingin nang lampasan niya ako.

"Wireless ang charger ko sa nightstand. Sabihin mo lang sa 'kin kung gagamitin mo."

"Puwede akong mag-charge sa sof—fuck."

Putang ina.

Putang ina! Nasaan yung putang-inang sofa?!

Saan ako matutulog?!

Mabilis kong nilingon ang balcony at napanganga na lang ako nang makitang naka-lock na ang glass door.

Ni-lock niya agad 'yong glass door pagpasok ko?!

"COCO!" Ang lakas ng sigaw ko nang lingunin siyang paakyat na ng loft.

"Bibigyan pa rin kita ng choice, Ram." Itinuro niya ang ibaba. "Matutulog ka sa sahig . . ." Sunod niyang itinuro ang itaas. ". . . o matutulog ka sa tabi ko. Sanay ka namang pinahihirapan ang sarili mo, right? Then, mamili ka na lang ngayon kung saan mo gustong mahirapan. You choose."


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top