Chapter 16: Reproach

Matagal naman nang nakakabuwisit si Coco, pero hindi ganitong klase ng nakakabuwisit.

Sisingilin niya ako sa singsing na ako mismo ang pumili, tapos ngayong nakahanap na ako ng trabaho para may pambayad sa kanya, saka siya mag-iinarteng punyeta siya?

"Okay, dude. Here's the thing, blocklisted daw si Ram sa Manila," Jensen started, and Coco didn't say anything against it since that was the truth and he knew about that.

"So?" Coco answered sarcastically.

"So . . . sa akin muna siya."

Ang bilis ng shifting ng reaction ni Coco sa balita ni Jensen. "ANONG SA 'YO MUNA SIYA?"

"Dude, wala nga kasi siyang bahay—"

"ANONG WALANG BAHAY?" Saka siya bumaling sa akin. "Wala kang bahay? Talaga ba?"

"Pinalayas nga ako ng mama ko," naiiritang sagot ko. "At puwede ba? Tumigil ka na nga sa kakareklamo mo! Naghahanap ako ng maayos na work para mabayaran ko ang singsing ko tapos mangingialam ka."

"Bakit mo kailangang pahirapan ang sarili mong makapaghanap ng trabaho, hmm?" galit na namang tanong niya. "Para lang sa singsing? Para diyan lang? Akala ko ba, galit ka sa 'ASAWA' mo? Kung galit ka pala, e di itapon mo 'yan! Bakit nagpapakahirap ka pang bayaran 'yan, ha?"

Hindi naiwasan ng tainga ko ang magpanting sa sinabi niya. Lalo tuloy uminit ang ulo ko.

"Bakit ako nagpapakahirap? Because this is my fucking ring, Connor Dardenne! This is all I had when everyone left me! At wala kang pakialam kung gusto kong pahirapan ang sarili ko. You have no idea how much suffering I've gone through, so don't ever preach to me about it dahil no'ng umalis ako, hindi ako naghanap ng iba! At alam ko sa sarili ko na hindi ako ang nangako ng kung ano-ano na hindi naman pala matutupad!"

Hindi ko na siya hinintay na makasagot. Umalis na lang ako roon agad.

"Ram!" tawag ni Jensen.

"Babalik ako bukas dito! Kukunin ko lang ang lahat ng gamit ko!"

Lumabas na agad ako ng lugar na 'yon para dumeretso na sa sakayan ng bus.

Ilang araw nang masama ang loob ko. Ilang taon na nga kung tutuusin. Eight fucking years of misery, and it was still my fault. Lahat na lang isisisi sa akin.

Hindi naman sana ako magagalit kay Coco kung may iba na pala siya, kasi desisyon niya naman 'yon, e. Labas na 'ko ro'n. Pero yung sisingilin pa 'ko sa singsing? What for? Para gatungan pa si Mama sa pagpapahirap sa 'kin?

Mas okay pa talagang wala silang lahat sa buhay ko. Hindi ko kailangang ma-stress kaka-adjust para lang mabuhay ako sa araw-araw. Imbes na tulungan nila ako, sila pa mismo ang nagpapahirap sa 'kin.

Nakasakay ako ng bus pa-Manila bago mag-alas-kuwatro, pero hindi talaga maganda ang kahit anong oras sa hapon dahil ang tagal ng biyahe lalo sa bandang Dasma. Sa sobrang dami ng nangyari sa rest house, ni hindi na nga ako nakapananghalian, mukhang hindi pa ako makakapaghapunan. Alas-sais y medya na ng gabi pero nasa Imus pa lang ang bus at ginugutom na ako.

Tapos ang bobo ko pa. Hindi ko nasingil si Jensen sa pinambili ng bagong spark plug niya. Magkano na lang ang natira sa budget ko.

Napapagod ako pero hindi kasi ako puwedeng puro pahinga lang. Lalong walang mangyayari sa buhay ko kung paiiralin ko ang katamaran.

Kung hindi lang dahil sa umakyat na tindero ng mani, pugo, at chicharon, hindi siguro ako makakakain ng kahit na ano hanggang makabalik sa unit ni Coco.

Pagtapak na pagtapak ko pa lang sa loob, mukha na agad ni Coco ang bumungad sa akin. Alas-diyes na ako nakabalik sa unit niya at mukhang kanina pa siya naunang makauwi.

Pairap akong dumeretso sa storage room kung saan ko iniwan ang maleta ko, pero pagpihit ko ng doorknob, naka-lock pala.

"Kukunin ko na ang mga gamit ko," masungit na sabi ko kay Coco, iwas ang tingin sa kanya.

"You're not going anywhere, Ram."

Ang sama agad ng tingin ko nang lingunin siya. "Tingin mo ba, ikaw lang ang puwede kong asahan ngayon?" sarkastikong tanong ko sa kanya. "Hindi ako pinalaki ni Mama para lang maging gaya ng papa ko, Connor. I've spent my eight years living alone. Do you really think that this is something new to me?"

His face screamed anger and sadness—I couldn't blame him. Maybe we both feel the same right now.

"You left me, Ram," he said in a lower voice.

"Ah! I left you." I released a bitter laugh. "Said by the man who told me I could leave if I didn't want to attend my own wedding." I could still taste the bitterness in my mouth. "You gave me a choice, Connor. If you didn't do that, I could have married you. But you did. And now you're blaming me? For what? Because I chose not to marry you?"

"You didn't marry me, and I accepted that! Pero ano 'tong ginagawa mo ngayon? Kinuha mo 'yang singsing nang walang paalam tapos sasabihin mo kay Jensen na kasal ka?"

"And what's it to you, hmm?" I looked at him with so much dismay. "If I tell everyone that I'm not free to have another relationship other than my husband, what's it to you?"

His eyes were telling me a lot of things, but no words came from his mouth.

"No'ng nalaman kong may girlfriend ka, wala ka namang narinig sa 'king negative, di ba? Dinamayan pa nga kita. Umuwi ako para lang sa 'yo kahit wala sa schedule ko. Nakarinig ka ba sa 'kin kahit isang reklamo?"

"No one asked you to leave!"

"No one wanted me to leave because they had their own agenda! Kahit ikaw, alam mo na ayoko ng kasal na 'yon pero pinilit nila! Alam mong hindi para sa 'ting dalawa ang kasal na 'yon!" Itinaas ko ang kaliwang kamay ko. "I chose this fucking ring, and we bought it together! Pareho nating alam na may singsing silang ipinagawa para sa 'ting dalawa, pero pinili kong bilhin 'to kasama ka! For the past eight years, I've been wearing this ring. I've been telling people that I'm married kasi no'ng sinabi mong ako lang, ako lang! Umalis lang ako, pero umalis akong kasama ka! Kasi nangako ka! At nangako akong babalikan kita kapag puwede na! Ngayon, kung bumalik akong may kasama ka na palang iba, hindi ko na problema 'yon kaya huwag mo 'kong susumbatan!"


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top