Chapter 15: Bicker
Okay, it makes sense. The reason for buying this place, the absence of Jensen's "friend," and everything. It all makes sense.
I was sitting beside Jensen and across from Coco, with an obvious annoyance written all over his face.
Blocklisted ako sa Manila at nag-attempt ako sa lugar na sure akong mabibigyan ako ng work without judging my background at sa lugar na sure akong hindi ako hahabulin ni Mama. After all, hindi ideal kay Mama ang provincial rate maliban na lang kung related sa agri-business, livestock, o magbebenta ng farmland ang usapan.
"Okay, dude, here's the thing," paliwanag na naman ni Jensen. "Ram is looking for Sir Venus. Of course, nasa NZ na sila, so wala na siyang naabutan dito aside sa 'kin. Need kasi niya ng job, so—"
"Nagpauto ka naman," putol ni Coco sa kaibigan niya.
"Uy, hindi, a!" depensa agad ni Jensen.
"Bakit mo ba pinag-iinitan si Jensen, e nagmamagandang-loob lang naman siya?" singhal ko kay Coco. "Co-owner siya nitong rest house. Hindi ka niya boss. Kung kumuha man siya ng assistant or secretary, labas ka na do'n."
"Yeah, yeah," Jensen agreed.
"What's her full name?" Coco asked Jensen innocently, as if he had no idea about the answer to his question.
"Um . . ." Jensen looked at me to search for his answer.
I spoke, "I don't think that's necessary—" but Coco cut me off.
"Tell me how unnecessary that is for him to trust you that easily, and I'll shut my fucking mouth."
I hate him to death.
I saw Jensen's reaction, shifting his gaze to me and Coco so many times, waiting for the next rebuttal.
"See? Even your real name, hindi mo sinabi kay Jensen, tapos gusto mong mag-work sa kanya? Ang lakas naman ng loob mo."
"Talagang malakas ang loob ko! Kailangan ko ng work, e. Sorry, ha? May kailangan kasi akong bayaran. Hindi ako makakaipon ng 350 thousand pesos kung uupo lang ako maghapon. Sana may common sense ka para maisip 'yan," sarcastic na sabi ko sabay halukipkip ng mga braso.
"Yeah, yeah!" Jensen exclaimed. "Dude, someone's taking her wedding band pala kaya need niya nga ng work. Harmless naman siya, and she fixed our car din."
I saw Coco's glare at Jensen. "Why do you have to take responsibility for her loans?"
"Dude, hindi naman sa nagte-take ako ng responsibility. She fixed our car, and I promised na bibigyan ko siya ng work. She's doing great, and I think okay naman siyang ka-work."
"Ano muna'ng real name niya at tatahimik ako," hamon ni Coco na gusto ko nang batuhin ng laptop.
"Sasabihin ko ang real name ko kay Jensen mamaya," sabi ko na lang.
"Bakit hindi ngayon?" tanong ni Coco na lalong ikinainit ng ulo ko. "Real name mo lang, hirap ka pang sabihin?"
"Ayokong sabihin sa harapan mo," mataray na sagot ko. "Sasabihin ko 'yon sa harap ni Jensen kasi siya naman ang magpapasahod sa 'kin, hindi ikaw."
"Oh, come on." Napakibit siya ng balikat. "How can you trust someone who can't even say her real name?"
"Why? Sinasabi mo ba sa lahat ng tao ang real name mo kahit 'kakakilala' mo lang sa kanya?" hamon ko sabay ngisi.
He smirked at me too and sarcastically leaned forward. "I have a calling card. I am giving my real name to people because I'm not doing something illegal. Sana ikaw rin."
Buwisit siya. BUWISIT TALAGA SIYA!
"Then if you don't like me here, e di sa iba na lang ako maghahanap ng work!" naiirita nang sagot ko kay Coco bago hinarap si Jensen na kanina pa palipat-lipat ang tingin sa amin ng kaibigan niya. "Nakikitira ako sa 'friend' ko pero aalis na rin ako mamayang gabi. Wala akong matitirhan, just so you know. Kaya ang perang ipambabayad mo sa akin ngayon, gagamitin kong pambuhay sa akin kahit sa isa o dalawang araw lang."
"Aw, that's quite distressing," malungkot na sabi ni Jensen. "You can stay with me. Wala namang ibang tao sa bahay ko—"
"Akala ko ba, babayaran niya ang singsing niya?" biglang sabad ni Coco sa usapan namin ni Jensen. "Kung may asawa pala siya, e di umuwi siya sa asawa niya!"
Nakakaputang-ina talagang kausap 'tong gagong 'to, nanggigigil na 'ko, e.
"Alam mo, Jensen, hindi ko alam kung paano ako uuwi sa 'asawa' ko kasi nalaman ko lang noong isang araw na may girlfriend pala siya at eight years silang magkasama. And you know what? Eight years na rin kaming kasal. I felt cheated!"
"Oh!" Jensen covered his mouth with his clenched fist. "That's a shock!"
"Ugh! Please!" Coco expressed his dismay and landed his back on the chair.
"Puwede akong mag-stay sa 'yo. Paglulutuan kita every day if you want," pilit ko pa. "Hindi ka na lugi. Good deal na 'to—"
"Oh, shut up," Coco interfered.
"You shut up! Am I talking to you?" I chided.
"You're not a good deal. Don't oversell yourself!"
"Am I overselling?" I sarcastically asked. "You have no idea what I can present if I oversell myself. I'm just selling a breakfast deal with my client, and I'm not yet going into the allied disciplines. Tell me about overselling once I start explaining the mobilization of resources."
"Tell me about your real name first before I consider your offer as sold," he dared.
"I'm not selling anything to you, Mr. Dardenne. Si Jensen ang kausap ko, hindi ikaw. Papansin ka naman." Bumaling agad ako kay Jensen na nagulat kasi tiningnan ko siya—parang hindi pa makapaniwalang kasama pala siya sa usapan namin ni Coco. "Deal?"
"May asawa ka tapos uuwi ka sa iba?" biglang sabad ni Coco kaya ang talim na naman ng tingin ko sa kanya.
"Pakialam mo naman kung umuwi ako sa iba? Asawa ba kita, ha?" Bumaling ulit ako kay Jensen at itinuro si Coco. "May asawa ba siya?"
Mabilis na umiling si Jensen, walang sinabi.
"Wala ka naman palang asawa, bakit nagrereklamo ka?" singhal ko pa kay Coco.
"Sabihin mo kung ano'ng pangalan mo at sino ang asawa mo para tumahimik ako," hamon na naman niya.
"Bakit ko kailangang mag-explain sa 'yo, hindi naman ikaw ang magiging boss ko?"
Coco was about to retort when Jensen cut him off.
"Okay, people! That's enough bickering. Grabe, nakaka-stress kayong pakinggan." Kinalabit ni Jensen ang braso ko at itinuro ng ulo ang gilid para pasunurin ako sa kanya. "Mag-uusap lang kami, dude. Stay ka lang muna diyan."
Coco and I were exchanging deadly glares until Jensen and I entered another empty part of the house. Hindi ako sure sa plano nila sa area na 'yon, pero mukhang open space for table games ang itsura.
Doon ako pansamantalang pinatambay ni Jensen dahil naramdaman na rin yata niyang nagkakainitan na talaga kami ni Coco.
Umupo ako sa patong-patong na lumber at huminga nang malalim. Tanaw pa rin ang Taal sa lugar na 'yon, pero mas marami nang nakaharang na tangkay at dahon ng mga puno mula sa ibabang parte ng bangin kaya hindi ganoon kaganda ang view.
"Sorry kay CD, hindi naman siya talaga ganyan ka-harsh. Maybe he's still grieving, and unexpected ang pagdating mo. Baka hindi lang siya mentally and emotionally prepared, but he's nice, trust me. Pero may point din siya. Hindi ko pa kasi alam ang real name mo. Puwede ko bang malaman?"
Ang lalim ng buntonghininga ko dahil hindi ko alam kung magsasabi ba ako ng totoo. Kilala niya si Coco kaya malaki ang chance na kilala rin niya sina Papa. Ang hirap i-defend n'on kung alam niyang may capability akong bilhin itong buong rest house sa kanya kung may access lang ako sa resources ko bilang Phoa-Vizcarra at Sy-Lauchengco.
"Honestly, hindi ko alam ang isasagot ko," seryosong tugon ko sa tanong ni Jensen at tiningala siya mula sa tabi ko. "Sorry if I lied. Graduate ako ng college. May degree ako sa industrial design, major ko ang automotive. Yung kotse? Basic lang sa 'kin 'yan. I design cars. Galing akong abroad. Pero alam mo? Four years akong walang natanggap na call o kahit text sa parents ko. Umuwi ako rito sa Pilipinas nang walang paalam, at pag-uwi ko rito . . . pinalayas ako ng mama ko. Walang ginawa ang papa ko para pauwiin ako sa bahay namin. Yung . . . asawa ko. . . may girlfriend . . . na wala akong kaalam-alam kasi nasa ibang bansa ako. Alam ng parents ko ang tungkol sa babaeng 'yon pero hindi man lang nila ako sinabihan kahit minsan lang mula nang umalis ako sa bansa. Nag-apply ako ng work pag-uwi ko pero pina-blocklist ako ngayon sa mga employer sa Manila dahil lang may nakasagutan akong . . . negosyante na ayoko ang inuutos sa 'kin . . . kaya nandito ako sa Tagaytay. Kasi alam kong walang magpapalayas sa akin dito. Sobrang bait nina Boss Venus, sigurado akong kukupkupin nila ako."
Nakikiusap ang tingin ko kay Jensen.
"Hindi ko alam kung makakaya ko pang gamitin ang pangalan ng mga taong nagpalayas sa 'kin kaya wala akong matirhan ngayon. Hindi ko alam kung may karapatan pa ba akong gamitin ang apelyido nila kung hindi naman na nila ako tanggap. Apelyido nga nila ang dahilan kaya hindi ako matanggap sa trabaho dahil blocklisted ako. Kung palalayasin mo rin ako. . . ayos lang. Sanay naman na 'kong walang nauuwian."
Hindi na napigilan ng isang luha ko ang tumakas, pero mabilis ko 'yong pinahid at desididong tiningnan si Jensen.
"Pero hindi na baleng wala akong mauwian, basta 'wag lang bawiin sa akin ang singsing ko. Di baleng matulog ako sa daan, basta meron lang akong trabaho. Kahit trabaho lang, Jensen. Kahit 'yon lang."
Saglit pa akong nakiusap ng tingin sa kanya. Ilang saglit pa, siya na ang pumutol sa titigan naming dalawa.
"All right. I'll let you stay with me. Kakausapin ko lang si CD, then I'll take you home."
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top